Chapter 21: Chess Pieces

3261 Words
MIA Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kaunting hiya, kasi sino ba naman ako? Ang po-pogi ng madla! Tiyaka iba-iba ang lahi. May foreigners, may Espanyol, Koreano, Japanese, Chinese, hayy ewan! Sinabi ko nga noon na hindi ako fan ng mga guwapo, pero sa mga nakita ko ngayon, kasama pa ang three month hubby ko, parang tinutunaw nila 'yung aspects ko towards sa mga lalake. Pati si George na in-insulto ko noon ay parang nahiya ang pagkatao ko. Bakit ko nga ba nasabi ang bagay na 'yun, kung kagaya siya ng mga narito na napapaliguan ng ka-guwapohan? Tapos 'yung mga ngiti nila, ala-colgate. Pantay pa ang mga ngipin at magaganda ang mga hubog ng kanilang labi. 'Yung mga mukha nila ay parang magkakapreho na. Kung hindi sa kulay, at sa mga mata o kaya mga ilong at buhok. Baka mapagkamalan ko na silang magkakapatid. "Chess pieces, I would like to introduce my wife. She's Mia Borromeo-Monteiro." Gusto kong ngumiwi sa paraan ng pagpapakilala ni Alexus sa'kin. Kung maka-asawa ay pang lifetime na talaga akong asawa niya. Tsk. Tsk. "Woah! You actually married someone else, Alexus?!" Sabi ng lalaking may brown na buhok. Bakas sa mukha niya ang pagkakagulat. "Dude! Papaano? I mean, kailan mo siya naging asawa? Huwag mong sabihin sa'min na--" nagsisimula na namang nabuhay ang ka-ingayan nila. Pero nakakatuwa ang mga 'to. Mukhang maganda sila kaibiganin. "Nag-taksil ka rin kay Denise?!" Napakurap-kurap ako sa sinabi no'ng lalakeng may ocean blue eyes. Akalain mo, marunong paka magtagalog? "Woy, this sounds irritating man. Alam kong maganda 'tong asawa mo ngayon kumpara kay Denise--" tinampal ko ang kamay ni Alexus at kaagad na pumalakpak. "Naku! Wala 'yun mga pogi! Natural ang ganda ko at walang kahalong ka-artehan. Dapat lang na mas maganda ako sa malditang 'yun!" Giit ko na ikina-tameme nila. Nagulat naman ako dahil sa sabay-sabay nilang pananahimik. "Bakit? May nasabi ba akong mali?" Ang weird nila talaga. Iisa lang ba ang tina-e na pinagmumulan nila? Habang napapaisip ako ay bigla naman itong nagsisipalakpakan, animo'y may napapanood silang nakakatuwa at nakakamanghang patimpalak. Natutuwa naman ako at pumapalakpak kasama nila. "Wow! Hindi ko aakalain na pareho pala tayo ng pananaw." "Tch. Panget din kasi ng ugali no'ng si Denise." "Hoy, pati nga girlfriend ko na binigyan lang ng kape 'yang si Alexus, inaway kaagad. May saltik talaga ang utak." Mas sumaya pa ako nang sumang-ayon sila sa'kin. Hindi ko makakalimutan ang babaeng 'yun. Pilay na nga ako, tinulak pa ako. Hindi man lang naawa at pinuruhan pa ang puwet ko. Bakit kaya may gano'ng babae? Sa probinsya din namin, marami ang gano'n eh. Lalake ang dahilan ng gulo. Mapapa-iling ka nalang talaga. "Balita namin dito kay Jeff, Madam Mia ay tinulak ka daw ni Denise habang nay injury ka sa tuhod." Pang-uusisa naman ng lalaking may pulang buhok. Ilang beses akong napapatango, "Oo eh, hindi ko naman siya ginalaw pero siya itong lumapit sa'kin at in-insulto ako. In-insulto ko rin siya pabalik, tapos nang mainis siya ay itinulak niya ako, syempre, itinulak ko rin siya." Pagku-kuwento ko at habang nagbabalik-tanaw ako sa pangyayari ng araw na 'yun ay hindi ko mapigilang mapa-ingos. "Anong nangyari, pagkatapos?" Tanong ng isang blonde at isang dark brown na buhok. Napabuntong hininga ako, "Nadulas siya pagkatapos nahulog sa pool." Naalala ko pa kung paano siya magsumbong at kumapit kay Alexus. Tapos... Nang-liit ang mga mata ko na napatingin kay Alexus. Bakit ko nga ba ang nakalimutan ang bagay na 'yun? Mukhang napansin naman ni Alexus ang pag-tingin ko sa kaniya. Maamo ang mga mata nito ngayon, kumpara sa mga mata ko na tutunawin siya. "Why are you looking at me like that, wife?" Papaano siya naging kalmado matapos niyang bilugin ang ulo ko? "Hindi mo ba talaga alam ang kasalanan mo sa'kin, hmm?" Kapal ng lalaking 'to na humalik sa'kin matapos niyang humalik doon sa babaeng 'yun! Ghad! Nakakadiri! "What did I do?" At mukha ngang hindi niya alam. Kapal niya talaga, kakampe-kampe siya sa Denise na 'yun, pero kakapit din sa'kin? Hoy, Mia ah! Nilawlawan mo na naman ang depensa mo sa lalakeng mahalay na 'to! "Isipin mo! Huwag kang lalapit sa'kin kung hindi mo malalaman ang pagkakamali mo. Hmp!" Inirapan ko siya tiyaka nilingon ang mga kaibigan niyang tutok na tutok sa panonood sa'min. Nginitian ko sila. "Wife, what did I do?" Makikipag-usap na dapat ako sa kanila ulit nang kinu-kulit na naman niya ako. Kinabig pa niya ako palapit sa kaniya. Na agad kong inignora. Hindi man lang nahiya sa mga kaibigan niya "Nga pala, pwede ko naman kayong magiging kaibigan noh?" Sa naging tanong ko ay tila nabuhay ang kanilang pananahimik. "Aba, syempre!" "G!" "Ang cool nito, magiging kaibigan ko ang asawa ni Alexus, hahaha!" Kagaya ko ay inignora nila si Alexus kaya lumawak pa ng husto ang ngiti ko. "Pwede niyo ba akong tulongan na maka-upo sa wheelchair ko?" Pansin ko rin ang kanilang pagkakagulo at pagmamadaling pag-tayo. Grabe, ganito ba talaga sila ka-gulo? Pero infairness, naalala ko sa kanila 'yung tropa ko. "Stop!" Ma-awtoridad na sambit ni Alexus na siyang ikinatigil nilang lahat. Lumapit siya sa'kin at tangka sanang buhatin ako. "I'll help you. I should be the one to help you." Umiling ako with warning mode, kahit pilyo at pervert si Alexus ay napapansin ko naman na napapasunod ko siya. "Nah-uh! Lumayo ka sa'kin." Utos ko sa kaniya at marahan siyang itinabi. Tiningnan ko ang mga kalalakihan na handang-handa akong tulongan. "Patulong naman ako, please?" At gano'n na nga ang nangyari, tinulongan ako ng isa sa mga naunang kaibigan ni Alexus na napag-aalaman kong si Leon. Siya na rin ang nagtulak sa'kin palabas ng barko at hanggang sa makasakay kami sa limousine na pag-aari daw ni Adam Muller. "What is it that the boss owe you, Mia? Hindi naman kaya 'to harsh?" Kanina habang kausap ko sila at wala ang asawa kong hilig mang-tsansing ay tila nakahinga ako ng maluwag. Nakilala ko rin sila agad at hindi naman sila gano'n ka-sama. Pareho lang din nila Kent at Ian. Masaya ka-bonding. Hindi kagaya ni Alexus na puro yakap, at halik lang alam. Buti nga at hindi napudpod ang labi ko sa kakahalik niya. "Right, Mia. Baka mabaliw 'yung si Alexus." Mabaliw? Bakit naman mabaliw? "Anong ibig mong sabihin sa mabaliw? Hindi naman ako mahal no'n." Diretsyahan kong sagot. Isa pa, pag-ibig lang naman ang makakapagpa-baliw sa tao. Nakikita ko 'yan noon sa karatig baranggay do'n sa probinsya namin sa Cebu. Kahit ni-reject na ng taong mahal niya ay panay pa ring habol sa taong hindi naman sila mahal. Napansin ko ang pagkakatinginan nila. 'yung tipong nag-uusap sila sa mga mata at ako lang nag hindi makakaintindi "Sandali, Mia. Hindi ka mahal ni Alexus? Papaano nangyari 'yun?" Tanong ni Iuhence sa'kin na ikinangiti ko lang ng pilit. Bakit pilit? Ewan, 'yan nga rin ang hindi ko alam. Bigla kasing naging maasim ang mukha for something na hindi ko alam. "Totoo niyan ay, contracted wife niya lang ako-" "C-Contracted wife?!" Sabay-sabay nilang sigaw, animo'y nagulat sa aking sinabi. Buti nga at hindi pa sumabog ang tenga ko sa kanila. Bale, nasa dulong gitna ako. Samantalang sila ay nakaupo sa mahahabang couch na brown diro sa mahabang sasakyan ni Adam. "Are you serious?" Si Raven naman itong nagtanong na sinundan ni Race. "Kinuha ka talaga ni Alexus as contracted wife niya?" Marahan akong tumango, tiyaka pinagsiklop ang sarili kong mga kamay. "May isang organisasyon kasi na pinagmulan ko na siyang trabaho ko rin. Do'n ako nakilala ni Alexus. Ni-rentahan niya ako bilang asawa niya sa loob ng tatlong buwan..." Nagtaas ng kamay si Chance, "For what reason? Bakit niya naman 'yun gagawin?" Naeengganyo naman ang iba na mapapa-isip. Nagkibit-balikat lang ako tiyaka nagkamot sa ulo. Nangangati yata ang bunbonan ko sa kaka-kuda tungkol sa'min ni Alexus. Pero wala naman kasing dapat itago dahil totoo naman ang sinasabi ko. Hindi ko rin maatim na magsinungaling, since kaibigan niya rin naman ang lagpas dosenang bilang na narito ngayon. "Yan ang hindi ko alam. Si Alexus lang ang tanging makakasagot sa katanungan na 'yan." Binalot ang dapit namin ng katahimikan. Bagsak ang kanilang mga balikat sa isang dahilan na hindi ko mawari. To enlighten the mood, "Bakit parang malungkot pa kayo?" Ay hindi ko pinigilan ang sarili ko na magtanong. It's better kasi na makipag-usap, kaysa lalamukin nalang dahil sa katahimikan. Dumako ang kanilang mga mata sa banda ko, "For me, you don't look like a contractual couple." Si Jeff 'yung nagsalita. Ang personal assistant X kaibigan ni Alexus na ngayon ko lang nalaman. Nagtaas din ng kamay si Kent, "I second the motion." Sumunod din si Ian na tumayo pa talaga, "I third the motion!" Papaano ko ba sasabihin 'to. Hmm... papaano ko ba lilinawin ito. Like, sasabihin kong clingy ang kaibigan nila at hindi cold like coke na cold from refrigerator na nakasanayan nila? "Based on what I saw earlier, Alexus seemed to be too close to you, Mia. Sigurado ka ba talaga na contractual relationship lang kayo?" Saad ni Von na kanina pa tahimik. Si X naman ay napapahimas sa mabuhok niyang bigute. "Agree. I know Alexus for years already and he hasn't been that intimate to anyone. Not until, you came." Hindi naman ako bobo para hindi sila maintindihan. Sadyang mahirap lang paniwalaan. "If contractual kayo, hindi ba dapat ay aware kayo, like something na may agwat?" Sabad ni Z habang kumakain ng lollipop. Inakbayan naman ni Dion si Z na katabi niya, "My dear, Z. Ang talino mo talaga!" Saka tumingin si Dion sa'kin. "Hindi kaya gusto ka ni Alexus kaya siya close sa'yo?" Ang hirap palang ma-interrogate sa ganitong aspeto. Beginner lang naman ako at walang kaalam-alam sa lesson na ito. Tiyaka, "Hindi 'yan maaari. Hindi niya ako magawang magustohan. Kasi walang-wala naman ako na sinako niya lang papunta sa kanila no'ng una naming tagpo. Tiyaka, natural lang naman ang pagiging mabait at understanding niya sa'kin. Walang malisya 'yun sa'kin." Pati na rin ang pag-allow ko kay Alexus sa mga intimate na bagay. Natural lang din dahil 'yun naman ang naka-antala sa kontrata. Duty ko 'yun para as wife niya. Kapansin-pansin ang paninitig ni Ian sa'kin, kaya ko siya nilingon. Nasa malapitan ko lang siya at binigyan ng nagtatanong na tingin. "Madam, how about you?" "Ako? Papaanong ako?" Tila sinusuri niya ako at malalim na tinitingnan sa mata, gayo'n din ang iba na nakatingin sa'min ngayon. This feels weird. "What I mean is, bakit mo hinayaan si Boss na magiging malapit siya sa'yo. How about your feelings? Wala man lang bang kahit katiting diyan sa puso mo?" Bakit ganito? Pahirap ng pahirap ang kanilang mga tanong. Tiyaka, bakit ba ako nahihirapan? Tanong lang naman ito, di'ba? Tumikhim ako, tiyaka napainom ng tubig na nakasalin na sa baso dito sa long center table. "To satisfy the customer is my job. Natural lang na hahayaan ko siyang maging malapit sa'kin, pwede niyang gawin ang lahat ng nanaisin niya sa'kin. As long hindi siya magkakagusto sa'kin." Dahil malaking problema 'yun kung magkakagusto ang isa sa'min. Ako rin naman ay in-aware ko na ang sarili ko sa magiging outcome nito kaya't minabuti kong lagyan ng pader ang relasyon namin ni Alexus. Bago matulog tuwing gabi ay pinapapaalala ko sa sarili ko ang dapat sa trabaho. At every time na magiging intimate si Alexus sa'kin ay hindi ko nilalagyan ng malisya. "That's sad..." Komento ni Phoenix na ngayon ko lang narinig na magsalita. He's sipping his mango shake. Kanina pa naman 'yun, matagal nga lang niyang naubos. "I feel sorry for Monteiro guys." Kaniya-kaniya sila ng komento na ikina-tawa ko lang ng pilit. "Wala namang dapat ikaka-sorry, bakit kayo maaawa? We're both adults and aware naman sa relasyon namin." Pagpapaliwanag ko, pero wala pa ring pagbabago sa mga mukha nila. Para pa ring pinagbagsakan ng langit. "We can't just help it, Mia. Gusto ka pa naman namin para sa kaniya. Alam mo kung bakit? You are the first person to idle his soft side. Alexus has been cold and cage himself unavailable to be happy. Ngayon lang..." GANOON natapos ang usapan namin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga pinag-usapan namin. Should I talk to Alexus? Para saan? Para sabihin na naman sa kaniya na hindi kami pwede? Aish! Bakit ba ako namo-roblema? Imposible naman kasi na magkakagusto siya sa'kin. Alas dyes na ng gabi at heto pa rin ako sa balkonahe, nagka-kape. Kanina ko pa sinubokan na matulog pero hindi ko naman magawang patulogin ang sarili ko dahil sa nga usapin na 'yun na hindi ko naman dapat sana isinasa-isip. "Do I looked like I am hitting on you?" "Oo, at ipapaalala ko lang sa'yo na hindi tayo pwede." "Bakit hindi pwede?" "Hindi ka pwedeng ma-in love sa'kin. Pati na rin ako ay bawal ma-in love sa'yo. Alalahanin mo sana 'yun." Bigla ay sumagi sa isipan ko ang mga sinabi ko kay Alexus kanina at nakit kung papaano umiba ang ekspresyon niya sa mukha. Ayokong maging ilusyunada or something na mag-assume. Pero kung totoo nga ang sinasabi ng mga ito na gusto ako ni Alexus ay hindi ko pa rin tatanggapin si Alexus. Kahit anumang mangyari, lalo pa't delikado sa'kin ang mapa-sangkot sa kahit na anumang relasyon. Kailangan kong pangatawanan ang tungkolin ko sa trabaho. Tungkolin... Kasama ba sa tungkolin ko ang magalit kay Alexus kagaya ng ginawa kong pagpapalayo niya sa'kin kanina? Natural lang ba sa trabahong 'to na mag-demand ako? Ginulo ko ang buhok ko sa inis dahil sa ka-mali-an na ginawa ko. "Gaga, ka talaga Mia! Paano nalang kung mag-sumbong 'yun sa mga bosses mo?" Pagka-usap ko sa sarili ko. Bago ini-udyok na iwanan ang balkonahe at puntahan si Alexus sa unit niya. Seriously, ngayon pa na dis-oras ng gabi? Bukas nalang kaya? Oo nga, bukas nalang. Inikot ko ang wheelchair ko paalis pero gano'n nalang ang pagkakagulat ko nang tumambad siya sa mismong harapan ko. "What are you doing here?" Napaka-lamig ng boses niya, malayong-malayo sa Alexus na nakasanayan kong marahan at malumanay. Minsan pa ay masuyo. Napakurap-kurap ako, kasabay ng paghaharumintado ng puso ko. Kapag ganito siya, umaandar ang pagkakamatakutin ko. "E-check ka sana kung tulog ka na." Oh timang, ano bang klase ng alibi ang ginamit ko? "You don't want me near you, and you don't even like me as well. So, why are you here?" Mukhang na-corner na niya ako. Hindi siya naniniwala sa palusot ko eh. Wala sa sariling napakagat-labi ako. His voice was like telling me that he doesn't care about me. It felt odd and uncomfortable actually. Okay, kaya mo 'to, Mia. Huwag kang magpapadala sa kaba. Kailangan mo lang naman ipapaalala sa kaniya na hindi kayo pwede tiyaka 'yung rules, dapat maggawa kayo. Nang sa gano'n ay maiiwasan namin ang magkakagustohan. In case lang. After some time, nagkaroon din ako ng courage na salubongin ang manunuklaw niyang mga mata. "Alexus, gusto ko lang sabihin sa'yo na--" "That you don't want to like me? I know that. You don't have to remind me. From now on, let's act as employee and customer. Now, get yourself out of my sight." It was like heart penetrating to hear such words from him. Nilagpasan niya ako at mukhang ngayon ay seryoso na siya. Okay, Mia. You're finally back on track. Mag-isang buwan na sa susunod na linggo at dalawang buwan nalang din ang hihintayin. KINABUKASAN maaga akong gumising at tinutulongan ang sarili na e-ensayo ang mga paa ko sa paglakad. Sinusubokan ang mga tuhod ko kung okay na ba silang gamitin. Pero bigo ako, nauwi ako sa iilang beses na pagbagsak. Napapadaing sa sakit at gumagapang pabalik sa kama. "Bakit naman kasi ang tagal mong gumaling, ha?" Dahil sa pagkakainis ko ay hindi ko mapigilan ang sarili na tampalin ang mga hita ko sa ibabaw lang ng tuhod. Tumunog ang cellphone ko, sanhi ng aking pagkakatigil. Gumapang ako papunta sa drawer at inabot ito. Namatay na 'yung tawag nang makuha ko. Si Jeff lang naman 'yun. Isasauli ko sana nang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko. "Mia?" Si X lang pala, kasama nito si Dion. "Kanina ka pa kino-contact ni Jeff, pero hindi ka raw sumasagot." Malalaki ang hakbang nito na nag-tungo sa banda ko. Sumunod naman si Dion. "Bakit ka nasa sahig?" "Are you trying to walk?" Tanong rin ni Dion habang pareho silang may nag-aalala na ekspresyon sa mukha. Napakamot ako sa aking ulo, sabay bungisngis. "Oo, naiinip na kasi ako. Tiyaka isang linggo at isang araw na rin akong ganito. Gusto ko ng makalakad." Nang sa gano'n ay hindi na ako magiging pabigat kay Alexus. "Come on, tutulongan na kitang makatayo." Alok ni X na tinanggap ko naman. Naka-upo ako sa kama at silang dalawa naman ay naka-squat sa harapan ko. "May sofa naman doon, bakit diyan pa kayo umupo?" Nakakapag-taka, natural ba talaga sa mga ito na umupo ng ganito sa harapan ko? "Huwag na, dito nalang." Sabi ni Dion, "Alexus was camping in the bar last night." Nakikita ko sa mga mata ni Dion ang simpatya. "It seemed like he's able to hear our conversation yesterday too." Ahh, kaya pala naging gano'n si Alexus dahil narinig niya. Mas mabuti na nga 'yun para hindi ko na kinailangan pang mag-explain. "Wala ka bang sasabihin?" Tanong ni X na mukhang naghihintay nga ng sagot mula sa'kin. "Wala namang kaso sa'kin kung mag-iba ang pakikitungo ni Alexus sa'kin. After all, he's just a job for me." Makahulogan kong sagot sa kanilang dalawa, kapagkuwa'y napangiti. "Salamat sa pag-aalala pero mas maganda kung magiging praktikalan na kami. Hindi gano'n ka-haba ang tatlong buwan. Matatapos din 'to at maghihiwalay rin ng landas, kaya sana huwag niyo kong kaawaan. Kasi sa totoo lang? Hindi ko deserve 'yung kaibigan niyo. Masyado siyang mabait sa'kin, samantalang ako, ugaling tambay." Sabi ko nga no'n, ayoko ng nala-lait. Pero sa huli ay ako rin pala ang la-lait sa sarili ko. Saklap. Hindi sila umimik at nanatili lamang na nakatitig sa'kin. "Bakit?" Nakikita ko ang pagka-dismaya mula kay Dion, samantalang nahihinayang naman kay X. Baka ayaw nila akong mawala? "Pwede ko pa rin naman kayong maging kaibigan, di'ba? Kahit hindi kami totoo ni Alexus?" Hindi pa rin sila kumibo, paano ba 'to? Para naman akong nagku-kumbinse ng bata. "Oh kaya, ka-tropa?" Still, no response. "Paano kung kapatid? Ate?" Pareho silang dalawa na umiling. Ang hirap naman hanapin ng kiliti nila. "How about, ipagluluto ko kayo ng mga masasarap na pagkain, anytime you want?" Automatically, nagtaas sila g tingin at kahit papaano ay nakita kong lumiwanag ang mukha nila. "Marunong kang mag-luto?" Tanong ni X, kulang nalang kumislap ang mga mata sa galak. "Oo, simula no'ng tumira ako sa bahay ni Alexus, ako na rin ang nagluluto ng pagkain para sa kaniya. Tiyaka, baka ayaw na niyang kumain ng niluto ko, kasi ayaw na niya daw akong makita." Sa naalala ko ay hindi mukhang nagbibiro si Alexus. Nakakalungkot lang, pero kailangan naman, kaya ayus lang. "He said that to you?" The moment na nagtanong si Dion ay saka naman dumagsa sa kuwarto ko ang iba pang mga kaibigan nila. "Narinig namin ang sinabi mo Mia. Seryoso na ba 'yun?" -Leon "Was it true too, Mia?" -Iuhence "Kung ayaw na ni Alexus ng mga niluluto mo, kami nalang ang kakain!" -Raven "Saka, nai-kuwento ng dalawa dito na masarap ka raw magluto. Patikim ng mga luto mo ah!" -Adam At nasundan pa ng sumusunod na hinaing. Present silang lahat dito, maliban kay Alexus na wala. Ang lungkot ko ay nawala dahil sa kanila. Panay tango at 'oo' lang ako sa kanila. Later on, ipinasyal nila ako sa mga top tourists spot ng Paris.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD