Kasalukoyan na nasa isang importanteng meeting si Alexus sa Bicol para sa launching na magaganap sa susunod na buwan. Isa siya sa mga nagmamay-ari ng bagong bili na hacienda, na nitong nakaraang buwan lang nakakapag-simula na umani at nakakapag-deliver sa mga consumer sa iba’t-ibang market. Malaki ang lupa at isang milyon na hectares sapat na para sa malaking taniman ng bigas, mga halaman, niyog, prutas at gulay na isu-supply sa mga pam-publikong tindahan.
Nagka-interes siya dito nang inalok siya ng kapatid niyang si Spencer na maging major investor sa naisip nitong negosyo. Bago lang kasi ito sa industriya ng pagne-negosyo at ang kambal nito na si Spade ay kaabay din nila sa negosyong ‘to. Pareho kasi ‘yung mga doctor at madalas okupado ang oras sa ospital dahil sa maraming pasyente na dumadating sa ospital araw-araw.
“Currently, may dalawangpo tayong trucks na magde-deliver sa karatig rehiyon. At tungkol naman sa exportation natin sa ibang lalawigan ay naka-handa na rin ang cargo boat from the Imperial family—”
Naputol ang pag wrapped up ng reporter sa harapan nang tumunog ang cellphone ni Alexus. Nasa kabilang kabisera naka-upo si Alexus kaya’t dumako ang tingin ng lahat sa kaniya nang hindi niya ‘yun sinagot agad.
Natatamad na tiningnan niya ang caller at nakita na isa sa mga bantay niya sa bahay ang tumawag. “Why did you call? Siguraduhin niyo lang na importante ang sadya niyo because you just ruined my meeting.” Nagbabanta niyang sambit sa mga ito.
“Pasensya na, Boss. Pero kasi, si Madam—”
“What about her?” diretsyahan niya rin itong tinanong dahil sa hindi niya gawain na mag-sayang ng oras at bawat minuto ay ginto para sa kaniya.
“M-Mukha kasi siyang may sakit. Ilang beses po siyang bumabahing kanina habang kumakain kami. Gusto ng naming tanungin pero parang tinatago niya lang—”
Awtomatiko na napatayo si Alexus na ikina-igtad ng lahat. Gumawa kasi ng ingay ang kinauupoan niya dahil sa bigat at rahas ng pagkakasakal ng upoan sa sahig. “Guard her well, I’ll fly back to Manila now.” Tiyaka niya tinapos ang tawag at isinilid ang cellphone sa bulsa. Binalingan niya ang mga ka-meeting niya. “Send me the summary of this meeting. I will read it at home.” Maliban sa pagiging major share holder ay ang pirma niya rin ang importante sa lahat. Kung e-aproba ng ibang share holder ang nasabing proyekto pero hindi niya gusto, maaaring mai-sawalang ang naging approval ng mga ito. Kaya’t kinailangan niyang pagtuonan ng pansin ang bawat desisyon ng mga negosyong pinag-investan niya ng malaki.
Umakyat sa rooftop ng building si Alexus pero wala roon ang helicopter na sasakyan niya. Binunot niya ang cellphone at tinawagan ang piloto. “Where the f**k are you? I have to go back to Manila, this instant.”
“Grabe ka naman, insan! Kaka-uwi ko nga lang sa mag-ina ko mula sa pag-hatid sa’yo. Mag kotse ka muna, hindi ko maaaring iwan ang anak ko. ‘Yung asawa ko nagpapaligo ng sanggol namin—” Naiirita na pinatayan ng tawag ni Alexus ang pinsan niya mula sa step family niya. Tiyaka naglakad pabalik sa elevator at nagpatid sa basement. Wala siyang choice kundi ang mag kotse. Inabot pa siya ng ilang oras para makarating sa paa ng Maynila at madilim na rin ang kalangitan. Nangangalay na ang puwet at likuran niya sa kaka-upo ng matagal habang nagmamaneho, pero lintek na traffic! Pagdating niya sa edsa ay na-struck siya.
---
Alas sais pa lang ng gabi ay nagluto na si Mia ng afritada para sa pag-uwi ni Alexus. Habilin kasi nito sa kaniya kanina na ipagluto ito ng hapunan. Pero kahit hindi naman nito sasabihin ay gagawin pa rin niya. Para hindi madapuan ng sakit niya ang niluluto niya ay nag-mask siya. Sa ngayon ay tubig lang talaga ang iniinom niya bilang gamot. Bukod kasi sa sinisipon siya at nilalagnat ay dinatnan din siya ng tonsils. Marahil ay sa kaka-inom niya ng juice, kain ng pocorn at tsokolate na bisquit kaya siya nagkaroon no’n. Sa bawat lunok niya ay nalulukot ang mukha niya sa sakit.
Alas syete pasado, natapos siyang magluto. Nakahain na din ang ulam at kanin. Kompleto na rin sa kubyertos at plato na gagamitin. Presensya nalang talaga ng kakain ang kinakailangan para maubos ang hinanda niya. Tinakpan niya lang ‘yun at nag-iwan ng sulat sa lamesa ng sulat na matutulog na siya at kumain na ito kapag nakauwi na.
Pero ang totoo no’n ay nag-platsa pa siya ng tuxedo na nilabhan niya kanina at inihanay ‘yun sa wardrobe ni Alexus. Mga alas otso ‘y medya na siya humiga sa malambot na kama niya. Hindi naman siya nabigo at nakatulog agad, dala na rin ng pakiramdam niya at pagod.
---
Medya oras bago maghating gabi ay nakarating si Alexus sa bahay niya, “Magandang gabi, Master.” Sabay-sabay siyang binati ng dalawang bantay na hindi pa nagsi-pasokan sa quarter nito.
“Ang Madam, lumabas ba siya?” Tanong niya, kapagkuwa’y ino-obserbahan ang kabuoan ng bahay na tanging ilaw nalang sa kusina ang natitirang liwanag.
“Mukhang natulog na po, Boss. Kanina nakita namin siyang naglaba at nagbilad sa araw.” Panimula ni Kent. Na sinundan naman ni Ian.
“Tapos kaninang kani-kanina lang ay tsineck namin ang CCTV sa loob at natagpuan siyang naka-mask na nagluluto ng ulam po namin at sa inyu rin, then sa katabing silid ng laundry room ay nakita din namin siyang nag-plantsa ng damit niyo bago siya umakyat sa itaas.” Sa nalaman pa lang niya sa dalawa ay biglang bumigat ang ulo ni Alexus dahil sa katigasan ng asawa niya. Nagagawa pa talaga nitong unahin siya kanina, samantalang ang sarili nito ay napapabayaan niya. Marahan niyang hinilot ang kaniyang sintido bago pumasok sa bahay.
Papaakyat na dapat siya nang umagaw sa atensyon niya ang kusina at ang mga nakahanda roon. Malalaki ang hakbang na nilapitan niya iyon at natagpuan na it was specially made for him, binuksan niya ang nakatakip na pagkain at bumungad kaagad sa kaniya ang masarap na aroma ng dish na hindi niya alam ang pangalan. Kumuha siya ng isang piraso doon at napapikit sa sarap. How can she cook so well? She even amazed me with her cook than those f*****g expensive resto! Kumuha pa siya ng isa at isa pa hanggang sa nakarami na siya, masarap din ang sabaw na may ka-halong pinya which is nakaka-adik talaga. But while he was eating heartily, a stick note that was pasted near the plate of his rice caught his attention.
‘You better eat and don’t skip meals even if you go home late. I prepared food for you, make sure to swallow it all and wash the dishes after. Gusto pa nga sana kitang hintayin na maka-uwi pero masama talaga ang pakiramdam ko. -Misis
Para siyang mabilaukan sa kaniyang kinakain nang mawala sa isipan niya ang ibina-byahe niya at pakikipag-sapalaran sa kahabaan ng traffic sa edsa para lang maka-uwi agad sa makakaya niya. “What is she really thinking? Nagawa pa niyang maghanda ng pagkain ko at nag-platsa ng damit ko bago nagpahinga?! Hindi niya naman kailangan magpapaka-hirap para pagsilbihan ko. I simply said—” Napatigil siya sa pagbubulalas niya nang maalala na hindi niya pala sinabi dito na hindi na nito kailangang kumilos upang gawin ang mga gawaing bahay.
Ininom niya muna ang nakahandang tubig at nagmamadali na pumunta sa silid ni Mia.
The dimmed room of hers welcomed him. Tanging ilaw lang sa lampshade ang nagbibigay liwanag sa tahimik na silid. Then he shut the door very carefully before removing his shoes and placed it nearby the door, just to deduce the noise that his shoes will possibly create. Nakatagilid si Mia at nakatalikod sa banda niya kaya’t kinailangan pa niyang umikot sa kaliwang bahagi para masilayan ito.
And when he did, a peaceful like baby wife of his welcomed his vision. She’s sleeping silently at himala na hindi ito malikot ngayon dahil sa naka-pirmi lang ito sa isang pwesto. Her eyelashes are long and in a proper flick, while her brows are thick and fierce making her look as the most stubborn and feverish. She has a cute straight nose that was really meant to be pinch because it is cute while she has a kissable heart-proportioned lips. At ang panga nito ay nakaka-mangha dahil pormang-porma talaga ito, no need na mag jaw exercise dahil nasa kaniya na ang tamang hubog ng panga. Everything to her looks perfect.
Maliban na nga lang sa paiba-iba nitong pag-uugali. Minsan maldita at suplada, may pagkakataon pa na bossy at friendly. Tapos kanina, yakang-yaka ang pagiging asawa nito sa kaniya. But look at her now, she’s sick!
Sa pag-lapat ng kamay ni Alexus sa noo niya ay halos mapaso siya sa tindi ng trangkaso nito. Umusog si Mia at tinalikuran si Alexus na ikina-tanga niya. “Hey, wife. Get up.” Marahan niyang utos dito habang tinapik-tapik niya ito sa balikat. Pero mukha yata siyang hindi pinansin. “Damn!” Malagong siyang napamura at kaagad na humanap ng masks kuwarto niya bago bumalik at binuhat ang asawa. “Hi-nire ba kitang asawa ko para alagaan ka sa oras na magkasakit ka? You’re unreasonable!” Pero bago pa man sila makalabas sa silid ni Mia ay…
“Ayokong lumabas…” Niyakap siya nito ng mahigpit habang natutulog pa rin.
Bumuntong hininga siya, “We have to go to the hospital to mend your fever. It will just take some time, kaya tumahimik ka na muna iyan.” He opened the door but again, bago pa sila makababa sa hagdan ay umiling-iling ito sa kaniya. Bagay na ikina-kunot ng noo niya. “What is your problem, again?” Hindi ba naman niya narinig ang sinabi nito dahil sa parang nginunguya ang sariling salita.
“Ayoko sa hospital, maraming namamatay doon…” At sa kalagitnaan pa talaga sila ng hagdan nag-uusap.
“Hindi naman kita dadalhin sa morgue.”
Dumilat si Mia at agad naman nagtagpo ang mga mata nila, “Pakiusap, huwag doon. Ayokong umiyak…” Tila nakikiusap at puno ng lungkot na sinabi ni Mia kay Alexus na na-hipnotismo sa lungkot niya.
“And why would you cry? That was just a hospital, not a cemetery to mourn.” Giit ni Alexus pero hindi naman na humakbang pababa.
“Sa isang hospital namatay ang tatang ko… Simula no’n ay ayoko na sa mga hospital. Nalulungkot ako dahil mami-miss ko ang tatang ko…” With what he discovered from her, he suddenly felt sorry for her. Pinaalala pa niya dito ang panahon na nakakapagpa-lungkot sa asawa. Pero sino ba naman kasi ang mag-aakala? Hindi niya rin naman sinadya.
Ibinalik niya si Mia sa silid nito at tinawagan nalang ang kapatid niya na makakatulong sa kaniya. “Spade, are you available now?” Nasa labas siya ng silid ni Mia at mahinahon na nakikipag-usap. Habang nakasilid ang isang kamay sa kaniyang bulsa. “Sinusumpong ang asawa ko ng lagnat, I don’t know how to mend her. Can you spare me some of your time?”
Sa kabilang linya ay katatapos lang ni Spade sa isang kidney transplant at kala-labas lang din ng operating room, “Tamang-tama, Kuya. Kakatapos lang din ng pang-apat kong surgery ngayong araw. I’ll head over to your home, and if you don’t mind… Makikitulog na rin ako ang sakit na din kasi ng katawan ko.”
“Sige, dito ka na matulog.”
Sumilay ang ngiti sa labi ni Spade at bago pa man pinatay ng kapatid ang tawag ay, “You better introduce your wife to me, and introduce me to your wife Kuya. Maganda ba siya?”
Napapa-iling nalang si Alexus habang direkta na puma-ibabaw sa isipan niya ang mukha ni Mia. “Yeah, she is. Bilisan mo na riyan baka ika-sakit ng puso ko kapag hindi ito naging maayos.” Even though he hired her, siya naman ‘yung tipo ng tao na madaling maawa lalo na’t inosente at walang kamuwang-muwang. Kawawa naman ang asawa niya kung magiging pabaya siya lalo pa’t nag-effort din ito na pagsilbihan siya. Kung hindi siguro siya nito inuna ay baka siya ang nagka-sakit ngayon.
But then the scene of them under the pool suddenly appeared in his memory bank. Ang pakiramdam ng labi nito sa labi niya ay napaka-lambot na tila ba siya ang unang umangkin no’n.
Fuck! Quit reminiscing, Alexus! It’s not like you’re ignorant for a damn kiss! Pag-sita niya sa sariling iniisip. Ilang minuto lang din ang hinintay niya ay dumating ang kapatid niya at agad niya itong sinamahan sa kuwarto ni Mia.
“Kuya, bakit ang taas ng lagnat niya? Dinala mo na dapat siya sa hospital.” Komento ng kapatid na ikina-suklay niya ng mariin sa sarili niyang buhok.
“She’s afraid of hospital. I can’t just bring her there when she’s going to feel uneasy.” Pagpapaliwanag niya dito.
“Wala akong dalang intravenous fluid, kailangan pa ‘yung hingin sa hospital. Tiyaka wala rin akong dalang ibang dal ana materials maliban sa paunang gamot na maibibigay sa asawa mo.” Imporma ng kapatid matapos e-check ang temperature ng asawa niya. Nag-aalala niya itong binalingan.
“Was it really needed?” Kung kailangan talaga ‘yun ay pupunta siyang ospital para lang kunin ‘yun. He doesn’t care if he’ll get tired as long as she will recover. Hindi biro ang lagnat nito at napaka-taas. Nakakapaso, ‘yung tipong hindi na aniya maatim na hawakan. Paano ba kasi ay wala siyang alam sa panggagamot. He has been very careful of himself para iwas sakit pero si Mia naman itong nagka-sakit at hindi siya.
“It does. I also think, she has tonsils kaya kailangan talaga ‘yun lalo pa’t hindi niya kayang lumunok dahil sa tonsil na meron siya. She looks tired and worn out, to make her have a proper rest… The IV is much better among the options.” Makahulogan na pagpapaliwanag ni Spade sa kaniya na agad niya namang naiintindihan.
“Okay, I got it. Just inform someone that I will be heading to the hospital to get the materials you need.” Agad na lumabas si Alexus sa silid na sinundan naman ng kapatid. “Bantayan mo muna siya para sa’kin. I’ll be back as fast as I could.”
Tumango ang kapatid at tinapik siya sa balikat. “Makakaasa ka, Kuya. Mag-ingat ka sa daan.”
---
Umalis na nga si Alexus ng bahay ala una ng madaling araw at halos paliparin na niya ang kotse para lang marating kaagad ang hospital. At dahil late na ay hindi ma-traffic at madali lang sa kaniya na mag-maneho.
“Are you, Mr. Monteiro, Sir?” tanong kaagad ng isang lalaki na nurse na nag-abang sa kaniya sa entrance at may bit-bit na tray na naglalaman ng materyales sa kinikilala niyang IV fluid. May kalakip ‘yung hose, needle at IV drop.
“Yes,” tipid niyang sagot.
“Ito na po ‘yung hinihingi ni Doctor Belmonte, Sir.” Iminuwestra nito sa kaniya ang tray na kinuha niya agad.
“Thanks.” At mabilis na bumalik sa kotse nag-maneho pabalik.
---
Mataman na tinititigan ni Spade ang tulog na asawa ng kaniyang Kuya, mukha naman itong mabait tiyaka nakaka-agaw pansin talaga dito ang mukha ng inosente. Sa tingin pa niya ay may lahi itong Espanyol dahil sa hubog ng mukha nito, pati na rin sa kutis na makinis at pino.
Naiisip niya, ganito pala ang tipo ng Kuya niya. Pero, nakakapag-taka lang dahil sa iba ang babae na dinala nito sa simbahan na papakasalan nito no’ng nakatakdang kasal nito. Hindi naman siya madaling makalimot dahil sa kilay pa lang at labi ng dalawang babae ay masasabi mo ng iba talaga sila.
Sino ka ba talaga? Hindi ka naman siguro coy ni Kuya, di’ba?
Kahit isa lang siyang simpleng doctor, kilala ni Spade ang mga kapatid niya. He might be a normy in terms of human principles but he always knew the dark sides of his siblings. Keihzza is a gangster, but now a mother with four children. Pero dahil sa nawawalang panganay ay patuloy pa rin itong nagta-trabaho para lang masagap ang anak na naiwala nito. While Czar Alexus is a Suprema Mafia of Mafia institute, though the least is Spencer. He’s just an asshole who loves to play the hearts of girls. Kung hindi man ito matatagpuan sa hospital ay nasa club naman. Ilang beses na nga niyang tinakpan ang shift at schedules nito na surgery dahil sa pambabae. Lintik na kapatid, sarap ipasok sa kanal!
BIGLANG bumukas ang pintuan sa silid at iniluwa no’n si Alexus na may dalang materyales na hinihingi ni Spade. Inayos ni Alexus si Mia at pinuwesto sa gitna ng kama upang ma-applyan ng IV ng maayos at hindi gano’n ka-layo sa pagsasabitan lalo pa’t hindi naman gano’n ka-haba ang hose.
When everything is settled, nagpaalam na ang kapatid na matulog which is pinagamit ni Alexus ang sarili niyang silid. Nag-stay siya sa silid ni Mia, at pinunasan ng bimpo ang mga kamay at binti nito. Pati mukha na may bakas pa ng luha at pawis. Ilang beses pa niya itong pinapakiramdaman nang kusa na siyang makaramdam ng pagod at umupo sa gilid ng kama nito. Hanggang sa hindi niya na rin inaasahan na makatulog.
KINABUKASAN ay ginising siya ng kapatid para mananghalian dahil paniguradong mamaya o bukas na magigising si Mia. Umabsent pa siya sa trabaho niya para lang mabantayan ito. Bumababa na rin ang lagnat nito at hindi na gano’n ka-taas, pero hindi pa rin siya umalis upang hintayin na magising ito. Napag-alaman niya rin na day-off ng kapatid kaya’t nanatili ito sa bahay niya para magpahinga ng dalawang araw.
Gaya ng sinabi ng kapatid niya ay nagising nga si Mia sa sumunod na araw. Totoo no’n ay ito pa ang gumising sa kaniya dahil mararahan na haplos nito sa buhok niya.
“Good morning, Mister.”