C-7

1469 Words
*Kylie* Habang nasa kotse ako wala akong kibo na kahit ang marinig ang sarili kong paghinga ng mabigat ay tila hindi ko marinig. Parang bingi ako dahil sa samu't-saring iniisip. Ibat-ibang emosyon ang nararamdaman ko kaso hindi ko mai-express dahil kasama ko si Sir Akinn. Siya ang mag da-drive ngayon at ako naman ay dito naka-upo sa tabi niya. Kuyom ang mga kamao ko habang nakapatong sa aking kandungan. Papunta na kami ngayon sa munisipyo. Hindi engrande ang kasal na'to. Wala siyang rason para gawing engrande at kahit ako man ay hindi papayag. Wala kaming relasyon at ito ay puro lamang laro. Para maging patas kaya ko pinatos. Bahala na kapag nalaman ni Lola. Bahala na ako. Nakikita kong pasimple niya akong tinitingnan pero hindi ko siya binabalingan. Parehas kami na humihinga ng mabigat. At simula ng umalis kami sa Mansion ng sobrang aga ay hindi pa talaga kami nakakapag-usap. Sa isang shop na ako nag bihis. Simple lang ang awra ko. Napaka-simple ng suot kong dress. White infinity dress at tinuwangan lang ng medyo may kataasan na sandals. Konteng make-up na swak sa mukha ko at ayos na. May binayadan siya para asikasuhin ang gayak ko. Hindi ako nag prostesta o mangatwiran man lang. Siya naman ay mapapag-halata na pinaglaanan ng oras ang porma. Pulidong-pulido ang gayak niya. Naka white polo siya at naka-tuck in sa kanyang pantalon na fitted sa kanya. Nakatupi hanggang siko niya ang polo bago naka-bukas ang dalawang butones sa bandang dib-dib niya. Pinaresan niya ng black shoes na sobrang shiny ang fitted jeans niya. Napapa-isip tuloy ako na hindi naman niya pinaghandaan ng husto ang pekeng kasal namin. “The wedding's gonna be quick, so no worries about getting bored or anything.” untag niya sa wakas. Hindi ako nagsalita kahit gustong-gusto ko. Kung alam niya lang na kahit limang minuto lang ay ayos na ayos na sa akin. Napabuga siya ng hangin ng makita ang buntot ng traffic. Alas nuebe na ng umaga at mahaba-haba na ang traffic palibahasa office hours. Napapansin ko sa ilang araw na nakakasama ko siya sa byahe, mayamutin siya pagdating sa traffic. Nababarino siya at kulang nalang masira ang busina ng kanyang kotse kakapindot niya. Umayos ulit ang daloy ng mga sasakyan kaya bumilis narin ang pagmamaneho niya dahil naririnig kong naka-ilan nang beses na may tumatawag sa kanya. Sa tingin ko iyon na yo'ng kaibigan niyang Mayor. “We're here,” aniya bago pinatay ang makina. Nakita kong bumaba na siya at agad ko naring inayos ang aking sarili kahit sa totoo lang parang aalpas na ang dib-dib ko dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako kahit sobrang bilis niyang makaikot papunta sa aking puwesto. Inunahan ko siya at naikawang niya agad ang kanyang kamay sa handle ng pintuan nang makita niyang tinutulak ko na palabas. Huminga ako ng malalim habang nakasunod sa kanyang likuran. Pasimple niyang hinahawakan ang kamay ko kanina para ihugpong sa kamay niya ngunit mabilis kong nilalayo ang kamay ko dahilan para hindi niya mahagip. “Sa wakas, dumating din ang poging groom...Hi!” bungad sa amin ng isang lalaki na sa tingin ko ay ka edad lang niya si Sir Akinn at feeling ko ito na nga yoong Mayor na kaibigan niya. Binati niya ako at talagang ibinali niya pa ang kanyang leeg para lamang matingnan ako sa likuran ni Sir, Akinn. Tipid akong ngumiti sa kanya bilang sagot ngunit nakita kong hinawi niya ang bulto ni Sir, Akinn para ilahad ang kanyang kamay para makipag-kamay sa akin. “I'm Mayor, Riggs Cuevas. Cousin of your soon to be husband.” nakangiting pakilala niya. Kaya pala malakas ang loob dahil pinsan pala ay Mayor. Pinakiramdaman ko muna kong basa ang kamay ko gawa ng pawis bago tanggapin ang kamay niya at nang mapagtanto na hindi naman basa ay saka ko inangat para abutin ang kamay niya. “K-kylie—” “She's Kylie Nicole, bro...Soon to be my wife.” sulpot ni Sir Akinn at siya ang umabot ng kamay ng kanyang pinsan na Mayor. Lihim ko tuloy na naibaba ang aking kamay at tinago nalang sa aking likod. Nagsalubong ang kilay ni Mayor Riggs at hinampas siya sa balikat bago umiling-iling at umuna nang pumasok sa loob ng opisina nito. “Let's go?” yakag niya sa akin bago inabot ang aking kamay. Wala na akong nagawa kundi ang ipaubaya sa kanya. Ayaw ko ipakita sa pinsan niya na mukhang napipilitan lang ako na gano'n naman talaga ang totoo. Habang papalapit kami sa table ng pinsan niyang Mayor ay siya namang pagtambol ng kainaman ng aking dib-dib. Pabilis ng pabilis na pati ang mga kamay ko ay nanlalamig na dahil sa tensyon. Nahalata niya at naramdaman ang panglalamig ng kamay ko kaya napatingin siya sa akin. Walang makikitang emosyon sa mga mata niya. Habang pinapakalma ko ang aking sarili siya namang pagsulpot ng isang magandang babae. Tila natataranta pa ito habang papasok sa loob ng opisina. “I'm sorry, traffic kasi.” mahingal-hingal niyang sabi habang pinatong sa lamesa ang isang box na maliit. “It's okay, Dee. Umabot kapa rin naman. Thanks.” sagot ni Sir Akinn sabay beso sa babae. Maganda siya at sobrang puti niya. May kahabaan ang buhok niya at maamo ang kanyang mukha at halatadong mabait talaga. “Congrats, ha!” aniya sabay kurot sa tagiliran ni Sir Akinn. Binaling niya ang paningin sa akin kaya napayuko ako dahil biglang nag-init ang aking pisngi. Nakaki-ilang tumingin sa kagandahan niya. “Hi! Congratulations...” untag niya sa akin kaya inangat ko ang aking mukha at sinalubong niya agad ako ng beso. Bago niya ako niyakap. “I'm Adeline Hope..bestfriend ng mokong na 'yan. Salamat, dahil sa wakas maiitali narin siya.” bulong niya sa akin habang hinahagod ng kanyang mga kamay ang aking likuran. Nakaramdam ako ng sobrang gaan na pakiramdam at parang napawi ang kaba na kanina lamang ay hindi mawala-wala sa katawan ko. “Ang ganda mo,” papuri niya sa akin na ikinahiya ko lalo. Ang lambing niya at sobrang ganda niya kapag ngumingiti. “So, can we start?” sulpot na imik ni Mayor Riggs. Inayos ni Ma'am Adeline ang suot kong dress bago siya pumunta sa likuran namin pero bago yo'n binalaan niya ng naniningkit na tingin si Sir Akinn pero ngumisi lamang ito. Habang nagsasalita si Mayor Riggs hindi ko mapigilan na hindi mapatingin sa aming paligid. Hindi ko kilala ang dalawang tao na tahimik na nakikinig sa sinasabi ni Mayor. Siguro baka sila yo'ng naulit ni Sir Akinn na maging saksi sa kasal namin at kasama narin si Ma'am Adeline. Natigil ang aking pagmamasid nang maramdaman ko ang kamay ni Sir, Akinn. Hinagip niya ang kamay ko bago hinugpong sa kanyang kamay. Madiin at parang ayaw nang bitawan. Hindi ko alam kong galit siya dahil sa sobrang pagkakapisil niya. Napatingin ako sa kanya pero deritso ang tingin niya kay Mayor kaya naibaba ko ang aking paningin sa mga kamay namin. Kung hindi lang siya siguro galit sa akin at kung hindi lang din siguro ako kawang sa kanya ay iisipin kong sweet siyang boyfriend kahit pa arogante siyang lalaki. “Bagay na bagay kayo.” bulong ni Ma'am Adeline mula sa aking likuran. Sinuklay niya ang buhok ko bago pinisil ang balikat. Sa paraang iyon nakaramdam ako ng pag-iinit ng aking pisngi dahil sa kanyang sinabi. Kung alam mo lang na hindi talaga kami tunay na nagmamahalan...lahat ng ito ay laro lang. Pambayad lang ako sa utang kaya napasok ko ang bagay na'to. “You may now kiss your bride,” nakangiting utos ni Mayor. Alam kong hahantong kami sa ganito pero hindi ba pweding lagpasan nalang yo'n? Tumili sa likuran namin si Ma'am Adeline. Hindi ako gumalaw ni tingnan si Sir Akinn ay hindi ko magawa! Hindi ko siya kayang halikan dahil hindi ako katanggap-tanggap para sa mga labi niya. Pinisil niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. First kiss ko siya kung sakali! Nakataas ang isa niyang kilay kaya pakiramdam ko ako ang gusto niyang ma-unang gumalaw. Shít! Napapikit ako nang ipatong niya sa balikat ko ang isa niyang kamay. Namaybay 'yon ng dahan-dahan papunta sa batok ko. Sa bawat pag landas ng mga daliri niya sa balat ko milyong boltahe ang nag uunahan na umakyat sa aking sestema hanggang sa unti-unti niya akong kinakabig kaya napapikit na ulit ako. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng tíbok ng aking dib-dib at tila mabibingi na ako dahil sa kalakasan niyon. “I'm sorry, Love, but I have to do this.” bulong niya sa akin bago ako mabining hinalikan. Tuluyan ko nang naipikit ang aking mata. Naririnig kong nagsipalakpakan ang mga saksi sa loob ng oipisina ni Mayor pero mas nangingibabaw ang lakas ng pintíg ng aking puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD