Chapter 10

2231 Words
Katana's Pov Madilim na nang makarating kami ng bungad ng Fraser River at tulad ng inaasahan ay naroon na ang kambal na sina Raven at Klein. "Chief." Sinalubong ako ni Klein. "Wala bang infected sa kasama nyo? Hindi tayo patatawirin sa gitna kapag may nakita silang may sugat." Umiling ako. "Lucky for them, hindi nila kinailangang lumaban sa mga zombies. Pero pagdating sa loob, hugasan mo agad ang braso ni Kanary at palipan ng benda. Hindi sya pwedeng pumasok ng Surrey nang hindi tuluyang magaling ang sugat nya." "Sige, kami nang bahala." Ibinigay ko sa kanya ang bag ko at isa-isa nyang inalalayan ang mga kasama ko para makasakay sa bangka. Bumaling ako kay Kanary. "Hey." "Uuwi na ba tayo?" Umiling ako. "But you will. Kailangan pang asikasuhin ang problema." "Mommy! Ayokong umuwi nang hindi ka kasama." maktol nya tsaka mabilis na yumakap sa akin. "Wala na nga si Daddy tapos pati ikaw aalis sa isla. Kaya nga ako sumunod sayo kahit alam kong delikado eh." "Baby, we need to fix this problem." mahinahon kong sabi. "Hindi ako pwedeng bumalik ng isla at iwan ang mga zombies na iyon na nagkalat sa buong mundo dahil responsibilidad natin sila." "Pero—" "No buts, honey." Kumalas ako ng yakap at hinaplos ang pisngi nya. "I have to do this so go home. Siguradong nag-aalala na ang kuya mo." "Mom? Just tell me the truth, okay?" "What is it?" "Did you leave the island for you to find your light?" Natigilan ako pagkuwa'y ngumiti at tumango. "Yes, baby." Bumuntong hininga ako. "I've been living in the dark when your father decided to die & I don't want to keep living in it because I know that you still need me." "Of course." mabilis nyang sabi. "Leion and I will need you." Ngumiti ako tsaka ginulo ang buhok nya. "Kaya nga kailangan ko itong gawin or else, I will become selfish just like your father. And that was the last thing I want to do. I love you so much and I don't want to leave you in this cruel world." "Okay, I will go home." aniya. "But you have to promise me that soon, you will go home too." "I will go home." sabi ko. "Sige na, pumunta ka na sa Tito Raven mo nang magamot ang sugat mo." Tumango sya tsaka pumunta sa bangka kung nasaan si Raven. Doon ako muling nilapitan ni Klein. "Hindi mo sinabi sa kanya ang tungkol sa signal ni Khionen." aniya. "It won't necessary in this situation." sabi ko. "Siguradong magpipilit syang mag-stay kapag nalaman ang tungkol doon at iisipin nyang kaya gusto kong hanapin ang taong iyon ay dahil gusto ko nang mamatay." "Hindi ba?" Bumaling ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin. "Ganyan ba kasama ang tingin mo sa'kin? Just like what I said, ayokong iwan ang mga anak ko tulad ng ginawa nya that's why I need to find someone or something to live for. Besides, alam kong magwawala kayo kapag ginawa ko iyon." "It's good to hear that you know that." natatawa nyang sabi. "Isa pa—" muli akong bumaling kay Kanary na sinesermunan ni Raven. "Khionen's DNA is the only chance I have if ever na pare-pareho na tayong mapagod sa mundong ito. Alangang kayo lang ang magpahinga." "You're talking too much, chief." naiiling nyang sabi. "Sige na, umalis na kayo." Nag-inat ako at tumingin sa paligid. "Pagbalik  nyo sa isla, siguraduhin nyong malilinis ang lahat ng footage kung saan makikita si Keina. We should do whatever we can to make sure that their future will be protected." "Yes, ma'am." He salutes. "Anyway. pinadala ito ni Thalia." Iniabot nya sa akin ang isang box. "Hindi ko alam kung ano ang laman nyan pero tingin ko ay ine-expect nyang hindi si Kanary ang makakapagpabalik sayo sa isla. Kaya pinapasabi din nya a in time, kakailanganin mo iyan." Binuksan ko ang box na iyon at pareho kaming napakunot noo dahil puro medical supllies iyon. "At saan ko naman gagamitin ito?" Napakamot sya ng ulo. "Hindi ko din alam eh. Pero hindi sasabihin iyon ni Thalia kung wala talaga iyang pakinabang kaya itabi mo nalang din. Magwawala pa iyon kapag nalamang hindi mo tinanggap iyan eh." Napailing nalang ako at inilagay sa bag ko ang box. "Sige na, umalis na kayo." sabi ko. "Siguraduhin mo lang na pagdating sa Surrey ay agad na kayong babalik sa isla. Mas mahihirapan tayo kung madadagdagan pa ang problema natin." "I understand, chief." Hinintay ko munang makaalis ang rescue boat na sinasakyan ng mga survivor na kasama ko kanina sa tren. Kumakaway pa sa akin si Kanary habang nasa tabi nya sina Klein at Raven. Nakita ko din doon sina Vierra at Xhylem pero ikinakunot ng noo ko nang hindi makita si Erien. "Are you looking for me?" Napalingon ako sa likuran at nakitang nandoon ang taong hinahanap ko. Nakasandal ito sa kotseng iniwan sa akin ni Raven na gagamitin ko para linisin ang mga zombie sa bawat syudad na madadaanan ko. "What the hell are you doing here? Bakit hindi ka sumama papunta ng Surrey?" Nagkamot ito ng batok. "Nalaman kong hindi ka sasama sa amin kaya kinausap ko si Xhylem at sinabing magpapaiwan ako." "At bakit mo iyon ginawa?" Tinaasan ko sya ng kilay. "Hindi ko lang kayang sikmurain na pumunta sa ligtas na lugar habang ikaw ay narito at nakikipaglaban sa mga zombies." aniya at bumuntong hininga. "Kaya gusto kong tumulong." "Aware ka naman na hindi madali ang gagawin ko, hindi ba?" tanong ko na tinanguan nya. "Pwede kang mamatay or worse, maging tulad ng mga panget na zombie na iyon." "I know." sabi nya. "But I also know that you will not let me die kaya handa akong tumulong sayo sa kahit na anong paraan." "This is not your problem, Erien." "Sinasabi mo bang problema mo ito?" tanong nya na ikinatigil ko. It is my problem dahil ang dugo ni Kanary ang pinagmulan ng virus na ito kaya nga kailangan kong linisin ang mga kalat na iyon bago lumala ang problema pero paano ko iyon ipapaliwanag sa isang ito? Ang sitwasyon namin ay hindi maiintindihan ng normal natulad nya. "Ah—" Natigil ako sa akmang pagsasalita nang maramdaman ang pagba-vibrate ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at sinagot nang makita ang pangalan ni Maia. "What's new?" "It is about Khionen's DNA." "What about it?" Tumalikod ako kay Erien. "Did you find the carrier?" "Nawala ang signal nang makarating kayo sa Columbia Station and until now, hindi ko pa din nakukuha ang location nito." sabi nito. "But I did find something in Khio's files." "Tell me everything about it." "Do you remember the time when he stayed in Hazu Island alone?" "Yeah. He stayed there for two years at sinigurado nyang wala ni isa sa atin ang pupunta doon nang hindi nagsasabi sa kanya." "Nakuha ko ang lahat ng files nya at base dito ay sya ang dahilan kung bakit kahit patay na sya ay nade-detect ko pa ang signal ng DNA nya." "Don't tell me—" "Yes. Nag-perform sya ng experiment sa lugar na iyon. He used almost 10 human subjects that can carry his DNA." Halos mabitiwan ko ang phone dahil sa pagkabigla. Hindi ko inaasahan na magagawa iyon ni Khionen. Of all people, bakit sya pa? "Chief!" Natauhan ako ng marinig ang sigaw ni Maia. "Sorry." "Alam kong nakakagulat dahil hindi iyon ang pagkakakilala natin kay Khio pero kailangan mong malaman ang dahilan nya." "What do you mean?" "He left a video recording for you at doon mo malalaman ang lahat kung bakit nya piniling mamatay at iwan kayo." "Sinasabi mo bang hindi ito tungkol sa pagiging makasarili nya?" Bahagya syang tumawa pero ramdam ko ang lungkot doon. "In two years nating makasarili sya kaya nya tayo iniwan. Isinantabi natin kung ano ang pagkakakilala natin sa kanya kaya hindi natin nakita ang totoong dahilan ng mga ginawa nya." "Maia, I want to know everything." "I already sent you all his files." sabi nya. "Call me when you process everything and come up with a plan." And she ended the call. Tumingin ako sa kabilang parte ng ilog na nasa harap ko. Nakadaong na ang rescue boat na sinakyan nila Kanary kanina at mukhang hindi na ito muling babalik dito kaya bumaling ako kay Erien. "You can come with me for a while hanggang makahanap tayo ng susunod na rescue team." Ngumiti ito. "Thanks, Katana." "But for now, let's just crash into that building." sabi ko at itinuro ang six storey building na hindi kalayuan sa'min. "I just want to rest for a while." "Okay." ********** Someone's Pov "Are you really sure that they will show up because of this?" tanong ko habang pinapanood ang nangyayari sa mundo. "Hindi nila babalewalain ang bagay na ito, Milady." sabi nya. "Hindi sila magdadalawang isip na lumabas at ayusin ang gulong iisipin nilang sa kanila nanggaling. I know them well." "If you're sure then there's no need for me to worry." sabi ko. "Just do what you have to do." "Thank you for trusting me, Milady." Bahagya itong yumuko. "I will do everything to bring you the head of that woman." I held his chin and stare at his eyes. "Yes, you will bring her head to me. At sisiguraduhin nating mapapakinabangan ng husto ang mga kasama nya. Wala akong pakialam kung gaano kalaking pera ang ilabas ko kung kapalit noon ay ang tulad nila. So do your best to make our plan works." "Kahit may madamay?" Ngumisi ako. "We already make sure the safety of our clients at ang mga naiwan ay mga collateral damage na lamang para sa future na pareho nating binubuo. So don't hold back." Ngumisi din ito at tumango. "As you wish, milady." Ang halimaw na iyon ay nararapat na ituring na bagay. Kaya gagamitin ko silang lahat hanggang sa kahuli-hulihang patak ng dugo nila. Walang sinuman sa kanila ang makakaligtas sa kapalarang ibibigay ko. ********** Katana's Pov We decided to use the rooftop of this six storey building. Mas mabuti na ito para masigurong hindi kami basta masusugod ng mga zombie. May nakuha kaming heater sa 3rd floor at maayos pa ang power source kaya hindi kami mahihirapan sa pagtulog kahit malamig ang hangin. Si Erien ang nag-aasikaso ng makakain namin habang ako ay nagsimula nang pag-aralan ang lahat ng files na iniwan ni Khionen. "Kumain ka muna." ani Erien at inilapag ang pagkain sa harap ko. "Thanks." Itinabi ko ang laptop at sinimulang kumain. "Kanina ka pa busy dyan ah." aniya. "Are you doing something special?" Tinitigan ko sya at bumuntong hininga. "Are you curious about me?" Hindi sya nagdalawang isip na tumango. "I am super curious about you and all the things that you do. Especially when you said that you don't have a name anymore. Plus you look so much young to have a teenager daughter." paliwanag nya. "I guess you can't blame me for that." Muli akong bumuntong hininga. "Yeah, I can't blame you dahil weird naman talaga ang mga nalaman mo tungkol sa akin." "So? Are you going to feed my curiousity?" Napailing ako nang makita ang excitement sa mata nya and I think, it'll not hurt me and my friends if I told him a bit about me. "Like you said earlier when you met my daughter, I'm a product of an experiment that happen long time ago but that was a successful one." Nanlaki ang mga mata nya sa panimula ko. "And one of the effects of that experiment is my ageless body and face." "Seryoso? Walang halong biro iyan?" Tinaasan ko sya ng kilay. "Do I look like I am joking?" Umiling sya. "Hindi lang ako makapaniwala." Hindi ko sya masisisi dahil hindi naman normal na makasalamuha ng isang tulad nyang normal ang mga tulad naming naging human subjects. "What kind of experiment did they do to you?" he asked. "Human weapon." I said. "Did you see how I fight, right? It can't be done by a simple human like you." "Are you immortal?" Bahagya akong natawa na ikinakunot ng noo nya. "Sorry. I just find that queston funny but to answer that, I am not immortal. Sooner or later, I can still die just like a normal human." "Oh." Tumangu-tango sya. "It's cool to have an ageless body but being a human weapon? I don't think that's good." "Well, for someone like me, I wouldn't say that it is bad dahil malaki ang naitulong nito sa akin para protektahan ang mga taong mahalaga sa'kin." "Ginusto mo ba?" tanong nya. "I mean ang maging human subject? Did they force you to that experiment or it is you who actually want it?" Nagkibit balikat ako. "I don't know. I was 2 years old when they perform that experiment so I don't have the rights to refuse." He said something but I didn't hear it clear dahil sa biglaang pagdaan ng helicopter hindi kalayuan sa amin nakapakunot ang noo ko. "What did you say?" Ngumiti sya at umiling. "Ang sabi ko, lumalamig na ang pagkain natin kaya mas mabuti nang kumain na tayo." I'm no convince with that pero hinayaan ko na. It looks like it is not that important dahil hindi na din naman nya inulit. Kumain kami at saglit na nagpahinga tsaka nahiga. Maaga kaming aalis bukas at maglilibot para linisin ang nagkalat na zombie sa syudad na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD