C-1

1122 Words
*KYLIE* “Dapat po kasi pinapayagan niyo na ako na mamasukan do'n sa pinagtatrabahuan niyo, La. Dito nalang kayo sa bahay kasama si Aunty, Kris. Ipahinga niyo nalang po yang katawan niyo dahil inaatake na kayo ng pasma dahil sa pagod na ginagawa niyo.” Malambing kong paliwanag kay Lola habang minamasahe ko ang mga binti niyang kulubot na ang balat. “Nako, Kylie...tigilan mo yang pangungumbinse sa akin dahil kahit anong gawin mo hindi parin talaga kita papayagan. At staka, hindi mo kakayanin na pakitunguhan ang amo kong si Sir, Akinn Ruiz.” Naiiling na wika ni Lola habang nakahiga sa isang katre kung saan hinihilot ko parin ang isang binti niya. Napangiwi pa ako ng marinig ang pangalan ng kanyang amo. Masyadong mapang-angkin ang katagang Akinn para sa pangalan ng Amo niya. “Nako, po! Kayang-kaya ko po 'yon, La. Pilya din naman ako kaya same-same lang po kami no'ng amo niyo. Sige na po kasi, La! Malapit lang naman dito sa Lipa ang Batangas kaya kahit anong oras ay pwedi akong umuwi dito. At staka po, bakasyon naman ngayon kaya pweding-pwedi ako na mamasukan at kayo ay dito nalang muna,” giit ko sa kanya. Sa katanuyan ay gusto-gusto ko talaga na maranasan na maging isang tagapagsilbi. Oo, mahirap na trabaho iyon pero alam kung magiging sulit naman ang pagod at puyat ko kung ang katumbas naman ng paghihirap ko ay malaking halaga ng pera. Malaking bagay na iyon para makatulong ako kay Lola at Aunty Kris. Kahit pa sabihing hindi ko kaya at para sa kanila bata parin ako kayang-kaya ko naman na protektahan ang aking sarili kung iyon lang ang bumabagabag kay Lola dahilan para hindi niya ako payagan. Hindi ko rin maintindihan kung bakit palagi nalang ginigiit ni Lola ang pag tawag sa akin ng bata gayong disi-nuebe anyos narin naman ako. Edad na 'yon ng dalaga! “Sige na, Kylie, matulog kana at bukas nalang ulit tayo mag-uusap tungkol diyan sa kinukulit mo sa akin.” Pagtataboy ni Lola sa akin nang matapos ko siyang hilutin sa kanyang binti. Lihim pa akong napa-umis dahil sa kasabikan dahil alam ko na kapag gano'n ang sinabi niya ay pinal na desisyon na ang kanyang sasabihin. Masigla akong bumaba sa kanyang katre na medyo uuga-uga na bago inayos ang kanyang kumot na nakatakip sa kanyang bandang paa. Itinaas ko lang iyon hanggang sa may bewang niya bago ako nag paalam na pupunta na ako sa aking kuwarto. May pag ngiti pa akong nalalaman nang makapasok ako sa aking silid dahil alam kong bukas na bukas din ay may magandang balita akong matatatnggap galing kay Lola. Malaki ang kumpyansa ko sa aking sarili na isipin na bukas ay makakapunta ulit ako sa Mansion ng mga Cuevas. Sa katunayan matagal nang panahon ang huli kong punta sa Mansion ng mga Cuevas. Bata pa ako ng huli akong isama doon ni Lola at doon hindi ko inaasahan na makikita ko ang isang lalaki na hindi ko aakalain na ipatikim niya sa akin ang hindi ko inaasahan. Sampung taon palang ako no'n ng halikan niya ako sa aking labi na hanggang ngayon ay hinahanap ko ang mga labi niya. Ang pagkaka-alam ko anak siya ng isang katiwalang driver ng mga Cuevas at malas ko lang dahil hindi ko nalaman ang kanyang pangalan at siguro naman ay kung makikita ko siya ulit ay makikilala ko parin siya sa pamamagitan ng mga singkit niyang mga mata. Sana...dahil isa siya sa mga dahilan kung bakit gusto kong mamasukan sa Mansion. “Hihintayin kitang mahinog at asahan mo andito lang ako nakamasid hanggang sa pwedi na kitang pitasin.” Ang mga katagang 'yan ang walang katapusang paulit-ulit na naririnig ko kahit sa pagtulog ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin at wala talaga akong ideya kung ano ang tinutukoy niyang pipitasin sa akin gayong hindi naman ako puno para pitasan niya ng kung ano. Kinabukasan ay ma-aga akong nagising pero nagulat ako na mas ma-aga parin palang nagising si Lola. Habang nasa kusina ako para mag hilamos nakita ko siyang lumabas ng banyo. Bagong ligo siya kaya nagtaka ako kung bakit lumigo siya ng gano'n ka aga samantalang tuwing hapon siya naliligo. Binaliwala ko nalang muna at pinag-igi ang ginagawa ko. Kami nalang ngayon ni Lola ang nandito sa bahay dahil si Aunty Kris ay ma-aga palagi umaalis ng bahay para mag trabaho sa bayan. Tulala akong naka-upo habang kaharap ang isang tasa na may lamang gatas na bago kong timpla nang makita ko si Lola na naka-pustura na. Naka-suot siya ng pang-alis. Sinulyapan ko ang kalendaryo para alamin kung anong petsa na ngayon. Hindi pa naman siya sasahod sa kanyang pension pero bakit nakapang-alis siya? “Bakit nakatunganga kapa diyan? Aba! Tanghali na Kylie Nicole” “Po? Bakit, ano pong.....Ay, oo nga pala! Hala...” Bulalas ko at walang sabi na tumayo ako at mabilis na tumungo sa aking kuwarto para kuhanin ang tuwalya ko! Sinasabi ko na eh, ura-urada kung mag desisyon si Lola! “Five minutes po. Limang minuto lang ako maliligo, La!” Untag ko bago nilampasan si Lola na kasalukuyang kinukuha ang kanyang pera na nakabalot sa kanyang bulaklakin na panyo. Iyan kasi ang pitaka ng matatanda. Sobrang namangha ako nang makarating kami dito sa Mansion ng mga Cuevas dito sa Lemery Batangas. May kalayuan ito mula sa Lipa City kaya medyo tanghali na kami nang dumating dito sa Hda. Pilar. Nakakamangha parin talaga na makita ang kaliwat-kanan na mga tanim. Ibat-ibang klase ng mga tanim na siyang hanap-buhay ng mga tao dito. Ang Mansion ay walang pinagbago na kahit ang garden nito ay hindi kumukupas ang kagandahan ng mga nakatanim na mga bulaklak. Hindi ko lang alam kung bukod kay Lola ay kung sino pa ang kasama niyang katiwala dito sa Mansion. “Siya, buhatin mo na yang mga gamit mo at dalhin mo doon sa second floor kung saan ka matutulog ngayong gabi.” utos ni Lola sa akin na agad ko namang sinunod. Walang pag-alinlangan kong binuhat ang aking mga gamit at dahan-dahan na umakyat sa ilang baitang na kahoy na hagdanan na halatado namang good lumber ang kahoy na iyon. Tahimik ang buong Mansion dahil wala naman talaga ang mga may-ari nitong Mansion. Sa ibang bansa na namamalagi ang mag-asawang Cuevas at basi sa kuwento ni Lola ay yoong anak naman ng may-ari nitong Mansion ay sa Maynila namamalagi dahil doon ito nag tatrabaho. Siguro 'yon na yo'ng sinasabi ni Lola na si Sir, Akinn Ruiz. Yoong amo niyang pangalan palang ay mapang-angkin na! Pero kahit na gano'n hinding-hindi ako mag papaakit sa kanya dahil sa ugali niyang suplado at arogante. Iyan ang sabi ni Lola sa akin at pinapaniwalaan ko naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD