C-4

1613 Words
*Kylie* Padalawang araw ko ngayon na pansamantalang gumanap bilang secretary ni Sir Akinn dahil hanggang ngayong ay naka-sick leave parin ang secretary niya. Kahapon hindi naging maganda ang unang araw ko. Syempre given na yo'ng wala akong alam pagdating sa mga gano'ng bagay. Tanging pag mi-minutes lang talaga ang alam ko sa tuwing may meeting at kabado pa nga ako kahit gano'n lang ka simple ang gagawin ko! “Nic!? Kanina pa naghihintay si Sir sa kanyang kotse! Bilis na!” pangbubulaga sa akin ni Rika dito sa aking kuwarto. Pinasadahan ko ang oras at alas singko palang naman ng umaga at medyo may kadiliman pa sa labas! “Oo lalabas na,” sabi ko sabay abot ng bag ko. Pinasadahan ko muna ulit sa salamin ang suot ko bago lumabas ng pintuan dahil parang namumutla na si Rika dahil sa katarantahan gawa ng amo namin na kung makapagpang-apura ay kainaman! “Hindi ka ba talaga nasisindak sa pagiging bossy at ka-arogantehan ni Sir Akinn? Parang ang chill mo lang kasi, Nic.” tanong ni Rika sa akin habang magkasabay kaming bumababa ng hagdanan. Nag kibit balikat lang ako bilang sagot. Sa totoo lang may araw na natataranta ako lalo na noong unang araw ko palang. Pero kapag napakisamahan naman ang ugali at mood niya dedma nalang ang pagiging moody niya! Kaya palaging diklom dito sa Mansion kapag andito siya. Lagi siyang nakabusangot lalo na kapag nakikita niya ako na hindi ko alam kung ano ba ang kinagagalit niya sa akin. “Okay lang ba suot ko, Rik?” tanong ko sakanya nang tuluyan na kaming nasa sala. Naka mini-skirt ako na hindi naman sobrang ikli. May cycling naman akong suot bago ang pang itaas ko ay blouse na medyo may pagka-off shoulder ang manggas. Naka-tuck in at pinili ko ring mag suot ng flat shoes kaysa sa mag takong. Baka hindi kayanin ang mga palakad-lakad kaya okay na 'to. Hindi ko na nahintay ang sagot ni Rika dahil umalingawngaw na ang paninerbato ng kotse ni Sir Akinn kaya lakad takbo na ang gawa ko para makarating agad sa garahe. Salubong ang mga kilay niya at parang gusto mangain ng buhay ang awra niya! “Sorry po natagalan—” “Idagdag mo yan sa mga atraso mo sa akin!” baritonong boses niya ang bumungad sa akin habang sasampa sa kotse. “Noted po, Sir.” tanging nasagot ko na sa tingin ko naman ay tama. Binalingan niya ako at agad na nag salubong ulit ang kilay niya dahil hindi nakaligtas sa kanya ang suot ko ngayon. Inayos ko ang aking sarili bago patay malisya na tumingin sa labas ng bintana. “Kaya ka ba nag tagal dahil nag ayos kapa?” tanong niya sa akin dahilan para tingnan ko siya. Kitang-kita ko kung paano niya pinasadahan ang katawan ko dahil sa suot kong hindi naman masyadong revealing. Nailang tuloy ako kaya ipinatong ko ang bag ko sa aking kandungan at binalingan ng tingin ang driver. Seryoso ang mukha nito at tila takot na takot na makagawa ng ingay o kahit reaksyon man lang! Naalala ko tuloy ang isa kung dahilan kung bakit pinasok ko ang trabahong ito. “Gusto ko lang po na maging komportable bilang secretary niyo.” katwiran ko na ikina-iling niya. “Pansamantala kalang kaya hindi mo kailangan i-career ang pagiging secretary mo.” saad niya. Bigla akong napayuko dahil sa sinabi niya. Tama naman nga siya at hindi ko rin talaga kayang karerin ang maging sekretarya niya! Sa tapang at suplado niyang iyan! Jusko po! Hayae na siya! “Let me remind you again. Bawal ang nakikipaglandian sa office ko. Bawal ang nakikipag-usap kapag working time at mas lalong bawal na harutin ang mga lalaking empleyado.” seryosong bilin niya. Napatango agad ako at lihim na nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa mga sinabi niya. Ano ba talaga ang ibig niyang sabihin! Hindi ko gawain ang lahat ng 'yon. Kung hindi lang siya yo'ng tipo na habulin ng mga babae pag-iisipan ko talaga na isa siyang bakla! “Understood—” “Ay bakla!” “Sinong bakla?” bilog ang boses na pagkakasabi niya. “Y-yoong kapitbahay po namin sa Lipa, Sir.” nauutal kong panganagtriwan. Napabuga siya ng hangin at basta hinilot ang kanyang magkabilang sentido. Hindi na ako nagsalita at tumahimik na dahil baka kako ma sesante ako ng wala sa oras. Hinuhuli ko lang talaga ang sa mood niya at aminado akong mailap pa sa manok na tagalog kaya susuko na ako. Ayaw ko nang makikipagbiruan sa kanya at mukhang iba ang kahihinatnan ko kapag pinagpatuloy ko pa ang ganitong ideya. Sa halip na magkakapera ako buwan-buwan kinalabasan nito ay nga-nga. “S-sir?” nag aalangan kong untag sa kanya no'ng tumigil na ang kotse dahil nasa labas ng kami ng building ni Mr. Tingson. Nasa labas na si manong driver at kami nalang ang tao dito sa loob. Iminulat niya ang kanyang isang mata at pinagmasdan ang labas pero agad din naman niyang ipinikit ulit. Nag taka ako at nakiramdam kaya hindi ko muna siya ulit ginising pero dahil panay-panay na ang tunog ng alarm clock kaya no choice ako kundi gisingin na siya. “S-sir...andito na po tayo sa labas ng building.” pukaw ko sa kanya. Umungot lang siya kaya kinutuban na ako na masama ang pakiramdam niya. “Pwedi bang...ikaw na muna ang humarap kay Mr. Tingson? Masama pakiramdam ko and I will wait you here.” utos niya. Tumango ako bilang sagot pero ilang segundo ang dumaan nang muli niyang imulat ang mapupungay niyang mga mata. “Yes, po.” sagot ko na siya palang hinihintay niya. “Fifteen minutes lang at dapat andito kana. Clear?” sabi niya habang naka-pikit ang kanyang mga mata. “Opo.” tugon ko bago inayos ang aking sarili para bumaba ng kotse. Pagkapasok ko sa building bumungad sa akin ang sekretarya ni Mr. Tingson kaya sumunod narin ako sa kanya. Kabado ako dahil hindi ko kasama si Sir Akinn. Iba kapag kasama ko siya dahil nagiging confident ang sarili ko kahit pa sabihin kong palagi nalang siya na nagiging dragon. “Good morning, Mr. Cuevas new Secretary.” bungad ni Mr. Tingson na ikinangiti ko muna ng pilit bago siya tinugon. “G-good morning po Mr. Tingson. Ahmm, masama po ang pakiramdam ni Sir Akinn kaya ako na muna ang makikipag-usap sainyo about po sa deal niyo.” bati ko at umpisa ko narin. Lumalakad ang aking oras kaya hindi na ako nag paligoy-ligoy pa. “Oh, I see. It looks like you're in a rush secretary...—” “Kylie po,” sambit ko bago tuwid na tumayo nang basta siya nag beso sa akin na hindi ko man lang agad naramdaman! “Beautiful name, huh?” maloko niyang papuri. Hindi ko siya matingnan ng deritso dahil sa ginagawa niyang pagkagat ng kanyang ibabang labi! Sinalakay ng kaba ang dib-dib ko nang hawakan niya ako sa aking bewang para alalayan papunta sa kanyang table. Naiilang ako at iba ang pakiramdam ko pero wala akong magawa at sumunod nalang ako. Alalay lang naman at hindi naman niya nahahawakan ang mismong balat ko kaya okay lang. “S-salamat po.” ani ko nang maka-upo na ako. Ipinatong ko sa aking kandungan ang bag ko bago ang notepad na kanina ko pa hawak-hawak. Napapansin kong kanina niya pa ako tinitingnan ng malagkit at nakakaramdam na talaga ako ng kaba at pagka-ilang. Sinipat ko ang oras sa wristwatch ko at limang minuto na ang nakalipas! Sampung minuto nalang! Kako sa aking isip. “Sir, hindi ko na po papatagalin ang pakay ko. Total po ay nakapag-usap naman na kayo kahapon ni Sir, Cuevas at nagkasundo naman po kayo base sa pinag-usapan niyo. Dinala ko po itong contract para papirmahan sainyo.” mahabang paliwanag ko habang naka-upo ng tuwid at tila kabado. Deritso siyang nakatingin sa akin at tila pinag-aaralan ang kabuuan ko. Inayos ko ulit ang pagkaka-upo ko dahil baka kako ay nasisilipan na niya ako! Kinukutuban ako! Nababasa ko sa mga mata niya ang kamanyakan niyang lihim! “Hindi ka naman siguro nagmamadali, secretary, Kylie—” “Nagmamadali po ako Mr. Tingson.” putol ko sa sasabihin niya at basta ako tumayo dahil na alarma ako ng bigla siyang lumapit sa aking kina-uupan! Ngumisi siya na para bang nakakatakot! Palagay ko ang edad niya ay nasa lampas nang limampo kaya hindi ma-ampat ang kaba ko dahil nakikita ko talaga na ang manyak niya! Hindi ko maatim na salubungin ang mga titig niyang malagkit kaya habang ngumingisi siya palapit sa kinatatayuan ko siya namang pag-urong ko at hindi ko alam kung hanggang saan tatama ang likod ko! Lumalakad ang oras ko at siguradong galit na galit na naman si Sir Akinn kapag nagkataon na lumampas sa fifteen minutes ang oras ko tapos wala pa ako do'n! “I like you, secretary, Kylie. Unang kita ko palang sa'yo kahapon na antig na agad ang pagkatao ko. I can give you want you want my dear...” may kasamang kamanyakan ang bawat pag imik niya habang papalapit sa akin kaya malalaki ang hakbang ko habang umuurong at gustuhin ko mang sumigaw kaso baka walang makakarinig sa akin dahil nakikita kong soundproof ang opisina niya. Ni pag imik hindi ko na nagawa dahil sa katakutan na baka ma rape niya ako dito! Parang tatalon na ang dib-dib ko dahil sa kaba na nararamdaman ko lalo na nang na-corner niya ako! Lalong lumapad ang ngisi niya nang tuluyan na siyang nasa harapan ko! Mangiyak-ngiyak na ako at tanging pangalan nalang ni Sir Akinn ang nasambit ko ng mahina dahil sa katarantahan at katakutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD