Chapter 8: Reconciliation

2929 Words
Marahil ay tama nga yata ang nanay niya sa pagkakataong ito. Ipinanganak talaga siya na may saksakan ng malas. Isipin mo kung gaano siya ka-malas para makilala ang lalake na kagaya ni Alexus. Ano ‘yun, maging mabait ito kahit kailan nito gusto? Maging clingy sa kaniya kahit kailan nito naisin? Tiyaka ngayon naman ay di-diktahan siya at gagawing sunod-sunoran nito kaya kahit gawaing bahay ay ipagka-kait nito sa kaniya? Bakit hindi nalang ito matuwa dahil makaka-tipid pa ito sa fees na babayaran nito sa mga katulong. ‘Yun na nga lang ang libangan niya sa bahay ay ipagka-kait pa nito. Napaka-selfish ng gago. Mas mabuti pa ngang umuwi! In the seventh day na pag-stay niya sa bahay ni Alexus ay wala talagang matino na pagsasama na nagaganap. Pakiramdam nga niya ay para siyang ginagawang clown nito para magka-tao naman ang boring at malaki nitong bahay. Tanghaling tapat, napaka-init pa ng panahon ay naglalakad si Mia sa kasagsagan na ka-maynilaan. Pagkababa pa niya sa bundok na daan ay agad na sumalubong sa kaniya ang ma-tao na daan. Marami siyang nakakasagupa, minsan pa ay may nakaka-bangga siya. Tiyaka hindi lang ‘yun, napansin pa niya na nag-iisa lang ang bahay ni Alexus sa bundok na ‘yun. Mabuti nalang at mataas ang stamina niya sa pag-takbo. Nang makaramdam ng pagod ay napagdesisyonan ni Mia na tumigil sa isang abandoned building, para lang sumilong. Uhaw na uhaw din siya, pero wala naman siyang pera. Makasilong lang siya ng isang oras ay mawawala din ang pagkaka-uhaw niya. --- “Boss, may bumaba na babae sa bahay ni Monteiro. Kukunin na ba natin?” tanong ng isang hindi kilala na tao habang nakatayo sa likuran ng nasasabi nitong Boss, na ngayon ay nakatingin sa susunod nilang bihag. “Call your team and seize her. Looks like we have a very beautiful pawn to leash that f*****g Monteiro.” Nakangising sambit ng misteryosong lalaki. Nakiki-anig sa dilim ng silid at tanging liwanag na tanglaw sa screen ng malapad na TV ang nagbibigay sa silid ng liwanag. “Masusunod, boss.” At pumayo na nga ito at nagtawag ng kasamahan na ba-byahe para sa bagong misyon ng lider. --- SA bahay ni Alexus ay nakatutok ang magkapatid sa harap ng laptop ni Alexus na hiniram ni Spade. It takes time pa dahil hindi personal na laptop ang hawak ni Spade at kinailangan pang mag-install ng kung anong device para malaya itong makapasok sa mga estasyon ng CCTV sa ka-Maynilaan. Tumayo si Alexus at kumuha ng in-can na beer para mapalamig ang ulong bumibigat sa problem ana dala ng asawa niya. No, hired wife actually. "I found her!” Padaskol na itinapon ni Alexus ang lata ng beer at nagmamadali na tinungo ang kinaroroonan ng kapatid. “Where is she right now?” Nag-aalala niyang tanong. “Nasa kalakip na metro road lang.” Nakatitig si Alexus sa nakaupo na babae at mukhang pagod na pagod. Sa hindi malaman na kadahilanan ay kumuyom ang mga kamao niya. Binunot niya ang cellphone at tinawagan si Jeff. “El Teresa street, you go fetch her.” Without blinking his eyes off of the screen, a black van parked nearby the said building and a few men rushed towards Mia. “She’s doomed, kuya. Sino ang mga lalaking ‘yan?” hindi ba’t ito naman ang gusto niyang mangyari? Ang madakip si Mia para mailayo kay Denise ang kapahamakan? He shouldn’t have asked his men to fetch her… Hindi niya nakita ang nangyari dahil sa natatabunan ng itim na van ang CCTV. Basta ang sunod nilang nakita ay ang pagtakbo ni Mia mula sa mga taong tumangka na kumuha roon. Na siyang ikina-gulat niya. Tamang-tama naman ang pagdating ni Jeff at pinasakay si Mia sa kotse. Fortunately, he breathed out in relief. Imbes na hindi naman dapat. “She escaped, paano niya nagawa ‘yun?” Nagtatakang tanong ni Spade na hindi niya rin alam kung papaano sasagutin dahil siya rin ay wala siyang alam. --- Namamahinga si Mia sa lumang building nang may biglang humarang sa sinag ng araw kaya’t napa-angat siya ng tingin sa mga ito at nakita na may maramig lalaki na tumakabo patungo sa kaniya. “Sumama ka sa’min, Miss. Kung ayaw mong masaktan.” Banta ng lalake na naunang lumapit sa kaniya at tangka sana siyang hawakan. She’s so sick of people na basta-basta nalang siyang hahawakan kaya’t mabilis niyang hinuli ang pala-pulsohan nito at patiwarik na ibinalibag ito. Malakas na sipa naman ang ibinigay niya sa sumunod na lalake na natamaan sa sikmura. Napaatras ito at saka niya nilingon ang isa at nakikipag-hand to hand combat siya bago ito tinuhod sa gall bladder at sinapak sa tagiliran ng tiyan nito. Bago pa man tumayo ang tatlong napatumba niya ay agad niyang sinugod ang dalawa at patalon na sinipa ang isa sa gilid ng ulo habang ang isa naman ay siniko niya sa bungo. After what she did ay mabilis siyang tumakbo at tamang-tama naman na nakita niya si Jeff at agad siyang pinapasok sa sasakyan. Hinihingal na humilig siya sa back seat. “Sino ba ang mga taong ‘yun, ha? Bakit nila ako gustong kunin?” Hanggang ngayon ay inaatake pa rin siya ng kaba. “Namamahinga lang ako tapos bigla nalang nila akong nilapitan. Sino ba sila, Jeff?” Pagod na pagod siya pero nagpapasalamat siya ng taimtim na nakatakas siya. Ramdam pa niya ang panginginig ng mga kamay at binti niya. “About that matter, Madam. I’m sorry, but I couldn’t tell you about it. I might as well suggest you na kay Master niyo tatanongin.” Pilit niyang ipinakalma ang sarili niya dahil sa takot na nadarama niya kani-kanina lang. Mabuti nalang at hindi siya nagdalawang isip na lumaban sa mga ‘yun. Pero anong kinalaman ni Alexus? Bakit sa kaniya dapat siya magtanong? Hindi kaya’t pinadala niya ang mga ‘yun para sundan siya at saktan? Pero kung, oo. Bakit niya naman ‘yun gagawin. Inihilig niya ang kaniyang ulo dahil kumikirot ‘yun sa sakit. Na-dehydrate lang naman siya dahil sa pagod at kakulangan ng pag-inom ng tubig. Pero imposible naman na si Alexus ang may gawa no’n nang dumating naman si Jeff at ni-rescue siya? Ao ba talaga ang nangyari. “Nandito na tayo, Madam.” Kahit anong pagpa-kalma ni Mia sa sarili niya ay hindi gano’n ‘yun ka-dali. Mabilis pa rin ang pagtibok ng puso niya at hindi ma-pirmi dala ng nangyari. Kung hindi siya nanlaban at nadukot ng mga ‘yun, ano naman kaya ang mangyari sa kaniya? Wal-walin ang kalooban at kukunin ang mga lamang loob niya para ibenta? Ipinilig niya ang ulo bago lumabas. Sumalubong naman sa kaniya ang asawa niya at ang kapatid nito. “Why did you run away, I was wor—” Hindi pinatapos ni Mia ang asawa niya sa pagsasalita nang magsalita siya habang naglalakad papasok ng bahay. “You’re not worried. Don’t even try to pry me with your solitude words because I will never believe it!” Grabe, iba pala talaga pag galit dahil lumalabas ang angking galing niya sa larangan ng english, hindi pa siya naging bisdak at mas tunog fluent pa siya. But erase, galit siya kaya panindigan niya ng maayos. Hindi biro ang nangyari sa kaniya kanina, kung hindi lang siya maalam sa labanan ay baka nahuli nan ga siya. “I-I’m startstruck, Kuya. Ang astig ng asawa mo kung galit ay napapa-english pa.” Biro ng kapatid sa kaniya pero he’s not really in the mood to take such jokes. Literal na nakakatakot ang asawa niya ngayon at hindi niya alam kung papaano magpaliwanag. Pero bakit nga ba siya namomoroblema sa magiging palusot niya kung pwede naman niya sabihin na hired wife niya lang ito at hindi siya basta asawa niya. Simply as that! But f**k! Why can’t he urge his mouth to speak those words! “You better answer her with a satisfying sentence, Kuya. Kung ayaw mong malaglag sa impyerno ang bahay mo, araw-araw.” Tinapik siya ng kapatid bago ito naunang pumasok sa bahay. Lumapit naman sa kaniya si Jeff. “Master, I can sense that the madam is not just a simple girl we know.” Wala sa sarili na napalingon siya dito habang dalawa nalang silang natira na nakatayo sa labas ng bahay. Alas tres pa lang ng hapon at hindi na gaano ka-init. Ang bahay niya ay gawa sa glass at iilang kahoy na pundasyon. At dahil nga eksklusibong bundok ay napapalibotan sila ng matatayog na kahoy. Dagdag pa ang napaka-laking fence niya sa bahay na halos takpan na ang kabuoan. “What do you mean?” Nagtataka niyang tanong rito. “Kanina habang sinundo ko siya, may limang armado na lalaki na lumapit sa kaniya pero madali niya lang ang mga ‘yun na napatumba.” “Maybe, she knows to defend herself from harm since I heard from the twin that she likes to watch action movies.” Pero umiling si Jeff sa kaniya na tila ba mayroon pa itong sinabi. “I don’t think na ‘yun lang ‘yun but I’m afraid that she’s actually the one.” Kaya nang matapos silang mag-usap ay tahimik lang siya. Nagpaalam na nga rin ang kapatid niya kani-kanina na uuwi na. At dahil galit ang asawa niya ay hindi niya ito natatanaw sa ibaba, malamang ay nasa kuwarto ito nito ngayon. Problemado siyang naupo sa sala. Why does things have to come fort at once? Hindi pa nga niya na-resolba ang away nila ay may nakakapagpagabag na naman sa kaniya. KINABUKASAN, nagising si Alexus dahil sa mabango na aroma. Hindi niya napansin na nakatulog na pala siya sa couch kagabi dahil sa kaka-isip. Napansin niya rin na maayos na siyang nakahiga at may kumot sa katawan. Hindi naman ganito ang porma niya kagabi… Ang mga mata niya ay awtomatikong dumako sa kusina at nakita ang asawa na tahimik na nagluluto. Nagkusot muna siya ng mata bago siya tumayo at naglakad papunta sa kinaroroonan nito. “Mag kape ka muna, hindi pa ako tapos sa niluluto ko.” Kalmado na din ito pero hindi pa rin ‘yung usual na nakikita niya. She looked pissed and fierce. Gusto niyang tanongin kung bakit ito nagluto, pero biglaan namang sumagi sa isipan niya ang naging dahilan ng pag-aaway nila. “Mia…” Tawag niya rito. “Sandali nalang ‘to, Alexus. Kung nagmamadali ka dahil sa gipit na ang oras ng pag-kain mo, maski na din ako. Galit ako sa’yo kaya dapat magpasalamat ka dahil hindi pa ako nawalan ng bait.” Kagabi, napag-isipan ni Mia na huwag nalang talagang lumabas kung ‘yun din naman ang dadatnan niya. Gusto niya ring tanongin si Alexus pero nang lumabas siya ng alas syete ay nakikita niya ito na mukhang wala sa sarili at marami ang iniisip. Hindi niya naman gustong pigain ang tao at marunong naman siyang umintindi kaya’t siya nalang ang nag-handle sa anxiety niya. In short, pareho silang dalawa na hindi nag-hapunan. “I’m sorry…” He mumbled when she went nearby the table and placed the soup she made. “Saan ka nagso-sorry?” Hindi lang naman isa ang problema nila kundi dalawa. Kaya tinanong niya ito kung saan siya nagso-sorry. Mukhang hindi rin naman kayang tumingin sa kaniya ng asawa niya sa kaniya dahil sa guilty ito. Wagas ba naman kasi siyang magalit. Pero hindi naman kasi tama ang nais nito. May buhay din siya at hindi din siya uod. “For everything…” Nangunot ang noo ni Mia. Senyales na gusto ng utak niya na magtanong, pero agad niyang pinigilan sa pamamagitan ng pagpapakawala ng isang malalim na pagbuntong-hininga. Hihintayin niya nalang na mag-explain ito, tiyaka malinaw pa naman sa memory space niya ang sinabi niya kahapon na kahit anong pagpapaliwanag nito ay hindi siya maniniwala. “Sa totoo lang ay galit lang naman ako sa gusto mo na huwag akong pag-trabahoin dito sa bahay. ‘Yun lang.” Imbes na mag-hain pa ng panibagong soup para sa sarili niya si Mia ay umupo siya sa katabing upoan ni Alexus. While Alexus sincerely looked into her eyes. “Kinukulong mo na nga dito, kukunin mo pa ang munting aliw ko dito sa bahay. Masaya naman kasi ako sa ginagawa ko, kagaya nitong paghahanda ng pagkain para sa’yo, ‘yung ipaghanda ang mga damit mo, at maglinis ng bahay…” Hinawakan ni Alexus ang mga kamay niya na medyo gumagaspang na sa gawaing bahay. “Hindi na kita kukulitin, basta hayaan mo lang ako, Alexus.” Makahulogan niyang sabi. Alexus did not answer but he kept on staring at her hand, at to distract him from staring it… Mia clasps their hands together. “Mister naman, hindi ba dapat na trabaho ko ang alagaan ka?” He’s still against her, nag-aalala pa rin talaga siya dito na baka kapag magkasakit ito ulit at wala siya… Hindi naman siya superhuman para makapag-teleport pauwi. Minsan ay nangingibang bansa siya at malalayo sa bahay. “I’m just worried, wife. You can’t blame me.” “Nagkataon lang naman na nagkasakit ako, hindi na ‘yun mauulit. Pangako.” Panunumpa ni Mia kay Alexus na nagdadalawang isip pa rin. “Are you sure?” Paninigurado nito. “I do. Mag-iingat ako.” Sigurado na sambit ni Mia at nag-taas pa ng kanan niyang kamay kay Alexus. Bumuntong-hininga si Alexus at masuyo na niyakap si Mia. Hindi niya alam pero pakiramdam niya lang na gusto niyang yakapin ito. “Fine. You win.” Just like what Spade thought, tiklop ang kuya niya sa hi-nire nitong asawa. Nakahinga rin ng maluwag si Alexus dahil hindi na nagtanong si Mia tungkol sa nangyari, at hindi na niya kailangan pang mag-isip ng palusot para dito. Hindi niya naman kasi basta isiwalat ang katauhan niya at baka matakot niya ito ng husto. Pagkatapos nilang magka-ayos ay masaya nilang pinag-saluhan ang niluto ni Mia na hapunan. They even washed the utensils being used together. Bago sila naupo sa sala at nagpahinga. Mia is resting her head in his chest while Alexus is hugging her from the side. “Pinanganak ka bang clingy?” Nagbibiro na tanong ni Mia kay Alexus habang nanonood sila ng movie. “Why did you say so?” Tamad na tanong ni Alexus at marahan na sinuklay ang buhok ng asawa. “Ang clingy mo kasi sa’kin. Eh, ilang araw pa lang naman tayong magkakilala.” Sabi ni Mia at ipinulupot ang kamay sa tiyan ni Alexus. Kung siya baduy, si Alexus naman ang tinaguriang clingy ng bayan. Swerte nga lang ito dahil hindi siya maarte at naiintindihan niya na gusto nitong kumunyapit sa kaniya. Kung hindi lang siguro ito mabait sa kaniya ay baka nasipa na niya ang puwet nito. Sa mabit portion ay ibig niyang sabihin ay ang pagpapatira nito sa kaniya, pagpapakain, at pagpayag nitong makaligo siya sa eleganteng swimming pool nito. Kahit papaano ay gusto niya rin ang yakap nito. “I don’t know, I just woke up one day that I want to become clingy to you. Not just that, I like your scent. It calms me whenever I’m tired.” Wala sa sariling napangiti si Mia at tinapik ang dibdib nito sa ka-choosy-han nito. “Ikaw, ha? Kailan ka natutong magpakilig?” Si Alexus naman na walang ideya sa sinabi niya. Pero… “Kinikilig ka?” Well, iisipin niya muna kung kinikilig ba siya. Jusmeyo, ‘yung nababasa niya yata sa novels ay nagkakatotoo dahil sa isang araw ay may kumidnap nalang sa kaniya na lalaki, pero napag-alaman niya na asawa niya daw ito tapos ang bait pero masungit naman. Napaka-clingy at napaka-caring pa. Papaano ba siya hindi kikiligin. “Bakit, hindi mo rin ba alam kung papaano magpapakilig?” Ang panget naman kung siya lang itong aamin, dapat hanapin niya rin ang kiliti nito nang sa gano’n ay dalawa silang kikiligin. Hindi ba’t gano’n naman talaga ang mag-asawa? Nag-isip si Alexus pero wala siyang maisip, kaya’t sasagot na sana siya ng hindi nang piningot ni Mia ang matangos niyang ilong habang tumatawa. “Aw, anong ginagawa mo?” She looked at him innocently, “Pinipingot ang ilong mo. Pwede naman hindi ba?” She then chuckled after. A ghost like smile appeared in his lips when his thick hair was being messed by his wife. “Does it make you happy if I let you pinch my nose, then?” Umahon si Mia mula sa pagkaka-hilig niya kay Alexus, at umikot sa likod nito. “Oo, naman. Akala mo ikaw lang pwede ang maging clingy sa’kin?” Pinagpunpon niya ang buhok ng kaniyang asawa para talian. Kinuha niya ang rubber band mula sa buhok at ginawang top knot ang makapal nitong buhok. “Huwag mo ‘tong pagupitan ha?” “Whatever you like to do with me, wife. I don’t mind, but don’t be sick.” Tumingala si Alexus kay Mia na ngumiti lang din dito pabalik. Just by looking at how happy Mia becomes, he also felt satisfied and motivated. It was unfortunate of him to be fond of her, na para bang sa oras ng pagtitig niya sa mga mata nito ay masasabi niyang huli siya pero hindi kulong. At hindi niya napansin sa kaniyang sarili na sa paglayun pa ng mga araw habang nasa paligid niya ang hired wife niya ay nasasanay na siya. Nalilito siya sa kaniyang sarili at hindi minsan maintindihan ang ginagawa niya pero kapag ganito kalapit sa kaniya si Mia ay nakakahanap siya ng matatawag niyang bahay. So that’s how their seventh day ended.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD