Chapter 09

1226 Words
Ash Eiren Aozaki's Pov "Yah!" pagod akong naupo sa bench at hinilot ang braso ko. Ang dami din naming napatay at hindi madali iyon. Ang sakit sa katawan. "Are you okay?" tanong ni Katana na para bang hindi man lang napagod. Well, sanay siguro ang katawan nya. Tumango ako. "Masakit lang ang braso ko. Ikaw?" "I'm fine." Bumaling sya sa train kung saan isa-isa nang naglalabasan ang survivors na kasama namin. "Wait here. May kukunin lang ako sa—" "Mom!" Nagulat kami pareho nang may isang teenager na babae ang biglang yumakap sa kanya. "Mom! I'm sorry!" "It's okay. Ang mahalaga ay ligtas ka." sabi ni Katana na malambing na hinahaplos ang buhok ng babaeng iyon. "Wait. Anak mo sya?" tanong ko. Paano mangyayari iyon gayong kung titingnan si Katana, mukha lang syang 21 years old habang ang babaeng iyon ay parang 16 or 17 na. Alangang limang taon sya nang magkaanak. Bumaling sila sa akin at bahagya akong napaatras nang bigyan ako ng masamang tingin nung teenager. "Bakit? May problema ka kung anak ako ng mommy ko?" "Ahm. Ano kasi—" "Our situation is complicated and I wish I can tell you everything but this is not the right time." ani Katana. "Yeah, she's my daughter, Kanary." "At kasama natin sya sa train?" "Hindi ko alam na nasa train din sya." sabi pa ni Katana. "Hindi ko alam na sumunod sya sa'kin kaya nagmadali ako para makasunod dito." "You left my mom." Akma akong susugurin ni Kanary pero agad syang pinigilan ni Katana. "But—" "Don't start another problem, Kanary." madiing sabi nya dito. "Anyway, nakuha mo ang iba kong gamit sa train?" Agad itong tumango at ipinakita ang dalang bag. "I know that it's yours kaya kinuha ko nang lumipat ng train pero hindi ko nakita ang maleta." "Nasa unahan ng train. Kunin mo muna." Agad sumunod si Kanary tsaka bumaling sa akin si Katana. "Kailangan nating makarating sa Fraser River bago tuluyang magdilim. May rescuer na naghihintay doon at dadalhin nila tayo sa Surrey. Sabihan mo ang iba na kung gusto nilang maka-survive, they are free to come along." "Who's Khionen?" s**t! Hindi ko inaasahan na iyon ang unang lalabas sa bibig ko. Iinaas ko ang espada kung saan nakaukit ang pangalang iyon. "Nakita ko lang ito." "Ah. He's my husband." aniya. "But he died two years ago so you can have it if you can use it well." "Seriously, Katana. Ilang taon ka na ba talaga?" Hindi pa din kasi talaga ako makapaniwala na nagkaroon na sya ng asawa at may anak pa na teen ager. Ibig sabihin, doble ng edad ko ang edad nya? Ngumiti sya tsaka ginulo ang buhok ko. "Alam mo bang nakaka-offend sa isang babae ang tanungin ng ganyan." Natigilan ako. "Ah, I didn't mean to—" Muli syang natawa. "Joke lang. But my age is just a number and I'm sure, hindi ka din maniniwala kahit sabihin ko." "Don't tell me, you're also a product of experiment failure kaya sobrang bata mo pa kumpara sa totoong edad mo?" Sinabi nya kasing kumplikado ang sitwasyon nya at iyon ang nakikita kong reason para ipaliwanag ito. "You're imagining too much." Muli nyang ginulo ang buhok ko. "Sige na, puntahan mo na ang kasama mo para ipaliwanag ang sinabi ko. Aalis tayo in 10 minutes." Tinalikuran na nya ako at nilapitan si Kanary na inilalabas ang maleta nya. Doon naman lumapit sa akin sina Vierra at Xhylem. "Anong sabi nya?" tanong ni Xhylem. "Galit ba sya?" "Hindi." sabi ko. "At handa syang tulungan tayong makapunta sa Surrey kung saan ligtas sa mga zombie." Bumaling ako sa kanila. "Kung gusto nyong maka-survive, sumunod tayo sa kanila pero hindi ibig saihin ay magiging pabigat tayo. Maghanap kayo ng pwedeng magamit para ipanglaban sa mga iyon. Mas maraming zombie sa ibaba." "I still have it." ani Vierra tsaka ipinakita ang hand gun na kung hindi ako nagkakamali ay ibinigay sa kanya ni Katana. "Good. Let's looks for the others." "Erien." Napalingon ako kay Katana na syang tumawag sa akin. "You can give this to the others." Ibinigay nya sa akin ang tatlong hand gun. We can't use it at mukhang mas kakailanganin nila. Mukha naman kasing ayaw nila ng tulong ko." Napailing ako dahil halatang ipinapadinig nya kay Vierra ang huling sentence nya. "We're going to clear the whole station. Maghanap kayo ng mga pwede pang magamit then magkita tayo sa exit." Hindi na nya ako hinintay pang makasagot. Basta nalang nyang iniwan sa bench ang mga baril at umalis kasama si Kanary na masama pa din ang tingin sa akin. "Akala ko ba hindi sya galit?" ani Xhylem. "Hindi nga pero hindi ko sinabing ayos sa kanya ang ginawa nyo." sabi ko. "Let's go. Kailangan na nating umalis para hindi tayo abutin ng gabi." ********** Katana's Pov Matapos naming maubos ang nagkalat na zombie sa buong Columbia Station ay naupo muna kami ni Kanary sa hagdanan at kumain. Kaninang umaga pa pala hindi kumakain itong pasaway kong anak. "Sinong may gawa ng sugat na iyan?" tukoy ko sa sugat nya sa braso. "Nakuha ko ito nang dumating ako sa New York." panimula nya. "Doon kita huling na-track at habang hinahanap kita ay may mga nagtangkang mang-hold up sa'kin. Pero syempre pumalag ako kaya nagpaputok ng baril iyong isang holdaper. Panakot lang daw dahil sa panlalaban ko pero hindi sinasadyang tamaan ako kaya nang makita nilang nagdudugo na ang braso ko ay iniwan nila ako." "Sinong nagkaroon ng direct contact sa dugo mo?" Umiling sya. "Walang tao ang nagkaroon ng direct contact dito pero may dalawang aso ang lumapit sa'kin noong nanghihina ako. Hindi ko alam kung tama ang naaalala ko pero naramdaman kong may dumila sa sugat." "So, those dogs might lick your bloods and carried the virus." sabi ko. "At dahil malakas ang epekto ng virus sa mga hayop ay agad silang namatay at naging zombie." "Tsaka sila nagsimulang umatake sa mga tao." Bumuntong hininga sya tsaka yumuko. "I am sorry, Mom. Hindi ko sinasadya na maging ganito ang sitwasyon. Gusto ko lang talagang sumama sayo." Inakbyan ko sya tsaka ginulo ang buhok. "Wala na tayong magagawa kaya huwag ka nang malungkot dyan. Hindi mo ginustong magkaroon ng ganyang dugo kaya hindi mo ito kasalanan." Yeah, Kanary's blood is carrying lots of virus at kung sino man ang magkaroon ng direct contact sa dugo nya ay agad madadapuan ng virus. Actually, hindi lang sya ang may ganitong dugo. Kahit ang anak kong si Leion, maging ang anak ng mga kaibigan ko na syang namamahala sa isla kung saan kami nakatira. "Mom." Bumaling sya sa akin. "Hindi nyo din ginusto na maging ganyan ang dugo nyo kaya huwag mo ding iisipin na kasalanan mo ito kasi iisipin ko na pinagsisihan mong ipinanganak mo kami." "What the hell? Alam mong hindi ko kailanman inisip iyan." "I know pero naiinis kasi ako sa tuwing sinisisi mo ang sarili mo kapag napag-uusapan ang dugo ko." aniya. "Ipinanganak kaming ganito ni Kuya at hindi namin kailanman sinisi sa inyo ito. Masaya pa nga kami dahil kahit alam nyong isang malaking panganib kami sa humanity ay ipinaglaban nyo kami ni Daddy." Ngumiti ako at niyakap sya. "Of course, you're our child and we love you so much kahit pareho kayong pasaway ng kuya mo." "We love you too, Mom. Kayong dalawa ni Daddy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD