Chapter 24

1167 Words
Nanami Yoshino (Katana) Kinabukasan, paglabas ko ng kwarto ay agad bumungad sa akin ang ibang kasama sa bahay ni Tita Ayami. Si Ayato na abala sa hawak niyang libro ngunit agad na tumingin sa akin at ngumiti bilang pagbati nang ipakilala siya sa akin ng kanyang ina. Si Ayaka na abala sa pag-aasikaso sa kanyang makulit na anak na nakikipagtalo pa para sa kakainin na umagahan. Ang asawa naman niyang si Liam na siyang nagluluto ng agahan. Masaya din nila akong binati ngunit hindi na masyadong pinansin dahil agad nilang ibinalik ang atensyon sa mga ginagawa. At si Yami na tahimik lang na kumakain ng kanyang cereal habang nakatutok ang mata sa tv. Hindi na ito nag-abala pa na tumingin sa akin at bahagyang nag-wave na lang ng kanyang kamay ng ipakilala siya sa akin ng ina. And of course, hindi binaggit ni Tita Ayami na ako ang pinsan nilang si Nanami. Nabanggit ko na naman sa kanya na hindi ko na ginagamit ang tunay kong pangalan at nagdesisyon na Katana ang gamitin bilang pagkakakilanlan ko ngayon. Ang pakilala niya sa akin ay anak ng kanyang kaibigan na kailangan ng matutuluyan dahil nag-migrate na sa ibang bansa ang pamilya ko at ako na lang ang naiwan dito para tapusin ang pag-aaral ko. Ang sabi ko nga sa kanya ay maaari naman niyang sabihin na trabaho ang ipinunta ko sa bansang ito o kaya naman ay ang Blood Festival ng Valier Kingdom. Ngunit siya na mismo ang nagpilit na hindi iyon gamitin dahil hindi daw kapani-paniwala sa itsura ko na may trabaho na ako. Eh hindi naman kasi nagbago ang itsura ko mula nang kunin ako ng mga nag-eksperimento sa akin kaya nananatili pa din akong mukhang teenager kahit dalawampung taon na ang nakakalipas. Sinabi din niya na hindi namin maaaring idahilan ang Blood Festival dahil dalawang linggo lang ang itinatagal ng pagdiriwang na iyon kaya baka magtaka ang mga anak niya kung magtatagal ako sa kanilang bagay ng higit sa dalawang linggo. Kaya naman wala na akong nagawa kundi ang makiayon na lang sa kung ano ang naisip niyang dahilan. At para maging kapani-paniwala ito ay agad niya akong inenrol sa pinakamalapit na college school kung saan nag-aaral sina Ayato at Yami. Hindi na nga ako nakatanggi doon dahil isa iyon sa kailangan kong gawin kung gugustuhin kong manatili dito sa bahay nila. Limitado lang ang pera na maaari kong ilabas para sa sarili ko kahit pa marami ako noon kaya hindi din ako maaaring mag-rent na lang. Kaya kahit ayoko at hassle lang ang pagpasok sa school ay hindi na ako pumalag pa sa gusto nito. "I already talked to the principal of your new school," sabi ni Tita Ayami habang iniaayos niya ang mga damit at gamit ko para sa eskwela. "Ang personal mong impormasyon ay hindi muna nila ilalagay sa school system para na rin sa iyong kaligtasan. But your records will remain there under your pseudo name, Katana." "Then, will people in that school know me as Katana?" Tumango siya tsaka bumaling sa akin. "You will be using my friend's surname as your front." "At talagang pinaghandaan mo na ang lahat," sabi ko na agad niyang tinanguan. "Why?" "I just realized what you need when you decided to show yourself here," sabi niya. "What do you mean?" "You want to have the life that has been stolen from you, twenty years ago, right?" aniya. "You want to continue the life that you were supposed to have here. That is why you flew back here to the Valier Kingdom." "Am I being transparent?" Umiling siya. "No," sagot niya. "Pero napag-isip ko kagabi ang posibleng dahilan kung bakit ka narito. After all these years, why did you suddenly show up here. And that's when I realized what you were really trying to do here." I don't really know much about Tita Ayami. Si Daddy at Mommy lang naman ang madalas niyang makausap dahil abala ko noon sa mga gawain ko sa school at ilang volunteer works sa lugar namin. Kaya hindi ko inaasahan na ganito pala ang ugali at pag-iisip na mayroon ang babaeng ito. Maliban sa hindi siya nagtatanong ng kahit ano tungkol sa kung ano ang nangyari sa akin sa loob ng dalawampung taon, hindi din niya ako pinipilit na gawin ang mga bagay na hindi ko naman gusto. Tulad na lang ng pagpapaalam sa mga magulang ko na buhay pa ako at patuloy na humihinga. Hinahayaan niya akong magdesisyon kung magku-kwento ba ako sa kanya. At hinahayaan niya din akong magdesisyon kung kakausapin ko ba ang pamilya ko. She was just giving me information about my family and there is nothing more to that. "I want to help you with everything I can," aniya. "Eh hindi ko naman mababanggit sa magulang mo ang lagay mo ngayon kaya sinisikap ko na maging sapat upang kahit paano ay mapunan ang bakanteng posisyon nila sa sitwasyon mo ngayon." "That is why you are providing me with everything," sabi ko. "That is why you are preparing everything that you might have done twenty years ago for me if I made it come here." Tumango siya. "I can't do much for you except for this so I am hoping that it will give you even the slight life that you wanted." I don't really know what to say to her. Obviously, what she is doing for me is far from what I deserve. Aba’y ako na nga itong bigla na lang sumulpot sa harap ng bahay niya pero siya pa itong sobra kung makapag-effort para lang maibigay iyong mga bagay na dapat ay ibibigay niya sa akin noon. Huminga ako ng malalim tsaka diretso siyang tiningnan. "Look, I appreciate what you are doing for me but it would be better if you stop." "W-what?" aniya. "Why?" "I don't really know how long I could stay here," sabi ko. "And I don't really plan to live here. Sinusubukan ko lang naman ang swerte ko kung magagawa ko pa nga bang bumalik sa pagiging normal pagkatapos ng lahat ng nangyari sa akin." "Are you telling me that you might just go away and disappear?" Tumango ako. "If things are not that good with me here, then I will choose to live and stop dreaming of having a normal life," paliwanag ko sa kanya. "So, please don't do anything anymore. Kung ano ang mga nagawa mo ngayon ay sapat na iyon. You will just waste your time if you continue." Tinalikuran ko na siya at umalis ng bahay para makapaglakad-lakad sa paligid. Ayoko naman siyang diretsahin ng ganoon pero ayokong isipin niya na magtatagal ako dito gayong hindi pa stable ang sitwasyon ko. May panganib na na humahabol sa akin at ayokong madamay sila kaya kapag natimbrehan ko na palapit na sa akin ang panganib na iyon ay agad na akong aalis dito. At magiging madali iyon sa akin kung hindi ako lubusang mapapalapit sa kanya kaya ngayon pa lang ay dapat ko nang putulin kung anuman ang ginagawa niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD