C-8

1633 Words
*Kylie* Dito kami umuwi sa kanyang condominium. Hindi ako umangal nang malaman kong dito niya ako dadalhin pagkatapos ng kasal namin kanina. Ang buong akala ko ay gagawin namin ang karaniwang ginagawa ng mga bagong kasal at nakahinga ako ng sobrang luwag dahil kahit hawakan man lng ako ay hindi niya ginawa. Dahil sa katarantahan na baka kumukuha lang din siya ng bwelo kaya mabilis din akong nagkulong dito! Ni-lock ko ang dapat na i-lock! Hindi sa kanya at tanging sa taong mahal ko lang ibibigay ang pagka-inosente ko. Simula nang makarating kami dito hindi pa ako lumalabas. Hindi ko alam kung nasa labas siya o kung natutulog narin sa kabilang kuwarto. Sinipat ko ang aking daliri kung saan naro'n ang sing-sing. Maganda at tila saktong-sakto sa aking pala-singsingan. Parang sinukat. Agad ko ding naiiwas ang aking paningin nang mapagtanto na isang kasangkapan lang ito para masabing kasal na kami. Para masabing ito ang patunay na simula na ang pagbabayad ko sa kanya. Nakakatawa na nakakainis dahil sa isang iglap isa na aking Cuevas pero wala akong lakas ng loob na ipangalandakan ang apelyedo na 'yan dahil una sa lahat hindi ko kaya na mapabilang sa angkan niya. Masyado silang kilala at tinatangkilik. Baka nga kapag kumalat ang ganitong issue eh baka dumugin pa ako ng mga tao at sabunutan. Bigla akong napangiwi nang marinig kong lumiliyok na ang aking sikmura. Gabi na at kanina pa pala ako naka-upo dito sa likod ng pintuan. “Magbihis kana pekeng, Cuevas.” ani ko sa aking sarili bago tumayo. Hinubad ko ang aking suot na wedding dress. Inayos ko ang pagkakatiklop bago nilapag sa dulo ng kama. Mag ha-half bath lang ako. Pagkatapos kong makapagbihis ng pangtulog na dress sinuklay ko lang ang buhok ko bago hindi na pinagkaabalahan na itali. Suguro naman ay tulog na siya. Para akong isang magnanakaw dito na pinipilit na hindi makagawa ng ingay habang binubuksan ang seradura ng pintuan. Patay na ang ilaw sa labas at tanging repleksyon ng ilaw na galing sa labas ang tanging nagsisilbing liwanag dito sa loob ng sala. Nang masipat ko ang paligid at siniguradong wala siya saka ako lumabas at huminga ng maluwag. “Nakatulog na siguro.” bulong ko ulit sa aking sarili habang walang ingay parin na naglalakad patungo sa kusina. Nagugutom ako kaya mamumungkal na muna ako ng pweding kainin doon. Nilantakan ko ang nakita kong tinapay. Pinalamanan ko ng peanut butter bago nag timpla ako ng gatas. May natatakpan sa lamesa pero hindi ko na inabala pang tingnan kung ano 'yon. “Ngayon ka palang ulit kumakain?” bukungad sa aking likuran ang baritong boses ni Sir Akinn. Pakiramdam ko tumalksik ang kaluluwa ko ng magsalita siya sa likuran ko. Nilunok ko ng wala sa oras ang nginunguya kong tinapay bago uminom ng tubig. “Nga....ngayon lang po kasi ako n-nagutom S-Sir—” “Don't call me, Sir.” sagot niya na tila iritado na may konteng galit. “H-hindi ako sanay na tawagin ka sa pangalan mo at staka...wala akong karapatan na hindi ka galangin dahil amo parin naman kita.” paliwanag ko bago siya hinarap. Hindi pa siya nakakabihis at klaseng kararating niya lang galing kung saan. Ang pungay ng kanyang mga mata. Naamoy ko ang nag-aagaw na amoy ng alak at sigarilyo at halatadong medyo napapagod na siya dahil medyo lupaypay na ang kanyang balikat. “Then train yourself to call me by my name or...” sabi niya ngunit hindi niya naituloy nang bigla siyang napa-sinok. Napahawak siya sa sandalan ng upuan kaya kahit ayaw ko man siyang tulungan ay ginawa ko parin dahil baka mapaano pa siya kung hahayaan ko lang siya. “U-umupo ka muna S-sir.” utos ko sa kanya habang inaalalayan siyang maka-upo sa upuan na hinila ko pero sa halip na ituloy ang pag-upo niya hindi niya ginawa. Naniningkit ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin kaya medyo lumayo ako sa kanya. Hinagod ng paningin niya ang mukha ko pababa sa aking labi. Nailang ako kaya yumuko ako. Narinig ko siyang pigil na tumawa. “I warned you, don't close to me when I'm drunk. Lumayo ka ng isang dipa kung sakali dahil nananakit ako kapag nalalasing.” deritso at sunod-sunod niyang sabi. Dahil sa sinabi niya kinabahan ako na baka-sakaling saktan niya nga ako kaya lumayo ako sa kanya ng mahigit pa sa isang dipa. Tipid siyang napangisi nang makita ang ginawa ko pero agad din namang bumlik sa kaseryosohan ang mukha niya nang mapagtantong nakatingin ako sa kanya. “Better,” aniya bago umupo at inisang subo ang tinapay na kinakain ko kanina. Namilog ang mga mata ko dahil sa kanyang ginawa. “M-may laway ko na 'yon.” ani ko habang hindi parin makapaniwala sa ginawa niya. “Wala ka naman yata rabies.” malokong sagot niya habang nginunguya ang kinakain. Parang sarap-sarap pa siya. Napabuntong hininga na lamang ako. Kinabukasan maaga akong gumising para mag luto ng aming almusal. Ngayong araw ay simula na nang pagiging secretary ko. Ako na ang ginawa niyang secretary dahil nag resign na ang kanyang secretray sa kadahilanan na magpapahinga dahil buntis na. Ayaw ko no'ng una kasi wala naman talaga akong alam pagdating sa gano'ng trabaho kaso nag pumilit siya kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag. Hindi ako nangako na magagampanan ko ng maayos ang trabahong iyon. Sa susunod na buwan ay balik eskwela na ulit ako pero napagpasyahan niyang dito na ako pumasok sa Maynila. Lahat siya ang gumagawa ng mga desisyon at hindi ako makagawa ng pangangatwiran dahil una sa lahat pakiramdam ko hawak niya ako sa leeg. “K-kain na,” mahinang alok ko sa kanya habang hinahalo ang kape na tinimpla ko para sa kanya. Asawa niya ako kahit sabihin pang sa papel lang kaya gagawin ko parin ang responsibilad ko na gampanan ang mga gano'ng gawain ng isang asawa. “Thanks. Kumain ka narin.” “Tapos na ako,” ani ko na ikinatitig niya sa akin. Biglang kumabog ang aking dib-dib nang magtama ang mga mata namin. Wala siyang sinabi at basta lang nakatitig ang mga mata niya sa akin at parang may pinapahiwatig. Ako ang umiwas ng tingin at sa sing-sing niya ako napatingin. Suot niya parin. Lihim akong napatawa sa hindi malamang dahilan. Pagkarating namin sa Cuevas Incorporation sinalubong kami ng mga taohan niyang palaging naka-abang sa labas ng building. Dinala ng isa ang kotse niya sa parking lot samantala ang isa ay matiyaga at tahimik na naka-buntot sa amin habang dala ang ibang gamit niya. Pagkapasok namin sa loob ng building nakita kong halos lahat ay mga nakangiti sa amin ang mga empleyedong naka-assingn sa lobby. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng kanilang ngiti pero bilang pagbati ay nginitian ko rin sila samantala si Sir Akinn ay seryoso lang ang mukha. Napaka-bossy niyang tingnan at hindi man lang sumisilay ang ngiti sa kanyang labi kahit ang mga nakakasalubong namin ay walang humpay na bumabati sa kanya. Nakakatakot ang hitsura niya. Ganito ba talaga siya sa mga empleyado niya? “You know what to do. Kapag free time mo pag-aralan mo ang mga iniwan d'yan ni Liza.” sabi niya na hindi ako tiningnan habang papasok sa kanyang opisina. Tumango-tango parin ako bilang sagot kahit hindi siya nakatingin. Wala siyang naka-schedule na meeting ngayon kaya nilalaan niya ang oras niya sa kanyang opisina at gano'n din ako. Ni isang tawag ay hindi pa siya tumatawag sa intercom kaya napapag-aralan ko ng deritso at ng maayos ang mga iniwang guides ni Liza. Oras na nang tanghalian kaya itinabi ko muna sa drawer ang mga files. Mag tatanghalian muna ako sa labas. Hindi na ako nag pa-abiso sa kanya dahil oras naman talaga ngayon ng lunch break. Hindi narin ako nag abala pa na katukin siya o alukin man lang dahil alam kong may inaabangan siyang isang tao ngayon. Ten minutes ang break time ko at may five minutes pa akong natitirang oras. D'yan ka na ba talaga mag tatrabaho, Nic? Ani ni Rika sa kabilang linya. Tumawag siya dahil na-miss niya daw ako kaya natuwa din ako dahil may limang minuto pa ako na pweding ilaan sa kanya. Oo..ginawa akong secretary ni S-sir Akinn dahil umalis na yo'ng sekretarya niya. Susubukan kong umuwi d'yan sa linggo, Rik. Tugon ko sa kanya. Narinig kong napabuntong hininga siya pero hindi ko nalang pinansin. Naiinip siya sa Mansion kaya gano'n na lang ang reaksyon niya. Walang nakaka-alam na kasal na kami kaya hanggat maaari ay huwag naman sana nilang malaman at sana huwag kumalat ang balitang iyon. Sige... Nami-miss na kita, Nic! may hinampo niyang saad kaya napa-umis ako ng lihim. Miss na din, kita— Bigla kong pinatay ang tawag ni Rika at hindi ko na nagawang mag paalam pa nang makita kong nakatayo si Sir Akinn sa harapan ng inuukupa kong lamesa. Tiim siyang nakatingin sa akin habang nakahawak ang isa niyang kamay sa bewang ng isang magandang babae. Napalunok ako ng wala sa oras at tila nakaramdam ng kung ano. Abala sa pag tipa sa cellphone ang babaeng kasama niya kaya hindi nito nakikita kung paano ako tingnan ni Sir Akinn ng nakakamatay na tingin. Iniwasan ko ang mga tinginan niya at tarantang dinampot ang aking bag sa kabilang upuan at saka tumayo. “E-excuse me po,” sambit ko bago sila nilampasan. “Let's go,” narinig kong yaya niya sa babaeng kasama niya. Bago ako lumabas ng pintuan ay muli ko silang nilingon habang naka-alalay parin ang kamay niya sa bewang ng babae at kitang-kita ko na hindi niya suot ang sing-sing niya. Mapait akong napangiti bago lumabas ng pintuan. Parang binahayan ng kung ano ang sestema ko nang iparamdam niya sa akin na hindi niya ako kilala pagdating sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD