Chapter 7: Quarrel

3382 Words
Nagising si Mia nang nasa tabi niya lang si Alexus. Naka-upo ito sa sahig at naka-dantay naman ang mga braso at ulo nito sa kama. Marahil ay napagod ito sa kaka-alaga sa kaniya. Something that embraces her heart dahil sa natuklasan niya. She never thought that he will see her the day she wakes up. Inabot niya ang ulo nito at marahan na hinahaplos. He might be very strict and fierce, but look at him… he’s here. Ang napaka-guwapo nitong mukha ay dumi-depena pa kapag tulog. Kapag gising kasi mukhang warla, parating masungit at galit. I don’t know kung bakit bigla siyang nagbago pero siguro… may kasintahan ito kaya’t dini-distansya nito ang sarili. Sa guwapo ba naman ng mokong na ‘to, himala nalang na walang girlfriend. Eh, mukha nga ring fuckboy. Sa kaka-isip niya habang nakatingin dito ay napansin niya itong nag-mulat ng mga mata. “Good morning, Mister.” Sa isang malalim na tinig at hugong ng umagang tono niya ay binati niya ito. Nakita pa niyang kumurap-kurap ito at kapagkuwa’y nag-kusot. “Kamusta ang pakiramdam mo? Are you alright now?” Tingnan niyo, hindi man lang siya binati ng pabalik. Pero at least maayos na ang pakiramdam niya. Mabuti nga’t hindi siya nag-collapse sa sobrang sakit ng pakiramdam niya kahapon… Sandali. “Maayos na ang pakiramdam ko. Kailan ka pa nandito? Hindi ba’t nasa trabaho ka dapat? Bakit ang aga mo yatang umuwi?” Sunod-sunod niyang tanong na napatigil din kalaunan nang hawakan ni Alexus ang noo niya. “There’s nothing I wouldn’t know. Tulog ka ng dalawang araw. Absent din ako ng dalawa at kalahating araw dahil sa pag-aalaga sa’yo. Imagine the golds I lost, my dear wife?” Kagigising niya lang pero sinalubong naman siya agad ng kasungitan. At dahil offended siya ay tumahimik nalang siya sabay iwas ng tingin. “Why are you silent? Hindi ba dapat may sasabihin ka sa’kin?” Ano ba ang sasabihin niya? Na may pambayad siya sa mga araw na nasayan nito? Na may pang-ambon siya sa mga pera na naiwala nito habang inaalagaan siya nito? “I already said, thank you. Tiyaka wala akong pambayad sa’yo.” Halata talaga ang accent sa boses niya. Accent ng pagka-bisdak niya. ‘Yung English nga niya ay nag-mistulang tunog Bisaya na rin. Pero hindi naman siya nahiya. Hindi naman kasi ‘yun big deal, ang importante may knowledge siya sa lengguwaheng ingles. Alexus on the other hand is staring at her while she silently admitted her mistakes. Kahit hindi naman kailangan talaga. He was just kidding her and he never expected to see her affected. Perhaps, alam niya rin na wala itong pambayad kaya nga biro. “My brother is here. You should come down and meet him. Hinintay ka no’n na magising para makilala niya.” He said timidly before going out of her bedroom. Napaka-hina na rin siguro ng utak niya para hindi mag-sink in sa utak niya kaagad ang sinabi ng asawa niya. Ano raw? Nandito ang kapatid niya, at gusto akong makilala?! Nagmamadali na bumangon si Mia at tumakbo papuntang banyo. Naligo siya at nagbihis ng matino na damit. Pero lahat naman ng damit niya ay oversize. ‘Yung shorts na lagpas tuhod at ang shirt na hanggang kalahati ng hita niya. Nakapag-bihis lang siya tapos nakapag-suklay at nakapag-sipilyo ay handa na siya. Lumabas siya sa silid niya at nadatnan si Alexus na may kasamang nagka-kape sa dining. Napa-ngiti siya nang masilayan na makisig at may balat pang-foreigner ang brother-in-law niya. “Mister, siya na ba ang sinasabi mong kapatid mo?” Makikita ang saya sa mukha ni Mia habang papalapit siya sa kinaroroonan ng dalawa. Napalingon si Spade sa gawi ng asawa ng kaniyang kuya at ka-muntikan na nga niyang mabitawan ang baso niya, mabuti at ang panga at ang munay lang ang nahulog dahil sa may dyosa siyang nakita. Este, babae na napaka-ganda, pero… What’s with her outfit? Binalingan niya ang kapatid niya. “Yeah, he’s my brother, his name is Spade.” Pagpapakilala ni Alexus sa kapatid, kapagkuwa’y nilingon si Spade. But Spade’s stares are judgmental. “What?” tipid niyang tanong rito na may naka-kunot na noo. “You ask her intently to wear that kind of clothes, are you?” Mapanghusga na tanong ng kapatid sa kaniya na sinuklian niya ng poker face. “It’s her fashion. Why would you accuse me? I’m not that possessive to keep her.” Pag-amin ni Alexus which is nagbigay ng hint kay Spade tungkol sa magkakaibang babae ng kuya niya. Inilapit niya ang stool at bumulong rito. “Seriously, Kuya? Akala mo talaga ay hindi ko alam? Is she really your wife or someone you just acquire to cover your soon-to-be wife?” The siblings are glaring and murmuring with each other as if she’s not around. She sighed and never bother to interrupt them. But instead, nagpunta siya sa kusina. Nag-suot ng apron at naghanap ng maluluto niya sa refrigerator. For today’s video, magluluto siya ng friend chicken. Ito talaga ang nais niya sanang gawin kahapon pero dahil natatakam siya sa adobo ay ‘yun nalang ang niluto niya para sa kanilang tatlo ni Kent at Ian. She’s peeling off the plastic of magnolia chicken when a pair of masculine arms snaked her small waist. “You just recovered from fever you don’t have to cook. We can just order.” Their body were so closed to each other and it didn’t even bother Mia to ask him free her. She just like the warmth of his body against hers. Para kasing teddy bear. “Hindi pwede. Bakit pa tayo mag-order kung may lu-lutoin naman tayo?” Makahulogan niyang sambit. Nagpatuloy siya sa kaniyang ginagawa, nang matapos niyang ilipat ang mga manok sa glass na bowl ay nagpunta siya sa sink. Pero hindi pa rin bumibitaw si Alexus sa kaniya. “You will just exhaust yourself, hayaan mo na ‘yan.” Pamimilit nito sa kaniya na ikina-iling niya. “No, Alexus. Magluluto ako.” And he heard her calling his name, it made him stilled. Just by hearing the cold and fierce voice of his wife while calling by his name for the first time swept his heart to mallow again. “Kailangan ko kumuha ng flour, kung gusto mong nakayakap ka sa’kin habang nagluluto ako ay kumapit ka ng maayos para hindi rin burden sa pag-galaw ko.” At dahil nga ayaw ni Alexus na umalis sa pagkakayakap niya sa asawa niya ay hinigpitan niya nalang ang pagyakap dito. Sunod-sunoran siya sa asawa niyang nagpapaka-busy sa kusina. Samantalang si Spade ay ngiting-ngiti sa love birds na nasa kusina ngayon habang prente siyang umiinom ng kape niya. Para kamo siyang nanonood ng live action sa isang k-drama which is may clingy na asawa ang babaeng bida. But he knows that the act he saw right now aren’t permanent. It won’t last long, and his brother was honest to him upon admitting his purpose for having Mia around. “But I bet, brother won’t be able to let go of her when the deadline has come.” Nagkibit-balikat lang si Spade habang sinasabi niya ‘yun sa sarili niya. He knows his brother well, hindi ito ganito ka-clingy. At habang tinitingnan niya ito at nakikita niya na kontento ito sa kung ano mang meron ngayon, which is unbelievably shocking! Czar Alexus Monteiro-Belmonte would never be satisfied in terms of women, but what he saw right now is the replica of its defeat from its playboy supremacy. “Pakilagay nitong kanin sa lamesa, Mister. Tataposin ko lang sa pag-fry itong chicken drumsticks.” Iminuwestra ni Mia ang plato na may laman na mainit na kanin sa asawa niya pero hindi man lang ito kumilos at naka-pirmi lang sa pagyakap sa kaniya. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. “Mas lalo akong mapapagod dito kung hindi mo ako tutulongan, Alexus.” Muli ay nagagawa na namang patibokin ng asawa niya ang puso niya dahil lang sa simpleng pag-tawag nito sa pangalan niya. Damn, he must be out of his mind now. “Sige, ikaw na ang tumapos ng niluluto ko at ako na ang magha-hain. Baka nagugutom na ‘yung kapatid mo.” Patago na ngumuso si Alexus at mas hinapit pa ang asawa palapit sa kaniya. Idinantay ang ulo sa balikat nito, “Hayaan mo siya, nag-kape naman ‘yun.” Seryoso ba ang lalaking ‘to? Kapatid niya mismo ay wala itong pakealam? Minsan talaga ay nauupos ang pasensya ni Mia, kaya ayaw niya dito minsan kay Alexus ay parating gusto nito ang nais na sundin. “Kung ayaw mo, ako nalang.” Nauubosan nag pasensya na sinabi ni Mia sa asawa niya. Ang hirap kasi mag-utos kung hindi naman nito susundin. Agad naman na napa-alerto si Alexus at eksperto na inagaw ang plato mula sa asawa niya. “Ako na, just don’t be mad.” Pag-suko niya at siya na mismo ang naglagay sa lamesa. “Ikaw na ang umayos sa mga utensils na gagamitin, Spade.” Habilin niya sa kapatid at bumalik sa asawa niyang wala pa rin yata sa mood. “Kuya, bisita ako!” Anggil ni Spade na hindi naman gustong sundin ang inutos niya dito. “Ikaw na ang gumawa para may ambag ka naman.” Turan niya sa kapatid na nagmamaktol. Pero ang totoo talaga sa likod ng pagmamaktol ni Spade ay gusto niyang makita kung ti-tiklop ba talaga ang kuya niya sa sinasabi nitong hired wife. He has a feeling kasi na hindi lang basta na babae si Mia. Kasi nagagawa nitong utosan ang cold hearted niyang Mafia brother. “Sister-in-law, si Kuya oh!” Mukha ba naman kasing nakakatawa na mang-asar ngayon, lalo pa’t nag-salubong ang kilay ng kuya niya nang lingunin siya nitong muli. “Tingnan mo sister-in-law, ang sama ng paninitig ni Kuya sa’kin.” Si Mia naman na kuryuso ay tumingin sa asawa niya na agad umayos ng mukha. “Wala akong ginawa, he’s just acting to pissed you off!” Alexus hissed but Mia just shrugged. “Kahit ako nga rin, Spade. Walang magagawa diyan sa ka-sungitan niya. Hayaan mo, masanay ka na kapag nandito ka sa bahay.” Naka-ngiting sambit ni Mia kay Spade habang dala-dala ang mga niluto na friend chicken at nilapag ito sa lamesa. Bumalik lang si Mia sa kusina para mag-timpla siya ng kape niya. Pero bago ‘yun nilingon niya muna ang asawa, hindi naman pwede na baliwalain niya kahit masungit ito. “Nakapag-kape ka na ba, Mister?” Sumama talaga ang umaga ni Alexus dahil sa pambu-buwesit ng kapatid niya. Sinamaan niya ng tingin pati ang asawa niya at tahimik na nag-martsa paalis ng kusina. “Damn manipulation!” He cursed before entering his room. Napa-tanga naman ang dalawa na naiwan. “Ano na naman kaya ang problema ng isang ‘yun?” binalingan ng tingin ni Mia si Spade. “Wala naman akong nasabi na kakaiba hindi ba, Spade?” feeling close lang? Like ngayon niya pa nga lang nakilala ang brother-in-law niya ay kung maka-tawag siya sa pangalan nito ay parang ilang taon na niyang kilala. Infairness, bidang-bida na talaga siya sa pagiging asawa ni Alexus. Kahit na ang totoo no’n ay bihag siya nito. Hindi niya nga lang alam kung kailan siya makakaalis dito. May bantay nga siya di’ba? “May dalaw yata, sis-in-law.” Matapos sagotin ni Spade si Mia ay naupo na rin sa Mia sa kaharap na upoan nito. “Ang haba ng sister-in-law, tawagin mo nalang ako sa pangalan ko.” Natatawang sambit ni Mia habang kumukuha ng manok. “It’s a proper endearment for you, sister-in-law.” Ngumiwi si Mia sa naging sagot nito. “Mia nalang, hindi ako komportable sa sister-in-law eh. Tiyaka mahaba. Panigurado ako na hindi lang ako ang in-law baka pag tinawag mo ako ay may ibang lilingon o kaya magkamali ako.” Tiyaka siya sumubo ng kanin. Tumawa naman si Spade, “Sa bagay, may point ka do’n. Ilang taon ka na ba?” Tiyaka kung makikipag-usap silang dalawa ay para na silang tropa. “Twenty-one, oh di’ba? Ang tanda ko na.” Biro ni Mia kay Spade na ngumiti lang at sumubo. Hawak pa nito ang manok na marahang iwinagayway. “I’m twenty-three. Hindi ka naman gano’n ka-tanda. Mas matanda pa rin ako sa’yo, kaya huwag mong isipin ‘yun.” Hindi naman pala masama na makipag-usap sa kapatid ng asawa niya. Mukhang masaya naman kasama, at magaan kausap. “Tama ka do’n, pero feeling ko talaga matanda na ako.” Totoo naman, wala kasing araw na hindi siya ini-stress ng mundo. Lalo na no’ng nasa Cebu pa siya at kasama ang Nanay at tatang niya. Every day hell, kasi siya ang susustento ng panggastos nila ng pagkain at kadalasan pa ay pini-pikutan siya ng nanay niya para mag-sugal. “Bakit mo naman nasabi? Maganda ka naman tiyaka mukha pa ring bata. Maliban nga lang sa mukhang masungit at maldita.” Ka-muntikan ng ibuga ni Mia ang nginunguya niya nang marinig ang sinasabi ni Spade sa kaniya. “Ito, Mia. Tubig.” Na agad naman siyang binigyan ng tubig. Pinukpok muna ni Mia ang dibdib niya, dahil mukhang inatake siya ng heartburn. Putek, bakit ba naman kasi ‘yun ang sinabi nito. “Seryoso? Mukha ba talaga akong maldita?” Tanong niya ng maka-raos sa heartburn. “Yup, especially kapag nag-seryoso ka.” Wika nito habang ngumunguya. Napapa-isip naman si Mia kaya nang matapos silang kumain ay nagpaalam siya kay Spade na babalik sa silid niya. Pinaka-titigan niya ang mukha sa salamin. “Wala namang mal isa mukha ko ah? Bakit niya naman nasabi na mukha akong maldita?” Pagkaka-usap niya sa kaniyang sarili bago nilisan ang salamin sa closet niya at kinuha ang mga labahin niya, at dahil maglalaba siya, pumanhik siya sa kuwarto ni Alexus at nadatnan itong nagsi-sigarilyo sa maliit nitong balkonahe. “What are you doing here?” Malamig nitong tanong sa kaniya. Parang kanina lang ay napaka-clingy nito, tapos ngayon napaka-cold. Hindi niya na talaga gets ang mood swing nito. Animo’y every day yucky period feels. Gross. “Kumain ka na do’n sa baba, huwag ka magpa-lipas ng gutom. Kukunin ko lang ang mga labahin mo para maisabay ko sa lalabhan ko.” Sabi niya at nagtungo sa malaki nitong wardrobe. Hindi niya pansin na sumunod pala ang asawa niya sa kaniya kaya nang papalabas na siya dala ang basket na puno ng labahin nito ay ka-muntikan na siyang mapatalon sa sobrang pagka-gulat. “Bakit ka naka-harang? Dadaan ako.” Inosente niyang sambit habang pinakatitigan ito. Humakbang papalapit sa kaniya si Alexus kaya wala sa sariling napaatras siya. “Wala kang gagawin, Mia.” Seryoso nitong usal at hindi pinuputol ang titig nito sa kaniya. Siya naman ay nagugulohan, “Wala namang masama sa paggawa ng mga gawaing pang-bahay, Mister. Ano bang gusto mong gawin ko? Tutunganga?” Mangungulubot nalang siguro ang muscles niya sa katawan kung hindi siya kikilos. Tiyaka ano bang mal isa ginagawa niya? “If that’s what you think, then it is. Just do nothing and let things stay like that.” Ano raw? Gusto lang nitong pabayaan ang mga labahin, mga lutoin at ang paglilinis? Nababaliw bai to para pagbawalan siya? “I will call someone to do the chores at home, so you do not have to worry about laundry, preparing for dinner and cleaning.” Sa totoo lang ay naiinis siya sa sinabi nito, nagtitimpi na humugot siya ng hininga kasabay ng marahan na pag-pikit ng mga mata. “Hindi, Alexus. Ayokong gawin ang gusto mo. I don’t like you to hire any maids para lang sa simpleng mga gawain kung kaya ko naman!” Bato niya dito at tinabig ito para makadaan siya na hindi naman siya nabigo. “It’s my house, Mia. I can decide what’s best and what’s not. I’m the ruler of this house so I have the rights to make changes. You will not do anything, end of discussion.” Pati yata ang bunbunan ni Mia sa ulo ay tumitibok na sa iritasyon na meron siya para kay Alexus. Matalim na binalingan niya ito ng tingin, “Czar Alexus Monteiro, hindi ako anak mayaman. Kung inaakala mong pinanganak akong nakahanda lahat ng mga kakailanganin ko ay mali ka. Lumaki akong kumakayod at hindi tini-take advantage ang mga bagay na binibigay ng tao sa’kin. Kung iniisip mo na gusto kong magpaka-buhay prinsesa ay diyan ka mali, dahil hindi ako gano’n! Kaya kung ayaw mong nandito ako at walang gagawin na kung ano maliban sa pagiging bihag mo, mas mabuti pang umuwi nalang ako!” Lumabas siya sa kuwarto na may hindi magkaundagaga na galit sa puso niya. Lumikha pa ng nakakahindik na ingay ang pagbagsak ng pintuan pasara. Kailan ba siya nagkaroon ng tao na kaya siyang diktahan sa mga gusto niyang gawin? Gusto ba talaga nitong ipamukha na wala siya sa yaman nito at masusuklian lahat ng pera niya? Tangina, nakaka-warka! “Mia—” Malalaki ang hakbang ni Mia na nag-tungo palabas ng bahay at hindi niya na pinansin si Spade na tinatawag siya. “Madam—” Pati ang magkakapatid na bantay niya ay hindi niya pinansin at nagtuloy-tuloy siya sa paglabas ng bahay. Hindi inaasahan ni Alexus na sisigawan siya ni Mia at mukha yatang nagalit niya ng husto. Problemadong-problemado na napahilamos siya sa kaniyang much at napa-upo sa dulo ng kama niya. Ano ba ang mahirap intindihin sa wala itong gagawin? Mahirap ba talagang intindihin ang gusto niyang mangyari? Ayaw lang naman niyang magka-sakit itong muli kaya niya sinabi ‘yun. Ayaw niyang mag-alala para dito ulit habang nasa trabaho siya. Bumukas muli ang pintuan ng silid niya, “Kuya, anong nangyari? What was that I heard earlier at bakit galit na galit si Mia?” Natataranta na tanong ng kapatid sa kaniya. “Where did she go?” Imbes na sagutin ito ay tinanong niya ito kung saan nagpunta. Nagtaka man si Spade ay sinagot niya pa rin ang kapatid niyang mukhang namomoroblema sa kung anumang nangyari na narinig niya kanina. “Lumabas siya ng bahay—” “f**k!” Agad na tumayo si Alexus at malalaki ang hakbang na lumabas ng kuwarto pababa at palabas ng bahay. Pagkalabas pa niya ay nakita niya ang dalawang bantay sa bahay na walang ginawa maliban sa nakatayo. “Where the hell is she?! Bakit nandito pa kayo?!” Pagalit niyang singhal sa mga ito na halos mapatalon sa galit na ipinakita niya sa mga ito. “P-Pero sabi kasi ni Boss Madam na huwag namin siyang sunda—” “Lintik! Walang mga utak! Hanapin niyo siya!” At ang dalawa na labis namang natakot ay nangangatal na napapatango. “Y-Yes Boss!” At umalis na ang mga ito sa harapan niya para hanapin si Mia. Siya naman ay naiiritang inilalabas ang cellphone at tinawagan ang main gate ng villa. “Mr. Monteiro—” Hindi na niya pinatapos sa pagsasalita ang guwardya, “Did my wife passed by the gate?” Sa layo ng gate ay malabong nakakalabas ito agad ng ilang minuto lang na pagkakalingat niya dito. Hindi ba naman niya kasi inaasahan na totohanin nga na aalis ito. “Yes, sir. Mga ilang minute na rin—” Nauubosan ng pasensya na pinatayan niya ng tawag saka naman kinontak si Jeff. “Jeff, search for my wife immediately! She went out by herself, and I want a f*****g answer in no time!” Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagagalit siya ng husto dahil lang sa tinakbuhan siya ng babae. Hindi man niya pansin, pero ito talaga ang sumasagad sa pasensiya niya. Ang ugali ni Mia na hindi niya kayang lunokin pero nagawa siyang tiklopin kahit na sa aling bahagi man nito gugustohin. Ang problema ay saan niya ito hahanapin, at kung papaano nalang na malagay ito sa alanganin? He might really kill someone like now, kapag hindi niya ito nakita bago matapos ang buwesit na araw. Wala pa siyang sapat na pahinga dahil sa nonstop na pag-aalaga niya dito habang may sakit ito. Pero ngayon may bagong problema na naman. “Kuya, kailangan mo ba ng tulong? I can track her if you want.” Awtomatiko na napalingon si Alexus sa kapatid. “Fine, track her.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD