Chapter 23

1298 Words
Nanami Yoshino (Katana) Wala talaga akong plano kanina nang sumakay ako ng train mula Australia hanggang Valier. Ni hindi ko nga alam kung ano ba ang gagawin ko dito para maipagpatuloy ang buhay na pilit inagaw sa akin ilang taon na ang nakakalipas. Kaya naman hindi ko inaasahan na dito din pala ako mapapadpad. Sa mismong harap ng bahay ng aking tiyahin. Ang kapatid ni Daddy na siyang kukupkop sana sa akin noon. At plano ko na nga sanang umalis kanina bago pa may makakita sa akin ngunit eksakto namang bumukas ang gate nila at mabilis akong namukhaan ni Tita Ayami. Nakilala nga niya agad ako at nanlaki pa ang mga mata dahil sa hindi inaasahang pagkikita. Bakas din sa kanyang mukha ang matinding pagkalito, marahil ay dahil sa pananatili kong bata kahit na ilang taon na ang lumipas. Pero hindi siya nagtanong sa akin at ngumiti lang pagkuwa'y niyakap ako ng mahigpit tsaka iginiya papasok sa kanyang bahay. "This will be your room," ani Tita Ayami habang inaalis ang mga cover sa mga gamit na narito. "Ito din ang inihanda kong silid para sayo noon pero hindi ka natuloy dito kaya naman pinatakpan ko na lang ang mga gamit." "Salamat." "Did you call your parents?" tanong niya. "Naipaalam mo na ba sa kanila na buhay ka pa?" Umiling ako. "It has been ten years since…" Kumunot ang noo niya. "Ten years?" Tumango ako. "Hindi ba't…" "I don't know what really happened to you when you disappeared but it has been twenty years since then," aniya na ikinalaki ng mga mata ko. "What?" "Inaakala mo bang sampung taon lang ang lumipas mula nang mawala ka?" tanong niya. "Yeah," sagot ko. "That is what I thought." To be honest, hindi ko din naman alam kung gaano na ba katagal mula nang mawala ako. Hindi dahil hindi ako marunong tumingin sa kung ano na ang petsa ngayon pero malaki ang epekto sa akin ng eksperimento na ginawa sa akin. Na kung saan ay nakalimutan ko na ang bawat paglipas ng araw, linggo, buwan o taon dahil wala namang nagbabago sa katawan kong ito. Hindi na din ako kailanman tumingin pa sa kalendaryo mula nang makalabas ako sa laboratory kung saan ilang taon din akong ikinulong. Kaya hindi ko din talaga alam kung gaano na ba ako katagal nawala sa pamilya ko. O kung gaano na ba katagal mula nang makatakas ako ng lugar na pinagdalhan sa akin ng mga taong dumukot sa akin sa airport. "You have been missing for twenty years," aniya. "At hindi ka man lang ba nag-abala na tawagan ang pamilya mo?" Umiling ako. "Maliban sa itinakwil na nila ako, iniisip ko din na mapapahamak lang sila kung makikipag-communicate ako sa kanila," paliwanag ko. "Hindi imposible na sila ang unang punatahan ng mga taong dumukot sa akin matapos kong makatakas sa kanila." Ako kasi ang pinakaperpekto nilang human subject kaya naman pinalipas ko pa ang ganito katagal ang panahon bago muling lumabas sa islang pinagtataguan ko at ng iba pang human subject na nagawa kong iligtas mula sa kamay ng mga taong iyon. "Then, I am right," aniya. "Talagang may dumukot sayo habang papunta ka dito." Tumango ako. "Pero hindi na mahalaga iyon dahil matagal na panahon na akong nakatakas sa kanila," sabi ko. "At mukha namang itinigil na nila ang paghahanap sa akin kaya sinusubukan ko nang ipagpatuloy ang normal kong buhay na naudlot dahil sa kanila." Hindi na siya sumagot pa at lumapit na lamang sa akin pagkuwa'y niyakap ako. "Ahmm…" I don't know what to say. "Hindi ko alam kung ano ang nangyari sayo," sabi niya. "Pero alam kong hindi iyon madali kaya gusto kong humingi ng kapatawaran dahil sa pagkukulang ng aking kapatid." "Hindi mo kailangan…" "At least let me say sorry," giit niya. "Iyon lang ang magagawa ko para kahit paano ay mawala ang guilt na nararamdaman ko ngayong muli na kitang nakita." Hindi na ako sumagot. Well, hindi ko naman sila sinisisi sa kung ano ang ginawa nila sa akin. Matagal na panahon ko na din naman iyong kinalimutan.  Pero hindi ibig sabihin noon ay gagawa pa ako ng mga bagay na may kinalaman sa kanila. I am just here to continue the life that I was supposed to have before. At hindi kasama doon ang muli kong pakikipag-usap sa pamilya ko. Dahil sigurado naman na para sa kanila ay patay na ako. Kumalas na siya ng yakap sa akin pagkuwa'y pinunasan ang kanyang mga luha at ngumiti sa akin. "Anyway, you are welcome to stay here as long as you want. I have a son and two daughters. Dito din sila nakatira but they are occupying the second floor." Nasa ground floor kasi ang silid na ibinigay sa akin ni Tita Ayami. "My son, Ayato, is currently in 4th year college so you might not be able to see him often," kwento niya. "Medyo busy na kasi iyon dahil graduating na." "I remember him," sabi ko. "He is your second child and you always send his pictures to dad. Iniinggit mo siya dahil wala siyang anak na lalaki." Ngumiti siya. "I am glad that you are still able to remember those simple details." "I can't help it," sabi ko tsaka nagkibit balikat. "It is one of the side effects that the experiment did to my brain." Natigilan siya at napaiwas ng tingin. "I also remember Ayaka," dagdag ko. "Your first child." Tumangu-tango siya. "Yeah. May asawa at anak na din siya." "Working?" "Yeah," sagot niya. "General Manager sa isang five star hotel. Doon din nagra-trabaho ang asawa niya habang ang anak nila ay limang taon na at nag-aaral na." "Good for her," sabi ko pa. "What about your third child?" "Yami?" aniya. "She is still in senior high school and you know, she is a little bit troublesome." Sa dalawampung taon na nawala ako, hindi ko inaasahan na ganito na pala kadami ang nangyari sa buhay ng mga taong sana ay makakasama ko noon. At kung ganito ang buhay ni Tita Ayami, siguro ay may asawa at anak na din ang kapatid ko. "If you are thinking about Naru, nakapag-asawa na din siya," sabi ni Tita na para bang nabasa niya ang iniisip ko. "Ang totoo niyan ay nalaman namin na buntis siya nang araw na magpunta ka ng airport." "What?" "Ayon sa mommy mo, iyak ng iyak ang kapatid mong iyon nang umalis ka sa bahay nyo at bigla na lang hinimatay kaya agad na itinakbo sa ospital," kwento pa niya. "At doon nalaman na buntis pala siya at hindi maaari sa kanya ang masyadong emosyonal." Kung gaano karami ang nangyari sa buhay ni Tita ay mas marami pa pa lang ang nangyaring pagbabago sa buhay ng mismong pamilya ko. At tingin ko ay hindi na din naman nila masyadong naramdaman ang pagkawala ko dahil abala sila sa pagdating ng bagong miyembro ng pamilya nila. Inis kong iniling ang aking ulo upang alisin ang anumang bagay na pilit pumapasok sa isip ko. Hindi na dapat ako nag-iisip pa ng ganito. Oo nga't pamilya ko sila pero hindi ko na dapat hinahayaan ang sarili ko na maapektuhan sa kung ano man ang mayroon sila ngayon. Masyado nang marami ang nangyari. Kaya sapat lang na hindi na ako bumalik pa sa kung ano ang nakaraan. "Oh siya," ani Tita Ayami. "Magpahinga ka na muna diyan. Tatawagin na lang kita kapag nakaluto na ako." Tumango lang ako at ngumiti sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang lumabas ng silid ko. Agad kong isinara ang pintuan tsaka ito kinandado pagkuwa'y agad ko nang ibinagsak ang sarili ko sa malambot na kama. Hindi ko alam kung ako ang mangyayari ngayon sa akin pero susubukan kong ibalik sa normal ang lahat habang naghahanap ako ng dahilan na siyang magtutulak sa akin upang magpatuloy sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD