Chapter 20: Reminder

3627 Words
Sumapit ang gabi at hindi pa rin nakauwi si Alexus. Kanina pa itong tanghali umalis at hindi magawang maikalma ni Mia ang kaniyang sarili dahil hindi man lang ito nag text. Hindi naman kasi ganito si Alexus, parati itong nagpa-paalam sa kaniya kung late o maaga itong uuwi. Pero ngayon ay wala man lang siyang natanggap na kahit ano. Sinubokan ni Mia na umusog, nasa gilid lang naman ng kama niya ang wheelchair na hindi pa nagagamit dahil sa parati siyang binubuhat ni Alexus kung saan man sila magtutungo. Just as she was about to lift herself towards the wheelchair, bumukas ang pintuan ng kanilang silid at iniluwa no'n si Alexus na mukhang wala sa tamang huwisyo. Nakabukas ang long sleeve polo nito at nakatupi ang manggas patungo sa siko. Magulo ang buhok at gusot-gusot ang damit. "Alexus, anong nangyari sa'yo?" Pati siya ay nagulat dahil sa nangangamoy alak ito. Napatakip siya sa kaniyang ilong. "Uminom ka ba?" Nilingon siya ni Alexus at ang uri ng tingin nito ay nakakatakot. Kagaya ng mga mata na nakilala niya dito. "Czar Alexus Monteiro, bakit ka nagkakaganiyan?" Nilunok ni Mia ang kaniyang takot at matapang na tinapatan ng tingin ang malamig at madilim nitong mga mata. Kinilabutan siya nang bigla nalang itong ngumisi sa kaniya, "Did you just call me with that name, Denise?" Pagkatapos ay naging malalim at seryoso siya nitong tinawag sa pangalan na hindi niya naman pag-aari. "After you cheated on me with my f*****g friend, you still dare to come here?!" Tumaas ang boses nito at malalaki ang hakbang na nilapitan siya. Hinawakan siya sa leeg at kapagkuwa'y sinakal. "Who are you to call me with my name? You are just someone who got the nerve to fool me good. Two f*****g years!" Asik nito na sa pag-aakala ay si Denise siya. Kusang tumulo ang kaniyang luha habang hawak niya sa Alexus sa palapulsohan nito para paki-usapan na patigilin ito. "A-Alexus... H-Hindi ako si D-Denise..." Hindi maampat ang takot niya dahil sa wala pa ring pagbabago mula sa aura ni Alexus. Paunti-unti na ring nauubos ang kaniyang hininga. "H-Hindi ko alam k-kung bakit g-ganiyan ka ka-galit pero hindi ako si D-Denise..." Kung ano man ang naging dahilan kung bakit nagkakaganito si Alexus, ay hindi alam ni Mia. Nagkakabuhol-buhol na ang kaniyang emosyon. At hindi alam kung papaano patigilin si Alexus. Baka sa oras na ito sy mamamatay siya kapag hindi niya ito magawang awatin. "Shut up!" Sinigawan siya nito sa mismong mukha niya. Ito ang unang beses na masyado siyang nakaramdam ng takot. Pati na rin sa ganitong kapangahasan. Tuloyan na siyang napahikbi. Ang maliliit niyang pag-hikbi ay tila ba dambana sa pandinig ni Alexus upang awtomatikong mabitawan si Mia. "W-Wife?" Pagtawag ni Alexus sa asawa. Parang nawala bigla ang kalasingan niya ng humagulhol ito. What did I just do? Napatingin siya sa kaniyang sariling kamay. Saka dumapo ang mga mata sa leeg ni Mia na ngayon ay namumula. "f**k! I-I didn't know, Mia. I'm sorry." Malutong siyang napamura at iniyakap si Mia sa kaniya. His heart clenched in every sobs she made. Para itong bata na sige pa rin sa pag-iyak. "I'm sorry, I'm sorry. Please, hush now... I'm sorry." Hinalikan niya ito sa noo at hinihimas ang likuran nito. Habang paulit-ulit na humingi ng tawad. Her face is swollen from crying, pero kahit nahimasmasan na si Alexus ay natatakot pa rin siya. "B-Bakit ka ba gano'n? N-Natatakot na ako sa'yo, Mister..." Gumagaralgal niyang usal at yumakap ng mahigpit dito. "K-Kung papatayin mo lang din naman ako, i-iuwi mo nalang ako s-sa'min. Pakiusap." Kung magiging ganito parati si Alexus ay ayaw na niyang tapusin ang natitirang dalawang buwan. "I'm sorry, Mia. Pasensya na." Pagpapaumanhin na naman ni Alexus. "I was just driven by my rage..." his voice was as gentle as his touch, it's as if she's a thin glass that shouldn't be broken by a careless action. "Forgive me, wife." Kapagkuwa'y unti-unti ng humuhupa ang pag-iyak ni Mia pero hindi siya kumalas sa pagkakayakap kay Alexus. Natatakot siyang makita ang nakakatakot nitong mukha na halos hindi na niya makilala dahil sa dilim at walang kaemo-emosyon na pigyura. They stayed in that pace for a quite some time before he decided to pull off the hug. Hinawakan ni Alexus ang pisngi niya at masuyong tiningnan si Mia. Na para bang isang protective fire gear na nasa kalagitnaan ng nag-aapoy niyang galit, na parating handa para sa kaniya na gamitin niya sa tuwing nagliliyab siya sa galit. With Mia, the furious that was keeping him livid vanishes like a thin air. Nanginginig ang kamay na hinawakan ni Mia ang kamay ni Alexus na nakahawak sa pisngi niya. Pero tumalima siya kaagad nang may maramdaman siyang malapot sa kaniyang palad. Tiningnan niya ito at nakitang sugat 'yun na may kasamang pamamaga sa knuckles. "Saan 'to galing, ha? May nakaaway ka ba?" Nag-aalala niyang tanong kay Alexus na nakatingin lang sa kaniya. "Alexus, tinatanong kita. Saan 'to nagmula?" Kahit ang boses niya ay naging ma-awtoridad at seryoso. "It's just a scratch. Don't worry." Parang wala lang na sinabi ni Alexus at binawi ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Mia at tumayo na para aalis. Pero maagap si Mia at kaagad na hinuling muli ang kamay ng asawa. "Hindi na kita tatanungin kung saan 'yan nanggaling o kung saan nagmula ang galit mo. Hindi kita pipilitin. Pero huwag mong sabihin sa'kin na wala lang 'yan. Gamotin mo 'yan." Napatigil si Alexus at napalingon sa mukha ni Mia na may nakabulatay na pag-aalala. "Kundi magagalit ako sa'yo, swear hindi mo magugustohan kung magiging malamig ako sa'yo, Alexus. No hug, no ki--" hindi nagawang maituloy ni Mia ang kaniyang sinabi dahil sa napaka-bilis na pangyayari. In a single big step, his hand lifted her chin up to him and was quickly sealed by his lips. Nakaupo siya sa kama samantalang nakatayo si Alexus at naka-uklo sa kaniya. The lone and silent bedroom with a single lampshade which gives light to the dimmed room dance with the passion of the husband and wife. The sound from the aircon and the sound of their intertwining lips can only be heard. As their lips intertwine, their hearts speak the same emotion but vivid to be noticed. "Treat my wounds, please?" He asked after he pulled himself from the kiss. Mia couldn't help herself but chuckle at her husband's tricks. Napaka-halay at napaka-maparaan nga ba naman. Prohibition lang pala ng intimacy ang makakapagpa-tiklop. "Sige," --- Kagaya ng iniuutos ni Alexus sa dalawang knights at apat na dalawang bishop niya ay pinatapon nila sa isang malayong bundok si Denise at Thomas. Bundok na may nag-iisang bahay sa tuktok na madalas pagdalhan ng mga taong ayaw niya patayin ngunit maliligaw at mamamatay kung susubokan na tatakas. Walang kasiguraduhan ang daan at napapalibutan ng bangin. Wala ring kuryente, tanging madilim at tahimik na masukal na kagubatan ang kasama. "Hindi ko alam kung bakit pa kayo binuhay ni King, pero pasalamat kayo at dinala pa niya kayo rito at binuhay. You can f**k yourselves here anytime you want." Pilyong sambit ng isang knight ni Alexus. Mahihimigan ang malagong ngunit nakakainis na paghahalakhak nito na sinabayan rin ng knight na naka-destino para sa Reyna. "How I thought that Miss Romero is our Queen. It turns out na hindi pala. How tragic." Komento pa ng isang knight na tunog dismayado pero nagmumukhang masaya. Nangangalit na tiningnan ni Denise ang dalawa. "I swear! This is not the f*****g end!" Pero sa kabila no'n ay takot na takot na maiwan. She regretted her feisty action, sana pala ay hindi na niya sinubokan pa na puntahan si Thomas matapos ng tagpo nila ni Alexus. Kung alam niya lang na nando'n si Alexus ay sana hindi na siya nagpunta. Aware na dapat siya dahil kasama niya si Thomas sa video. Pero nabu-buwesit pa rin siya dahil, akala niya nabibilog nila si Alexus. Hindi pa nga lang sila nakarating sa kalagitnaan ng ninanais nilang plano ay nahuli na kaagad sila. Sila ang nangloko, pero sa kasamaang palad ay mali sila ng taong niloloko. Perhaps, that b***h Mia Borromeo had caught the man once she owned. Napaka-swerte nito dahil nakuha nito ang pakay kay Alexus na landiin ito. Ngayon na ipinatapon sila dito sa walang katao-taong lugar ay maso-solo na nito ito at wala ng hahadlang sa magiging relasyon ng mga ito. It's maddening that she couldn't swallow. Kumukulo ang dugo niya sa Mia na 'yun. This is not the end. She will do her best in her accord to get back at her! Kunwari ay nagulat ang dalawa at saglit na napapatahimik pero sabay-sabay na napapatawa ng malakas. "Oh, really?!" "Kruu, I'm scared." "Hahahaha!" Sa kabilang banda ay walang malay si Thomas, nakasampa ito sa magabok na sahig ng sala. Buti nga buhay pa ito matapos pinagte-testing sa bagong kolekta na droga na in-import galing North Korea. Kawawa talaga ito dahil hindi lang naman isang klase ng droga ang pina-teating kundi marami. Hindi nga lang nila alam kung matino pa ba ito pakagising nito. "Sige, tumawa lang kayo! Dahil kapag nakatakas kami dito, hindi lang kayo ang gigiitan ko ng leeg! Kundi kayong lahat!" Habol niya ang kaniyang hininga sa kaka-sigaw. Panay naman ang pagdausdos ng luha sa pisngi nito. "Pati si Alexus at ng babae niya ay ililibing ko ng buhay! Tandaan niyo 'yan!" Alexus's men felt pity for her. She must be out of her mind. That's why they understand her and nod their heads obediently. Na para bang nilo-look forward nila ang sinasabi ng dalagita. Dalagita nga ba ang tawag o literal na kirida? "We'll leave you guys here, then. Have a nice life, former Queen." Tiyaka nakapa-mulsa na umalis ang dalawang Knight pieces. Si George at Jeff naman ay yumukod muna kay Denise bago sumunod paalis. Anyhow, the two Knight pieces are somewhat known as Leon and Iuhence. Mag best friend ang dalawa pero madalas na magtatalo. Magkakasundo lang kapag iisa ang opinion. "Tingin mo, Leon. Maganda ang bagong Queen?" Napapaisip si Iuhence sa mukha ng ipinalit ng kanilang King sa laro. Hindi niya lang maiwasan na magtaka dahil sa unang pagkakamali lang ni Denise ay nagawa nitong ipinatapon agad na para bang nagtatapon lang ng pinagsawaan na laruan. "Dalawang taon din na pinagsisilbihan ni King ang babaeng 'yun. Hindi ba dapat ay may kaunti man lang siyang simpatya?" Awtomatikong dumapo ang malapad na kamay ni Leon sa ulo ni Iuhence. "Matalino ka ba talaga? Parang ang bobo mo eh!" Nakabusangot ang mukha ni Iuhence habang naiirita na hinihimas ang ulo na sinapak ni Leon. "Ano na naman ba ang ginawa ko? Abusado ka na, Leon ah!" Nag smirk lang si Leon tiyaka nilingon si Jeff at George na nakakunot noo lang na nakatingin sa kanila. "Bobo siya, noh?" At ang dalawa naman ay sabay na tumango. Napasinghap si Iuhence. "Hindi ako bobo! Kayo ang abnormal, mga walanghiya kayo!" Inakbayan ni George si Iuhence patungo sa sasakyan na naka-park. Nauna naman si Leon at Jeff. "Alam mo, once a cheater, always a cheater. Kaya ka sinabihan ng bobo ni Leon dahil hindi mo naiintindihan ang rason ni King at kung bakit hindi niya kaya magbigay ng tsansa. Sa relasyon, dapat ay faithful ka sa partner mo. Hindi kasi nasusukat Ang relasyon sa tagal ng samahan niyo. Ang malala ay sa mismong itinuturing na kaibigan ni King nagtaksil si Denise. Pinaglolo-loko nila si King, kaya kahit ako sa posisyon niya ay ganito rin ang gagawin ko. Mabuti nga't ganito lang ang sinapit nila eh." Makahulogang pagpapaliwanag ni George bago nilubayan si Iuhence at umikot sa driver seat. Sa iisang sasakyan lang sila sasakay pauwi. "Oi, Jeff. Kasama mo naman parati si King, so nakita mo na ba ang bagong Queen? Maganda ba?" Si Leon naman ngayon ang nagtatanong habang nakahilig ang likuran sa back rest ng back seat. Katabi nito si Iuhence na pino-proseso pa rin ang sinasabi ni George sa kaniya kanina. Palibhasa puro p*****n ang alam, walang ideya sa buhay pag-ibig. Nag-ngising aso si Jeff at sinilip ang dalawa sa likuran. "Oo, maganda. Swerte ang dalawang pawn na nakabantay no'n palagi sa bahay. Pinagluluto ni Boss Madam ng mga pagkain." Ang kaninang napapatanga na si Iuhence at ang tahimik na si George kasabay ni Leon ay umuklo sa driver seat at nagkakasabay na... "Talaga?!" Halos masira ang eardrums ni Jeff sa napaka-talas na boses ng tatlong baliw. "Kakasabi ko nga lang." Naka-poker face niyang sagot. Maliban sa mabato at masukal ang daan ay dumagdag pa sa pasanin niya ang tatlo. Ano na nga lang kung magkakasama ang grupo sa iisang lugar? Baka tuloyan na siyang mabaliw. "Langya! Tawagan mo 'yung dalawang hangal, George. Sabihin mo pupunta tayo ngayon sa bahay ni Master." "Hindi ako na!" Nagmamadali na sinabi ng dalawa. Si George at Jeff naman ay napapailing dahil sa katangahan ng dalawa. Kakagaling nga lang nila sa cruise kagabi, nakalimutan na nila. "Don't sweat it, idiots. Wala sila sa bahay nila." Turan ni George at humalukipkip sa bintana. Wala namang maganda sa labas ng bintana maliban sa gubat. Pero mukhang naaliw nalang din siya kaysa sa mga kasama niya. Napatigil si Leon at Iuhence, kapagkuwa'y nagkakatinginan. "Oo nga pala noh?" "s**t, nakalimutan ko." Bagsak ang kanilang mga balikat "Wait, did the others know about the new Queen?" Umiling si George at Jeff. "They will know sooner, if the King would like to let us meet his new Queen." Bakas sa dalawa ang pagka-dismaya dahil kinakailangan na naman nilang maghintay bago makilala ang Queen. Pero hindi naman sila tinaguriang Mafia kung hindi nila makikilala ang Reyna sa paraan na alam nila. "May picture ka ba diyan, Jeff?" Tanong ni Iuhence na nasa gitna na ni Jeff at George. Lumingon si Jeff kay George. "Siya ang sinama ni King no'ng sinundo nila 'yung si Madam. Baka meron siya." Para hindi na kulitin si George ay agad niyang kinuha sa bulsa niya ang cellphone. At ang dalawa na kating-kati na malaman ang mukha ng bagong Queen ni Alexus ay nagsisiksikan sa banda ni George. "f**k! Ang ganda! Walanghiya!" Pagmumura ni Iuhence at Leon. Pero sa sumunod na picture... "Pota! Bakit nandiyan ang dalawang 'yan?!" They meant for Kent and Ian na nag-selfie kasama si Mia. The rest of the trip ay tanging usapan lang nila ay si Mia. Mukhang hindi nagsasawa ang mga ito at naaaliw pa dahil sa sinabi I Jeff na may napapansing pagbabago sa King nila. Pareho sila ng goal, ang makilala si Mia at makita kung papaano ti-tiklop ang Hari nila dito. --- Makalipas ang isang linggo na pananatili sa Cruise ship ay sa wakas nakarating din sila sa Paris. Pero sa kasamaang palad ay naka-depende pa rin siya kay Alexus. Hindi pa rin gumagaling ang tuhod niya at baka tatakbo pa hanggang dalawang linggo ang healing process. "Huwag mo na akong buhatin, Mister. May wheelchair naman." Tutol niya sa pagtatangka ng asawa niya na buhatin siya. "It's fine. Let me baby sit you like the way I want, wife." Rason naman ni Alexus at hindi talaga nagpapaawat dahil binuhat na naman siya nito. Nakabalik na rin si Jeff at ito mismo ang nagdala ng mga bagahe. "Nangta-tsansing ka ba sa'kin, Mister?" Nangingilatis na tanong ni Mia kay Alexus na napapatitig sa kaniya. "Do I look like I am hitting on you?" An invisible smirk appeared at the back of his head. Wala naman kasing masama kung tsina-tsansingan niya ito. "Oo, at ipapaalala ko lang sa'yo na hindi tayo pwede." Diretsyahang pagpapaalala ni Mia. "Ibaba mo ako at gamitin mo ang wheelchair para sa'kin." Hindi nakinig si Alexus at mas ikina-salubong pa 'yun ng kilay ni Mia. "Bakit hindi pwede?" His jaw tightened as well as his gripped deepened. Mia just sighs, "Hindi ka pwedeng ma-in love sa'kin. Pati na rin ako ay bawal ma-in love sa'yo. Alalahanin mo sana 'yun." Papalabas na dapat sila ng suite nila nang mapahinto si Alexus sa paglalakad at sasagutin rin sana si Mia nang may guwapo na mga kalalakihan na lumitaw. "H-Hala! Bakit ang daming guwapo, Mister?" Umawang ang bibig niya nang kinindatan siya ng tatlo. Maliban sa isa na nakilala na niya noon. Tinuro niya ito. "Ikaw 'yung stalker ko, tama?" Napalingon naman ang dalawang lalaki dito. "Stalker ka niya, George?" Agad na umiling at in-ekis ang dalawang kamay ni George. "Napag-utosan lang ako ni King no'ng na dakpin siya. Hindi ako stalker." Tiyaka sila napatingin kay Alexus na mukhang hindi nagagandagan sa pagsulpot nila. "Bakit kayo nandito?" Malamig nitong tanong at inayos ang pagka-karga kay Mia sa bisig niya. Ilang segundo lang ang lumipas ay may nagdadagsahan pang ibang kalalakihan na ikinamilog ng mga mata ni Mia. "King!" "Master!" "Where's the Queen?!" "We want to meet her!" Nagtutulakan pa ang mga ito bago nag-angat ng tingin kay Alexus. "Ano ba Raven, ang sakit mo naman mang-apak!" "Langya ka, tol! Natulak ako ni Clane!" "Hoy! Biktima lang din ako ni Race, tangina niyo!" "Ugh! Ang sakit ng bewang bwesit kayo!" Napuno ng daing at pagtatalo ang naturang unit na animo'y nag-mistulang merkado sa sobrang ingay. "What the hell are you all doing here?" Madiin na nagtanong ulit si Alexus at walang pasabi na isinubsob nito ang mukha ni Mia sa matigas at malapad niyang dibdib. Para bang itinatago siya sa mga ito. "We want to meet the Queen." At parang mga kuting na naghagikhikan ang mga ito. "Siya na ba 'yan, King?" Wika ni X at tangka sanang lumapit nang hinila siya ni Von. "Gagi! Bakit mo ko hinila?" Nagkibit-balikat si Von kay X habang ang mga mata ay nasa babaeng kasalukoyang nakatago ang mukha sa dibdib ng Hari. Hindi nila makita ang mukha nito dahil itinago ito ni Alexus. "Ipakilala mo naman siya sa'min, bro. Maganda ba siya?" Pagtatalima ni Iuhence. "Oi, Alexus! Walang King keme dito ngayon, ipakilala mo muna sa'min ang asawa mo." Si Race "Oo nga, cut na muna ang duty. Sa Martes pa naman magsisimula ang kasunod na laro. So, sino siya?" Bigla ay nandilim ang paningin ni Alexus pero kahit madilim ang mukha ay hindi pa rin siya tinantanan ng mga kaibigan niya na kasamahan niya rin naman sa larangan ng laro. In short, hindi niya gustong ipakita si Mia sa kanila. Umatras si Alexus at umabanti naman ang mga ito. "Get out, fuckers. I didn't ask your presence here." Ngumisi ang mga ito at tipong hahabulin si Alexus anumang oras. "Dapat magiging masaya ka dahil nag-effort kami na magpunta dito." "Yeah! Iniwan ko pa ang kompaniya ko sa sekretarya ko, para lang dito." Rason ni Muller na nagmumukhang haggard pa dahil sa pusposan na trabahong iniwan sa kompaniya niyang Wine and beverages. "Yung Airlines ko walang naiwan do'n ngayon, sumakay pa ang mga gagong 'to sa Aero-Jet ko!" Asik ni Villegas na iritadong-iritado dahil sa hindi na naman magbabayad ang mga kaibigan niya sa trasport fee. "Ang sama ng mokong! Ang magkakaibigan dapat nag-share share sa mga may meron!" Sabi naman ni Martinez na kaniya-kaniyang ikinahiyaw ng lahat. "Nagsalita ka pa talagang gago ka, eh ang kuri-kuripot mong tao!" "I agree with you Tres!" "Sa singkuwenta ko ngang kulang siningil mo pa talaga ang girlfriend kong tangina ka!" Pag-reklamo ni Dion at sinapak si Martinez na abot-kamay niya lang. Nagkagulo na namang muli ang grupo at napapailing nalang si Alexus sa mga ito. "Mister, sino ba sila?" Nagtatakang tanong ni Mia at umahon sa pagkakasubsob sa dibdib ni Alexus. "Mga palaboy, naligaw lang sa suite natin." Prenteng sagot ni Alexus at pinatakan siya ng halik sa noo. "Sigurado ka?" Nag-aalangan si Mia na maniwala. Napalingon siya sa mga ito na parang walang mga limit sa manners, dahil sa nagmumurahan ang mga ito hanggang walang bukas. "Sa guwapo nilang ganiyan? Pulubi?" Medyo napalakas ang boses ni Mia kaya't napalingon ang mga ito sa kaniya. Napipilitan siyang ngumiti. At bago pa siya bumati sa mga ito ay... "Boss Madam!" Dumating si Kent at Ian na puno't-dulo ng selos sa lahat. Lumiwanag ang mukha ni Mia, "Uy! Papaano kayo nakasunod dito?" Naiilang nagkamot sa kani-kanilang mga ulo ang magkapatid. "Nag-commute lang kami, Madam. May madamot kasi dito." At halatang may pinatatamaan si Ian sa kaniyang sinasabi tiyaka pa-simpleng sinulyapan si Villegas. "Serves you two, right!" Anito. Si Ian at Villegas lang ang natitirang nagtatalunan, without knowing na pinalilibutan na si Alexus ng kaniyang mga kaibigan habang tinititigan sa malapitan si Mia. Mia felt horrified. "M-Mister..." Bulong ni Mia nang hindi siya makampante dahil sa mga creepy na paninginwng lahat. "Why, wife?" Bulong din ni Alexus kay Mia, mukhang ayaw iparinig sa mga kaibigan nito ang usapan nila. Pero dahil napaka-lapit ng mga ito ay naririnig siya ng mga ito. "Hindi ako komportable sa paninitig nila..." Awtomatikong pinaglilipat-lipatan ng paningin ni Alexus ang mga kaibigan niya. "Narinig niyo naman siguro ang sinabi ng asawa ko, hindi ba?" Nagsisilunok ang mga ito sa kani-kanilang mga laway. "Back off and sit over the living area." Wala na nga yatang choice si Alexus kundi ipakilala sa kanila ang asawa niya. Inaasahan na niya naman ito, pero hindi niya naman in-expect na ngayon ang mga ito dadagsa. Sigh. He wants to keep Mia for himself. At dahil hindi naman siya nag-iisa sa larangan niya at kasama niya ang kaniyang mga kaibigan na napalakas ng radar at mabilis na nakakasagap ng balita ay hindi rin maiiwasan na magiging kuryuso ang mga ito. Lalo na sa nangyari sa pagitan nila ni Denise. Ang mga naggu-guwapohang damulag ay nagsisiksikan sa maliit na sala. Malaki naman ang sala. Pero sa pagdating ng mga ito ay nagmumukhang maliit. Nakaharap ang mga ito sa couch na inuupoan ni Mia at Alexus. Alexus is holding her hand, she tried to retrieve it but Alexus tightened his grip. "Chess pieces, I would like to introduce my wife. She's Mia Borromeo-Monteiro."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD