AshErien Aozaki's Pov
Kahit ako, sobrang kinabahan sa pag-aakalang hindi kami aabot sa tamang oras pero nagpapasalamat pa din ako dahil hindi pumayag itong kasama ko na mabigo kami.
"Okay ka lang?" tanong ko sa babaeng ito na nananatili lang na nakatayo sa may pintuan nitong train control. "Siguradong napagod ka sa dami ng nakalaban mong zombies. Baka gusto mong maupo at magpahinga muna. May sampung minuto pa naman tayo bago makarating sa susunod na estasyon."
"I'm fine."
"Sigurado ka?" muli kong tanong. "Hindi ka naman siguro nakagat o na-infect ng mga iyon, right?"
"Nakita mo bang nahawakan ng sinuman sa kanila maski dulo ng buhok ko?" balik tanong nya sa akin na ikinaisip ko pagkuwa'y inilingan ko. "Then, I am fine at hindi ako infected. Just do your job and don't mind me."
"I am doing my job." sabi ko. "Ano nga palang pangalan mo? I'm Ash Erien, by the way. Pero pwede mo akong tawaging Ashen." Nakita ko ang panlalaki ng mga mata nya na ikinakunot ng noo ko. "Bakit? May problema ba?"
Hindi agad sya sumagot pero ilang sandali din ay nag-iwas sya ng tingin tsaka umiling. "I just know someone named Ashen."
"Ah. Common naman kasi ang pangalang iyon but I find it cool kaya mas gusto kong iyon ang tawag sa akin." sabi ko. "Ikaw? Ano bang pangalan mo? Parang ayaw mong sabihin eh."
"I don't have a name."
"Eh?" Wala syang pangalan? Imposible naman yata iyon.
"Sa tagal ng panahon kong nanirahan sa mundong ito, nakalimutan ko na ang pangalang meron ako." aniya na bahagya kong ikinatawa.
"Kung makapagsalita ka naman ay para bang ilang daang taon ka nang nabubuhay." Napailing nalang ako. Baka ayaw nya sa pangalan nya or mag-isa lang syang naninirahan, walang kaibigan o kamag-anak na tatawag sa kanya kaya hindi na nya maalala ang pangalan nya. "Kung wala ka talagang pangalan, then, ako nalang muna ang magbibigay sayo para naman hindi 'babae' o hoy ang itawag ko sayo."
"I don't need it."
"Kailangan mo iyon hangga't magkasama tayo." pilit ko tsaka nagawi ang tingin ko sa katana'ng hawak nya. "Katana." Inilipat ko ang tingin sa kanya tsaka sya nginitian. "Iyon ang itatawag ko sayo since napansin kong hindi mo binibitiwan iyang hawak mo."
"Katana." mahina nyang sabi tsaka tumitig sa hawak nya pagkuwa'y bumuntong hininga. "Do what you want."
"Yon!" masaya kong sabi tsaka itinuon na ang tingin sa dinadaanan ng train. "Anyway. Kanina ko pa ito gustong magtanong sayo eh. Pwede ba?"
"Yeah."
"Assassin ka ba?" Hindi na ako nag-abala pang tumingin sa kanya. "Well, parte kami ng kapatid ko sa isang yakuza clan kaya pamilyar ako sa galaw ng isang assassin."
"Huwag mo akong i-level sa mga walang kwentang nilalang na iyon." malamig nyang sabi. "I am used in killing but I didn't do it because of money just like those trashes."
"Ah. Kung hindi ka assassin pero ganoon ka kagaling makipaglaban meaning, isa kang secret agent."
She didn't answer but when I look at her, she immediately shook her head. "Not anymore."
"Not anymore? Ibig sabihin, dati ka talagang secret agent?"
"Yeah."
"Woah." Muli kong inilagay sa auto pilot ang train tsaka humarap sa kanya. "Seriously? Naging secret agent ka talaga?"
Tumango sya.
"Woah. Hindi ko akalaing may makakaharap akong tulad mo." mangha kong sabi. "Ang totoo kasi nyan, sobrang fan ako ng mga secret agent to the point na pinangarap kong maging tulad nila. So, paano ba maging katulad mo? Paano makapasok sa isang under covered agency?"
Hindi sya sumagot kaya sinimulan ko nang magpa-cute. Baka sakaling madaan sa ka-cute-an ko. At hindi nga ako nabigo dahil bumuntong hininga sya. "Kung may potential ka, sila mismo ang lalapit sayo para i-recruit ka. Swerte ka kapag may na-encounter kang tulad nila dahil kahit wala kang potential, basta malaman mo ang tungkol sa kanila ay maaari ka nilang gawing agent. Well, iyon ay kung mapapagkasunduan iyon ng mga namamahala sa kanila."
"For exampe, mahina ako pero nagkita tayo habang nasa misyon ka at nalaman kong isa kang secret agent, pwede mo akong gawing agent?"
Tumango sya. "Something like that. Some of my former co-agents, ganoon ang pinagdaanan kung bakit nakapasok sa dati kong agency."
"Cool."
"W-what about you? Paano ka naging parte ng Yakuza?" Hindi ko inaasahan na magtatanong din sya kaya napangiti ako. Akala ko ay wala syang pakialam sa paligid nya.
"We're abandoned by our own parents then, doon kami napadpad sa lupain ng mga Ryougi. Kaya ayun, kinupkop nila kami at nang lumaki, naging parte ng Yakuza."
"Bakit? Bakit kayo iniwan ng magulang nyo?"
Nagkibit balikat ako. "I don't know the exact reason. Ayaw na din namang sabihin sa akin ni Xhylem at hindi ko na din iniisip pa dahil matagal na iyon. Naging maganda din ang buhay namin sa mga Ryougi kahit halos isang beses sa isang buwan lang kami magkita ni Xhylem kaya hindi na ako nag-abala pang alamin kung bakit nila kami iniwan."
Hindi na sya sumagot kaya ibinalik ko nalang ang tingin sa harap ng tren. Muli ko itong inilipat sa manual at dito nalang itinuon ang pansin. Mukha naman kasing hindi din sya sanay na may kumakausap sa kanya.
**********
Katana's Pov
Lumabas ako ng control room para makapag-focus sya sa pagpapatakbo nitong tren. At nang maisarado ko ang pintuan ay naupo ako sa sahig tsaka sumandal sa gilid ng pintuan.
I just have this feeling na kailangan kong protektahan ang lalaking iyon. Well, ayoko din namang masayang ang pagliligtas ko sa kanya kanina kaya mas mabuti na ito.
Wala din naman akong ibang gagawin eh.
"Oy!"
Agad akong tumayo at inilabas ang katana nang marinig ang malakas na sigaw na iyon palapit sa kinalalagyan namin.
"Ashen!"
"Ah." Agad ko ding itinago ang katana nang maalala ko kung sino ang may-ari ng boses na iyon.
"Miss." Bumaling ako sa mga dumating at nakitang iyon nga ang mga kasama ni Ash. "Nasaan si Ashen?"
Itinuro ko ang control room tsaka isa-isa silang tiningnan. Mukhang wala namang problema sa kanila kaya umalis na ako sa tapat ng pintuan.
Agad pumasok doon iyong lalaki habang naiwan sa tabi ko ang babae.
"Ahm. Hi." bati nya. "I'm Vierra Ryougi."
Bahagya lang akong tumango sa kanya.
"Ano.. salamat nga pala." aniya. "Kung hindi dahil sayo, baka pare-pareho na kaming nakagat ng mga zombie at naging tulad ng mga iyon."
"Don't mention it." sabi ko. "Ginawa ko lang kung ano ang magagawa ko."
"But—"
Bumaling ako sa kanya. "Ikaw ba ang may gawa noon? I mean, lahat ng zombie sa loob ng train na ito, ikaw lang ba ang pumatay sa kanila?"
Tumango ako. "It is too dangerous for that guy to have contact with them kaya hindi ko sya hinayaang lumapit sa mga iyon. Don't worry, he's fine." Besides, base na din sa reaction nya kanina, ngayon lang sila nakaharap ng mga ganitong nilalang.
Yeah, sa line ng trabaho at sa pagkatao ko, hindi na bago sa akin ang ganitong sitwasyon. Hindi na din naman kasi imposible ang mga ganitong nilalang dahil sa mga science experiment failure.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin."
"What do you want to know?" Matiim ko syang tiningnan. It's not that I know her but one of my friends has something to do with the Ryougi Clan and I heard a lot of things about their heiress. And I don't really expect to meet her in person.
"Are you—"
"I am not an assassin if that's what you want to know." Inunahan ko na sya. Mukha kasing pareho sila ng iniisip ni Ash. "I am an ex-agent of an under covered agency that's why I have the ability to annihilate them."
"Secret agent?"
Tumangu-tango ako. "And because of my previous work, these kinds of situation are not that new to me."
"Eh? So, zombies really exist nowadays?"
"Yeah." sagot ko. "They are all product of experiment failure but of course, itinatago ito ng goverment para maiwasan ang panic." Though, hindi ko alam kung gaano kalaki ang sakop ng outbreak na ito. Sana lang ay hindi ito kasing laki ng kaso namin noon sa New Zealand, kung saan buong bansa ang naapektuhan ng virus at tanging ang Welliongton lang ang nakaligtas.
"I didn't expect that they were actually exists." aniya. "Nakaharap ko pa."
"Katana." dinig kong tawag sa akin ni Ash kaya agad akong pumasok sa control room.
"Why?"
"Tingnan mo iyon." Itinuro nya ang harap ng tren na agad ko namang tiningnan.
Doon ay tanaw na namin ang susunod na station at kumpara sa nauna ay walang kahit isang tao sa paligid noon.
"What do you think? Should we stop and check it?" tanong ni Ash.
"Sige. Itigil mo pero ako lang ang magche-check sa paligid." Bumaling ako kay Vierra at sa kapatid nitong si Ash. "Huwag nyong palalabasin ang lalaking iyan dito at huwag din kayong magpapapasok."
"Huh? Bakit?" kunot noong tanong ni Vierra.
"Sa mga naiwan sa likod, hindi ko alam kung sino ang infected at hindi kaya mas mabuti nang mag-ingat." paliwanag ko. "Ang lalaking iyan lang ang marunong magpaandar ng tren kaya pare-pareho tayong walang mararating kung mapapahamak sya."
"Teka—" akma pang aangal si Ash pero pinigilan na sya ni Vierra.
"May point sya, Ashen." I flinched when I heard that name. Matagal ko na din kasing hindi nadidinig iyon. "Ikaw lang ang pag-asa naming makaalis kung sakaling hindi din maganda ang sitwasyon sa station na iyan." Bumaling sa akin si Vierra at ibinigay nya ang cellphone. "Tawagan mo agad kami kapag nakita mong ligtas sa paligid."
Kinuha ko iyon at inilagay sa bulsa ng jacket ko. "Thanks."
Nang ihinto ni Ash ang train ay mabilis akong bumaba. Saglit ko munang dinaanan ang mga tao sa ibang bagon para sabihang huwag munang aalis ng train tsaka ako nagsimulang maglibot sa station.
Masyadong tahimik. At mukha ngang walang katao-tao sa paligid.
Anong nangyari dito?
Nailikas ba agad ang mga tao dito? O naging zombie na silang lahat?
How I wish this place is safe para sa mga taong iyon. Mukha kasing kakailanganin kong bumalik sa mansion kung hindi ko makakausap agad si Maia. Sya lang ang makakapagpaliwanag sa akin kung ano ang nangyayari sa bansang ito.
Tumingil ako sa paglalakad nang mag-ring ang cellphone sa bulsa ko kaya agad ko iyong kinuha at sinagot.
"Katana?" Ah, sina Ash.
"Hmm?"
"Safe ba ang lugar?"
"I still don't know. Hindi ko pa nache-check ang e—Oh s**t!" Agad akong tumakbo pabalik sa train matapos kong makita ang kumpol ng zombie na nagtipon sa exit ng station. "Patakbuhin mo na ang train."
"Huh? Bakit?"
"Hindi safe dito. Nagtipon ang mga zombies sa exit at magre-react sila sa ingay ng train kapag sinimulan mo na iyang patakbuhin. I will hold them for a while."
"What? Pero paano ka?"
"I can take care of myself at kaya kong makahabol dyan so do what I said kung ayaw mong masundan pa ng mga zombie." sigaw ko. "Don't wait for me at kapag hindi mo sinunod ang sinabi ko, ako mismo ang magdadala ng zombie sa loob ng train."
"But—"
"No buts, Ash Eiren!" Damn it! Bakit ba ang tigas ng ulo ng mga tao sa generation na ito. "Kapag hindi mo pa din ginawa ang sinabi ko, iiwan ko kayo dyan at bahala kayo sa buhay nyo."
"Fine." Bakas sa boses nya ang matinding frustration na ikinailing ko nalang. Nakita na nya akong makipaglaban kanina tapos nag-aalala pa din sya. Tsk. "But you have to promise me, makakahabol ka."
Bumuntong hininga ako. "Promise." Inilagay ko na sa bulsa ang cellphone tsaka inilibot ang tingin sa paligid. Sa pagkakaalala ko, naiwan ko sa train ang lahat ng gamit ko pero sa dami ng kalat ko doon ay baka hindi ko na din makita iyon agad kaya mas mabuting maghanap na ako dito ng magagamit para makontak ko sina Maia.
Hindi na kasi maganda ang kutob ko sa mga nangyayari at sana mali kung anuman ang iniisip ko.