Start of Training

1175 Words
Liah Pov Tagaktak na ang pawis ko habang patuloy kaming nag-eensayo dito sa isa sa bakanteng training grounds ng Academy. Na-move pa kasi next week ang klase namin kasi may importante daw na ginagawa ang mga Councils, SSC Officers, Professors at maging ang Headmaster. And what's their reason? Well, i don't know because that left a big question mark for us. Clueless kami sa totoong kadahilanan ng pag-cancel ng class namin ngayong araw pero inintindi nalang namin. Kami nalang ang nag-adjust para wala ng g**o. Pero kami nalang ba parati ang mag-aadjust para sa kanila?  Nevermind. I don't want to be dramatic right now. "Another 50 push up Kim!" Devon strictly instructed to Kim. Kim short for Kimberly. Mahina akong natawa ng makita kong napipilitang mag-push up itong si Kim kahit kita ko na ang pagod sa kaniyang mukha. It's our first day in our training today under Devon's guidance and we're surprised because she's different in training, so serious and intense.  Hindi uubra sa kanya ang pout, puppy eyes at kung ano pang ginagawa para pagbigyan ka ng isang tao. She's also a very skilled and deadly trainer. No wonder she can properly handle both of us, all by herself. Iyun nga lang, nakakamatay at nakakagutom ang training namin sa kaniya. Kinuha ko ang isang plastic bottle ng tubig at kaagad uminom dahil pagkatapos ni Kim ay ako na ang susunod. It's so tiring but i was the one who requested it to her so i have no guts to say no. Kaya siguro mahina ako dahil ayaw kong nahihirapan noon sa training. Marami akong nasayang na panahon at siguro ito na ang tamang panahon para mag-seryoso. Physical Training, iyan ang unang level ng training namin. Katatapos ko palang kanina mag- jogging, running, curl ups, sit ups, push ups at ang panghuli kung gagawin mamaya ay ang plank. Hindi na ako magtataka kung makita ko na lang ang aking sarili na batak at namumutok na ang muscle.  "Again!" Devon's strict voice filled my ears.  Nagpupunas ako ng aking pawis ng muli ko na namang tinapunan ng tingin ang direskyon ni Devon na nananatiling estrikto na trainer kay Kim. Kung maka-utos wagas. "Time's up Liah!" I stilled when i hear that roaring voice of her. Hindi ko mapigilan na mapalunok ng marinig iyon. Her voice is so loud and dangerous. As if i was called by a demon. "Y-Yes," i stuttered. She just look at me with her blank and serious face. "Do the plank in five minutes." "But that-" i was cut off when she glance at me and instantly throw a dagger to me. Namutla nalang ako at nagpasalamat sa Diyos dahil hindi ako tinamaan ng dagger na iyon pero muntik na dahil naramdaman ko ang paglampas niyon sa akin. "NOW!!" she shouted.  After that, i just found myself doing plank as if she was the owner of my own body. Hindi ko alam kung gaano katagal na ako sa ganitong posisyon pero bakit parang ang tagal naman.  Is Devon making me do plank a little longer than the time she set for me? Tagaktak na ang pawis ko at walang kwenta ang ginawa kong pagpunas ng pawis ko kanina dahil naliligo na ako ngayon sa sarili kong pawis. Iyong ininom ko namang tubig ay agad din yatang na-drain dahil uhaw na uhaw na ako sa oras na ito. "Rest Liah." Laking pasasalamat ko ng marinig ko iyon sa kaniya. Thanks god. "Later we will train how to control your magic." Napatingin ako kay Devon ng marinig iyon. That's i have been waiting for. "And i will focus on you Liah. So be ready," she added. Napangiti lang ako sa sinabi nito. I'm not nervous when she said those words to me. Actually, i'm excited and i can't wait to that time to come through. Kailangan ko pa namang makontrol na ang aking kapangyarihan sa loob ng maikling panahon dahil sa pagbubukas ng klase next week ay siya namang pagdaraos ng Leveling para sa aming mga freshmens. Leveling is an activities held by the higher ups and other high rank officials in the Academy. Sa pamamagitan ng Leveling ay nailalagay ang bawat estudyante sa karapatdapat na class niya. From Class D to Class S. Sana naman mapunta ako sa Class A or S. "Cafeteria muna tayo pwede ba? Please Devon," Kim requested that i instantly agreed of. Kaya pati ako ay nanalangin na sana kami'y pagbigyan nito.  "Okay-" "Yehey!!" Napatalon kaming dalawa sa sobrang tuwa. But that happiness stays in just a split second after hearing what the next thing she said. "But we will double the intensity of your training later." That instantly ruined are celebration. So strict trainer pero magaling naman siya kaya no worries. "Yes boss," Kim and I said in chorus before we leave the training area as we hurriedly went into the cafeteria. Doble ang hirap ng training namin so dapat triple ang kainin namin.  Rawr! Devon Pov Pinipigilan ko lang ang sarili ko kanina para hindi magpadala sa pagmamakaawa nilang dalawa. I really tried my very best not to be soft and easy to them because that will surely ruined the goals of our training. Hindi kasi pwedeng pa-easy-easy lang sa training. We must be focus and also be sincere to what we are doing. Lalo na sa part ko dahil hindi ko dapat sila i-baby, not spoiling them. They are old enough to take this kind of training after all.  As a matter of fact, this training which i set for them is just a warm up compare to the training i experience in my Pops. Naku! Nakakapagod at nakakamatay pero nag-survive ako dahil it's part of my journey to become a Lady Knight. Kailangan talaga nating paghirapan ang lahat ng bagay na gusto nating makuha. Wala naman kasing pangarap na madali lang makuha diba? Lahat kailangang paghirapan. "What do you want to eat, bes?" Napatingin naman ako kay Kim na nag-tanong sa akin ng order ko. "One serving of Spaghetti, 2 orders of Footlong and burgers and Apple juice," i said right away. Iba na kapag gutom. "Hindi ka magkakanin?" tanong nito muli sa akin. Umiling ako. "Nope. Diet ako" Tumaas ang kilay nito sa aking sinabi. "Diet? Sa dami ng order mo hindi halatang gusto mong mag-diet bes." Sinamaan ko siya ng tingin. "Ah basta! Iyan order ko. Do you have a problem with that?" Atsaka, sila naman ang magbabayad nun kaya sinasamantala ko lang ang pagkakataon. She gulped and her face become pale. "Tara na bes," aya nito kay Liah. "Samahan mo na ako dali" "Ayoko," pagtanggi ni Liah ngunit hindi na ito nakapalag pa dahil hinila na siya nito at mabilis na tinungo ang counter. Napailing nalang ako sa mga ito at mahinang tumawa. They didn't failed to make me happy and that's something i should be grateful of. "Can i join you?" Napatingin ako sa harapan ng marinig ko ang pamilyar at baritonong boses na iyon. My eyes widen when i finally recognized him. Anong ginagawa niya rito? TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD