(September, 03, year xxxx)
MIA
Nauna akong sumakay sa kotse habang si Alexus naman ay isinilid pa ang mga bags namin sa car trunk. Hindi naman nagtagal ay umikot siya at pumasok sa driver's seat.
"May alam ka ng pwede natin mapag-hike-an?" Dito sa Paris ay tag-lamig na. Malapit na rin kasi ang pasko. Unlike sa Pinas, kahit bear months na ay mainit pa rin. Nanunog ng balat.
"We'll go to Luberon villages in the main city, France. We'll drive for two hours in order to reach the peck." Nalula ako sa habaan ng drive, kawawa naman itong mister ko kung tu-tulogan ko lang di'ba? "If you want to take a nap, just take a nap. I'll take care of the trip." Sinasabi ko na nga ba at sasabihin niya 'yan.
"Ayoko matulog. Ang unfair naman no'n kung dalawang oras kang magda-drive tapos ako sitting-pretty lang?" Lol, nakaka-pikon kaya ang wala kang ambag. Nakaka-umay din ang magdamagang magkulong sa bahay kung wala ka rin namang ginagawa. "Mag-usap nalang tayo para hindi ka ma-buro. How about that?" Kaka-sama ko dito kay Alexus, hindi na talaga ako magugulat kung magiging englisher din ako. Napaka-duga mag english eh. Good influencer talaga siya.
"Hmm... That'll be fine to me, much better than silence." Pag-sang ayon niya naman na ikinagising ng diwa ko. "What do you want us to talk?" Kapagkuwa'y nagtanong din siya agad. Naunahan pa akong itanong sa kaniya 'yun.
Pinagmamasdan ko siyang nagmamaneho. Isang kamay lang ang gamit niya habang nagmamaneho. Ang kaliwang siko niya kasi ay nakahilig do'n sa bintana. Take note, nakatagilid pa siya sa'kin pero guwapo pa rin. Ang astig pa nga niyang tingnan habang nagmamaneho.
Pero, marami talaga kaong kuryusidad tungkol sa kaniya. Ayus lang kaya magtanong sa kaniya about do'n? Pero baka ayaw niya?
'Papaano mo malalaman kung hindi mo susubokan?' sabi naman ni konsensya ko. Sabagay, may point siya.
Tumikhim ako saka binaling na pati katawan ko paharap sa kaniya. "Mag-kuwento ka naman tungkol sa buhay mo? Maliban sa asawa kita, at mabait na may pagka-supladong asawa, ay wala na akong alam pang iba." Pero lumipas nalang iilang segundo hanggang sa naging isang minuto, tanging mga busina ng mga sasakyan nalang ang naririnig ko.
Siguro ay hindi niya talaga gusto na mag-kuwento tungkol doon. Napapatango nalang ako saka bumalik sa pagkakaupo. Hindi na rin ako umimik, takot na baka ma-misinterpret niya ako. It's either, e-voice out ko na naiintindihan ko pero he will get the wrong idea naman.
Kasi di'ba, karamihan sa lahat ng tao pati na rin siguro ako ay madalas na sinasabing 'Ayos lang', 'Okay lang', 'Naiintindihan ko' kahit kabaliktaran naman talaga ang meaning no'n. People always tell those words in order to pretend and to not worry others, lalo na't sa pamilya at importanteng tao sa kanila.
More or less, silence means 'No', or 'Yes' it's unpredictable. Maybe, 'I don't want', or 'I don't want to', marami ring meaning so all that we could do is understand even if it's against our will.
Buntong-hininga ako saka ngumiti sa labas ng bintana, habang inaalala ang buhay ko noon. "I don't know if swerte nga ba ako, or something simula no'ng makilala kita." Panimula ko, kung hindi siya magku-kuwento, ako nalang. Mas mabuti pa 'yun. "Siguro ay napapansin mo naman sa ugali ko na parang kalye? Hahaha." Sino nga ba kasi ang mag-aakala na ang isang tao na walang pinag-aralan ay makilala ko si Alexus? Tahimik pa rin siya, "Laki ako sa hirap, sugarol ang Nanay ko, lasenggero naman ang Tatang ko. Mabilang lang siguro ang mga panahon na nakaka-kain kami ng tatlong beses sa isang araw. Madalas ay isa-dalawa lang dahil nga inuuna pa nila 'yung makakapagpa-saya sa kanila. Hindi ko naman sila binabawalan. Minsan nga lang ay naiinis ako, pero hindi naman 'yun enough para pagalitan ko sila. Even though nga gano'n lang ang buhay namin, may saya naman. Sa tuwing nagka-kalakal kami ng tatang ko at lasing siya, kahit ano-ano nalang 'yung nasasabi niya, kadalasan pa ay nakakatawa. Kahit mainit ang panahon ay nawawala 'yung init dahil sa aliw na minumungkahi niya." Natatawa pa ako habang inaalala 'yung mga panahon na kasama ko pa si tatang. 'Yung mga sinasabi ng iba na lame daw 'yung jokes niya na nakakapagpa-tawa sa'kin ng bongga ay siyang pinaka-nakakatawa na kuwento na narinig ko. Lalo na 'yung pedro at si juan na nagnakaw daw ng radyo sa isang metro mall imbes na sinugo ng tatay nila na bumili ng suka sa sari+sari store. Isama pa 'yung, nahahanap ng kahoy sa gubat si Juan pero nauwi sa isang adventure na may iilang materyales siyang nakuha para sa sumusunod na pagsubok sa bundok.
Hindu ko na namalayan na taimtim pala na tumutulo 'yung luha ko habang tumatawa, "Tas si Nanay, siya na nga yata 'yung tinaguriang ina na may maraming alam sa buhay na pinapangaral niya sa'kin, pero hindi naman ma-desiplina ang sarili mula sa pagsusugal. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ako ma-sermonan sa Isang araw dahil sa pakikipag-kaibigan ko sa mga tropa ko do'n sa baranggay." Pumasok naman sa imahenasyon ko 'yung nagagalit na mukha ni Nanay. Animo'y isang takuri na kumukulo at sasabog kapag hindi inihaon. Tapos sumunod naman 'yung mga tropa ko. Sayang hindi ako nakapag-paalam sa kanila bago man lang umalis. Hindi ko naman kasi aakalain na magtatagal pala ako kay Alexus. Itong si Nanay pa ay niloko pa ako. Sinabi pa na magandang trabaho, pero pag-aasawa naman pala ang ipinataw niya sa'kin. Napapanguso ako sabay singhot. "Naisip ko, ano ba ang masama sa pakikipag-kaibigan sa mga lalake? Mababait naman sila Romy, Dave, Toby, Jude at Lloyd." Saka para na namang baliw na umingos. "Sabi pa ng Nanay ko para lang mapaalis ako, marami kaming utang na bayaran, saklap, pati pa pala 'yun ay trabaho ko. Nakakainis talaga, wala man lang akong kaalam-alam sa dadatnan ko sa Maynila. Tapos dumating ka pa at kinidnap ako. Akala ko talaga ay isa kang may tama sa utak na kidnapper, dahil panay sabi mo sa'kin na asawa mo ko. Iyon pala ay ako ang walang kaalam-alam dahil naloko ng sarili niyang Nanay." Then tumawa na naman ulit. Hayy, hindi ko alam na nakakatawa pala 'yung kawalang-alam ko Isang buwan at tatlong araw ng nakakalilipas. Saka naman sumagi sa isip ko, "Siguro ay swerte ako noh? Iniwala mo ako sa buhay na puno ng hirap." Kahit bungangera 'yung Nanay ko, nami-miss ko pa rin naman 'yung panenermon niya. Swerte nga ako, pero hindi naman ako full-pack panatag o masaya.
Iba kasi ang buhay ko ngayon, malayong-malayo sa dati kong buhay, marami pang mga kababalaghan na pangyayari kung saan ka-muntikan na akong mapahamak. Wala naman ito no'ng nasa Cebu ako. Ayoko maghinala, pero hindi naman mapipigilan ang paghihinala. Pero pakiramdam ko ay dahil ito kay Alexus. No'ng unang salakay ng mga hindi kilalang tao ay naaalala kong nagtanong ako kay Jeff, ang sabi naman ni Jeff ay si Alexus lang ang makakasagot no'n. Then sa gabi ng araw na 'yun, gusto kong magtanong pero dahil nakikita ko si Alexus na mukhang problemado ay hindi na ako tumuloy.
Napagdesisyonan ko nalang na hintayin siya na siya mismo ang magbukas ng salawikain na 'yun.
This is why, kailangan kong pag-aralin ang sarili ko na protektahan rin ang sarili ko. Hindi ko alam ang mga susunod na mangyayari sa hinaharap, kaya't mas mainam na maging handa ako. Kung gusto kong maging malapit kay Alexus ay dapat ipakita ko sa lahat ng mga taong kuma-kalaban sa asawa ko na hindi rin ako basta-basta.
Hindi ba't gano'n rin naman ang iilan na nasa drama? Kung hindi alam ang kalaban, dapat ikaw ang huhuli o po-protekta sa sarili mo. Ghad, na-adik na nga yata ako sa drama. Pero kahit hindi sa drama, kahit sa totoong buhay ay same perspectives rin naman, if may gusto kang abutin, kumilos ka! Huwag tatanga-tanga. Bahala na kung nakaka-pagod basta makamit mo ang pangarap mo.
"I'm sorry, Mia..." Nabalik ako sa realidad nang marinig ko siyang magsalita, worst pa ay humihingi siya ng tawad. Bakit naman siya humihingi ng tawad? Yung boses pa niya ay tunog salarin kahit hindi ko naman siya sinisisi. "If it wasn't me, you wouldn't be sad..." Ako'y napakurap-kurap sa kaniyang sinabi.
Papaano niya nalaman na malungkot ako?
Lumingon siya sa banda ko at inabot ang pisngi ko. Gano'n nalang ang pagkaka-pitlag ko nang humaplos sa mukha ko ang hinalalaki niya at pinalis ang iilang butil ng luha na iniluha ko which was hindi ko pansin na tumakas. "I'm sorry, if I took your peaceful life without your permission..." Ilang segundo pa niya akong tinititigan bago ibinalik ang mga mata sa daan.
Bakit gano'n? Gusto ko lang naman mag-kuwento, pero bakit feeling ko ay nagui-guilty ako?
Inayos ko ang sarili ko, ano ba naman yan beh! Bakit ka nag-drama ng walang kamera? Hindi ba dapat ay isina-sideline mo ang kadramahan mo sa ABS-CBN o kaya sa GMA? baka sikat ka na rin at mayamanin! Tinuyo ko ang mukha ko saka humalakhak. "Hindi ko na tatanungin kung bakit ka nagso-sorry diyan, hindi ko rin 'yan tatanggapin, pero kapag handa ka ng magpaliwanag sa'kin... Tatanggapin ko. Maghihintay ako kung kailan mo gusto magsalita tungkol sa nangyayari. Pero isa lang din ang masasabi ko, susubokan kong magpakatatag para naman hindi ka mahirapan at mabigatan sa'kin." Pagbibiro ko pa. Pero hindi naman siya natawa. Okey! Ako lang ang natawa sa sarili kong sinabi.
Humalukipkip nalang si ako sa bintana. "Thank you for being understanding to me, wife. But I don't mind if you rely on me, it'll be my honor to do the work for you. I'll be at ease as well when you're with me, always." Sabi na nga ba't may sasabihin siya. Pero hindi ko naman alam na ito na naman 'yun. Pansin ko kasing parati siyang ganito, 'yung e-assure ka niyang pwede kang humilig sa kaniya at maging dependent sa kaniya. Napaka-gaan kaya sa pakiramdam na sinasabihan niya ako ng ganito, lalo pa't ginagawa rin naman niya. Siguro ay hindi sa lahat ng problema ay present siya, pero paglabas ko naman sa problema at nakakamatay na situwasyon ay nasa dulo naman siya at hinihintay ako. No wonder kung bakit ayoko pa talaga mamatay!
Hindi, biro lang!
Pero totoo, tawagin niyo na akong makasarili din kagaya ng ipinangalan niya sa sarili niya no'ng alukin ako sa hospital, truth to be told, gusto ko pa siyang makasama at maging masaya kasama siya hanggang sa mag-three months at matatapos na ang kontrata.
Nakakalungkot ano? Nagsinungaling pa ako sa kaniya, at pinaniwala siya na mag-stay ako. Pero hindi pa rin pala nagbabago ang isip ko. Marahil ay pinagbibigyan ko lang din ang sarili ko ngayon na kasama siya.
Malay natin, along the way magagawa niyang baguhin ang isip ko?
Hindi pa ako ready sa kalalabasan, pero sana ay hindi mabigat ang paghihiwalay namin...
"Papaano kung nasa panganib na naman ako, tapos wala ka? Hindi ka si batman na agad-agad dadating para sagipin ako, noh! Huwag ka ngang cheesy diyan, Mister. Tanga lang ang maniniwala diyan." Anggil ko kontra sa kaniyang sinabi. Pero ang maliliit na tawa niya lang ang natanggap kong kabayaran sa sinabi ko. Intimidanting sinulyapan ko siya, "Anong itinatawa-taws mo diyan? Totoo kaya!" Asik ko.
"It's because you're cheeky when you're annoyed." Sandali nga, anong cheeky? Baka 'yung trending sa t****k na chiki-chiki, clap-clap, cha-cha-cha! "Even if it means to chain you with me, I will." Ayy aba! Itatali daw ako?!
"Naku ter, hindi mo ako aso ah?! Asawa mo ako! A.S.A.W.A. gets? Ayoko magpatali sa'yo noh! Ano 'yun, dikit-dilit tayo palagi? Ay, mister ah! Hindi pwede 'yan." Papaano nalang kung maligo ako, o kaya magbihis at matulog? Hindi naman kami kambal tuko para gawing resonable ang pagkaka-dikit namin. Literal na kabaliwan na 'yung kaniya.
Nakita ko siyang nangiti-ngiti at kinagat-kagat pa 'yung likuran ng kaliwang palad niya habang nagmamaneho naman 'yun kanan. Tingnan niyo nga, pinagtatawanan ako. "It was not what I meant, I think you misunderstood me."
"Ha?" Ano naman ang na misunderstood ko?
"Forget it, don't make me laugh again." Wika niya na ikina-gulo ng braincells ko.
"Ano?"
"Nothing, wife. Just feed your mouth for now and you will be fine." Hindi nalang ako nagtanong at sinunod ang payo niya. Buti pa nga at kumain.
---
After two hours, nakarating din kami sa nasabing bundok na aakyatin namin. Una akong bumaba. Siya naman ay kinuha ang mga bag sa trunk. Mainit ang panahon, tirik na tirik ang araw, pero dahil sa malamig na hangin ay hindi naman nakakasunog ng balat.
Nga pala, same ulit kami ng attire, naka-jogger, naka-adidas na puti, naka-basketball cap na itim, t-shirt na puti, saka same rin ng sing-sing. Oh di'ba, couple talaga kami.
"Let's go, it'll be a long walk before get there." Aniya nang matapos ng kunin ang mga gamit at isinampay ang malaking backpack sa likuran niya. Inilahad rin niya ang kamay niya sa'kin.
Tinanggap ko ang kamay niya at pumasok na kami sa entrada ng dadaanan namin. Pansin ko naman na may daan papunta sa itaas, pero dahil hiking ang nais namin ay dito kami sa masukal dumaan. May nadaanan pa kaming staff na binigyan kami ng tubig at bracelet band para kapag naligaw ka ay matutonton ka kaagad. Then, mapa.
"Ilang milya ang lalakarin natin?" Tanong ko nang humahakbang na kami papunta sa gubat, tingin ko mahabang gubat, ang la-laki din ng mga kahoy. Then mula sa nilalakaran namin ay may trailway naman, tas signage na sinabing doon kami aakyat.
"10 miles." Tipid niyang sagot na ikinatango-tango ko. Napatingin naman ako sa bag na nasa likuran niya. Hinawakan ko 'yun at marahan na binuhat saglit, pinakiramdaman ang bigat no'n.
"Ang bigat naman nito, ako na kaya ang magdala niyan." Suhestiyon ko na ikinatigil niya. Strikto niya akong tiningnan. "Bakit?"
"Hindi pwede, ako na ang magdadala nito." Aniya at pina-pat ako sa o bago hinila pabalik sa paglalakad.
Umakyat kami sa trailway na mukhang hagdan na gawa sa bato, mahabang akyatan 'yun. Sa tingin ko, tapos ang sinasabing village ay hindi ko pa naman natatanaw. Obvious naman na nasa malayo pa kami.
Magkahawak-kamay kaming naglalakad, tahimik nga lang. Nang matapos sa hagdan ay may isang daan na naman na puro damo ang mga gilid, lakas pa ng hangin, pansin ko naman na humihigpit ang pagkakahawak niya. "You okay?"
Tumango ako, "Oo, ayus lang." After nami doon ay tumigil kami sa isang bangin. "Hala, walang daan?"
Tapos kinabig niya naman ako sa gilid, "That's the way." Aniya at itinuro ang giliran ng malaking bungtod na gawa sa bato at may iilang tali nagsisilbing hawakan ng mga dadaan.
Napalunok ako ng mariin, doon kami dadaan? Eh, maling hakbang ko lang ata diyan ay mahuhulog ako sa bangin. "Can you do it? Or you want us to go back?"
"H-Huwag na! Kakayanin ko." Nakikita ko rin 'to sa iilang survival adventure ang ganito eh.
"Are you sure? You know, we can still go back and go up there by car." Pagko-convince niya sa'kin. May daan palanh matuwid papunta doon. Pero ayus na rin 'tong ganitong adventure.
Hindi ako sumagot bagkus ay nauna akong nagtungo roon. Matapang yarns? Humawak ako sa lubid, pero unang hakbang ko pa lang ay para na akong hinigitan ng hininga lalo pa't nakikita ko ang haba at lalim ng bangin.
"You don't have to force it, Mia. Let me carry you, instead." Suhestiyon na naman niya, nasa likod ko siya ngayon.
No, kaya ko 'to.
Kahit nanginginig ang tuhod ko at parang luluhod na anytime. Ini-udyok ko pa rin ang sarili ko na ibigay ang best ko. Hindi ako tumingin sa baba, humilig ako sa mga bato at pagilid na naglalakad. Hindi ko na nilingon si Alexus dahil naka-pokus ako sa ginagawa ko. Until nakarating ako sa gitna, isang malalim na hininga ang ginawa ko, ramdam ko rin 'yung malalamig na pawis sa noo ko dahil sa tensyon. Ito ba naman ang nakukuha ko sa kaka-fangirling sa mga action at adventure movies. Iisipin ko nalang na exercise 'to sa katawan, pangpa-haba ng hininga.
Kapit na kapit ako sa mga tali, may naglalambitin kasi na mga tali na nagsisilbing alalay sa mga kamay mo para hindi ka ma-out balance. At kung sakaling matapigas ka ay may mahahawakan ka pa. Worst nga lang kung mauuwi ka sa paglalambitin, literal na nakakatakot talaga 'yun.
Napapahiyaw ako nang nagawa kong malampasan ang delikadong daan, napapahawak pa ako sa mga tuhod kong nanlalambot. "Uminom ka muna ng tubig." Saka ko lang ulit naalala si Alexus na kasama ko nang naglahad siya ng tubig sa'kin. Napatingin ako sa mukha niya, wala namang bakas na pawis or nerbyus, para nga lang wala sa kaniya ang dinaanan namin.
Tinanggap ko ang tubig at umupo muna sa lupa. Shempre malayo sa bangin. "Anong tawag sa daan na 'yun?"
"I don't know. But that was a certain shortcut to Sivergues." Saka niya itinuro 'yung tuktok sa ibabaw namin. Nalula ako nang makita ko ang bahay na gawa sa bato! Pero mukhang malayo-layo pa. Maliit kasi sa paningin ko. Luminga pa ako sa paligid, pero wala naman ng ibang daan, maliban kung aakyat ka thoroughly sa mga bato. May lubid naman na guide paitaas at mga stepping metal para sa apakan mo. Walang tao, maliban sa'min.
"Aakyatin natin 'yan?"
"Exactly."
Laglag ang panga ko sa kaniyang impormasyon. Kakatapos lang namin sa trail na 'yun, tapos maglalambitin kami diyan? "That was called Combes de vaumale, there are ropes and metal to help you get up safely. I'll be just behind you, in case of emergency."
Wala naman akong magawa, isa pa mukhang maganda naman at challenging. Mas challenging pa sa isa. Dito kasi puro bato, tapos aakyat, wrong step, hulog ka din pababa. Saklap pa no'n ay maaari kang magpa-ding-dong-ding sa kalagitnaan ng nagdadambuhalang bato.
"Uy, ano ang gagawin mo diyan sa tali mo?" Medyo natataranta pa ako nang pinasuot niya ako ng vest tapos may solid na tali pang kasama. Nasa likuran na ulit niya ang bag at may vest din siyang suot.
"Tinatali kita sa'kin." Napasinghap ako sa kaniyang sinabi. Namilog pa ang mga mata ko. Pero bago pa ako maka-angal, "Para kapag mahulog ang sino man sa ating dalawa ay may makakapitan pa tayo. Hindi ka aso, alam ko. You don't have to remind me."
Ginugol namin ang mga iilang oras para sa pag-akyat. Matirik, at madulas ang mga bato. Tapos may mga metal naman na aapakan mo. Tapos lubid bilang suporta mo. Hindi naman ako nag-aalala na mahulog kasi pinagbubutihan ko at maingat ako sa mga hakbang ko. Hanggang sa nakarating na kami sa tuktok at mills na lupa. Sa sakit ng binti ko ay napapa-upo ako agad. Inabot ko ang mga 'yun at marahang mina-masahe.
"Does it hurt?" Wika niya at umupo sa harapan ng mga binti ko. Saka mina-masahe 'yun.
"Hindi ka ba napagod, Alexus?" Kuryuso lang ako dahil mukha naman siyang relax na relax.
"Not really. I'm used to this kind of activity, so it's not new to me anymore." Prente niyang sagot, ako naman ay napapatango lang. Kaya naman pala. Kung ako siguro ang nagdala ng backpack na dala niya, baka kanina do'n sa trail ay nawalan na ako ng ulirat at gumulong na pababa sa bundok. Hindi rin maipagkakaila ang maskulado niyang pangangatawan, dahil batak naman yata siya sa ehersisyo.
"Oo, nanigas yata ang mga binti ko." Sagot ko at itinuko ang mga kamay sa magkabilang gilid ko. Hinayaan siyang pisilin ang mga pagod kong binti. Ang sarap talaga sa feeling na may magma-masahe ng mga binti kong pagod. Parang gusto ko na tuloy matulog.
"It's normal. First time mo pa naman, masasanay ka rin." Hapon na at sa tingin ko ay alas tres na. Pinahiram pa niya sa'kin 'yung bag na pinagawa niyang unan sa'kin. Inihiga ko ang sarili sa damo at tahimik na tinitingala ang matiwasay na kalawakan. "My life isn't perfect. May mga pangyayari na pilit kong ibinabaon pero panay pa rin ang balik." Naramdaman ko ang pagkakatigas ng katawan ko nang marinig siyang magsalita. Sinilip ko siya sa may binti ko. Ngumiti naman siya pagkatapos. Yung ngiti na may kasamang lungkot.
Ito 'yung isa sa hindi ko inaasahan na makikita. Ang makita siyang malungkot. At iba ang pakiramdam ko kung makita siyang ganito. Parang ayoko nalang tumingin at makinig.
"Huwag mo ng i-kwento kung hindi ka pa handang i-share sa'kin ang tungkol sa buhay mo. Maghihi--"
Umiling siya, saka tumingin sa malayo. "No, it's fine. I want to tell you about it now..."