Chapter 22

1204 Words
Nanami Yoshino (Katana) “Parasites?” Tumango siya. “Follow me.” Agad na siyang nagsimula sa paglalakad at kahit hindi ako sigurado sa kung totoo ba ang mga sinasabi niya ay hindi na ako nagdalawang-isip na sumunod sa kanya. Sa dami ng taong nakaharap ko ay tanging siya lang ang nag-react ng ganito sa mga sinasabi ko tungkol sa mga itim na usok na nakikita ko sa tabi ng iba’t-ibang klase ng taon. Unang beses kong nakita ang mga itim na aura na iyon noong magising ako sa ospital matapos ang aksidente na muntik tumapos ng buhay ko. Iyon ang dahilan kung bakit paulit-ulit akong nagwawala kahit na alam ko ang kalagayan ng katawan ko. Dahil lahat ng tao sa ospital na nakikita at napapalapit sa akin ay nakikitaan ko ng ganoon sa kanilang tabi. At wala itong ibang hatid sa akin kundi matinding takot. Takot na hindi ko kayang i-handle mag-isa pero dahil hindi naman ako pinaniniwalaan ng mga nasa paligid ko, na kahit ang pamilya at kaibigan ko ay iniisip na nababaliw ako, itinigil ko ang pagbanggit sa mga ito. Ngunit hindi sila nawala. Ah, nagkaroon din pala ng pagkakataon na hindi ko sila nakita. Noong nasa isang lugar ako kung saan isinagawa ang iba’t-ibang eksperimento sa bawat parte ng katawan ko. Pero mula nang makatakas ako doon ay unti-unti na silang bumabalik. “They are not actually a smoke or aura,” sambit ni Lychee nang makarating kami sa isang open court kung saan may mga nagkakainitang player na naglalaro ng basketball. “Maliliit silang nilalang na siyang nagtatrabaho bawat grupo kaya naman nagmumukha silang usok o aura sa paningin natin.” “And you said earlier that they are giving negative thoughts to humans,” sabi ko. “Iyon ba ang dahilan kung bakit ganyan na lang ang ikinikilos ng mga player na iyan?” Tumango siya. “They can actually influence humans,” sabi niya. “Kung kaninong tao sila nakadikit, iyon ang kanilang napiling impluwensiyahan para manakit ng iba o saktan ang sarili nila.” “Why?” “Nagre-release ng negative energy ang mga tao sa tuwing gumagawa sila ng masama, lalo na kapag nakakapanakit sila o nasasaktan sila,” paliwanag pa niya. “At ang negative energy na iyon ang kailangan ng mga parasite upang patuloy sila sa pag-e-evolve hanggang sa tuluyan na silang magkaroon ng sarili nilang isip.” Ibinalik ko ang tingin sa mga players na iyon at sa mga parasite na ngayon ay nakadikit sa kanilang mga ulo. Pero agad akong napakunot ng noo nang makita ang isang player na siyang gumigitna upang pigilan ang mga nasa court. “W-why…” Bumaling sa akin si Lychee. “Oh, napansin mo na iyong nag-iisang lalaki sa court na walang parasite na nakadikit sa kanya?” Mabilis akong tumango at tumingin muli sa kanya. “What does it mean?” “Hindi lahat ng tao kay kayang dikitan ng mga parasite,” sabi niya. “And I don’t really know their criteria of choosing their targets but some people are immune to them. And there’s us.” Tumitig lang ako sa kanya. “People like us who have the ability to see them clearly,” aniya. “And people like us also have the ability to fight them.” “What?” sabi ko. “Fight them?” Tumango siya. “I belong to a group that has been fighting these things for some time now. At maliban sa pakikipaglaban ay pinag-aaralan din namin ang tungkol sa kanila nang sa gayon ay malaman namin kung ano ang kahinaan nila para maging advantage sa panig namin.” “And did you ever defeat one?” “We have already developed some weapons that can only be used against them,” sabi niya at nakita ko sa kanyang mga mata ang lungkot kaya tingin ko ay hindi pa ganoon kaganda ang mga weapon nila dahil marami-rami pa din ang mga parasite na nakikita ko sa paligid. “Pero ang mga parasites lang na hindi pa nag-e-evolve ang kaya naming puksain.” “Ibig sabihin ay marami na ang nasa mataas na level ng nilalang na ito?” Bumuntong hininga siya. “Yeah,” sagot niya. “Kaya naman ganoon na lang ang kagustuhan namin na makakilala ng mga taong mayroong kakayahan na makita ang mga ganitong nilalang.” “And that is why you came to me when you heard our conversation.” Tumango siya. “We need someone like you to join us in our fight. Hindi natin pwedeng hayaan na magpatuloy ang mga nilalang na ito sa mga bagay na kanilang ginagawa lalo pa’t marami nang normal na tao ang napapahamak ng dahil sa kanila.” Noon ay lagi kong hinihiling na sana ay may makapagpaliwanag na sa akin kung ano ba itong nakikita ko. Dahil maliban sa takot na nararamdaman ko noon sa tuwing nakikita ang mga nilalang na ito ay nakakaramdam na din ako ng pagkalito. Wala kasing naniniwala sa akin kapag nababanggit ko ang tungkol sa mga itim na aura na ito. At ang malala ay napagkakamalan pa akong baliw kapag pinagpipilitan ang existence ng mga ito. Pero ngayong alam ko na ang lahat ay para bang mas gugustuhin ko pa na maging ignorante na lang sa mga bagay na ito. Dahil nangangahulugan lang ng kanyang sinasabi na kailangan kong pasanin ang responsibilidad na labanan ang mga organismong ito upang makapagligtas ng mga normal na taong hindi kayang makita ang mga nilalang na ito. Kailangan kong lumaban para sa ikaliligtas ng mga taong wala namang ginawa sa akin kundi ang pahirapan ako. “You know what?” sabi ko tsaka ipinatong ang kamay ko sa balikat niya. “Thank you for explaining these things to me. I really appreciate it.” Agad ko nang inalis ang pagkakahawak ko sa kanya at akma nang tatakbo ngunit mabilis niya akong hinawakan sa kamay ko. “Please, join us,” aniya. Napapikit ako at hinilot ang aking sentido dahil alam kong hindi matatapos ng mabilis ang pag-uusap na ito. “We need your help,” aniya. “We really need you.” Bumuntong hininga ako at muling humarap sa kanya tsaka dahan-dahang inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko. “I am sorry. But I am not the same as I was before after all the things that just happened to me,” sabi ko sa kanya. “Kung noon ko siguro nalaman ang lahat ng ito, baka hindi ako nagdalawang-isip na tumulong sa inyo. But everything is already too late and I don’t want to get involved in this matter anymore.” “There are people's lives that have been at stake.” Tumangoa ko. “I know,” sabi ko. “I am aware of that. But I don’t really care because they don’t really care about me in the first place.” Alam kong makasarili ang dahilan kong ito pero wala silang alam sa kung ano ang pinagdaanan ko sa mga nakalipas na tao mula nang magsimula kong makita ang mga parasites na iyon Kaya huwag silang umasa na iuugnay ko pa ang sarili ko sa mga ganitong bagay. I already suffer too much. At wala na akong planong dagdagan pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD