C-2

1331 Words
*Kylie* Dumagundong sa kaba ang aking dib-dib nang mabitawan ko ang hawak kong picture frame dahil nagulat ako ng basta ako bulagain ng kasamahan kong si Rika. Halos mailuwa ko ang aking mga mata nang makita kong pira-piraso na ang bubog ng picture frame dahil sa pagkakabagsak nito. “Patay! Sorry, Nic! Hindi ko alam na magugulatin ka pala.” Natataranta niyang imik bago sinimulang lumuhod para pulutin isa-isa ang mga bubog. Agad din akong gumaya sa kanya para tulungan siya pero mas lalo akong nagulantang nang bumungad sa amin ang salubong at tila yamot na yamot na hitsura ng isang lalaki! Hindi ko alam na nasugatan na pala ako pero itinago ko lang sa aking likod ang kamay kong may dugo. Baka mandiri pa itong lalaki na kaharap ko at sa tingin ko siya na nga itong sinasabi ni Lola. Ang amo nilang suplado at arogante. “S-sir, Akinn.” nauutal na tawag ni Rika sa lalaking naniningkit na ang mga mata. “What are you two doing here in my library? Bakit pati ang picture frame ay pinagdidiskitahan niyong basagin?” suplado niyang imik at talagang pinagbibintangan pa kaming basagin ang picture frame. Kumapit ng mahigpit si Rika sa aking kamay na nasa likod ko at naramdaman kong nanlalamig ang kamay niya dahil siguro sa katakutan na amo namin. “Nandito kami para linisin ang library niyo, Sir at hindi ko po sinasadyang mabitawan ang frame kaya nabasag.” pangangatwiran ko pero mas lalong naningkit ang kanyang singkit na mga mata. Hindi man lang ako natitinag sa ka-istriktuhan niya pero itong si Rika para nang mahihimatay dahil sa nerbyos na nararamdaman. “Who are you?” deritso niyang tanong sa akin dahilan para mapayuko ako at lihim na kinagat ang aking ibabang labi dahil naalala kong ngayon palang pala kami nagkita at hindi pa ako nag papakilala. “May nakakatawa ba, Miss?” segunda niya nang makita ang nakakapilya kong ngisi. Inangat ko ang aking ulo nang bahagyang pisilin ni Rika ang daliri ko. “Kylie Nicole Martinez nga po pala, Sir. Ako po yo'ng pumalit pansamantala kay Lola Belen.” Pakilala ko. Biglang nag-iba ang awra ng kanyang mukha kaya medyo nabawasan ang tensyon sa paligid namin. “Apo po siya ni Nay, Belen, Sir.” nakayukong singit ng pag-imik ni Rika. “Hindi kita kinaka-usap, Rik. Lumabas kana.” supladong imik niya sabay pagtaboy kay Rika. Nakadalawang hakbang na si Rika nang naisipan kong sumunod pero natigilan ako nang hatakin niya ang laylayan ng manggas ng damit ko. May pagtataka ko siyang tiningnan at bahagya pang nagsalubong ang aking mga kilay dahil sa ginawa niyang paghigit! Pati si Rika natigilan din pero agad ding lumabas ng tuluyan nang tingnan siya ni Sir Akinn ng nakakamatay na tingin. “Wala akong sinabi na pati ikaw ay lumabas.” Istrikto niyang sabi habang nakahawak parin ang dalawa niyang daliri sa manggas ng damit ko. Niyuko ko muna ang parte ng manggas kung saan nakahawak siya at nang makita ang paninitig ko ay tinanggal niya rin kaagad. “Linisin mo ang buong library. Yan ang parusa mo dahil binasag mo ang picture frame ko—” “Pero hindi ko po sinasadya, Sir..” katwiran ko pero nilampasan niya lang ako at basta padabog na umupo sa kanyang swivel chair. Nag buntong hininga na lamang ako dahil hindi umubra ang pangangatwiran ko. Unang araw ko palang dito at unang araw ko palang siya na nakakaharap pero mukhang sumang-ayon na agad ang isip ko sa sinabi ni Lola. Napaka-suplado niya nga at hindi ko maintindihan kung bakit crush na crush siya ni Rika. Iyon ang hindi mangyayari sa akin! Ang rupok niya sa parte na nadadala lang siya sa kapogian nitong amo namin at nagiging bulag sa pagiging arogante at suplado nito! “I don't care kung kasalanan mo man o hindi. Sundin mo ang utos ko at wag kang umalis hanggat hindi ko sinasabi.” sikmat niya. Lihim kong naikuyom ang aking kamay ngunit napangiwi ako ng biglang kumirot ang aking daliri na may sugat. Hindi na ako sumagot at pinagbigyan ko ng pansin ang mga gagawin ko kahit mukhang wala naman akong malilinis dahil alaga naman nga yata ito ng paglilinis. Pero dahil utos niya at wala akong dahilan na hindi sundin kaya tahimik nalang ako nag kikimot ng kung ano-ano at masabi lang na naglilinis ako. Halos may isang oras na ang nakakalipas pero hindi parin ako nakakalabas ng kanyang library kahit kanina pa akong tapos sa aking ginagawa. Hindi ko naman siya maistorbo dahil mukhang nababarino na siya dahil sa kanyang ka-meeting online. Sa halip ay umungkot ako sa isang tabi. Binuklat ko ang mga libro na nakapatas sa shelves. Pumili ako ng swak sa timpla ko ang genre pero naitiklop ko kaagad nang makita ang dalawang pares ng mga paa. Nakatayo sa harapan ko! Nakagat ko ang ibabang labi ko habang binabalik ko ang libro sa shelves bago ko binaybay pataas ang bulto niya hanggang sa bumungad sa akin ang salubong niyang kilay. “You may go now and never comeback here.” pagtaboy niya sa akin kaya walang sabi akong tumayo at diretso na naglakad sa pintuan para buksan na at umalis! As if naman na gusto ko ring bumalik dito! Hindi talaga kung ikaw lang din naman ang makikita ko! Imik ko sa aking sarili habang pinipihit ang seradura. “Tell Rika na dalhan ako ng kape.” habol niyang sabi. Hindi ako tumingin sa kanya pero sinagot ko naman siya ng magalang. Amo ko parin naman siya at tagapagsilbi lamang ako kaya wala akong dahilan na hindi siya galangin at sundin. “Okay po, Sir.” mahinang tugon ko. Walang ingay akong humakbang palabas ng kanyang library at hindi man lang pinagkaabalahan na tapunan ng tingin kahit pakiramdam ko lihim siyang tumitingin sa akin. Narinig ko pa ang mabigat niyang pag-hinga ng makalampas ako sa table niya pero baliwala lang ako na naglakad. Hindi ako si Rika na titingin muna sa kanya bago lumabas! Paglabas ko mabilis akong pumatikar papasok ng cr at hinugasan muna ang sugat ko dahil kalat na kalat na ang dugo sa palad ko pero hindi ko man lang ininda kanina. Baka mandiri lang 'yon sa akin! “Ilagay mo 'tong band-aid, Nic.” sulpot ni Rika sa naka-awang na pinto ng cr. “Salamat, Rik. Oo nga pala, dalhan mo daw si Sir ng kape—” “Okay na,” sambit niya na ipinagtaka ko pero hindi nalang ako nagsalita. Baka kasi siguro alam na niya ang bawat oras ng pagdadala ng kape kay Sir kaya kahit hindi na siya kailangan pang untagin. Pagkalipas ng ilang oras nakatapos ulit ako ng aking gawain na mag linis sa bandang sala naman. Mabuti nalang din at walang istorbo kaya sunod-sunod ang pag gawa ko at kilos. Dito sa Mansion dalawa kami ni Rika ang naka-toka sa mga linisin at labahin tapos ang dalawa namang mayordoma ay sa kusina at sa mga importanteng gawain bukod sa pagluluto. Pero dahil wala si Lola kaya napagpasyahan nila na ako ang ipalit. Wala akong magawa kundi ang umu-o nalang kahit hindi ko alam kung ano ang mga ginagawang iyon. “Paki-linis ng kuwarto ko at make sure na wala kang babasagin do'n na kahit ano.” nagulat ako dahil basta siya nagsalita sa aking likuran! “Okay po,” sobrang hina kong tugon pero hindi yata nakarating sa kanyang tenga ang boses ko. “What did you say?” naniningkit ang mga mata na pagkakasabi niya. “Okay po, kako.” malakas kong ulit. Naiiling na lamang siya bago ako nilampasan at lumabas ng Mansion. Pero, bago paman siya makalabas ng pintuan ay muli niya akong tiningnan at tila hinagod ang kabuuan ko simula paa pataas ng aking katawan hanggang sa mag tama ang aming paningin. Seryoso ang mukha niya habang ginagawa ang paninitig sa akin samantalang ako sakto lang. Walang kilig at walang dagundong ng dib-dib na kasalungat sa nararamdaman ni Rika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD