*Kylie*
“Fúck! Get out!” dumagundong ang loob ng library ni Sir Akinn ng sigawan niya ako! Sobrang lakas at parang tatalsik ako sa aking kinatatayuan. Nag dilim bigla ang awra niya kaya walang sabi akong pumatikar ng pagtakbo palabas ng kanyang library!
Hindi ko sinasadyang maabutan siyang nagsasarili habang kaharap ang cellphone niya at parang may tinitingnan doon para magawa ng maayos at matagumpay ang pagsasarili niya! Ang birhen kong mga mata ay tuluyan nang nakakita ng isang bagay na hindi ko kailanman inasaahan na makita.
Dimagundong ng sobrang lakas ang aking dib-dib habang tumatakbo ako paakyat sa aking kuwarto. Kabado ako dahil baka kako mamaya ay wala na akong trabaho at ngayon palang ay lagay na ang loob ko na matatanggal ako.
“Bakit ba kasi hindi ko muna hinintay na sumagot siya bago pumasok! Aishhh! Nakaka-inis ka talaga Kylie!” mariin kong paninermon sa aking sarili nang makapasok ako sa aking inuukupang silid.
“Eh bakit ba kasi hindi man lang siya sumasagot eh, hindi lang limang beses akong tumatawag at kumakatok! Kaya, pumasok na ako kahit walang pahintulot niya! Malay ko bang pinapaligaya niya pala ang sarili niya imbes na mag trabaho!” mahabang usal ko ulit habang inaayos ang aking mga gamit. Para akong tanga na dahil kinakausap ko ang aking sarili!
Ayaw ko na siya pa mismo ang magsasabi na umalis ako kaya sa halip na siya ay uunahan ko na!
Ilang oras akong hindi lumabas ng aking kuwarto kahit naka-ilang beses nang pumunta dito si Rika para pababain ako para kumain. Bagkus nag-iisip ako ng maganda kong sasabihin na hindi man lang ma-ilang kay Sir Akinn kapag nagkaharap kami mamaya kapag namaalam na ako.
Agad ko na namang naitakip ang dalawa kong palad sa aking mukha ng makinita-kita ko ang pagkalalakí ni Sir, Akinn.
“Grabe...” tanging nasambit ko ng wala sa oras bago ulit sinapo ang aking mukha. Nakakahiya ang ginawa ko!
“Nic!” sulpot ni Rika sa naka-awang na pintuan ng aking kuwarto.
“Bakit?” kako bago inayos ang aking sarili. May pagtataka niya pa akong tiningnan. Binaybay ng paningin niya ang kabuuan ko dahil nakikita niyang bihis na bihis na ako. Handa na talaga akong umalis at umuwi ng Lipa!
“Ba't ka nakagayak? Pasaan ka?” takang tanong niya.
“Alam kong paaalisin ako dito ni Sir Akinn kaya uunahan ko na,” tugon ko sa tanong niya.
“Ewan ko sa'yo.” Naiiling niyang saad. Hindi niya alsm ang nangyari at wala din akong balak na ipaalam sa kanya. “Bumaba kana at pumunta ka daw sa library niya. Kanina pa yo'n nag aalburuto kakahintay sa'yo. Dali na Nic!” segundang saad nito na ikinatayo ko kaagad! Dala ko ang aking back pack at isang duffle bag na maliit nang bumaba ako. Tahimik ang sala at mukhang nasa kusina si Nanay Beth. Si Rika naman ay dumiretso na ulit sa kabilang kuwarto para mag linis kaya mag-isa akong tutungo sa library ni Sir Akinn.
Hinanda ko ang aking sarili nang nasa tapat na ako ng pintuan ng kanyang library. Huminga ako ng dalawang beses bago naisipang kumatok.
Nakadalawang katok pa lamang ako ng tumugon si Sir mula sa loob kaya dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at may pag-alinlangan na pumasok sa loob. Nakayuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang mga titig nito kung sakali man na nakatingin siya sa akin.
“Why are you carrying your things? Saan ka pupunta?” bilog ang kanyang boses na pagkakasabi. Napagtanto kong nasa harapan ko na pala siya kung hindi ko pa nakita ang dalawang pares ng kanyang mga paa na nakatayo.
“Uuwi na sa Lipa, Sir.” tuwid kong sagot sakanya. Nakayuko parin ako dahil wala talaga akong lakas ng loob na salubungin ang hitsura niya dahil nakikinita-niya ko lang talaga ang hitsura niya kanina nang madatnan ko siya.
“At sino ang may sabi na umalis ka?” seryoso niyang tanong. Walang sabi na inangat ko ang aking ulo at tiningnan siya ng deritso. Napahalukipkip siya habang nakasandal sa matigas na haligi na yare sa magandang klase ng kahoy. Naniningkit ang sinhkit6niyang mga mata at pilit kong pinagtitibay ang aking sarili para lamang salubungin ang paninitig niyang kala mo'y lalamunin ako ng buhay.
“Ako po,” sabat ko habang tutok na tutok parin ang paningin ko sa kanya. Tumaas ang isa niyang kilay dahil sa aking sinagot.
“So, paladesisyon ka pala?” Pamimilosopo niya na ikinailing ko kaagad.
“Hindi naman po sa gano'n. Inunahan ko lang po kayo,” tugon ko pero agad kong nakagat ang aking ibabang labi nang mapagtanto na paladesisyon nga talaga ako!
“Mas ginawa mo lang detalyado ang sinabi ko. You won't leave at ako ang masusunod—”
“Pero Sir may kasalanan ako—”
“Then you'll need to be punished as soon as possible kung 'yan ang dahilan mo.” sagot nito habang naglalakad patungo sa kanyang table.
“Edi masa mabuti pang umalis nalang ako dito kaysa sa maparusahan niyo pa—”
“I can hunt you in Lipa if you insist on what you want. Baka hindi mo alam na kayang-kaya kitang puntahan doon at doon gagawin ang pagpaparusa sa'yo.” pananakot nito na naging dahilan ng pag lunok ko ng lihim. Seryoso ang hitsura niya at medyo madilim parin ang awra ng mukha niya kaya parang umuurong narin ang lakas ng loob ko. Baka maging sanhi pa ng pagiging problemado ni Lola kung uuwi ako do'n at kung pupunta doon si Sir!
“Come with me. Absent ang secretary ko kaya ikaw muna gumawa ng mga dapat niyang gawin. Hurry up at ayaw ko nang pabagal-bagal.” mando niya bago ako nilampasan at lumabas na nang kanyang library. Naiwan akong nakaawang ang mga labi dahil iniisip ko palang na maging sekretarya niya hindi ko kaagad kaya! At staka...ang galing niya in a way na baliwala lang sa kanya ng nakita ko at parang hindi man lang siya naging apektado sa mga nakita ko sa kanya! Grabe! Hindi ko sukat akalain na kasing taas ng puno ng niyog ang pagiging wala niyang pakialam!
“Kylie!” malakas niyang hiyaw mula sa labas! Awtomatiko akong na alarma at nabitawan ko ang duffle bag ko tangan. Mabilis ko ding tinanggal sa aking likod ang nakasakbit kong bag at nilapag sa sahig bago lumabas ng library.
“Patong-patong na ang kasalanan mo sa akin kaya ihanda mo yang sarili mo dahil sisingilin kita.” barino niyang sabi bago sumampa ng kanyang kotse. Medyo kinabahan ako sa pananakot niya ay ngayon pipilitin kong hindi makagawa ng kahit anong mali para hindi na madagdagan ang utang ko sa kanya! Nagkamali nga talaga yata ako ng pinasok.
“Yes, sweetie. I will come later, hintayin mo ako, okay?” Malambing pa sa artista ang pagkakasabi niya sa kausap niya sa kabilang linya. Lihim ko nalang na inikot ang aking mga mata dahil sa mga narinig ko. Galit na galit siya sa akin pero biglang nawala ang galit na yo'n nang maka-usap niya ang isang babae sa cellphone niya. Baka girlfriend niya. Nagkaka-girlfriend din naman pala ang isang katulad niyang leon.
“Ayaw ko nang aanga-anga mamaya kapag nasa meeting na tayo. Understood?” paalala niya habang nasa byahe kami. Napayuko ako dahil nakaramdam ako ng panliliit dahil sa sinabi niya.
“Yes po, Sir.” tugon ko habang nakayuko parin. Hindi siya sumagot kaya nanatili nalang akong nakayuko at nilalaro ang aking mga daliri habang iniisip ko ang padalos-dalos kong ginawa at hindi man lang nakinig kay Lola. Tama nga talag si Lola. Nuknukan ng ka-arogantehan itong amo niya na amo ko narin ngayon.