C-6

1268 Words
*Kylie* “Seryoso ka?” may diin kong tanong bago tipid na ngumisi. “Hindi pa ako nasisiraan ng bait para patusin yang inaalok mong kasal. At ano kamo? Kasal, bilang kabayaran sa mga atraso ko sa'yo? Grabeng atraso naman yo'n, Sir.” may pag diin kong sambit sa panghuling kataga. Hindi nagbago ang awra ng mukha niya. Tila hindi man lang kumibot ang labi niya dahil sa aking sinabi kaya medyo nagkumahog sa yamot ang dib-dib ko. Ang galing niya ring mag alok ng kasal kahit alam naman niya mismo na wala kaming nararamdaman sa isat-isa. At staka..masyado pa akong bata para mag patali sa katulad niyang magaspang pa sa rough na semento ang ugali. “Hindi ko matatanggap ang alok mo,” ani ko habang sinasalubong ang mga titig niyang nakakamatay at tila nakakapaso. Hindi ako nag pasindak. Bagkus, pinagtibay ko ang aking sarili. Tumayo ako ng tuwid at hindi pinahalata na apektado ako sa paninitig niyang masakit. “Wala kang dahilan para humindi sa alok ko.” aniya. Seryoso parin ang mukha niya at talagang kumpyansado siya sa kanyang sarili na mapapa-oo niya ako. Hindi ba talaga siya nag-iisip? Ano ba kasi ang pakay niya sa akin dahil sa dinami-dami ng pweding i-alok sa akin ay yoong pagpapakasal pa talaga! Gano'n na ba siya ka kumpyansa sa sarili niya na mag patali sa isang babae na hindi niya man lang naiisip ang magiging kinabukasan niya na kasama ako! “Sapat na para sa akin na hindi ko kayang magpatali sa isang tao na hindi ko naman...mahal.” wika ko ngunit pakiramdam ko mapipiyok ako! “Yo'n lang ba?” “Importante sa akin ang kasal. Sagrado ang salitang pagpapakasal sa isang tao at para lamang yo'n sa mga taong nagmamahalan ng totoo at hindi katulad nati—” “What if sabihin kong may malaking utang sa akin ang Auntie mo at ikaw ang pinangbayad niya. Uurong ka parin ba?” deritso at seryoso niyang sabi. Hindi ako naka-imik at basta siya tiningnan. Tila nanigas ako sa aking kinatatayuan at pilit na pino-proseso ang sinabi niya. Imposible. Bakit mangungutang si Auntie Kris kung may magandang trabaho naman siya. Umiling-iling ako dahil hindi ako naniniwala pero natigil ang pag iling ko nang iangat niya sa ere ang isang papel na may mga nakasulat. Naka-print ito at kitang-kita ko ang pirma ni Auntie Kris! Hindi ako pweding magkamali at sasabihing hindi iyon kanya dahil kabisado ko ang hand writing ni Auntie. “P-paano nangyari? H-hindi naman kayo magkakilala kaya bakit naka-abot pa siya dito nang pangnungutang sa'yo.” nauutal kong sabi. Imposible naman kasi talaga na makaabot dito si Auntie dahil sa Maynila siya nagta-trabaho. “When it comes to money, walang imposible pagdating sa mga taong gipit. And just so you know, she is my employee at the hotel. I don't know her personal reason but because I am her boss hindi ako nag mamadamot sa mga empleyado ko. If you're not convinced feel free to check this out.” sunod-sunod at mahaba niyang paliwanag. Ayaw ko man gawin na tingnan ang papel na hawak niya mas nilakasan ko ang aking loob. Kahit pakiramdam ko nag nangangalit na ang bagang ko dahil sa mga nalaman ko! Biglang nag-init ang gilid ng mga mata ko nang makita ang kasunduan nila ni Sir Akinn. Parang naghahanap ng milyong hangin ang ilong ko dahil kahit anong oras ay mawawalan ako ng hininga! Ang lakas ng loob ni Auntie na gawin akong pambayad sa inutang niya na hindi ko naman alam kung saan niya ginamit! Ang galing! Ang galing-galing niya dahil ipapatali niya ako sa isang tao na hindi ko naman kilala ng lubusan. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang nilalapag sa lamesa ang papel na binasa ko. Walang lumabas na salita sa aking bibig at parang umurong ang dila ko. Narinig ko ang mabigat niyang pag-hinga kaya napatingin ako sa kanya kahit alam kong nanunubig na ang mga mata ko. Wala na akong pakialam kung makita niya akong umiiyak! Hindi makatarungan ang ginawa ni Auntie sa akin! “Mag pahinga kana at bukas nalang tayo mag-usap.” aniya habang umiiwas ng tingin sa akin. Ibinaling niya ang kanyang paningin sa baso na may alak. Nilagok niya iyon ng isang lagukan at mabigat na binaba sa lamesa ang baso na tanging yelo nalang ang laman. Walang ingay akong tumayo. Laylay ang mga balikat ko habang papalayo sa lamesa niya. Nanglalambot ako at naghihina. Mukhang wala na talaga akong takas dito. Pinagsisihan ko ang ginawa kong mamasukan dito pero kung hindi ko naman ginawa yo'n panigurado ay hahanapin at hahanapin parin ako ni Sir Akinn dahil iyon mismo ang nakasaad sa pinirmahan ni Auntie Kris. Binuhos ko ang mga luha ko at hinayaan ko ang sarili ko na umiyak ng umiyak dito sa loob ng aking kuwarto. Alas dyes na nang gabi pero hindi parin ako dinadalaw ng antok dahil sa nararamdaman kong galit sa Auntie ko. Malakas ang buhos ng ulan at sobrang lakas ng hangin. Tila nakikiramay ang panahon sa aking emosyon. Hindi ko alam na nakatulog na pala ako dito sa sofa na inuupuan ko kanina. Kung hindi pa kumidlat ay hindi pa ako magigising. Napabalikwas ako at kinusot-kusot ang aking mga mata dahil pakiramdam ko ay mahapdi dahil sa pagkaka-iyak ko kanina. Masakit din ang ulo ko at parang binabarina ang isa kong sentido dahil sa sobrang sakit. Sinipat ko ang oras. Alas dos na ng madaling at nakakaramdam ako ng gutom kaya kahit medyo antok pa ako ay tinibayan ko ang aking sarili na bumaba para uminom ng kahit gatas. Hindi nga pala ako kumain kanina. “Hindi ka kumain kanina?” gulat akong napatingin sa aking likuran. Nakatayo si Sir Akinn habang nakapamulsa at nakasandal sa ding-ding at tila kanina pa siya nakamasid sa akin. Naitigil ko ang pag-nguya ko dahil basta siya lumapit sa akin at umupo sa harapan ko habang nakahalukipkip ang mga kamay. Iba kapag kanin ang inilaman sa tiyan na nagugutom kaya naisipan kong kumain ng kanin kahit dis-oras na ng gabi. Hindi ako nagsalita at iniwasan ang mga titig niyang walang emosyon. Uminom ako ng tubig at nahihiyang sumubo ulit ng kanin. Huling subo bago ako tumayo. Dinala ko sa sink ang pinagkainan ko at doon lihim na pinagpatuloy ang pag ngunguya. Hindi siya nagsasalita kaya lagay ang loob kong wala na siya pero nagitla ako nang maramdaman ko ang balat niyang dumikit sa balat ko. Na-alarma ako. Nakahilig ang likuran niya sa sink habang napahalukipkip parin. Amoy alak siya at naghahalo ang amoy ng sigarilyo pero mas nangingibabaw parin ang amoy ng pamango niyang pang lalaking-lalaki. “I need your answer.” umpisa niya na ikinatigil ko nang pagsasabon ng plato. Ano nga ba ang isasagot ko. Handa na ba ako na mag patali sa taong hindi ko kasundo at hindi ko mahal? Pero kung sa paraan na yo'n ay magiging patas na kami kapag natapos ang isang taon na kontrata ay hindi ako mag aalinlangan na umo-o. Madali lang ang isang taon. “Payag ako.” lakas loob kong sagot. Kinagat ko ang ibaba kong labi habang mariin kong pinipisil ang sponge na hawak-hawak ko. Sa paraan na yo'n doon ko binubuntong ang lahat ng galit, yamot at hinampo sa Auntie Kris ko! “Then ready yourself tomorrow.” saad niya bago ako tinalikuran. Pagka-alis niya siya namang pag patak ng luha ko. Sunod-sunod at tila hindi ko kayang pa-ampatin. Bukas na bukas ay mag-iiba na ang apelyedo ko. Bukas na bukas ay magbabago ng gano'n kadali ang buhay ko at sana...makayanan ko ang desisyong ginawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD