Chapter 20

1103 Words
Nanami Yoshino (Katana) Nang makarating kami sa Valier Kingdom ay agad na akong pumuslit palayo kina Eiren. Aba’y kahit sinong tao ay magi-freak out sa mga lumalabas sa bibig ng magkapatid na iyon. Una ay si Xhylem na bigla ba namang sasabihin na kahit iwan ako ng mundo ay hindi niya ako iiwan. At ito namang si Ash Eiren na biglang inaalok ang sarili niya sa akin. Yes, I am looking for my light. A light that will be enough reason for me to keep living because I know people on the island where I left my son, daughters and friends are not enough. Light that will be my reason for me to keep fighting every problem that I have been facing since that time I almost died. And I admit it. Ramdam ko ang koneksyon na mayroon sa pagitan namin, hindi lang ni Ash Eiren kundi maging ni Xhylem. But that doesn’t mean that this connection is something that they could just mistakenly involve in anything romantic or whatever they are hoping for. Ang iniisip ko nga ay dahil lang ito sa posibilidad na konektado din sa akin kung sino man ang namuno sa eksperimento kung saan sila naging subject kaya hindi ito dapat binibigyan ng malalim na kahulugan. Bumuntong hininga ako nang tuluyan akong nakalabas ng train station. Alam kong nakalayo na ako sa mga iyon kaya dinahan-dahan ko na ang paglalakad. Sigurado din naman kasi na hindi na nila ako basta makikita lalo pa’t masyadong maraming tao ngayon dito dahil sa pagdating ng mga sundo ng mga turista na kasabayan ko sa train. "Katana!" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ng magkapatid at imbes na tumigil sa paglalakad ay mabilis na akong tumakbo dahil hindi ko talaga sila kayang harapin pagkatapos ng sinabi nila. I appreciate what they actually said earlier but they don't even know me to say those things with sincerity. They will just put their lives in danger for being involved in me. "Hey!" Natigilan ako nang may biglang humawak sa braso ko at nang harapin ko ito ay nakita kong si Ash Eiren ito. "Please don't run away, okay?" "I…" I don't know what to say. Ayokong isipin nila na masyado akong maarte pero ayoko ding isipin nila na ginagamit ko iyong nararamdaman naming koneksyon sa isa't-isa para mapalapit ako sa kanila. Which is both are not true. Hindi ako sa nag-iinarte lang dahil sa sitwasyon na mayroon ako, siguradong maging sila ay madadamay lang. At hindi ko din ginagamit ang koneksyon namin dahil hindi naman sinasadya ang pagkikita naming ito. Hindi ko din talaga inaasahan na muli silang makikita dahil inakala kong isa lang sila sa mga taong pansamantala na dadaan sa buhay ko at hindi sila magkakaroon ng kahit anong impact sa akin. But it looks like I was wrong about that. "Let's talk." Hindi na ako nakapalag pa ng hilahin niya ako. At hinayaan ko na lang din siyang dalhin ako sa kung saang lugar niya ako gustong dalhin. Hanggang sa makarating kami sa isang coffee shop. May mga table itong naka-set up sa labas ng shop kaya doon na namin napiling maupo nang sa gayon ay agad din kaming makita nila Xhylem na naligaw na pala dahil sa dami ng tao. "So?" panimula niya. "Why did you runaway?" "It is awkward," diretsong sabi ko ngunit nananatiling nasa kapeng nakalagay sa ibabaw ng mesa ang tingin ko. "What you said in the train, it is awkward for me." "Pero seryoso ako doon." Tumango ako. "I know that and I really appreciate what you just said. But you don't even know me." Sa pagkakataong ito ay nag-angat na ako ng ulo at diretsong tumingin sa kanya. "So, why did you say that? How did you even know that I was looking for something or someone to be my reason for living?" "Because you said it yourself," aniya. Napabuntong hininga ako. "I mean, yes. Babanggit ko nga iyon pero iyong salitang ginamit mo. How did you know that I was looking for a light?" Nabanggit ko nga sa kanya na ang ginagawa kong ito ang alam ko para makapag patuloy sa buhay at naiintindihan ko na sa mga sinasabi kong iyon ay posibleng nakuha niya agad ang ipinupunto ko. But what makes these things awkward for me is because he uses the word that only me and my kids used when we are looking for someone or something for us to live on. "Ah…" Napakamot siya ng ulo. "I… I don't really know why I used that word. It is just that…" Bumuntong hininga siya. "When I first met you, I held you because I was waking you up…" Tumango ako. "Yeah, I remember that." "I feel darkness around you." Kumunot ang noo ko. "What do you mean?" Nagkibit balikat siya. "Hindi ko din maipaliwanag but like what I said, I feel like you are living in the darkness so when you said earlier about continuing your life, I thought about you looking for a light because you are living in the dark for some quiet time now." Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. Dahil maging ako man ay may kakaiba din ang naramdaman nang hawakan niya ako that day. At kabaliktaran iyon sa kung ano ang naramdaman niya sa akin noon. But with him saying this, I am kind of relieved. I guess she doesn't really have any connection with the man who took away the light of my life. "But I won't say sorry for what I just said," sambit niya at diretsong tumingin sa akin. "I am really serious about being your light." Umiling ako. "You don't know anything about me, Ash Eiren." "Then, I am willing to know everything about you," desidido niyang sabi and I hate to say this but he is really giving me high hopes that maybe, he can accept me for who and what I am since we are kind of same people. Product of human experiments. "Then, will you believe everything that I will tell you?" Mabilis siyang tumango. "Yes." "Okay." Itinuro ko ang isang babae sa bandang likuran niya. “Look over there. “Agad naman niyang ginawa ang sinabi ko. Mag-isa lang ang babaeng iyon sa kanyang table. Abala ito sa binabasa na libro habang umiinom ng ice coffee. “What about her?” “Will you believe me if I told you that there is something beside her?” Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa akin at nang makita ko ang reaksyon niya ay malungkot na akong napangiti. I guess, things will be over for us.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD