Chapter 06

2124 Words
Vierra Ryougi's Pov "Hey." tawag ko kay Ashen nang simulan nyang patakbuhin ang train. "Gagawin mo talaga ang sinabi nya? Hindi talaga natin sya hihintayin?" "I have no choice, Vier." inis nyang sabi habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamao. "Kapag hindi ko ito ginawa, it's either sya mismo ang magdadala ng zombie dito sa train o iiwan nya tayo." "And you know that we can afford to face that creatures alone." ani Xhylem. "We need her para maka-survive kaya mas mabuti nang gawin kung ano ang gusto nya." "Pero—"Natigil ako sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pintuan nitong control room at bumungad sa amin ang walang emosyong mukha ni Katana. "You—" "Yeah, I'm already here." walang gana nyang sabi tsaka ibinato ang isang laptop kay Ashen na nagawa naman nitong masalo. "Kaya mo ba iyang i-connect sa main system ng train?" Umiling ito. "I am not into tech." "I think I can help you with that." sabi ko. "Kung okay lang sayo." Well, kung pagbabasehan kasi ang tingin nya ay tanging si Ashen lang ang pinagkakatiwalaan nya. Tumingin sya sa akin tsaka tumango pagkuwa'y lumabas ng control room. "I don't know what's with that woman but one think I can say." ani Xhylem. "She's something. Nagawa lang naman nyang ubusin ang mga zombie dito sa loob ng tren at nagawa din nyang makahabol kahit na medyo nakalayo na tayo sa station na iyon." "She said that she's former agent of an undercovered agency." sabi ko. "Kaya hindi na siguro nakakapagtaka iyon. Though, I don't really know the skills of them." Kinuha ko ang isang upuan at sinimulang gawin ang pinapagawa ni Katana. "Tingin ko, dapat kong balikan sina Rio para ipaalam ang sitwasyon." ani Xhylem. "Yeah." ani Ashen. "And told them that we're going to change train once we reach this place." Itinuro nya ang isang station kung saan ipinaparada ang mga bagon ng tren. "Mas maliit na tren, mas mabuti." "Okay. I will tell them." Lumabas din sya agad. "Hey." tawag ko kay Ashen. "What do you know about this Katana?" "I don't actually know even her name." aniya na ikinalingon ko sa kanya. "Her name is not Katana. She said that she don't have a name kaya tinawag ko nalang syang ganoon." "And it looks like—" "Whatever you think, quit it." Napaigtad ako nang marinig ang boses ni Katana sa pintuan. "This situation is not about me. It is all about you so better mind your own business." "Sorry." mahina kong sabi tsaka ibinalik ang atensyon sa ginagawa. "Here. I already connect it to the main system." "Thanks." Tumayo ako at lumabas ng control room. Well, ang akward lang matapos ng sinabi nya kaya mas mabuti nang dumistansya muna ako. We don't know her. At base sa mga nakita namin sa kanya, hindi sya magandang kaaway. Kami lang ang mahihirapan kung magiging kaaway namin sya. __________ "It's safe." ani Katana matapos nyang i-check ang buong paligid. Nandito na kami sa lugar kung saan pinaparda ang mga tren at tulad ng sabi ni Ashen, kailangan namin lumipat ng bagong tren para mas madalian syang paandarin iyon. "We're on above ground at nakasara ang lahat ng entrance at exit so I can assure you na walang zombie na makakarating dito maliban nalang kung sa mismong riles dadaan." sabi pa ni Katana tsaka iniabot sa akin ang dalawang hand gun. "Marunong kang gumamit nyan?" Tumango ako. "Good. Then, protect him." Itinuro nya si Ashen. "What?" "Just like what I said earlier, sya lang ang may kayang magpatakbo ng mga tren na sasakyan natin kaya kung gusto nyng makaalis dito, protektahan nyo sya." sabi nya. "Alam mo, nagtataka na talaga ako sa ikinikilos mo eh." Hinawakan ko sya sa braso bago pa sya makatalikod sa akin. Medyo malayo naman kami sa iba kaya hindi nila mapapansin ang pinag-uusapan namin. "Bakit tingin ko ay kay Ashen ka lang may pakialam." "If that's what you think then maybe that was enough reason for you to make sure that he will stay safe." malamig nyang sabi. "To be honest, he is the only reason why I am staying here with you." "What? May gusto ka ba kay Ashen?" Bahagya syang natawa na ikinakunot ng noo ko. "Ang layo ng narating ng imagination mo. I don't like him but I don't dislike him. It's just that, I save his life and I don't want to waste my effort kaya hangga't kasama nya ako, kailangan nyang maging ligtas." Ang weird ng reason nya. Just because she save Ashen's life, nag-i-stay syang kasama kami kahit ayaw nya para lang masiguro ang kaligtasan nito. "Kung malinaw na iyon sayo, then prangkahan na. Siguraduhin nyong ligtas si Ash Eiren and I will do everything to keep those zombies away from all of you at dadalhin ko kayo sa ligtas na lugar." seryoso nyang sabi habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. "Pero kung may mangyaring hindi maganda sa kanya sa kahit na anong paraan, ako mismo ang magdadala sa inyo sa mga zombie. Nagkakaintindihan tayo?" Nagsisimula na akong makaramdam ng takot habang nakatingin sa kanya. Kinikilabutan ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig nya at base sa tono nya, hindi nga sya magdadalawang isip na gawin ang banta kapag may nangyaring masama kay Ashen. Geez, Ash Eiren! Ginayuma mo ba ang babaeng ito at ganito nalang kung protektahan ka? "F-fine." "Good. We have a deal." Tinapik nya ang balikat ko. "Then, go tell them what I told you. Gusto kong maging malinaw sa lahat na hindi libre ang pagprotekta ko sa inyo." Tinalikuran na nya ako at doon lang ako nakahinga ng maluwag. Sino ba talaga ang babaeng iyon? "Vierra?" Bumaling ako kay Xhylem at agad na yumakap sa kanya. "Hey. What's wrong?" alala nyang tanong habang hinahaplos ang buhok ko. "Anong sinabi sayo ng babaeng iyon?" "We have a deal." sabi ko. "Sya ang haharap sa mga zombies na makakaharap natin at dadalhin nya tayo sa ligtas na lugar pero may kapalit." Kumalas ako ng yakap sa kanya. "Anong kalapit?" "Ang kapatid mo." sabi ko na ikinakunot ng noo nya. "I mean, we have to make sure na walang masamang mangyayari kay Ashen. I don't know what's the deal between them pero sabi nya, ayaw nyang masayang ang effort nya sa pagliligtas dito kaya gusto nyang manatili itong buhay." "What?" "Hindi ko nga din maintindihan eh. Pero iyon ang sabi nya. Kung masisiguro natin na walang mangyayaring masama kay Ashen, ilalayo nya sa atin ang lahat ng zombies na posibleng humarang sa kung saan man tayo pupunta. Poprotektahan nya tayo laban sa mga iyon. Pero kapag nasaktan o namatay si Ashen, sya daw mismo ang magdadala sa mga iyon palapit sa atin." "You've gotta be kidding me." Hindi nga naman kapani-paniwala iyon pero ganoon yata talaga ang takbo ng utak ng babaeng iyon. "So, ibig sabihin, nakasalalay kay Ashen ang buhay natin." Tumango ako. "If he's safe and alive. then we don't have to worry kung paano tayo makaka-survive sa outbreak na ito but if he's hurt and dead, then, we have to ready ourselves for our own death." "Gusto nyang protektahan natin si Ashen habang pinoprotektahan nya tayo." sabi nya tsaka bumaling kay Ashen na namimili ng tren na sasakyan namin. "Ano kayang ginawa ng lalaking iyon kay Katana?" ********** Katana's Pov Dala ang isang malaking cart ay naglibot ko sa buong paligid para ipunin ang mga bagay na pwede naming makapakinabangan. Siguradong hindi din magtatagal ay kakailanganin naming bumaba para maghanap ng ligtas na lugar. Kaya mas mabuti nang may mga supply kami. Base sa nakuha kong information kanina, buong syudad palang ng Burnaby, British Columbia ang apektado ng outbreak. Pero nasa high alert na ang buong bansa. Iilan nalang ang rescue chopper kaya ang mga gustong makaligtas ay kakailanganing lumabas ng syudad para pumunta sa safe zone. As of now, papunta palang kami sa Nanaimo Station at kakailanganin pa naming dumaan sa siyam na train station bago makarating sa Columbia Station, ang pinakamalapit na lugar sa Surrey City kung saan walang mga zombie at ligtas. Kung walang aberya ay makakating kami doon sa loob lang ng dalawang oras. Napalingon ako sa direksyon kung nasaan ang mga train at agad akong tumakbo papunta doon nang marinig ko ang tunog ng makina ng train. At nang makarating ako doon ay malayo na ang narating train at naroon ang lahat ng kasama ko kanina. Oh? Iniwan nila ako? Bahagya akong natawa. Tingin ba nila ay mabubuhay sila nang wala ako. Napailing nalang ako at binalikan ang cart ko. Madali lang sa akin ang makahabol sa mga iyon pero dahil naglakas loob na din naman silang iwan ako ay hahayaan ko sila sa gusto nila. I will just take my time here. I can survive on my own and since sila mismo ang nang-iwan sa akin ay hindi na ako mababagabag kahit mamatay pa ang lalaking iyon. Tapos na ang responsibilidad ko sa kanya nang oras na piliin nyang paandarin ang train na iyon nang wala ako. And now, I just have to contact Maia to make sure that everything there is fine. ********** Ash Eiren Aozaki's Pov "You shouldn't have do that." malamig kong sabi kina Xhylem at Vierra. "Hindi dapat natin sya iniwan." "Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko, Ashen? Baliw ang babaeng iyon." sabi ni Xhylem. "Pinagbantaan nya si Vierra. Mapapahamak lang tayo pare-pareho kung patuloy tayong sasama sa kanya." "Mas lalo tayong mapapahamak kung hindi natin sya kasama. Kayo na din ang nagsabi kanina, di ba? Sya lang ang may kayang harapin ang mga zombies na iyon." madiin kong sabi. "Kung hindi dahil sa kanya, hindi tayo aabot ng buhay sa mga oras na ito." "Huli na ang lahat, Ashen." ani Vierra. "Malayo na tayo sa Nanaimo Station kung saan natin sya iniwan." Napakuyom nalang ako ng kamao. "You even decieve me just to make sure that I will do what you want. Get out of here. Huwag nyo na muna akong kausapin." Pinagtulakan ko sila palabas ng train control at agad itong ini-lock. Habang naghahanap ako kanina ng tren na madaling patakbuhin, bigla nalang akong hinampas ng kung sino sa likod at nawalan ng malay ng mga ilang minuto. Paggising ko ay nakita kong nakatali na kami nila Xhylem at Vierra. At ang may kagagawan, iyong iba naming kasama sa tren. Ang sabi nila, kailangan naming iwan si Katana dahil delikado itong tao. Wala silang tiwala dito kahit pa ito ang dahilan kung bakit nagawa naming makalagpas sa estasyon ng tren kung saan puno ng zombie. Ang katwiran nila, hindi nila ito mapagkakatiwalaan. Kung mga zombie nga daw ay kaya nitong patayin paano pa daw sila na walang laban. Kaya kung hindi pa daw kami aalis ay sasaktan nila sina Xhylem at Vierra. Syempre, hindi ako pumayag dahil malaki ang utang na loob ko kay Katana. Iniligtas nya ang buhay ko at sinisiguro nya na hindi kami mapapahamak pero wala akong nagawa nang tuluyan na nilang saktan si Xhylem. Kaya labag man sa kalooban ko ay napilitan akong patakbuhin ang tren at iwan si Katana. At malayo-layo na kami sa Nanaimo Station nang malaman kong palabas lang ang lahat at sina Xhylem talaga ang may gustong iwan si Katana. Damn it! How could they do that t her? And how could they do that to me? "I'm sorry, Katana. I didn't want to leave you but they trick me." "It's okay." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Katana. Agad akong nagpalingon-lingon sa paligid hanggang sa mapatingin ako sa laptop na ginamit nila kanina. Iniharap ko iyon sa akin at nakita ko ang mukha ni Katana. "Ka—" "Sshh." Agad kong itinikom ang bibig ko nang senyasan nyang huwag akong maingay. "May naiwan akong gamit dyan, di ba?" Tumango ako nang makita ang isang itim na maleta. "May earphone sa loob ng bag. Kunin mo, i-connect mo dyan sa laptop at iyon ang gamitin mo para hindi nila malaman na magkausap pa rin tayo." Agad kong ginawa ang sinabi nya. Hindi na ako nahirapan pang hanapin ang earphone dahil nasa bulsa lang naman iyon. "Sorry talaga, Katana." "You don't have to say sorry." aniya. "Naiintindihan ko naman kung bakit pinili nilang iwan ako." "Totoo bang pinagbantaan mo si Vierra?" tanong ko na agad nyang tinanguan. "Bakit? "Hindi ba nila sinabi ang dahilan?" Umiling ako. "Iyon lang ang sinabi nila. Delikado kang tao at pinagbantaan mo si Vierra." "You don't need to know the reason." sabi nya. "I just want to leave some instruction to you. Hindi na ligtas ang buong Burnaby kaya kailangan nyong makarating sa Surrey. Kung tama ako, may mga militar doon na tumatanggap ng mga survivor. Iyon lang ang tanging chance na meron kayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD