Chapter 18

1271 Words
Ash Eiren Aozaki’s Pov Agad akong napatayo nang makitang pabalik na si Xhylem sa bagon ng train kung nasaan kami. At akma ko pa sana siyang sasalubungin ngunit agad akong natigilan nang bigla niyang alisin ang hood ng babaeng nangunguna sa kanya at hawakan ang ulo nito. Doon ko nakita ang kabuuang mukha nito at nanlaki ang mga mata ko nang makita na si Katana nga talaga ito. Ngunit lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang ginawa ni Xhylem dito kasunod ng kung ano ang sinabi nito. Nakita ko din ang naging reaksyon ni Katana sa ginawang iyon ng kapatid ko ngunit hindi man lang niya ito pinigilan. At mukhang nagulat pa ito sa sinabi ni Xhylem na naging dahilan kung bakit hindi agad siya nakasunod dito. At hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay kinukurot ang dibdib ko. Just what the hell is this? Ever since I met her, I feel like there is some kind of connection between us. Kaya nga kahit alam kong delikado ay hindi agad ako sumama sa barko papuntang Surrey noong iniligtas niya kami. Nagpaiwan ako kung nasaan siya dahil gusto kong magkaroon pa ng karagdagang kaalaman tungkol sa kanya nang sa gayon ay maipaliwanag ko kung bakit ganito na lamang ang nararamdaman ko para sa kanya. Then, after she said that we should part our ways, I was actually hurt that time. To the point that I really wanted to run towards her as she slowly walked away from me. But I didn’t do anything. Because I don’t really know what is happening to me. “Huy!” Kinalabit ni Vierra ang braso ko kaya agad akong napatingin sa kanya. “Susundan mo na ba si Xhy? Medyo natatagalan na siya eh.” “Ah…” Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko. “Nevermind,” aniya at akmang tatayo. “Ako na lang ang susunod sa kanya.” “No!” mabilis kong sabi at hinawakan niya sa magkabilang balikat bago pa siya tuluyang makatayo. Nakuha ko pa ang atensyon ng mga nasa paligid namin na siyang dahilan kaya agad akong natauhan at napagtanto ang ginawa ko. “What the hell is wrong with you?” kunot noong tanong niya. Agad pa niyang tinapik ang kamay kong nasa balikat niya kaya mabilis ko itong inalis at naupo nang muli. “S-sorry,” sabi ko. “Pabalik na si Xhylem kaya hindi mo na kailangan na umalis diyan sa kinauupuan mo.” Iyon na lang ang sinabi ko sa kanya dahil hindi ko din naman kayang ipaliwanag sa kanya kung bakit naging ganoon ang reaksyon ko. Well, ayoko din naman kasing makita niya ang ginawa ng kapatid ko. Malinaw sa akin na gusto nila ni Xhylem ang isa’t-isa at siguradong magagalit na naman siya kay Katana kapag nakita pa niya kung gaano kalapit ang mukha ng lalaking pinakamamahal niya sa babaeng iyon. Kaya mas mabuti na din ang ginawa ko. Naiiwas ko ito sa gulo. “Hey,” bati ni Xhylem ng tuluyang makabalik. “Guess who is here.” Hindi na ako nag-abala pa na tingnan kung sino ang kasunod niya dahil nakita ko na naman ito. “Oh my god,” sambit ni Vierra nang makita si Katana. “You are here.” “Yeah,” sarkastikong sagot ni Katana. “Isn’t that obvious?” Natigilan si Vierra na mukhang nakalimot din yata sa kung ano ang ginawa nito kay Katana noon. “What are you doing here?” tanong ko sa kanya kaya napabaling siya sa akin. “I thought that you would be doing some dangerous stuff.” Yeah, alam kong bakas sa boses ko ang hindi katuwaan na makita siya. But that is not the issue right now. I am actually happy to see her again. But that happiness was already ruined by what my brother did to her earlier. And I can’t help but feel bitter about it. Ni hindi ko na nga iyon maitago sa boses ko kaya agad na akong nag-iwas ng tingin sa kanya. “Long time no see, Ash Eiren,” nakangiti niyang bati sa akin na hindi man lang pinansin ang kakaibang tono ng boses ko. “And as for your question, I already finished everything I need to do in Canada. So I started to travel the world trying to find someone.” Muli akong napatingin sa kanya at sa pagkakataong ito ay unti-unti nang nawawala ang inis na nararamdaman ko kanina dahil lang sa ngiting ibinibigay niya sa akin. Kaya napabuntong hininga na lang ako. Well, I just realized that I don’t really have any right to feel bad just because she has become close to my brother. At lalong wala akong karapatan na magalit sa kanya because in the first place, I am just someone who she met, saved and spent some time with last month when things are not in a good situations. “Are you alone?” tanong ko. “Hindi mo kasama si Karin?” “Yeah, I am alone,” sagot niya. “And yes, hindi ko kasama si Karin. Anyway…” Itinuro niya ang pwesto niya. “Would you mind if we just talk there? I have an extra seat with me.” Bumaling ako kay Xhylem na agad tumango sa akin kaya agad ko nang kinuha ang ilang gamit ko at sumunod kay Katana. “I didn’t expect to see you here,” sabi niya nang makaupo sa pwesto niya. “Did you come here to be part of the first people who ride the only train that actually travels on the water surface?” “We weren't actually here for this train,” sabi ko. “Nasa plano talaga namin ang pumunta ng Valier Kingdom pero fully book ang lahat ng flights kaya kahit may trauma pa sa train ay sinubukan na namin ito.” “Oh…” Tumangu-tango siya. “Siguro ay dahil sa nalalapit na festival ng Valier Kingdom kaya ganito na lang karami ang mga turista na pumapasok sa bansang iyon.” “Festival?” Tumango siyang muli. “It was the biggest festival in the country. And it is called the Blood Festival.” Nanlaki ang mga mata ko. “B-blood Festival?” Bahagya siyang natawa sa naging reaksyon ko at bahagya pang hinampas ang balikat ko. “Everyone who first heard that festival name has the same reaction as you have right now.” “But is it really a Blood Festival?” Huminga muna siya ng malalim tsaka tumango. “Yes, iyon talaga ang pangalan ng pagdiriwang na gagawin nila isang linggo mula ngayon.” The Valier Kingdom was a closed country before. Talagang walang sinumang dayuhan ang maaaring makapasok sa bansang ito kahit pa noong unang panahon. Though, ang pagkakaalam ko ay may mga nakakapuslit papasok dito. Mga dayuhang gusto lang malaman ang mga nangyayari sa loob nito at plano lang manatili sandali sa lupain nito. Ngunit hindi na sila nakakalabas pa dito at napipilitan nang dito manirahan at magkaroon ng kanilang sariling pamilya. At bakit ganoon ang nagiging desisyon nila? Well, iyon isang bagay na hanggang ngayon ay hindi pa din nabibigyang linaw dahil hindi na din ma-trace kung sino ba sa mga naninirahan dito ang dayuhan lamang o iyong mga mismong residente nito. Kaya walang masyadong alam ang kahit anong bansa tungkol dito. “And you know why they used that kind of name?” tanong niya sa akin na inilingan ko. “Well, there has been a rumor circling around the country that the first people who live in Valier are vampires.” “What?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD