Chapter 22

2549 Words
Unang dinala ng mga kaibigan ni Alexus si Mia sa Eiffel tower, kagaya ng mga ginagawa ng mga turista ay inikot-ikot nila ang park. Kumuha ng maraming litrato. Naghahabulan at nagtatawanan. Mia is like a princess of seventeen men surrounded by her. Hindi lang 'yun, they treated her like a princess. "Hey, Mia. Gusto mo ng ice cream?" Tanong ni Reden. Napalingon si Mia sa iba, "Kapag gusto nila, gusto ko rin." Hindi pa naman siya gano'n ka unfair para hindi isipin ang iba nilang kasama. At ang iba ay sumang-ayon naman kaagad. Ang mukha ni Reden ay parang pinagsakluban ng lupa dahil sa dami pa naman nila. "Libre ni Reden! Grab na ang grasya!" "We want ice cream too, buddy!" -Leon "Vanilla ice cream for me!" -Ian Pati si Phoenix na hindi fan ng ice cream ay napapataas ng kamay at sinabing, "May magnum ba dito? Para sulit naman ang libre." Humalukipkip din pagkatapos. Basta libre ang pag-uusapan ay magbo-boluntaryo kaagad silang lahat dahil minsan lang naman sa kanila ang manlilibre. Pareho kasi silang kuripot kahit na sa kabila ng yaman nila ay napapasaya sila ng mga maliliit na libre. Gano'n din si Iuhence na pangti-trip lang malakas. "I want strawberry flavored ice cream." Dahil sa sinabi nito ay kaagad na napalingon ang lahat dito na may gross na emosyon sa mukha. "Ang sagwa mo, strawberry talaga?" Sita ni Z at naiiling. "Lewd." Pag-sang ayon ni Jeff na tila nandidiri din. Same din ng iba na hindi tipo ang strawberry. Kasi para sa kanila ay pangbabaeng flavor lang 'yun. Kumunot ang noo ni Iuhence, "Ano bang masama sa strawberry? Ignorante niyo naman." Anggil nito at pinagbabatukan ang nasa malapit na kaibigan. Pero gumanti naman ang mga ito at mukha na silang siraulo sa harap ng madla. Samantalang si Mia ay natatawa nalang sa kanila bago naunang lumapit kay Reden. "Ganiyan ba talaga kayong magkakaibigan?" Tanong niya rito, kahit na dismayado si Reden ay napapangiti nalang dahil sa kabaliwan nila. Naiisip naman ni Mia na mayayaman ang mga ito, pero kung umakto ay parang mga elementarya. 'Yung tipong makakapagdalawang isip ka talaga kung mature ba ang mga ito, o kalalabas lang sa mental. Ngayon lang siya nakaka-engkuwentro ng ganito karaming kalalakihan na nagmamachohan at nagsusumigaw sa ka-guwapohan pero ang mga ugali ay pang tambay. Well, iba naman ang sa kanila ng ka-tropa niya dati. Mahirap sila at minsan naiinip sa buhay kaya nagsasama-sama at naglalaro nalang sa tabi ng kalye para iwala ang anxiety tungkol sa buhay. Ang bago lang ngayon ay napagtanto niyang hindi lang pala mahirap ang mga baliw. May mga mayayaman din pala na nababaliw sa mga maliliit na bagay. Sigh. "Kind of. I can say that it's natural on us. We used to this kind of bonding." Napangiwi si Mia nang makita si Iuhence at Martinez na naghahabulan. Binato ni Iuhence ng sapatos si Martinez na sumibad lang patakbo sa arc at pumasok sa ilalim ng Eiffel tower. "Gago ka talaga, Martinez! Isauli mo ang gahibla ng buhok ko na tinanggal mo!" "Hahaha! Hangal, hindi na 'yun maisasauli. E-glue ba natin?" In the end, bago sila umalis at nagpunta sa susunod na spot ay binilhan sila ni Reden ng Ice cream. "Maglakad nalang kaya tayo? Malapit lang naman 'yung River Seine di'ba?" Suhestiyon ni Mia habang nakatingin sa pumplet. "Nakakatamad maglakad, Madam. Magsasakyan nalang tayo." "Oo nga, Mia. Sasakyan nalang tayo." Unang nagreklamo si Dion na sinundan naman ni Von at ng iba pang tamad na maglakad. Kaya wala ring choice si Mia kundi ang pagbigyan ang mga ito. Nang makarating sa River Seine ay nawindang nalang siya dahil sa napag-alaman ni Mia na pag-aari ni Race ang yaht na sasakyan nila sa paglalayag. Akala niya ay bangka ang sasakyan nila, pero it turns out na yaht. Yaht na nagmumukha ng barko sa laki. Gaano ba talaga kayaman ang mga ito? No'ng una ay sa limousine na mukhang pang-artista. Sunod ay ang free-stay nila sa isang magarang hotel sa city. Hindi na daw nila kailangan magbayad dahil pag-aari daw ng isa sa mga kaibigan nila 'yun. Like, luluwa na nga yata ang mga mata niya sa pagkakawindang. Sa paglalayag ay naaaliw si Mia sa mga scenery. Hindi lang sa tubig na kulay green-blue kundi pati na rin sa mga establishemento na iba-iba ang disenyo. Malayo sa pinas na pare-pareho lang ang struktura ng bahay at mga gusali. Kahit sa national road dito ay wala siyang makitang trapiko. Napaka-smooth lang ng takbo ng mga sasakyan. Nasa upper deck siya, at gano'n din ang iba na umiinom ng wine. Pansin niya, kung nasaan siya ay naroon din ang mga ito. Kinakausap siya sa mga bagay-bagay. Ni hindi niya inakala na makakapunta siya sa ganitong bansa. Yung kagustohan niyang umuwi ay parang gusto na nga niya munang ipagpaliban at pumarito muna. She's loving the city scapes, even the air is as fresh like the mountainous provinces. Huminto ang yate. Inanyayahan siya ng mga ito na bumaba, hindi niya alam kung saan sila pupunta pero sumunod nalang din siya. Tanghali na yata nang makarating sila. "Welcome to notre dame cathedral, Madam!" Sa sinabi ni Kent at Ian ay saka lang napapa-angat ng tingin si Mia. Nakita niya nalang ang isang malaki na simbahan, pero kung hindi mo tutokan ng mabuti ay mapagkakamalan mo talagang palasyo. Bumagsak yata pati panga niya dahil sa pagkamangha. Kung ano man ang una nilang ginawa sa Eiffel ay yun din ang ginagawa nila. Picture dito, picture doon. Mabuti nalang at malaki ang gib ng memory card sa camera ni Chance. Sa kanilang lahat kasi ay si Chance ang mahilig sa pagkukuha ng litrato. Most of the time ay pini-pikturan niya nang walang paalam at nagagawa niyang makuha ang mga nakakatunaw-puso na mga ngiti nito. Nag-send siya ng isang litrato kay Alexus na naka-sampa sa likuran ni Raven si Mia at sayang-saya na nagpapabula ng bubbles. Not knowing na kanina pa naka-masid si Alexus sa mga ito. Ang makita si Mia na masaya kasama ang mga kaibigan niya ay nakakapagpa-tiim ng kaniyang bagang. Marahil ay naiinis dahil sa hindi niya naman napapatawa ng gano'n si Mia. Marami pa silang pinuntahan, huminto lang sila nang mag-gabi na at kumain sa isang sikat na restaurant. Kaya nang pagkabalik nila sa hotel ay diretso siya sa kama. Nakakapagod ang araw at dahil hindi pa naman siya makakalakad ay natatamad na rin siyang magbihis. Kung kailan tulog na si Mia ay saka lang ibinaba ni Alexus ang cellphone. He purposely installed a CCTV in her room at mula doon niya pinanood ito. Hindi maayos ang pagkakahiga nito kaya pumanhik siya sa silid nito para ayusin ang pagkakahiga nito. Hinubad niya rin ang sapatos nito. Ang mahabang buhok ay napaka-gulo na. Inayos niya rin 'yun, bago umalis ay napatitig muna siya sa maamo nitong mukha. Kapagkuwan ay napapailing at lumabas na sa silid nito. MORNING came... As expected ay late ng nagising si Mia. Kung hindi lang dahil sa tirik na tirik na araw na tumama sa mukha niya ay hindi siya magigising. Nag-iinat siya ng mga braso niya at makailang beses na humikab. Inamoy niya ang kaniyang bibig at napangiwi nalang dahil sa baho no'n. "It's good that you're awake now." Ang baritonong boses ni Alexus ay siyang dahilan kung bakit napapadilat siya. Ano naman ang ginagawa nito sa silid niya? Hindi ba't sabi nito ay ayaw siyang makita? Tumayo ito at iniwanan ang magazine na binabasa nito. Malamig siya nitong tiningnan. "Breakfast was set in the dining table, you don't have to go out. Eat them." Kanina pa kaya ito sa kuwarto niya? Goodness, don't overthink Mia. "Salamat." Simple niyang sagot dito. It's totally awkward situation. He grimaced and strictly showered her gazes. "I'll be gone for a week. You can do whatever you want here, or even wander outside but make sure to come home before dark strikes." Now, alam na niya kung bakit ito nandito. Sasabihin lang pala na aalis ito. Sa paninitig nito ay pakiramdam ni Mia ay matutunaw siya ng wala sa oras. Saan naman kaya ito pupunta? "Okay," ilang segundo pa siya nitong tiningnan bago nilisan ang kaniyang silid. There was an urge to ask him about his errands but she thought she doesn't have the rights to ask. Iba ngayon, kaya hindi siya aakto kagaya ng dati. Kailangan niyang limitahan ang sarili para hindi ma-offend sa kaniya si Alexus dahil sa una ay siya naman talaga ang ayaw ng sayad sa trabaho. --- "King, the chess pieces of Alexus's side left the hotel." Pagpapahayag ng isa sa mga maaasahan na pawn sa kabilang panig habang nakatingin sa monitor. Ilang araw din silang naka-manman sa magihing kalaban nila. Kahit na hindi pa nagsisimula ang laro at bukas pa ito gaganapin. Pang-isahang linggo ang laro at dapat sa loob ng isang linggo ay malaman na kung sino ang panalo. "And it seems like totoo 'yung natanggap natin sa intel ni Atticus na opisyal na ngang hiwalay si Alexus at si Denise." Dagdag nito habang nakatayo sa likuran ng Hari sa kanilang panig. "Will there be a new Queen?" Seryosong tanong ng Hari. The Queen is the most sensitive and fragile piece but one among the powerful and major piece na sagradong binabantayan ng bawat kuponan kaya't isa rin ito sa mga mahihirap pabagsakin. "I'm not certain, pero sa isang party may ibang babaeng kasama si Alexus. Sa tingin ko ay hindi lang ito isang karaniwan na babae dahil hindi hamak na mas maganda at magalang ito kay Denise." Pagsisiwalat ng alagad sa kaniyang nalalaman. Ang alagad na ito ay kilala bilang si Bass. Isang former assassin at magaling sa english pakikipagbakbakan. He can kill a person without being noticed at parang isang hangin lang ang kilos. Isa sa mga kakayahan nito na gustong-gusto makuha ng iba pang Mafia leaders. "Hmm... You said, Alexus left the place with his chess pieces. Wala siyang kasama na Reyna?" Nakakapagtaka naman kasi. Sa pagkakakilala ni Zamora kay Alexus ay hindi nito iniiwan ang Reyna niya. Ito mismo ang nangangalaga sa babaeng kabiyak. Pero ngayon na lumabas ito kasama ang iba, posibleng wala itong Reyna. Subalit, hindi naman tatakbo ang laro kung kulang ang kabilang kuponan. "Yes, King. Wala siyang kasama." Napahawak sa kaniyang bigote si Zamora at mataman na pinagmamasdan ang mga kahiy na nasusunog sa fire place niya. Animo'y nag-iisip. "Tiningnan mo ba ang affiliate board na ipinasa ng Soul Reaper? Kompleto ba sila?" "Yes, King. Kompleto sila." Tila nag-iiwan ng matinding pala-isipan kay Zamora ang walang kapake-pakealam na paglabas ni Alexus sa kaniya. May Reyna ang mga ito, pero walang makakapagsabi kung sino. "How was him in the entire week? May napansin ka ba na makakapag-turo sa Reyna niya?" Hindi pwedeng hindi niya alam kung sino ang Reyna nito dahil panigurado siya na kagaya ng ginagawa niya ngayon ay inaalam rin nito ang Reyna niya. Dapat niya itong maunahan, at isa sa mga pagkakataong ito ang dapat niyang tini-take advantage dahil umalis si Alexus. Importante na malaman nila kung sino ang Reyna dahil kung hindi, may kakayahan itong isa-isa silang ligawin at patumabahin. Maliban nalang kung hindi ito marunong maglaro. "Yesterday and recently, he went out to see Samantha Herrera. They were very intimate until they went to her unit." He knows Samantha Herrera, anak ito ng isa sa mga opisyales ng Frances. Ni kahit siya ay hindi kayang ma-date ang babae dahil sa mataas ang standards nito. "Sumunod naman niyang kinita ay si Katrina Valentine, anak ng kasalukoyang namumuno sa Europe." Talagang nililito siya ni Alexus dahil ang mga babaeng dini-date nito ay hindi pang-karaniwan. Dahilan ng pagkaka-irita niya. "Wala na bang iba?" Sa kaniyang pagtatanong ay lumipad ang pintuan pabukas. Iniluluwa no'n ang isa sa kaniyang rook na si Saint. "Bakit ka naparito, rook?" Hinihingal ito na napapatuko sa tuhod, dugoan ang mukha at braso nito. "King, may problema tayo." Kumunot ang noo ni Zamora. "What problem?" "Si Mina, natagpuan siyang nagaagaw-buhay sa parking lot ng Mayari Hotel." Nadadarang na napatayo sa kaniyang kinauupuan si Zamora. Si Mina ay anak ng ka-alyado niyang bishop na si Max. Hindi pa gano'n ka-tibay ang samahan nila at pinagbibigyan lang siya nito sa kaniyang hiling dahil sa may utang na loob ito sa kaniya. Pero tiyak na ka-kalas ito bilang bishop niya dahil sa nangyari. Nadamay ang pamilya nito na siyang sinigurado niya no'ng una na hindi magalaw. Pero nangyari ang hindi niya inaasahan. Sugatan din si Saint na inutosan niyang magbantay dito. Naikuyom niya ang kaniyang kamao sa pinaghalong iritasyon at galit. Nagtagis ang kaniyang mga ngipin at naging matalim ang mga paningin. "Who did that to you? Sino sa chess pieces ni Alexus ang gumawa niyan sa'yo?" "His pawn, Xerxes." Kagaya ng kaniyang inaasahan ay marahas niyang sinipa ang mababasagin na lamesa, kasama na ang mamahaling wine at baso. "Damn it!" Hindi pa nga nagsisimula ang laro naisahan na siya nito. Target nito ang looban ng kaniyang kuponan. "Pero may alam akong solusyon, King." Nanlilisik sa galit ang mga mata ni Zamora nang binalingan niya si Saint. "What the f**k is that?" Umayos sa kaniyang pagkakatayo si Saint at masinsinan na tiningnan si Zamora. "To attack his Queen and I know who she is." --- Soul Reaper is the name of Alexus's group. Just like them, each group was composed of eighteen characters which will run the game in turmoil. Chaos to be specific. In the Mafia Institute to where Alexus belong, there were no stable God who rules the entire society. The said institute isn't a matter of kingdom or a country that needs a king or a president to maneuver the said population. In this Institute the basis of power was all about a matter of winning statuses over games. Power means money, strong security, mindset and game statuses. Sa dami ng panalo ni Alexus kasama ng kaniyang mga kaibigan ay hindi na rin yata mabilang ang mga taong napatay nila para lang maka-checkmate. Gladly, wala pa namang namatay sa kanila, napurohan meron at nag-aagaw buhay pero sabi nga, mahirap patayin ang masamang damo, lalo na't mautak. They left Mia alone for a purpose. And Alexus was certain that someone would come to grab the opportunity of his absence. In fact, hindi pa naman talaga Queen si Mia. He didn't acknowledge her as one. Dahil mahirap rin kung masali pa ito sa gulo which was his initial purpose before. Kinuha niya si Mia dati para kay Denise, and now that Denise cheated on him, Mia has nothing to do to deal such danger. Mia has been visualize to everyone as his wife. Sooner or later, kahit anong iwas niya ay hahabulin pa rin talaga ito ng mga taong gusto siyang talunin. In others eyes, si Mia ay Queen niya. Lalo pa't itinapon na niya si Denise. Nagagamit niya rin naman ang pagkakataong ito para maipagpatuloy ang laro. Though, he was waiting for the right timing para mahuli ang gustong manakit dito. He's not doing this because he felt something for Mia. It's because of responsibility. If he couldn't protect her, then he'll just good for nothing. Each members from his side was deployed as discussed. May kaniya-kaniya itong naka-atas na utos. In least than one hour, his phone rang. "f**k you, Monteiro!" A vicious smile appear beneath his lips. "Oh thank you, Maxwell."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD