PROLOGUE
“Asawa mo ako kahit sabihin mo pang sa papel lamang tayo naging mag-asawa but that was before, Kyle. Noon lang 'yon dahil ngayon ay totoo na. Asawa mo parin ako at hindi na 'yon magbabago.”
“Anong ibig mong sabihin?” may pagtatakang tanong ni Kylie sa kanya. Tila hindi nito alam ang nangyari sa nakalipas na dalawang taon.
Ang buong akala nito ay nag file siya ng annulment no'ng mga panahon na iniwanan siya ni Kylie but she's wrong! Hindi niya kayang putulin ang ugnayan niya sa babaeng minsan nang nag pa gago sa kanya! Nag pabaliw at nag pabago sa kanya! Walang alam si Kylie kung gaano siya nagtiis na hindi bumalik ng Pilipinas dahil lamang para sulusyunan ang mga bagay na nais niyang ituwid at itama noong kasagsagan ng paghiwalay nila.
“Hindi ko kayang gawin ang bagay na pinakiusap mo. I'm sorry but not sorry, Love.” aniya na may kasama pang pag ngisi. Pero ang ngisi na 'yon ay napalitan ng biglang pagkabigla ng makita ng dalawa niyang mga mata ang isang batang babae na kyut na kyut at tila kahawigin nu Kylie. Madaming similarities. Nag taka siya at nakapag-isip ng agaran. Ayaw niyang humangad pero imposible na magkamali siya! Nilipat niya ang kanyang paningin kay Kylie at nakita niya kung gaano namutla ito habang nakatingin sa kanya bago ipinaling ang paningin sa batang babae na pagibong-gibong na tumatakbo papunta sa direksyon nila.
Lukso ng dugo! Yo'n ang una niyang naramdaman nang magtama ang mga mat ng batang babae na kasalukuyang nakahawak sa laylayan ng damit ni Kylie. Nanglambot siya at pakiramdaman niya maluluha siya habang nakikipag titigan sa bata na halos kopyang-kopya nito ang hubog ng kanyang mga mata. Pati ang nunal nito sa labi ay nakuha din sa kanya. Tumikhim siya para alisin ang nakabara sa lalamunan niya. Pagkatapos nun ay nag-squat siya para pantayan ang tangkad ng bata. Nagtago pa ito sa likod ni Kylie nang magtama ang mga mukha nila. Sumilay ang nakaka-ingganyong ngiti sa kanyang mga labi. Unang ngiti na masasabi niyang pinahintutan niya at hindi man lang niya nagawang sitahin dahil sa tingin niya ay iyon ang dapat.
“Hi, pretty. What's your name?” malambing niyang usisa sa bata na ngayon ay pasimpleng nakikipag-bulagaan sa kanya ang kalahating mukha nito. Sumilay ulit ang umis sa kanyang labi. Bigla siyang natuwa at napanganga pa ng bahagya ang kanyang bibig ng makita niyang parang iimik na ang bata.
“I-im...Akira Ruiz, po.” nahihiyang imik ng bata. Tumago ulit ito sa likuran ni Kylie kaya hindi na niya naituloy ang sasabihin at basta na tumayo at hinarap si Kylie na parang nababakas sa mukha nito ang pagiging balais.
“Akira Ruiz, huh?” aniya na ikinayuko ni Kylie para daluhan ng tingin ang bata na nahihiya paring nakatago sa likuran nito.
“Wag dito, Kinn.” mahinang sabi ni Kylie sa kanya. Tila nag tagis ang mga panga niya dahil nakakahalata na siya. Ikinalma niya ang kanyang sarili pero hindi niya tuluyang nagawa nang makita niyang biglang sumulpot ang isang lalaki at agad na binuhat ang bata. Naningkit ang kanyang mga mata at lihim niyang naiikom ang kanyang mga kamay nang makita kung paano yumapos ang bata sa lalaki.
“Okay ka lang ba? Tayo na sa loob, Nic.” tanong da bata at yakag ng lalaki kay Kylie. Lihim siyang umismid dahil sa narinig niya.
“Tito, Mommy, pasok na po tayo sa loob ng bahay. Akira wanted to sleep na po” nakangusong yaya ng bata kay Kylie at sa lalaking may karga kay Akira.
Mommy! Alam niyang anak ni Kylie iyon at hindi niya maiipagkaila dahil kuhang-kuhang ng bata ang maamong mukha nito pero mas angat na angat ang hawig niya sa bata pagdating sa mga mata nito at sa puntong iyon kutob ang lumalakbay sa bawat parte ng kanyang katawan at kasabay no'n ay yoong lukso ng dugo na pilit niyang hindi inaalis sa kanyang sestema. He believed it was his daughter. Own flesh and blood.
Nakaramdam siya ng kung anong kirot sa kanyang dib-dib pero mas lumamang ang yamot at galit pero mas pinili niya paring kontrolin ang iritasyon na bumabahay sa kanyang sestema.
“M-mauna na kayo ni Tito Jin. Kakausapin lang ni Mommy si...”
“Let's go baby. Susunod nalang si Mommy, hmm?”
“Okay po. By the way, nice to meet you, po.” masiglang sagot ng bata at nakangiting bati sa kanya na naging dahilan nang panglalambot ng kanyang puso. Parang awtomatikong nalusaw ang kanyang sestema dahil sa unang pagkakataon at sa hindi inaasahang pagkakataon nakita niya at mas naramdaman niya ang pinapangrap niyang anak na malimit sumagi sa kanyang panaginip.
“Madami kang kailangan na ipaliwanag sa akin.” seryoso niyang sabi kay Kylie bago niya ito hinawakan sa palapulsuhan at pinasakay sa kanyang kotse.
“Kailan mo balak na itago sa akin ang bata? Damn! I'm always haunting those dreams at hindi ko alam na totoo pala ang mga panaginip na 'yon!”
“Pwedi bang kumalma ka muna?”
“How can I kung ngayon palang ay hindi mo ako nagawang ipakilala sa kanya as her father.” iritado niyang asik habang mahigpit na nakahawak sa manibela.
“Hindi pweding idaan sa mabilisang proseso, Kinn. Baka mabigla si Akira—”
“Bakit, sinabi mo bang patay na ang totoo niyang ama? Kaya, yo'ng lalaki na yo'n ang kinikilala niyang ama?”
“Ano ba ang pinagsasabi mo?! Alam mo, mas maigi pang huwag muna tayo mag-usap!” yamot na sabi ni Kylie sa kanya.
Tumahimik siya at parang nasindak ng wala sa oras dahil sa sinabi nito at akmang bubuksan na ni Kylie ang pintuan ng kotse para sana bumaba ng lihim niyang pindutin ang lock button. Nayamot ito at basta tumahimik.
“Sino yo'ng lalaki na 'yon?” tanong niya kay Kylie pero hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin at basta lang ito nakahalukipkip at nakasandal ang ulo sa bintana habang tuwid na nakatingin sa labas.
“Tangina! Nabubuang na naman ako sayo.” usal niya bago hinampas ng malakas ang manibela!
Even after the passage of so many years, he continues to exhibit an alarming level of obsession and possessiveness towards his former wife. Despite the dissolution of their marital ties, he still clings to the past, reflecting a disturbing inability to let go and move on.