Chapter 07

1407 Words
"Surrey?" Tiningnan ko ang mga station na madadaanan namin. "So, kailangan na naming bumaba pagdating sa Columbia Station at mula doon, kailanan naming marating ang ilog na naghihiwalay sa Burnaby at Surrey." "Yup. May mga nakaabang na ding mga rescuer doon palang kaya hindi nyo na aalalahanin kung paano kayo makakatawid." sabi pa nya. "Ang magiging problema nyo nga lang ay ang dadaanan nyo pagbaba ng Columbia Station.." Iniharap nya sa isang monitor ang camera at nakita kong live footage iyon sa Columbia Station kung saan maraming zombies ang nagkalat sa lansangan. "Kung kasama nyo ako, magiging madali lang iyon pero dahil iniwan nyo ako at mukhang matatagalan pa bago ako makasunod.. Hmm. Buksan mo ang maleta ko." "Huh?" "Just do what I said." Ginawa ko ang sinabi nya at nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang laman ng maleta nya. Puro weapon lang naman ang mga iyon. "May isa pang katana sa loob nyan. Iyong kulay puti ang kaha. Iyon ang kunin mo at itabi mo na ang maleta ko." Kinuha ko iyon tsaka tinabi ang maleta. "You can use that to protect yourself, though, hindi ko alam kung magagawa mo iyang magamit ng maayos. Matagal na kasi iyang hindi nagagamit." "I think, I can manage." sabi ko habang nakatingin sa katana. Hindi ko alam pero parang pamilyar sa akin ito. Para bang nahawakan ko na ito noon pa pero sigurado naman akong ngayon ko lang ito nakita. "Makakatulong na siguro iyan para makaligtas kayo noh." sabi pa nya. "Hindi mo na kakailanganin ang tulong ko." "Pero ikaw? Magiging ayos ka lang ba?" Tumango sya. "Huwag ako ang alalahanin mo dahil kaya ko ang sarili ko. Tama na din palang iniwan nyo ako dahil may mga bagay pa akong kailangang gawin sa syudad na ito bago ako umalis. Kung sakali man, magkita nalang tayo sa Surrey. I will keep this phone and you keep that laptop para may communication pa din tayo." "Then, see you at Surrey." Ngumiti sya at tumango. "Yeah. See you at Surrey." "Hey. wait." pigil ko sa kanya nang akma na nyang tatapusin ang tawag. "Well, I don't know how to explain it but have we met before? On the past or in the other life? Iyon kasi ang pakiramdam ko nung makita kitang natutulog sa bench ng train station." "I'm sure that it is the first time I met you in this life." aniya. "But maybe, in another life, we're friends or something." "Then, I hope that we could be friends in this life too." Nagkibit balikat sya. "We will see that when we meet again. Bye." At pinatay na nya ang video call namin. Agad kong itinago ang laptop sa bag ko tsaka muling ibinalik ang atensyon sa daan. Sana nga magkita kami ni Katana sa Surrey. At kung sakali man, papatunayan ko kina Vierra at Xhylem na hindi sila dapat mag-alala dahil hindi gagawa ng kahit anong ikapapahamak namin si Katana. ********** Katana's Pov Panay ang tingin ko sa screen ng phone dahil kanina pa ako naghihintay ng tawag ni Maia pero halos isang oras na akong nakatambay dito sa Nanaimo Station, hindi pa din nya ako kino-kontak. I already sent her a message at naiinis na ako. Ano bang ginagawa ng babaeng iyon? Sobrang board na ako dito. Agad kong sinagot ang tawag nang maramdaman ko ang pagba-vibrate ng phone ko. "You better have a great explanation on why you didn't answer my calls." "Chill." bungad nya sa akin. "I was too busy on doing everything I can to know what the hell is happening in the outside world." "So? Do you know what the hell is happening? I left all my things in the train so I only have limited information. The only thing that I know is British Columbia is in zombie outbreak." "British Columbia is not the only country that experiencing zombie outbreak." she said. "United States, Canada, Mexico and the whole South America is in zombe outbreak. And it is spreading faster in the whole world. I am afraid that we can actually call this a zombie apocalypse." "You're kidding." Bumangon ako at agad pumasok sa control room ng station na iyon. "I am Nanaimo Station ng Canada Expo Line. Show me everything I need to see." Ilang sandali lang ay lumabas sa lahat ng monitor na nasa harap ko ang mga information na nakuha ni Maia. Even CCTV footage ng nangyayari sa iba't-ibang bansa. "What the f**k?" Bumaling ako sa isang monitor kung saan nakikita ko si Maia. "The island is still safe, right?" Tumango sya. "Yeah. And you don't need to worry about us." "I need to be worry dahil sa ganitong sitwasyon, tayo ang maaaring maging target." "Chief, they already forgot everything about us and I am sure that no one will gonna find this place. You know that, right?" aniya. "Besides, all of us are guarding the whole island 24/7." "You've gotta be sure about that. Hindi tayo pwedeng maging kampante dahil kilala mong kumilos ang mga under covered agency." I said. "Now, nalaman mo na ba kung saan nanggaling ang virus?" "T-that was actually the reason kung bakit hindi agad ako nakatawag sayo." sabi pa nya. "Ahm, the virus spread because of human carrier." "Carrier?" Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ang isang bagay. "Don't tell me—" "What you think is right, Chief." "Damn." mura ko. "What happened?" s**t! Isang malaking problema talaga ito. "Hindi namin alam kung paano sya nakaalis ng isla but she tracked you. At sa bawat araw at bawat lugar na tinitigilan nya, nakakapag-iwan sya ng virus." "Where the hell she now?" tanong ko. "Did you already track her?" Tumango sya. "Her current location is already confirmed and she's also boarding in the same train kung nasaan ka kanina." "You've gotta be kidding me!" inis kong hinampas ang mesang nasa harap ko. Paanong nasa iisang lugar na pala kami ng batang iyon pero hindi ko man lang sya napansin? "Anong kalokohan ang pumasok sa utak ng batang iyon?" "That was not the only reason why I only call you now." sabi nya tsaka ipinakita sa isang monitor ang isang mapa na may dalawang red dot. "The first red one is Kanary and the other one, it's Khio's DNA signal." May nanochips na naka-inject mismo sa mga DNA namin at nagbibigay iyon ng signal sa isla kung nasaan sina Maia kapag nasa iisang lugar ang dalawa o higit pa sa amin. "Khionen?" Tumango sya. "I don't know how that possible but it's really Khionen's signal. I checked it for 10 times at iisa lang ang resulta." How is that even possible? Khionen died 2 years ago kaya paanong made-detect ang signal nito. At talagang sa lugar pa kung nasaan ako. "You have to check it, chief. I don't really know if it's just his clone or something but I'm sure that it is connected to him. To you and to Karin." Saglit akong nag-isip at inisa-isa ang mga bagay na kailangan kong gawin pagkuwa'y huminga ako ng malalim. "Safe ba ang Surrey?" "As of now, yes. May matibay silang fences para harangan ang lahat ng zombies na magtatangkang lumapit. Nakabantay ang buong military forces sa loob at labas. They have tight security para sa mga survivors to make sure na walang sinumang virus carrier ang makakapasok." "What about columbia station?" "Nope. Marami nang zombie ang nagkalat sa mga daan. At sa nakikita ko ay kahit ang mismong station ay pinamumugaran na din ng mga zombies." If that's the case, only Kanary and whoever has Khio's DNA will be the one to survive in that place. "Then I need some help." I said. "Sabihan mo ang kambal na salubungin ako sa Surrey. Hindi ko basta maipapasok si Kanary nang wala ang tulong nila. Dalhin ang lahat ng gamit ko. Then simulan mo nang kontakin ang lahat ng special agency that will clean the infected." "Done." "Anyway, what about Leion?" "He's fine though he's worried about you and Karin." sabi nito. "Should I call him?" Umiling ako. "Not today. I'm sure, mas lalo lang syang mag-aalala kapag nagkausap pa kami. He needs to be in focus para makatulong sa inyo sa pagbabantay dyan. And make sure na hindi sya susunod sa amin. "We all know that. And he knows that." "I have to go." "Take care, Chief." sabi pa nito. "Stay in touch and be careful on the living ones." "I know."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD