Chapter 42

1091 Words
Nanami Yoshino (Katana) Matapos ang klase namin ay agad akong umuwi sa bahay namin. At eksakto naman na nandoon si Tita Ayami kaya agad akong nagsabi sa kanya na mayroon akong pupuntahan at huwag na akong hintayin dahil posibleng gabihin ako ng uwi. Medyo natuwa pa siya dahil kahit sinabi niya na hindi siya makikialam sa mga gagawin ko ay nagsasabi pa din ako sa kanya na aalis ako. At syempre, hindi na ako nakipagdramahan sa kanya. Nginitian ko na lang siya tsaka pumasok sa loob ng kwarto para magpalit ng damit na mas kumportableng suotin at nilagay sa isang backpack ang ilang gamit na posible kong kailanganin. At nang lumabas ako ay hindi pa din nawawala ang ngiti sa labi ni Tita Ayami. Lalo na nang iabot niya sa akin ang susi ng front door nang sa gayon ay makapasok ako ng bahay kahit na anong oras. Napailing na lang ako at kinuha ang susi tsaka muling nagpaalam sa kanya. At bago pa siya makapagsalita ay agad akong tumakbo palabas. Marami pa kasi siyang bilin at siguradong aabutin ako ng matagal kapag hinintay ko pa siyang matapos magsalita. Nadaanan ko nga din si Lulu na nakasilip na naman sa bintana ng kwarto niya kaya nginitian at kinawayan ko na lang siya. At tulad ng ginawa niya noong nakaraan ay mabilis niyang sinara ang kurtina ng bintana at umalis doon. Medyo natawa pa ako sa kanya dahil bahagya siyang nataranta na para bang hindi niya inaasahan na makikita ko siya uli doon. Muli ay napailing na lang ako at tuluyan nang lumabas ng gate. Eksakto din na dumating si Ashen na nagprisinta na sumama sa akin nang sa gayon ay masiguro niyang magiging maayos lang ako. Ayaw ko nga sana dahil iniisip kong tungkol sa mga parasite ang ipapagawa sa akin ni Lychee at hindi pa ako handa na kumprontahin si Ashen kung totoo nga ba ang sinabi ni Lychee na mayroon din siyang Sight at nakikita niya din ang mga parasites. Pakiramdam ko kasi ay may malaking magbabago sa pagitan namin kapag kinumpirma niya iyon. At maliban doon ay ayaw ko munang mahati ang atensyon ko dahil kailangan ko munang ituon ang buong sarili ko sa pabor na hiningi nila. Pero pumayag na din akong isama siya dahil wala namang sinabi si Lychee na hindi ako maaaring magsama kaya posible din na walang kinalaman sa mga parasites ang ipapagawa niya sa akin. Oh, I just really hope. “Sigurado ka ba na tama itong pinuntahan natin?” tanong ko kay Ashen. Ibinigay ko sa kanya ang address na nakasulat sa papel na ibinibigay sa akin ni Lychee at gumamit kami ng digital map na naka-install sa kanyang cellphone upang masiguro namin na hindi kami maliligaw dahil pareho lang naman kaming baguhan sa lugar na ito. Pero hindi ko din sigurado kung tama ba itong lugar kung saan kami dinala ng digital map na ginamit namin. Nasa isang simenteryo lang naman kasi kami at walang Lychee na bumungad sa amin dito. “Iyan ang itinuturo nitong mapa,” ani Ashen tsaka iniharap sa akin ang screen ng cellphone niya. “Ayan oh. Ito lang ang nag-iisang lugar dito sa Sierra City na mayroong ganyang address kaya sigurado ako na ito ang tinutukoy ng nakasulat diyan.” “Pero wala namang tao dito.” Inilibot ko ang tingin sa paligid. “At wala din dito si Lychee.” “Sinabi ba niya na pupunta din siya dito?” tanong niya sa akin. “Na magkikita kayo dito?” Binalik ko ang tingin sa kanya. “Wala siyang sinabi na ganyan sa akin,” sabi ko. “But I assume because he didn’t say any details to me. Akala ko ay magkikita kami at dito na niya sasabihin ang gagawin ko. Na dito din niya ipapaliwanag ang lahat.” “But…” Inilibot niya din ang tingin sa paligid. “There is no sign of him here.” Bumuntong hininga siya tsaka muling bumaling sa akin. “Hindi kaya pinagtitripan ka ng lalaking iyon?” “Masyado naman palang masama ang tingin mo sa akin, Mister Aozaki.” Agad kaming bumaling sa likuran namin kung saan nanggaling ang boses at bahagya akong nakahinga ng maluwag nang makita si Lychee na kararating lang din. “Sorry about that, Pres,” ani Ashen. “Though, hindi mo ako masisisi dahil nasa mukha mo talaga na mahilig kang mangtrip ng ibang tao.” Siniko ko ang tagiliran ni Ashen dahil sa sinabi niya. Aba’y mukhang naghahanap pa ng away ang isang ito. Eh sila na nga itong may kailangan sa lalaking ito. “What do you think you are doing?” bulong ko sa kanya. “Naghahanap ka ng away?” “Mainit ang ulo ko, Katana,” balik niya sa akin. “Siya dapat ang nauna dito dahil siya itong nagpapunta sayo dito.” Medyo malakas ang pagkakasabi niya noon kaya napailing na lang si Lychee tsaka bumuntong hininga upang ikalma ang sarili at hindi na palakihin pa ang pagtatalo nilang dalawa. “Kami dapat ang unang darating dito pero may biglaang trabaho sa student council kaya hindi agad kami nakaalis,” ani Lychee tsaka tumingin sa akin. “Pasensya na sa pagiging late.” Umiling ako. “No, it is fine,” sabi ko. “Halos kararating lang din namin. Medyo nataranta lang din dahil hindi mo naman nabanggit sa akin na simenteryo pala ang lugar na pupuntahan ko,” “Oh…” aniya. “Sorry about that. Nakalimutan ko din kasi na hindi pa nga pala kayo pamilyar sa buong lugar dahil halos dalawang linggo pa lang kayo dito.” “Enough with the talk,” ani Ashen. “Ano ba ang gusto mong gawin ni Katana para ibigay mo sa kanya ang kailangan niya?” Medyo natigilan si Lychee tsaka bumaling sa akin na para bang nagtatanong kaya tumango na lang ako bilang senyales na may alam si Ashen sa pinag-usapan namin. Muli siyang bumuntong hininga tsaka bumaling sa akin. “It has nothing to do with parasites.” “Eh?” sabi ko. “Seryoso?” Tumango siya. “Like what I said, you still can’t handle dealing with them so I have something else that I want you to do.” “What is it?” Itinuro niya ang simenteryo na nasa harap namin. “Kilala ang simenteryo na iyan bilang maze cementery,” aniya. “At sa gitna nito ay nakahimlay ang pinaniniwalaang huling half-blood vampire sa bansang ito.” Kumunot ang noo ko. “A half-blood vampire?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD