Someone pov
Nakakailang, iyan ang pakiramdam ni Devon habang mag-isa niyang tinatahak ang kahabaan ng hallway patungo sa kaniyang dorm. Hindi niya na kasama si Xander dahil sa fifth floor daw ang dorm nito samantalang siya ay dito sa first floor. Sumakay ito sa elevator kanina habang malungkot na nagpapaalam sa kanya.
That guy is so nice. Complete opposite ng supladong lalaki na nang-insulto sa kaniya kanina. Sana lang at hindi mag-krus ang landas nilang dalawa dahil sa totoo lang ayaw niya muli iyong makita kahit labis siyang nagagwapuhan sa lalaking iyon. Suplado man pero inaamin niyang naging crush niya ang lalaking iyon sa loob ng ilang minuto lang. Na-turn off kay crush kaya kung gaano kabilis niya iyong hinangaan, ganun din niya kabilis itong binura sa kaniyang listahan ng mga naging crush niya since her childhood days.
"Why are they staring at me like that?" naitanong niya bigla sa kaniyang sarili dahil sa paraan ng pagkakatitig sa kanya ng mga estudyante na nadadaanan niya sa hallway.
Their eyes are full of envy and jealousy as well and she don't know why. Napabuntong hininga nalang siya at itinuon nalang ang kanyang atensiyon sa paghahanap ng kanyang dorm.
"Dorm A-30," basa niya habang nakatingin sa isang piraso ng papel na ibinigay sa kanya ng isang babaeng staff kanina pagkatapos niyang ipa-enroll ang kaniyang sarili. Hanapin nalang daw niya ang kanyang dorm at iyan ang ginagawa niya ngayon.
"Dorm A-28." Isa-isa niyang tiningnan ang lahat ng numero na nakalagay sa bawat pintuan ng dorm na kaniyang dinaraanan para agad niyang ma-recognize ang dorm na para sa kaniya.
"Dorm A-29." Sa wakas nahanap na rin niya.
"Ito na yun. Dorm A-30," masayang wika niya ng tuluyan na niyang narating ang kaniyang dorm. She hesitated at first to knock on the door but she still do it at the end.
"Knock."
"Knock."
She waited for about 2 minutes hoping that someone inside will open it but there's none. Hindi nangyari ang inaasahan niyang mangyari. Walang nagbukas ng pinto na siyang problema niya ngayon. She has no key to open it. Naka-locked pa naman ito.
What to do?
"Dormmate?"
Nagulat siya ng bigla nalang siyang makarinig ng isang pambabaeng boses mula sa kaniyang likuran. Parang trip ng mga tao dito na gulatin siya. And when she face the owner of that feminine voice, she saw a very classy and sophisticated woman standing in front of her, oozing with so much confidence. A real fashionista.
"You must be my dormmate? Am i right?" tanong nito sa kaniya.
She shyly nod as a response before she respond, "Dorm A-30 ka rin?"
"Yeah," the lady answered.
Ang ganda nito sa totoo lang at feeling niya rin ay mabait ito. Pang beauty queen ang ganda nito para sa kaniya . Ang mga mata nito ay kulay ube at ang kulay ube rin nitong buhok ay sobrang haba na umabot hanggang beywang nito. And just by staring at this lady, she can easily tell that she come from a very wealthy family. Sa suot palang nito na isang off shoulder above the knee dress ay nakaramdam na siya ng hiya sa kanyang sarili. Her attire is no match at her. She's so underrated and very poor. She's in the bottom of the heirarchy.
"Hi, i'm Liah Faith Larson, 20 years old." Napatingin naman siya sa kamay nito na inilahad sa kanya. Saglit niyang tiningnan ang kamay niya dahil baka may dumi. Dahil sa hiya ay nagdalawang isip siyang tanggapin ang kamay nito.
"Nice to meet you."
Her eyes widen when Liah didn't hesitate to reach her hand as she's the one who initiated their shake hands. Nakangiti ito sa kanya na parang walang pakialam kung malinis o madumi ba ang kamay niya.
Saglit lang na nagpang-abot ang kanilang mga kamay dahil siguro ay naramdaman nito na hindi siya komportable dito.
"You look bothered?" Nagtatakang tanong nito sa kanya. "Ayaw mo ba sa akin?"
Her eyes widen hearing that from Liah. Kaagad siyang umiling para hindi nito ma-mis-interpret ang reaksiyon niya.
"No. You're nice honestly," sabi niya rito atsaka nag-iwas ng tingin. Nahihiya man na sabihin ang totoong dahilan niya ay sa huli pa rin ay nagdesisyon siyang magpakatotoo. She's just trying to repay Liah's nice treatment to her just by being true to her.
"Baka kasi madumi kamay ko," she said.
Hindi naman ito makapaniwala sa sinabi niya pero pagkuwan ay nginitian siya rin nito sa huli.
"Are you not aware that you're so neat and beautiful?" Liah asked to her.
Umiling siya.
"Seriously?" hindi makapaniwalang sabi nito at pagkuwan ay itinuro nito siya. "Baduy ka nga lang manamit pero malinis ka namang tingnan. You look decent with that clothes of yours. You're not bad at all girl."
Hindi naman kasi siya fashionista tulad nitong babaeng kaharap niya. She's okay wearing pants, t-shirts and slippers when she have no shoes to wear. Kapag nasa bahay lang naman siya ay naka-short at plain t-shirt lang siya. Pag nakukulangan naman siya minsan ng susuotin doon na siya nanghihiram sa Pops niya ng damit kaya minsan napapagkamalan siyang tomboy. That's how she live right now. Gone her fancy and glamorous life being a princess. Pero atleast buhay pa rin sila hanggang ngayon.
"Grabe iyong baduy," sabi niya kay Liah at umaktong nasaktan sa sinabi nito. "Ang sakit ha."
Liah chuckled. "Well.. Pwede naman nating remedyuhan iyang pagka-baduy mo kaya don't worry. I got your back girl."
Nginitian niya lang ito dahil nakakahawa ang positive vibes nito. Iyong akala niyang masungit ay hindi pala.
"What's your name by the way?" Liah asked her name afterwards.
Ngumiti siya rito at pagkuwan ay nagpakilala, "Devonise Vera Watson, 19 years old from Earth Kingdom."
Nakita niya na nanlaki ang mga mata nito at biglang lumiwanag ang mukha nito sa hindi niya alam na kadahilanan.
"Oh my god! Magka-kingdom pala tayo. I'm from Earth Kingdom too," saad nito sa kaniya.
Bigla naman siyang natuwa sa kaniyang narinig. "Talaga. Nice!"
Napalingon naman sila bigla sa may pintuan ng marinig nila ang pagbukas nito. Iniluwa nito ang dalagang kinukusot-kusot pa ang mga mata na tila kagigising lang nito mula sa mahimbing na pagkakatulog.
"Sorry girls, nakatulog ako, " nahihiyang paumanhin nito sa kanila. "Pasok kayo."
Devon Pov
Nandito kami ngayon sa sala, nakaupo sa dalawang magkaharap na sofa na pinapagitnaan ng isang di-kalakihang mesa. I roam my eyes inside our dorm and i can't stop my eyes from twinkling. This dorm is more beautiful than our hut house. I suddenly miss my fancy room in the palace.
Mas malapad ang espasyo ng dorm namin at parang totong bahay talaga. May sala, may kusina at dining area, at may tatlong kwarto para sa aming tatlo. This is too much from me but i still take it. Magiging choosy pa ba ako eh malaki ang binayaran ni Pops para lang makapag-aral ako rito?
"Is she okay?"
Napalingon naman ako sa babaeng hindi ko pa kilala. She's the girl who unfortunately locked the door because she fell asleep while waiting for us. Maaga daw itong nakapa-enroll kaya siya ang nabigyan ng staff ng susi ng dorm namin. Kaya sa kakahintay, ayun, nakatulog.
"I don't know," sagot naman nitong si Liah na katulad din ng babae na katabi nito ay tinitingnan din ako na tila ba ako'y isang weirdo sa kanilang paningin. "Baka nalipasan lang ng gutom."
Napatango naman itong babee. "Ah.. Ganun ba- Oh my god!!"
Nagtaka naman ako ng makita kong nanlaki ang mga mata nito bigla na para bang may bigla itong naalala. "Iyong niluluto ko pala. Goodness!!"
And after that, she hurriedly went inside the kitchen. Nagkatinginan naman kami ni Liah. Pati ba naman niluluto tinulugan niya. Unbelievable.
Maganda sana ang babaeng iyon kaso parang antukin. May kulay berde itong mga mata at kulay pink na buhok na umabot hanggang balikat nito. She's tall. She's 5 ft. 10 if i'm not mistaken. Kaso mas matakad nga lang kami ng kunti ni Liah sa kanya because we're both 5 ft 11.
"Hahahaha!"
Parehas kaming malakas na natawa pagkatapos niyon.
"Kung ikaw ay may pagka-weirdo, ang babaeng iyon naman ay tulog mantika. Naku, I will not be surprise if i just wake up the next day that this dorm will be on fire," Liah said, insulting me and that sleepy head girl.
Tinaasan ko naman siya ng kilay habang naka-krus ang aking mga kamay sa aking dibdib.
"Ang tanong, kami lang ba ang makakasunog at kayang makasira nitong dorm?" makahulugang tanong ko sa kanya na kaagad pumawi sa mapaglarong ngiti nito.
"What do you mean?" she asked.
I smirk. "Well, you can burn this place too with your own magic or maybe more than that right? After all, your poison magic is capable of doing such thing."
Nakita kong nanlaki ang mata nito sa aking sinabi.
"H-How did you know that?" she stuttered. "No one knew that i'm a poison magic user. Only my parents and my close relatives knew it. Kahit mga kaibigan ko ay hindi alam na nagtataglay ako ng ganitong uri ng kapangyarihan."
She's obviously shocked pero nagkibit-balikat lang ako sa lahat ng kaniyang sinabi.
"I just did. My eyes never fail me Liah," i seriously said to her. "Why are you hiding that power of yours anyway?" Tanong ko kaagad sa kanya. I'm just curious though. Dahil usually kapag may mga kapangyarihang malalakas ay dapat ipinapagmalaki iyan ng iba pero siya ay naiiba sa lahat. Mas pinili pa nitong isekrito sa iba ang kakayahan na mayroon siya.
Nakita kong sumeryoso ang mukha nito at tiningnan ako ng mariin. "Because my power is dangerous and so powerful that i can't still manage to control it properly right now," sabi nito at pagkuwan ay mapait na napangiti. "I made a mistake a long time ago and i don't want to repeat that same mistake again. Never!!"
Hindi na ako nagtanong pa tungkol sa past niya. That's her private life and i don't have the right to ask more about it. I respect her privacy.
"That's why my parents sealed my magic for a very long time but i observe that the limiter-" saglit niyang itinaas ang bracelet na suot para ipakita sa akin ang limiter. "-can't stop it fully right now. Sometimes, i can used my poison magic without me knowing it and i hated this power of mine a lot."
Tumayo ako at umupo sa tabi nito. I embrace her after that to comfort her. I didn't expected that she has that kind of burden carrying in her shoulder. Taliwas sa masayahing personality nito ang bigat na dala-dala pala nito sa buhay.
"Shh. It's okay. Don't worry. Someday you will control your magic properly," i said to her.
Nag-angat naman ito ng tingin sa akin habang maluha-luha pa rin ang mga mata nito. "How? Marami na ang nagsanay sa akin pero pumalpak pa rin sila sa huli."
Nginitian ko lang siya. "I will train you if that's okay for you," i said na ikinagulat nito.
Napalayo naman ito sa akin at parang hindi makapaniwala sa mga salitang lumabas sa bibig ko.
"S-Seriously? Ikaw?" gulat na tanong niya sa akin.
I nodded with a smile plastered in my lips. "Try ko lang. Malay mo maging successful ako sayo this time."
Pinahid nito ang kanyang luha at pinasalamatan ako kahit wala pa naman akong nagagawa sa kaniya. Naabutan kami ng babae na nagyayakapan kaya nakisali na rin ito sa amin.
"What's your name?" tanong ko sa babaeng hindi ko pa kilala habang magkakayakap pa rin kami.
"I'm Kimberly Nicole Jackson, 21 years old," nakangiting sagot naman nito sa akin. "Nice to meet you two."
Nginitian naman namin siya pabalik bago kami lumayo sa isat-isa.
"And i'm Devonise Vera Watson."
"Liah Faith Larson here."
And that's how we meet. Everyone, meet my dormmates, my new found friends- Liah Faith Larson and Kimberly Nicole Jackson.
TO BE CONTINUED