Prologue
"Mia! Mia!" Nasa daan ako at nakikipag-laro ng toss coin kasama ang mga barkada ko na taga-baranggay lang din namin. "Mia! Ano ba? Bingi ka ba, ha?!" naiinis na tinoss ang benchingko ko sa daan dahil sa kaingayan ni nanay.
"Oi, Mia. Paano ba 'yan? Tinatawag ka na ng nanay mo." nagtagis ang mga ngipin ko dahil sa katotohanan na sinasabi ni Jude. Pati bunbonan ng ulo ko ay nangangati kahit na naka-sombrero ako palagi at walang kuto.
"Kapag hindi mo sinipot 'yung si Aling Martha, patay ka talaga. Hahabulin ka na naman ng walis no'n." pag-sang ayon naman ni Tobi at umakbay kay Romy at nilalaro ang benchingko niya sa pagtoss-toss sa kanang kamay niya.
"Alam mo, Mia. Kung ako sa'yo. Puntahan mo na muna ang nanay mo." Suhestiyon naman ni Dave habang nilalaro ang Nike niyang sombrero na made in Edsa.
"Tiyaka, huwag ka mag-alala at itigil muna natin ang pustahan natin. Bawi nalang tayo sa susunod." segunda rin ni Lloyd na inakbayan ako at tinatapik-tapik sa balikat. May nakapiring ito na pulang panyo sa noo. Nag-mistulang headband sa buhok niyang malabong.
Kagaya ko, malalaki ang shirt at shorts namin. Yung pormahan ay pang-tambay talaga. Animo'y same fashion kami. Tiyaka minsan na din kaming nabu-bully dito sa baranggay dahil sa ka-werduhan daw namin. Hayy, mga tao talaga basta may sayad sa paningin nila ay marami ng nasasabi.
"Mia!!" at sa tawag na nga na 'yun nakita namin si Nanay na may dalang walis. Madilim at naiinis ako nitong tinititigan. "Tinatawag kita, hindi ba?" ngayon ay sina-sarkastiko naman niya ako.
Nakanguso na lumayo ako mula sa bilog ng mga barkada ko at nilapitan si Nanay. "Hindi kita narinig, nay. Tiyaka, bakit ka ba sumisigaw?" Pagsisinungaling ko pa na ikinalukot ng husto ng mukh niya. Kulang nalang maginge bulldog na nasa Tom & Jerry ang mukha niya. "Oh? Bakit masama na naman ang tingin mo sa'kin? May kulang pa ba sa binibigay ko sa inyo?" pero imbes na sagotin niya ako ay hinila niya ang kamay ko patungo sa bahay namin na nakatayo sa likod ng tindahan ng mga Roces. Sila 'yung medyo asensado sa baranggay namin. At sa kanila din ako minsan rumaraket para hindi lang magbunganga si nanay. Alam niyo naman, kapag walang pera mabubunganga talaga ang mga nanay.
Pero iba naman ang nanay ko, imbes na sa pang-kain igagamit. Sa sugal winawaldas. Malay ko ba kung papaano ko siya natagalan.
'Yung tatay ko naman, kaka-matay lang nitong nakalipas na taon. Tigas kasi ng ulo, sige pa rin sa bisyo. Kung si nanay ay sugarol, si tatay naman lasenggero. Buti nga ako ay tambay lang at hindi mabisyo.
"Nay, naman. Naglalaro ako doon, bakit mo ba ako dini-disturbo?" nagpapadyak kong tanong. Yung bahay namin parang kubo lang ang laki. Ang mga bubong ay plywood lang.
"Makinig ka--"
"Nakikinig ako. Kaya sabihin niyo na maypa-hila keme ka pa eh." kaka-out ko nga lang mula sa karenderya ni Manang Karen doon sa eskinita tapos ginugulo na naman ako.
May binigay itong piraso ng papel sa'kin. "Ayan, bagong raket mo 'yan. Pumunta ka roon mamaya bago mag alas-syete." kung maka-utos nga ito ay parang donya. Pero porket binu-bully ko ang nanay ko, may awa pa rin naman ako. Tiyaka nire-respeto ko din siya.
Tiningnan ko ang papel at namilog ang mga mata ko nang napagtanto na sa Manila ito. "Nay! Nahihibang ka ba? Ang layo ng Manila, tapos papupuntahin mo ako doon? 'Yung sahod ko nga ngayon kay Manang Karen ay hindi pa sapat 'yun pang pamasahe eh!" maktol ko sabay saulo ng papel na hindi niya tinanggap at iniwasan.
"Mia, kailangan mo pumunta roon. Alam mo bang 'yan ang ipinupunta ko sa internet café para maipasok ka lang diyan, ha? Malaki ang magiging sahod mo. Hayaan mo, manghihiram muna tayo ng pamasahe kay Inday Juday. Bayaran nalang natin kapag nakapasa ka na sa interview." Giit niya na mas lalong nagbigay ng sakit sa ulo ko. "Saglit, may kukunin ako." at umalis nga ito at pumasok sa nag-iisang kuwarto namin. Siya lang gumagamit no'n. Sa sala ako natutulog kasi. Kalaunan ay bumalik din siya agad dala ang tatlong kopya ng bondpaper. "Heto, ito ang resume na ipinasa ko. Kapag nakarating ka na roon, ipakita mo lang 'yan at makakapasok ka kaagad." tas ipinakita pa nito ang isang bondpaper na may laman na ID ko. "Partial lang daw muna 'yan na ID mo, since malayo ka naman sa syudad." bagsak ang aking mga balikat na pinapanood siya. Wala akong gana, wala ako s mood. Ni hindi ako nakakapag-relax ng isang oras pero heto siya. "Anak naman, marami pa tayong pending na utang. 'Yung sa morgue nga ay hindi nababayaran. Tiyaka yung upa sa lupa ng pinaglibingan ng tatay mo hindi pa rin nababayaran. Tas may utang pa tayo kay Madam Roces! Paano nalang kung paaalisin tayo?"
Walang sali-salita na tinalikuran ko sa nanay. Nakatayo ako sa may pintuan at layon na nakatingin sa maingay na kapit-bahay na nag-aaway na naman. "Intindihin mo naman--"
Napadila ako sa aking labi nang maramdaman kong bumibigat ang damdamin ko sa mga responsibilad na ipinapataw sa'kin ng nanay ko. Bente-uno pa lang naman ako, bakit kailangan kong saluhin nag mga responsibilad na hindi dapat ako ang pumapasan. "Nay, iniisip niyo man lang ba ako? Ngayon mo pa talaga sasabihin sa'kin ang tungkol sa mga problema, samantalang kayo itong nagwa-waldas ng pera sa'tin? Yung mga donasyon sa libing ni tatay at sana ay pambayad natin doon sa morgue at renta ng mga upoan ay pinang-sugal niyo. Yung ibinigay ni Lola sa'tin, singkuwenta-mil 'yun na dapat ay kapital sa pambayad ng lupa, inano mo? Pinang-sugal mo. Tapos heto na naman?" nilingon ko siya, hindi rin ako galit. Sadyang na-dismaya lang ako. Yung pang-arao ko dapat ay pinagpaliban ko para lang sa kanila ni tatay. Hindi siya maka-imik.
Umanghang ang mga mata ko kaya tumingala ako at kumurap ng ilang beses. "Sige na, Nay. Manghiram ka na ng pera pang-pamasahe doon kay Manang Juday. Aalis na ako pagkauwi mo." sa huli ay hindi ko pa rin magawang baliwalain si Nanay. Wala naisip ko rin na nagawa na naman niya akong tinapon papunta sa malayong syudad na 'yun nang wala man lang akong kamalay-malay. Tiyaka, babalik-baliktarin man ang mundo nanay ko pa rin siya. Kung ano ang kapalpakan niya ay kahihiyan ko rin.
Bumalik kaagad si Nanay dala ang pera na gagamitin ko para sa pamasahe. Hindi niya ako kinibo, alam naman niya 'yung kasalanan niya. Hanggang sa umalis ako ay wala pa rin siyang kibo. Hinatid niya ako sa eskinita. Bago sumakay ng bus ay binalingan ko siya at hinawakan ang kamay. "Mag-ingat kayo dito, Nay. At kung maaari, bawas-bawasan niyo na rin po ang pagsusugal. Hindi po ako robot, napapagod din ako. Papaano nalang kung mawala ako? Sino na ang kakayod para sa inyu?" kahit nga ang malayo sa kaniya ay naiiyak ako. Hindi kasi ako sanay na lumalayo. Oo, mukha akong walang kuwenta. Pero takot akong malayo sa nanay ko talaga. Kaya nga suma-sideline ako sa malalapit lang. Maliban sa wala akong pinag-aralan, wala ring tatanggap sa isang gaya ko.
Mabilis niya akong niyakap, at umiyak pa talaga siya. Anong drama na naman ba ito? "Pagpasensyahan mo na ako, Mia. Patawad kung pabigat ako sa'yo. Pero hindi ko maipapangako na titigil ako sa sugal. Mahirap talagang--" bahagya ko siyang inilalayo sa'kin. Hindi mapinta ang mukha ko sa drama niya. Ang dami pa namang tao na papasok ngayon sa bus.
"Aish! Oo na, Nay. Bahala ka na nga lang. Osya!" pumasok na ako sa bus, nakita ko pa siyang kumaway sa'kin.
MAHIGIT kalahating oras ako nakarating sa daungan ng barko. Nag book ako ng ticket at naghintay din ng trenta minuto. Habang nasa laot ay nasa barandilya lang ako nakatayo, nakatanaw sa malayong dagat. Tatlong oras mahigit ay nakarating din ako sa Manila. Dahil nga at apat na libo lang ang baon ko, ay na-short ako sa pamasahe papunta sa nasabing building. Kaya't alas singko ng hapon, natagpuan ko ang sarili ko na naglalakad sa tabing daan sa malawak na ka-Maynilaan.
"Hi, Miss." biglang may lumapit sa'kin at hinawakan ako sa balikat. Kaagad na kumilos ang kamay ko at binalibag ang lalake. "A-Aray..." daing ng lalake. Nakasuot siya ng tuxedo. Napaka-porma at ewan, may something wire sa tenga niya at may shades pa ang mata. "Grabe ang harsh mo naman, Miss." reklamo nito.
Umarko ang isa kong kilay at napameywang ko siyang tiningnan. "Sino ba ang may sabi sa'yo na hawakan ako, ha? Wala naman di'ba?!" base sa narinig ko, marami daw kalokohan dito sa Maynila. Maraming mapagpanggap. "Alam mo, Sir. Hindi ako fan ng mga pogi. Pakatandaan mo rin na hindi allergic ako sa mga clingy na lalake!" halata pa ang pagka-bisdak ko sa mga salita ko. Pero bahala na, hindi ko naman siya kilala.
"P-Pasensya na, ang totoo niyan ay napag-utosan lang ako." nauutal niyang sabi nang nilapitan ko siya at tinapakan ang tiyan niya. Madilim ang ipinataw kong paningin.
"Utos? Sino ang nag-utos?! Sabihin mo para mapag-lumpo ko kayong dalawa!" Asik ko.
"Ako ang nag-utos." Ang baritono at malalim na boses ng tao na nagmula sa likuran ko ay sumagi sa pandinig ko. Mabilis ko siyang nilingon.
In fairness, guwapo siya. Macho at matangkad. Hindi kagaya ng lalake na binalibag ko ay parang tambay lang din siya. Umangat ang sulok ng aking labi. "Sino ka naman, ha?!" pinag-krus ko ang mga braso sa dibdib ko habang nakikipag-tagisan ng tingin sa kaniya. "Alam niyo, may importante pa akong pupuntahan kaysa pagtuonan ng pansin ang mga trip niyo!" medyo umangat ang boses ko do'n, na-overdose ba ang acting ko?
Totoo niyan ay nanglalambot na ang mga tuhod ko sa takot! Kaya kailangan ko ng umalis!
"I'm your husband." prenteng sagot nito na ikinalaglag ng panga ko.
"Hala ka! Loko ka ba? Papaano naman kita naging asawa?" naiiling kong sabi tiyaka unti-unting umikot para humirit paalis. Mga baliw yata ang mga 'to.
"Where are you going, wife?" nang magtanong siya ay tumakbo na talaga ako.
"Mga baliw! Dalagang pilipina ako at wala akong asawa, umuwi na kayo sa inyu! Nanaginip lang kayo ng gising! Mga walanghiya!" sigaw ko habang mabilis na tumatakbo palayo.
"Go, get her. George. Don't let her go away." rinig ko pang utos ng lalaking 'yun at mukhang hahabulin pa talaga ako.
Nang makalayo na ako at mukhang nailigaw na sila ay huminto ako sa isang makitid na daan para huminga.
"You sure are good at escaping, huh?" awtomatikong nanigas ako sa aking kinatatayuan. Ala robot na unti-unting lumingon sa aking gilid at gano'n nalang ang pagkagulat ko nang makita angw lalaking weirdo!
"Huwag kang lumapit!" banta ko nang gumalaw siya at ipinukol ang strikto nitong mga mata.
"Who are you to command me?" at basta niya nalang tinawid ang pagitan namin at papatakbo na dapat ako nang mahuli ako ng braso niya sa tiyan at sinako.
"Hoy! Ibaba mo ako! Ano ba?!" pinagsasapal ko ang matigas niyang likod. "Ibaba mo ako sabi!" sigaw ko sa tenga niya pero hindi man lang ito natinag. Pakiramdam ko ang liit ko sa mga bisig niya. "Nanay! Tulong! Na-kidnap ako! Wah! Nay!" halos maiyal na ako lalo na ng ipinasok ako sa kotse at tinakpan ang aking bibig ng kung anong panyo at unti-unting nakaramdam ng pagkahilo.
"Tsk. What a annoying wife I have."