Chapter 46

1257 Words
Nanami Yoshino (Katana) “What are you doing?” sulpot ko sa harap ni Lulu nang makita ko siyang sumisilip sa pader na siyang naghihiwalay sa bakuran ng bahay nila at bakuran ng bahay ni Tita Ayami. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na napaatras. Akma pa nga sanang tatakbo pero agad ko nang hinawakan ang kanyang kamay. “Oops,” sabi ko. “Bawal tumakbo palayo.” I am sure that even though she is resisting, I can’t see fear in her eyes and that made me think that she actually wants to talk to me. “Can you please stop resisting?” sabi ko. “Pareho naman nating alam na gusto mo akong makausap.” Natigilan siya at dahil sa naging reaksyon niyang iyon ay nasisiguro kong tama nga ang iniisip ko. Kaya dahan-dahan ko na siyang binitiwan. “So?” Tinaasan ko siya ng kilay. “What do you want from me?” “I…” Umiwas siya ng tingin sa akin at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang dress. “I don’t really need anything from you.” “Really?” tanong ko. “But you keep looking for me.” “N-no!” alma niya pero hindi niya pa din magawang makatingin sa akin. "Lagi kaya kitang nakikita," sabi ko pa tsaka itinuro ang bintana ng kanyang kwarto. "Doon oh." Nagsimula nang mamula ang kanyang mukha at iniiwasan pa din na mapatingin sa akin. At hindi ko naman siya tinigilan. Inisa-isa ko pa ang bawat parte ng bahay nila kung saan siya pume-pwesto para lang tanawin ako. Hanggang sa napabuntong hininga na lamang siya at sa wakas ay bumaling din siya sa akin. "Hindi ka ba nasabihan ng tiyahin mo?" tanong niya. Inilagay pa niya ang dalawang kamay niya sa kanyang baywang at tinaasan pa ako ng kilay. "Hindi ba niya sinabi na hindi mo dapat ako kinakausap?" "Sinabi niya," sambit ko. "Kasi magagalit daw ang mga magulang mo." "Then why are you still talking to me?" tanong pa niya. "You should know that my parents will surely make your life miserable for talking to me." Bahagya akong natawa at ngumisi. "My life was already miserable and I also done experiencing hell so sa tingin mo ba ay may pakialam ako doon?" Napaawang ang kanyang labi. "Anyway…" Inakyat ko ang bakod na iyon at naupo sa ibabaw nito dahil hindi naman ito masyadong mataas. "Why do you keep looking for me?" Umiling-iling siya. Siguro ay para mawala ang kanyang pagkabigla sa sinabi ko kanina. "Is there something you need from me?" "I don't need anything from you," aniya. "I am just curious about you since the people inside that house are kind of weird." Kumunot ang noo ko. "Weird?" Tumango siya. "How weird?" "Ayaka and Liam are displaying too much affection for each other which is normal because they are the only ones who do that," aniya. "Ayato is too quiet and vain. Ni minsan nga ay hindi ko siya nakitang may kasamang kaibigan at kahit na ilang party pa ang dinaos sa bahay na iyan ay hindi ko siya nakita na uminom ng alak, which is common sa mga normal na lalaki." "Then, what about Yami?" "Yami is the super opposite of Ayato," sabi pa niya. "Para siyang lalaki kung kumilos. Lagi pang nakasuot ng malaking t-shirt at kung maglakad ay parang siga. Siya din iyong malakas sa alak, which is not common for a lady like her." "Sino ang nagturo sayo ng normal sa babae, normal sa lalaki na iyan?" "My private teacher," proud pa niyang sagot. "She said that a lady should always act polite, reserved and elegant. While a gentleman should know how to become a real man." "Hmm…" Tumangu-tango ako. "I understand what they told you but to be honest, what they are saying is not true." "E-eh?" Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung ano ang itinuturo ng mga private teacher niya sa kanya pero hindi ako papayag na lalaki ang batang ito nang hindi naliliwanagan sa gender qualities ng isang tao. "Listen carefully, Lulu," sabi ko. "Unahin natin ang mga lalaki. Well, hindi ko naman itatanggi sa iyo na may mga lalaki talaga na malakas uminom ng alak, laging nasa galaan kasama ang barkada, malalaki ang katawan at magaslaw ang kilos. But humans have their own personality. That is why it is also normal for them to become quiet and vain." "A-are you saying that a man who is not drinking is still a man?” Tumango ako. "Hindi basehan ang iniinom para sabihin na hindi lalaki ang isang lalaki. At hindi basehan ang kilos para sabihin na hindi babae ang isang babae.” “But my teacher said …” “I know,” putol ko sa akma niyang sasabihin. “I heard you the first time. But your teacher is teaching you something that in my eyes is not right so I am trying to correct it. People are still what they are even though they don’t do those things that your teachers told you and that is reality.” Hindi ko alam kung ano ang plano ng teacher nito at bakit ganoon ang itinuturo sa kanya? Parang hahayaan nila na lumaking inosente ang batang ito na walang alam sa bawat isang personalidad ng isang tao. “You know what?” Kumuha ako ng papel at lapis tsaka isinulat ang pamagat ng libro kung saan ipinapakita ang iba’t-ibang personalidad ng isang tao pagkuwa’y inabot iyon sa kanya. “Look for these books. It will help you learn everything about people outside your house.” Kinuha niya iyon. “But I still don’t know how to read.” Natigilan ako at muli iyong kinuha tsaka ibinulsa. “Sorry,” sabi ko. “You look matured so I thought they already told you how to read.” Nakalimutan kong halos limang taon pa lang ang batang kaharap ko. At dahil hindi ako sanay na nakikipag-usap sa bata ay kinakausap ko siya na para bang kasing-edad ko lang siya. “Anyway, you don’t really have to think about that for now,” sabi ko. “Masyado ka pang bata para sa ganyang topic. You should be enjoying yourself with toys.” “My parents don't want me to play with toys,” aniya. “They said that it was only for people who have lower IQ so told me to just focus on my subjects and never ask anyone to play with me.” Medyo naiinis na talaga ako sa ginagawa na pagpapalaki ng mga iyon sa batang ito pero ano bang magagawa ko? Aba’y hindi ako ang magulang niya. At baguhan lang din ako sa lugar na ito para makialam sa kung paano nila palalakihin ang kanilang anak. At nasisiguro kong hindi din iyon makakabuti kay Lulu. Kaya napabuntong hininga na lang ako tsaka pinatong ang kamay ko sa ulo niya. “May tree house sa likod bahay, kung gusto mong maglaro ay pwede kang pumunta doon.” Sa unang pagkakataon ay nakita ko ang tuwa sa kanyang mga mata matapos kong sabihin iyon. Ah, kids should be enjoying their lives while they are still young. “R-really?” Tumango ako. “I will also play with you para hindi ka na maging malungkot.” Yeah, alam kong may consequence na naghihintay sa akin ngayong ini-involved ko na ang sarili ko kay Lulu. And I am ready to take responsibility for that. Kung ito lang naman ang maitutulong ko para kahit paano ay maging masaya ang batang ito ay gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD