*Kylie*
“Bakit ba kasi may pagsuot ka pa ng ganyan? Ayan tuloy! Muntikan ka nang mapahamak sa putanginang suot mo na yan! You're not the real secretary kaya dapat hindi kana nag-abala pa na mag gayak ng mga ganyan ka iksi. Damn!” galit ang baritono n'yang boses. Halos dumagundong ang loob ng kotse niya dahil sa malakas niyang anas na kahit ako na katabi niya ay mukhang tatalsik dahil sa kalakasan ng pag-imik niya. Iritado siya at galit na galit dahil hindi na pirmahan ni Mr. Tingson ang kontrata. Kasalan ko at mas lalong kasalanan ko pa! Nag patong-patong na ang atraso ko sa kanya at ngayon palang kailangan ko na talaga ituloy ang binabalak kong pag-alis. Hindi na talaga nakakatuwa na palagi nalang siya galit sa akin.
Inikom ko ang aking mga kamay na nakapatong sa aking kandungan at kasabay no'n ay siya ding pag-ikom ng aking bibig. Ayaw kong mangatwiran dahil kasalan ko naman at kahit ako pa ang muntikan na ma agrabyadu. Muntikan na talaga kung hindi pa pumasok ang sekretarya ni Mr. Tingson dahilan para makalabas ako.
Yumuko ako at hindi umiimik at pigil ang sarili na hindi makagawa ng kahit na anong impit man lang kahit pakiramdam ko lalamunin na ako ng emosyon ko! Takot at pagkadismaya. Takot na takot ako kanina dahil muntikan na akong ma-rape ng manyak na yo'n at dismayado ako dahil hindi napirmahan ang importanteng kontrata na matagal na yatang gusto na makamit ang kasunduan na yo'n.
Ramdam na ramdam ko ang bawat paghinga niya ng mabigat kaya napapapikit nalang ako. Mukhang hindi ko kayang makasama sa byahe si Sir Akinn.
“P-pwedi po bang mag c-cr madali.” hindi masasabi kong patanong ba ang sinabi ko. Hindi siya nagsalita pero narinig ko ulit at paghinga niya ng malalim. Napalunok ako at naghintay ng ilang segundo pero hindi parin siya nagsasalita.
“Three minutes.” walang emosyon niyang imik. Magaling siyang mag bigay ng oras. Hindi ako sumagot pero nabuhayan ako. Inayos ko ang aking sarili bago bumababa. Marahan kong inabot ang bag ko na nakalapag sa tabi ko bago ako bumaba ng kotse. Hindi ko siya magawang tapunan ng ni katiting na paningin dahil baka kako ay naniningkit parin ang mga mata niya dahil sa kagalitan sa akin.
Pagkarating ko sa cr inayos ko ang aking sarili. Pinunasan ko ng wipes ang aking mukha para hindi halata na napaiyak ako kanina kahit medyo mapula-pula pa ang mga mata ko. Pinulupot ko lahat ang buhok kong nakalugay at saka tinali ng buo. Inayos ko ang aking sarili bago lumabas ng cr. Sa halip na dumiretso ako sa kanyang kotse hindi ko ginawa 'yon.
Marahil naghanap ako ng ibang pinto para doon lumabas ng hindi niya nakikita. Ipinarke niya sa isang sikat na Mall ang kotse dahil gusto niyang ilabas ang galit niya kaya tamang-tama ang naisip kong ito. Ayaw kong sumakay sa kotse niya at makasama siya pauwi ng Lemery kaya mas mabuti pang babyahe nalang ako. Alam kong hindi magandang ideya 'yon at alam kong karagdagang atraso na naman itong gagawin ko pero hayae na. Aalis narin naman ako do'n.
Halos magdilim na ang langit pero nasa byahe parin ako. Ngali-ngali ko nang dumiretso sa Lipa pero baka mag taka lang si Lola at Auntie Kris kaya baka bukas nalang at sobrang ma-aga nalang ako aalis.
“Malapit na.” bulong ko sa aking sarili nang isinambit ng konduktor ang terminal na palaging binabaan ng mga pasahero dito sa Lemery. Hinanda ko na ang aking sarili dahil nakapasok na sa compound ang bus. Nagsitayuan narin ang mga pasahero kaya nakigaya narin ako. Nakapila ang mga handang bumaba at kabilang na ako do'n.
Pagkasakay ko ng trysikel papasok sa Hda. Pilar saka naman ako nakatanggap ng txt message galing kay Rika. Kinutuban ako kaya hindi ko binasa. Itinago ko sa aking bag ang cellphone ko at inip na binabaybay ng aking paningin ang isang malubak na daan papasok sa loob ng Hda. Sobrang dilim na din ng langit na kala mo'y uulan. Malamig ang simoy ng pang-gabi na hangin kaya habang inuukupa ang loob ng traysikel niyakap ko ang aking sarili.
“Dito nalang hu, Manong.” pagpapatigil ko sa driver bago ibinigay ang bayad. May ilang lakad pa bago ko marating ang Mansion ng mga Cuevas. Mas pinili ko din na hindi padiretsuhin ang traysikel. Mas gusto kong nilalakad ang aking takot at katarantahan para makapag-isip isip ng mga bagay-bagay bago makarating sa patutunguhan ko.
Inabot ako ng malakas na ulan at wala man lang akong dalang payong kaya sa halip na hintayin ko pa na humupa ang ulan ay nag patuloy nalang ako sa paglalakad. Binalot ko sa isang plastik ang cellphone ko. Palagi akong nagbabaon ng plastik ng yelo sa aking bag dahil inkaso na abutin ako ng ulan ay doon ko ilalagay ang cellphone ko at ang pera na siyang ginagawa ko ngayon.
Nanginginig na ako dahil sa lamig at pagkabasa habang naglalakad ako at nang masilayan ko ang isang maliwanag na poste sa labas ng Mansion mas binilisan ko ang aking sarili para makarating agad. Habang papalapit ako nakikita kong nakaparada sa labas ng gate ang kotse ni Sir Akinn kaya sinalakay agad ako ng matinding kaba. Gusto kong umurong pero saan naman ako pupunta? Marahil pinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang nasa sa tapat na ako ng kotse. Hindi ko alam kung may tao ba do'n at hindi ko rin naman ginawang silipin pa kung meron nga talaga.
“Saan ka nanggaling?” ani ng baritonong boses na nasa loob ng kotse at boses iyon ni Sir Akinn. Nilingon ko siya at nakasilip siya sa nakabukas na bintana. Madilim ang mukha niya at tila barino parin. Halos nasa tapat na ako ng gate at handa na ang mga kamay kong itulak papasok ang isang pisngi ng gate kung hindi lamang nagsalita ito. Hindi ko siya sinagot at ibinaling ko ulit ang paningin ko sa gate. Narinig kong kumalabog ang pintuan ng kanyang kotse at alam kong bumaba siya. Umuulan parin at wala siyang pakialam basta ma-singhalan niya lang ako at mapagalitan na naman!
“Tangina! Ang tigas ng ulo mo! Usal niyang mura kaya binilisan ko ang paglalakad papasok ng Mansion at hindi man lang siya nililingon!
“Kylie!” galit niyang anas hindi kalayuan sa akin at alam kong galit na siya habang nakasunod sa akin.
Halos madapa na ako kakamadali para lamang hindi niya masundan kaso mas mabilis niya parin akong naabutan! Napatda ako sa aking kinatatayuan nang hagipin niya ang palapulsuhan ko. Wala sa oras na napabaling ako sa kanya dahil sa lakas ng pagkakagahip niya sa kamay ko. Dumagundong sa kaba ang dib-dib ko habang naghahalo ang luha ko sa patak ng ulan na bumabagsak sa aking ulo at nag uunahan na dumaloy pababa sa aking mukha. Ang hina ko sa ganitong sitwasyon at aminado akong hindi ko kinakayang kontrolin ang sarili ko kapag nagagalit ako o kahit nagkukumahog na sa iritasyon ang kalooban ko! Magaling lang ako sa pamimilosopo pero mahina talaga ako!
Galit na galit ang tinginan niya sa'kin at sinasalubong ko parin ang maiitim niyang titig habang hingal na hingal siya. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at sa puntong iyon pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya kaso mas malakas siya sa akin!
“Maligo ka at kumain ng kahit tinapay lang muna at uminom ka ng gamot bago ka pumunta sa library ko. Naiintindihan mo?” mando niya. Hindi ako sumagot at basta tinanggal ang kamay ko sa kamay niya bago siya tinalikuran.
“Kylie—”
“Oo na....po.” ani ko bago tuluyang pumasok sa loob at mabilis na tumungo sa aking kuwarto.
Pagkatapos kong maligo nag bihis ako ng pang alis kong damit at denim na pantalon. Nag sapatos ako dahil nabasa ang doll shoes ko. Nasa library niya parin ang mga gamit kong nakagayak kaya doon ko nalang kukuhanin. Hindi ako uminom ng gamot dahil nailigo ko na naman.
Buo na ang loob ko aalis ako kahit gabi na. Alas otso palang naman ng gabi at madami pa akong nakikita na bus na naroroon sa terminal kaya malakas ang loob ko na umalis kahit gabi na.
Tulog na si Rika kaya hindi na ako nag abala na pukawin siya para mag paalam. I-ttxt ko nalang siya balak kapag nasa amin na ako.
“Bakit ka na naman nakapang-alis?” bungad niya sa akin nang makapasok ako sa library niya. Nakikita kong umiinom siya ng alak dahil kaharap niya mismo ang baso na may lamang yelo at yoong bote ng alak na branded.
“Uuwi na po ako sa'min,” walang atubiling sabi ko. Umangat ang dulo ng labi niya. Ang isang kilay ay tumaas din bago pa siya umayos ng pagkaka-upo sa kanyang swivel chair.
“And you think papayagan kita ng gano'n lang kadali? Let me remind you again, madami kang atraso sa'kin.” seryoso at tila nangungutya niyang saad. Naiikom ko ang aking mga kamay habang nakatago parehas sa aking likuran.
“Ano ba ang magiging kabayaran no'n para patas na tayo,” hamon ko.
“Be my wife. Pakasalan mo ako.” walang kuskos balungos niyang bulgar habang tiim na nakatingin sa akin. Tila nanigas ako at sinalakay ng kakaibang kaba. Hindi ko alam kung trip niya lang pero kahit na gano'n bakit tila apektadong-paektado ako sa inalok niya!