Chapter 47

1150 Words
Nanami Yoshino (Katana) Dahil masyadong abala ang magulang ni Lulu at hindi naman siya madalas nababantayan ng mga kasambahay nila ay ginamit ko iyong pagkakataon upang lagi siyang mapapunta sa treehouse na nasa likod ng bahay ni Tita Ayami. Kaya sa tuwing umuuwi ako galing sa school ay doon ako dumederetso para lang makipaglaro sa kanya at madalas ay inaabot kami ng dalawang oras bago siya umuwi. Sa totoo lang ay kulang ang dalawang oras na iyon para sa paglalaro ng isang bata pero wala naman kaming magagawa kaya pinagkakasya na namin doon ang lahat. At sa dalawang oras na iyon ay tuluyan kong nakilala si Lulu. She is not actually that special. Yes, matalino siya at maagang hinahasa ng mga magulang niya ang kanyang talino kaya naman sa edad niyang anim ay puro pang-high school na agad ang idini-discuss sa kanya. But she is still a kid. A kid who wants to be happy playing with toys. A kid who wants to enjoy her life without thinking of anything. A kid who doesn’t really need to be that too serious in life. Yes, Lulu is still a kid. A normal kid that should have a normal life. Kaya naman pilit kong ibinibigay iyon sa kanya sa loob ng dalawang oras na malaya siya sa kamay ng mga magulang at kasambahay nila. “I already warned you about this, right?” sabi sa akin ni Tita Ayami nang mahuli niyang kasama ko si Lulu sa loob ng treehouse. Kasalukuyan ngayong abala sa pagkukulay ng coloring book si Lulu na binili ko kanina sa book store habang kami naman ni Tita ay nakatayo sa pinto ng treehouse habang nakatingin kay Lulu. “Sa tingin mo ba ay hindi ito malalaman ng mga magulang niya?” “Handa naman akong tanggapin kung ano ang gagawin nila sa akin,” sabi ko. “That…” itinuro ko si Lulu. “...kid’s smile is actually worth it. Kaya kung babalik man ako sa nakaraan ay uulitin ko din ang naging desisyon ko sa pakikialam para sa batang iyan.” Bumuntong hininga si Tita. “Akala ko ba ay normal na buhay ang gusto mong makuha sa pagbabalik dito?” “It is not like I planned this, okay?” sabi ko. “Wala sa plano ko ang makilala ang batang iyan pero dahil nakita ko kung paano siya maging miserable sa edad niyang iyan, sa tingin mo ba ay makakayanan kong hindi kumilos?” Muli siyang bumuntong hininga. “Okay. To be honest, masaya ako sa nakikita kong saya sa mga mata ni Lulu. Pero ako na kasi ang nagsasabi sa iyo na hindi iyan magtatagal. Kapag nalaman ng magulang niya ang ginagawa niyang pagpuslit para pumunta dito, siguradong pareho kayong malilintikan. At muling babalik ang dating lungkot sa batang iyan.” Gustuhin ko mang magsalita pa ay hindi ko na itinuloy. Alam ko naman kasi kung ano ang ginagawa ko at pareho din naming alam ni Lulu kung ano ang posibleng mangyari kapag nalaman ng magulang niya kung ano ang ginagawa namin. At napag-usapan na din namin iyon. Pareho kaming handa sa kung ano ang kahahantungan namin dahil para sa amin, ang mahalaga ay ang kasalukuyan. Kasalukuyang nagagawa niyang maging masaya. Kasalukuyan na nagagawa niyang magpakabata. Kasalukuyan kung saan nagagawa niyang kumilos ng naaayon sa kanyang edad at hindi iniisip na magkamali sa harap ko dahil alam niyang tanggap ko siya kung ano man ang kilos niya at hindi big deal sa akin kung magkamali man siya. Yes, napagkasunduan na namin ang arrangement na ito. Kaya pareho kaming hindi natatakot sa kung ano ang gagawin ng magulang niya dahil pareho naman kaming nakahanda. Muling bumuntong hininga si Tita Ayami tsaka ginulo ang buhok ko. “Fine,” aniya na ikinalingon ko sa kanya. “Do what you want and you can expect that I will be backing you up as long as you will make that kid happy. But you have to make sure that she will always be safe when she is with you, okay?” “Tita…” I was touched by what she said. Hindi ko naman iniisip na kakampihan niya ako dahil siya nga itong nagbawal sa akin na i-approach si Lulu noong una. Pero nakikita kong kahit siya ay concern lang din sa batang ito. And since nakialam na din ako ay hindi na din siya magdadalawang-isip na makialam basta masiguro ko lang ang kaligtasan ng bata habang kasama niya ako. “Ouch!” Napangiwi ako dahil bigla niyang nilamukos ang mukha ko. “What the hell is wrong with you?” “Huwag mo akong dramahan ng ganyan, Nanami!” singhal niya habang nakaturo sa akin. “Halos dalawang buwan kitang kasama at sinasabi ko sayo, kinikilabutan ako kapag masyado kang nagpapakita ng emosyon.” Natawa ako sa sinabi niyang iyon. “Aba’y ikaw itong may sinabing naka-touched sa akin. Malamang, magiging emosyonal ako.” “Ewan ko sayo.” Akma niyang pipitikin ang noo ko pero agad na akong umiwas. “Hindi ako sanay na emosyonal ka noh.” “Gusto mo bang maging emosyonal ako?” “Hell no!” alma niya na muli kong ikinatawa. “Just stay what you are and don’t ever change!” Hinayaan ko na lang siyang tumakbo palayo sa akin. Well, hindi ko naman siya masisisi sa naging reaksyon niya dahil madalas talaga akong poker face kapag nasa loob ng bahay. Hindi din ako madalas makipag-usap sa kanila at kadalasan pa ay cold reply ang nakukuha nila sa akin. Kaya hindi na nakakapagtaka na ganyan ang reaksyon niya ngayon na nakitaan niya ako ng labis-labis na emosyon. Hindi niya iyon nakasanayan sa dalawang buwan kong pananatili dito. Ah! Dalawang buwan na pala mula nang manirahan ako dito. At marami-rami na din naman ang nangyari. Pumapasok pa din ako sa school, uma-attend ng club meeting kuno para makapag-attendance lang. Minsan ay kasama ko si Ashen pero dahil nagiging busy na siya sa tennis club niya ay bihira na lang kaming magkasabay na umuwi. Pero madalas ay sabay pa din kaming pumasok. At mula nang humingi ako ng pabor kay Lychee ay lalo siyang naging pursigido na pilitin akong maging parte ng kanilang organisasyon lalo pa’t nakita niya kung gaano ako kabilis kumilos noong tinawid ko ang bawat nitso sa cemetery maze. Pero tulad ng lagi kong sinasabi sa kanya, wala akong plano na tuluyang ma-involved sa mga parasites. Besides, I don’t have enough time to deal with that dahil sa pag-uwi ko galing school ay inilalaan ko ito para kay Lulu. Dahil sa ngayon, iyong ngiti ni Lulu ang mahalaga sa akin ngayon. Nakikita ko kasi sa kanya kung paano lumaki ang mga anak ko noong nasa laboratory pa lang kami. Pinagkaitan sila na maging isang bata at pinilit na kumilos agad nang matanda kaysa sa kanilang edad. Kaya naman sisiguraduhin ko na hindi siya magagaya sa mga anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD