Chapter 19

1164 Words
Ash Eiren Aozaki’s Pov “Nagbibiro ka lang, hindi ba?” tanong ko kay Katana matapos niyang sabihin na ang mga naninirahan sa bansang Valier noon ay mga bampira. Alam kong normal na para sa mundong ito na magkaroon ng mga nilalang na inaakala ng mga tao na sa mga libro o palabas sa tv o sinehan lang nila nakikita. Ilang beses na kasi iyong napatunayan ng mga siyentipiko. Pero ang sinasabi niyang isang bansa na puno ng mga bampira? Well, medyo hindi kapani-paniwala iyon lalo na’t ang mga nilalang na tulad noon ay itinuturing na pinakamataas na antas ng isang tao. "Mukha ba akong nagbibiro?" balik niya sa akin habang nakaturo pa sa kanyang mukha. "Iyon nga ang usap-usapan ng mga mismong residente ng Valier Kingdom. And they started to celebrate this Blood Festival to honor those vampires that fight all their unlimited life just to find the peace that they have now." "And how do they celebrate this kind of festival?" tanong ko pa. "Are they drinking human's blood?" "Silly." Mahina niyang pinitik ang ilong ko. "They opened a blood bank where a lot of people donated their blood without taking anything. They believe that by giving something small like that, they will be able to show their appreciation to those vampires who fight for them." “Then, they started to think of this festival?” Tumango siya. “Naisip nila na gawin na ito yearly,” dagdag niya. “At para maka-enganyo ng iba pang blood donations, sinamahan na nila ang mga parada at iba-iba pang shows ang selebrasyon nilang iyon. Hanggang sa maging ang mga dayuhan na pinayagan nang makapasok sa bansa ay nakikilahok na din dito.” “Vampires, huh.” “Hindi ka naniniwala sa kanila?” tanong niya sa akin. “Well, it is not that I entirely don’t believe that they exist,” sabi ko. “It is just that I don’t believe in things that I still haven't seen so I don’t really know how to react to this one.” May kanya-kanya naman kasing paniniwala ang bawat tao. At kung naniniwala ang mga naninirahan sa bansang ito na mayroong mga bampira dito at ang mga ito ang dahilan kung bakit payapa na ang kanilang bansa ay wala naman akong magagawa. Sino ba ako para kuwestiyunin ang kanilang paniniwala? Ni wala nga akong nalalaman sa kasaysayan ng bansang ito kaya hindi ko din mapapatunayan kung nag-e-exist nga ba ang mga bampira o hindi. “Anyway, lahat naman iyon ay pawang haka-haka lang,” dagdag niya. “Isa lang iyong paniniwala na galing sa mga matatanda sa bansa ng Valier Kingdom pero wala pa ni isa sa kanila ang nakapagpatunay kung totoo nga ba ang existence ng mga ganoong klaseng nilalang.” “Pero naniniwala pa din sila at patuloy sa selebrasyon na ito?” “Why not?” aniya. “Hindi lang ang ospital sa Valier ang nakikinabang sa mga dugo na idino-donate sa araw ng festival. Maging ang ibang hospital sa karatig bansa at ilan pang bansa sa iba’t-ibang panig ng mundo ay nakakahingi dito kapag nangangailangan kaya hindi nila ito itinitigil kahit pa hindi naman talaga sila sigurado kung totoong mga bampira ang nagligtas sa kanilang bansa.” Well, kung ganoon naman pala na marami ang nakikinabang sa selebrasyon nilang ito, kahit ano pa ang paniniwala nila ay talagang tatanggapin ng mga tao. Dahil nakakatulong din sila sa marami at nakaka-enganyo pa sa iba upang makatulong din. “Ang festival din bang iyon ang dahilan kung bakit ka pupunta ng Valier Kingdom?” tanong ko sa kanya na agad niyang inilingan. “Pupunta ako doon para ituloy ang buhay na naudlot sa akin ilang taon na ang nakakalipas.” Napakunot ang noo ko. “What do you mean?” “Did you forget?” aniya. “What happened in Canada? Iyong sinabi ng lalaking iniligtas mo?” “About you?” sabi ko. “Iyong tungkol sa inakala nila na papunta ka sa Valier Kingdom dahil doon ka ipinadala ng iyong ama pero bigla ka na lang naglaho at…” Tumango siya. “Yeah,” sagot niya. “Ilang taon din akong nakakulong sa isang research facility at dumating pa ako sa punto kung saan halos nakalimutan ko na ang dati kong buhay.” “Katana…” “But thanks to that man, I was able to remember it all,” sambit niya. “It is not a nice memory but thanks to that, I was able to find something in this life to start with.” “And that life that you are planning requires the Valier Kingdom as your starting point?” Tumango siya. “Iyong normal kong buhay noon ay naputol habang papunta ako sa bansang ito kaya naman ipagpapatuloy ko lang din iyon.” “Pero nakakasiguro ka ba na magiging normal pa din iyon?” Hindi ko na napipigilan ang bibig ko sa pagtatanong sa kanya. “Please don’t get me wrong, okay? Masyado na kasing maraming nangyari sa iyo sa nakalipas na taon at tingin ko ay hindi mo iyon basta mababalikan dahil lang gusto mo. Lalo na kung ikaw mismo sa sarili mo ay hindi na normal.” Ngumiti siya tsaka ginulo ang buhok ko. “I am aware of that. Pero sa ngayon kasi ay ito lang ang alam kong magagawa ko para makapagpatuloy sa buhay.” Sa sinabi niyang iyon ay unti-unti kong na-realize kung ano ba talaga ang kasalukuyan niyang nararamdaman. Ngayon ko din na-realize kung ano iyong pakiramdam na naramdaman ko nang hawakan ko siya noong unang beses kaming nagkita. She has been through hell all these years and I can see that she is already tired of what is going on in her life. But even though she is tired and wanted to end it all, she can’t because there are a lot of people who are still depending on her. Katulad na lang ni Karin. Kaya ngayon ay naghahanap siya ng isang bagay na siyang magiging sapat niyang dahilan upang magpatuloy sa buhay. “Katana…” Hinawakan ko ang kanyang kamay na kanyang ikinakunot ng noo ngunit hindi ko na pinansin ang kanyang naging reaksyon. “I mean, Nanami Yoshino.” Nanlaki ang kanyang mga mata nang banggitin ko ang tunay niyang pangalan. “W-what the hell–” “Let me be your light,” walang pagdadalawang-isip kong sabi sa kanya. “Alam kong maikling panahon pa lang ang nakakalipas mula nang magkakilala tayo at wala ka pang masyadong nalalaman tungkol sa akin para maging dahilan mo sa pagpapatuloy sa buhay pero…” Huminga ako ng malalim. “Gagawin ko ang lahat para maging deserve sa iyo.” “W-wait…” Bakas ang matinding pagkabigla sa kanyang mga mata at hindi malaman kung ano ba ang sasabihin sa akin. Pero desidido na ako sa desisyo kong ito. Kung kinakailangan kong manatili sa tabi niya, hindi ako magdadalawang-isip na gawin. Because I know that it is what my heart wants.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD