Chapter 29: Moments (3)

3143 Words
{September 04, xxxx} As they reached the village, Mia and Alexus chose to stay overnight. They left early in the morning by car this time. "Papaano nakarating ang kotse mo doon? Iniwan naman natin 'yun sa baba kahapon, hindi ba?" Gulat pa rin si Mia nang makita niya ang kotse nito kanina sa mismong parking space ng village. "I asked the staff back there to bring the car up to the village, para hindi na tayo babalik sa dinadaanan natin. You're tired and you have to rest before indulging with the other activities." Makahulogan nitong sambit. Nagkibit-balikat naman si Mia sapagkat may point naman si Alexus, may patag na daan naman kasi, pero dahil adventure ang habol nila kahapon ay sa masukal sila na daan dumaan. Alas singko pa lang ng umaga ay nagba-byahe na sila. "Try natin ulit sa Pinas mag-hiking, parang maganda din do'n eh." Masayang-masaya niyang hiling. Naalala niya kahapon, matapos ng mahabaan na pag-adventure nila ay para siyang nanalo sa lotto dahil sa napaka-gaan na pakiramdam nang makahiga siya sa kama do'n sa village. It was her first achievement, hindi na rin siya makakapaghintay na makakapag-sky diving! Dahil nga weekday, iilang tao lang ang nakasagupa nila doon. "Sure, anytime you want." Mas lalo siyang napapangiti nang hindi naman kumontra sa kaniya si Alexus. Ang noon na hindi palangiti na Alexus ay madalas na siyang ngini-ngitian. Hindi na ito nagdadamot at mas nagiging big baby pa. Bakit? Tumabi lang naman ito sa kama niya kagabi, takot daw itong magkabangungot at siya naman ay malugod itong pinatira sa mga bisig niya. Isa pa sa mga favorite gestures niyang natatanggap kay Alexus ay 'yung binibigyan siya ng pat sa ulo. Kaya nga good girl siya. Alexus experienced a traumatic childhood, his parents were forced to divorce by someone unknown to him, while his mom was pregnant with his sisters. Pitong taon pa ito no'ng nagising nalang sa isang malaking container ng basura, na nilalayag ng malaking barko papunta sa hindi mapagkilanlan na bansa, nawala sa tamang pag-iisip at naging palaboy. Gutom at walang bahay na mauuwian. Ang sabi pa nito sa kaniya ay wala itong masyadong maalala, at kadalasan itong nagigising dahil sa isang bangungot, kung saan nakikita nito ang sarili na umiiyak habang nakikita ang sariling ama na inaabuso sa harapan nito. Hindi na nito alam ang kasunod no'n dahil putol-putol daw ang mga imahe sa panaginip nito. Matapos ng ilanh linggo na pagiging palaboy ay no'n niya naman nakilala ang foster parents nito na nagpalaki din dito. Ang tanging malinaw lang na alaala dito ay no'ng ten years old pa ito hanggang sa kasalukoyan. But below nine years old, his memories are vogue. Kilala naman daw nito ang magulang, pati na rin ang mga kapatid sa tunay nitong mga magulang. For a certain reason, only Spade knows him. While Spencer, and Keihzza doesn't know him who he really is in their lives. Lalo na si Keihzza na hindi pa talaga siya nakita. Ang ama naman nito ay walang alam sa naging existence niya. While his mom, was nowhere to be found, lastly, Keihzzara the twin of his sister had died at the age of five. Just like how things got worse for him to bear? Naaawa si Mia dito dahil sa musmos pa nitong edad ay nakaranas na ito ng mga nakakaayang pangyayari. Akala niya noon ay siya lang ang may masalimuot na nakaraan. Hindi niya bagkus inakala na may hihigit pa sa kaniya. He was left by his own family, they disappear as if they are a dust that was being blown by a stormy wind. He might look fine in front of her, but she doesn't believe it and gathered him in her arms. Telling him that it's enough, don't talk about it anymore because it'll hurt him more if he does. Hindi masisisi ni Mia kung bakit wala itong panahon para sa sarili, o palayain man lang ang sarili dahil hindi naman gano'n kadali ang naging karanasan nito. He grows up normally, eskwelahan at bahay ang halos inaatupag nito. Which made her feel proud and honored to have him as her husband. Ngayon ay napapa-isip siya, she made Alexus smile and happy again, pero papaano kung lilisanin niya ito? Will the smile and happiness she brought to him, remains? Ano nalang ang magiging lagay nito, kapag wala na siya sa tabi nito? Magiging maayod kaya ito? O kaya, magagalit? --- Bumalik sila sa Paris, malapit lang naman sa villa ng bahay nila 'yung headquarters ng skydive. First thing after their arrival, they are greeted by the staffs that will assist them to the air. There are some rules and reminders that was needed to be discussed bago sila nag proceed. Hindi naman matagal 'yun at ilang sandali lang ay nakasakay na sila ng jet. "Wrap and lock us together." Rinig niyang wika ni Alexus before the staffs do their jobs. Alexus put her behind him at ito na rin mismo ang nagpupulupot ng kaniyang mga braso sa brusko nitong katawan. "When you're scared, always remember that I'm here. Embrace me when you don't feel better, alright?" Mahigpit na niyakap ni Mia si Alexus sa likuran, ngiting-ngiti siya at idinuduyan-duyan pa ang kanilang mga sarili, "Nagmumukha akong maliit sa laki mo, Mister." Nakahilig so Mia sa malapad na likuran ni Alexus, habang 'yung staff ay siyang nag-adjust nalang sa kakulitan niya. "Hmm..." He hummed at her as he clasped their hands together. "To me, you're not small, just enough to give me comfort." He then planted a kiss to the back of her hand. Isang araw pa nga lang ang lumipas simula ng nag outdoor sila, nagiging mas malapit pa sila lalo. Walang oras na hindi sila nakakaramdam ng saya, 'yung tipong sila lang ang tao sa mundo nila at siyang-siya lang din ang nagkaka-intindihan. "Come on, wife. Hug me tight." Natatawa na sinunod ni Mia ang nais nito. "Ito, ayus na?" "Damn, can't I really kiss you?" May panggigigil nitong bulong sa kaniya na ikina-pula ng pisngi niya. "No, hindi muna. Saka na kapag natapos ang bucket lists ko." Si Alexus naman ay walang magawa kundi sundin ang nais ng asawa. --- "Are you guys, ready?" Tanong ng staff, yumakap pa lalo si Mia kay Alexus bago sinabing... "Yes!" Na sinundan ng matinis niyang paghiyaw sa dahil bigla na silanh tinulak nito. Ang marahas na hangin ay sunalubong sa kanila, halos mabinat na ang mukha ni Mia sa tindi. Pati boses niya ay nag-mistulang bulong sa hangin. "Woohoo! Yeah!" She screamed and let her arms spread like wings. "Ang sayaaaa!" She laughed after. Alexus does the same thing too, but he intertwined their hands and flap it together. "This is awesome!" Sambit ni Alexus sa kaniya na sinang-ayunan niya. "Oo, sobra. Masaya ako." Bulong niya sa tenga nito. Alexus pursed a smile. "You're not scared?" "Hindi, nandito ka kasama ko. So, bakit ako matatakot?" He told her that, always. Kahit anong oras o araw, sinasabi talaga nito ang katagang 'yun. Wala nga lang 'to doon sa hiking na nakakapagod. The skydiving helps her to erase her muscle pain and exhausted body. The air might be harsh but it splashes softly in her body, massaging her. "I'm glad and happy as well. Thank you for being with me, Mia." He sincerely said, "I think I'm in love with you now." The last sentence was like a whisper that wasn't told na nilipad ng hangin, kasabay ng pagbukas ng parachute na tumulong rin sa pag-tunaw ng salita ni Alexus. --- After nila sa skydiving ay kaagad rin silang umalis, safe naman ang landing nila at satisfied. Hindi nagulat si Mia kung sumakay sila sa isang yate, exactly the same yacht na sinakyan nila noon. This time magpupunta sila sa Saint Marguerite island para sa sea outdoor activities. She's standing by the yacht's upper deck railing, while Alexus was busy. Napaka-ganda ng dagat, tumitingkad ang kulay asul nito, lalo pa't kumikislap ito dahil sa tirik na tirik na dagat. Nanatili lang siya doon at nakamasid sa nadadaanan nila. Kapansin-pansin din ang mga bundok sa malayo, ang mga establishemento at iilang barko na dumadaan. Abala ang pansin niya sa paligid nang may isang braso na umahas sa bewang niya, tiningala niya ito at agad na nginitian. Though, the timing that Alexus raised his phone took a very good shot of them, staring at each other lovingly. Then his hand swiped to take a video shot as he leaned his nose down to hers and squeezed them together. She chuckled as well as him. Then, bago pa mapansin ni Mia ang cellphone niya ay itinago niya kaagad ito sa bulsa na parang wala lang nangyari at nagtanong. "Are you not bored here?" Tiyaka niyakap ang maliit ba bewang nito at inilapat ang chin sa maliit na balikat ni Mia. "Hindi naman, nabusog nga ako sa mga tanawin dito." Sagot ni Mia bago inilabas ang sariling cellphone. "Hindi maganda ang kuha ng cellphone ko, pero swabe na rin para makapag-keep ng memories. Selfie tayo, para naman may picture tayong dalawa." Sayang nga lang at hindi niya naisip kaagad ang ganito. Masyado ba naman kasi siyang na hype sa hiking kahapon. Dapat sana ay may picture sila sa bundok at villa na pinuntahan nila. Pero hindi bale nalang, babawi nalang siya. Hindi naman umangal si Alexus at mas maigi pa siya nitong niyakap. Magka-dikit ang kanilang mga pisngi nang makita nila ang sarili sa camera bago ito nag shot. Sabay nila itong tiningnan, "Ang guwapo mo naman masyado." Wika niya, animo'y dismayado dahil walang panama ang ganda niya sa ka-guwapohan nito. Alexus swayed themselves for a rhythmic dance, habang nakayakap siya sa likuran nito. Nakisabay naman si Mia. "Silly, wife. Ikaw lang ang maganda sa paningin ko." Tiyaka niya iniikot ang asawa paharap at hinawakan ang kanan nitong kamay habang ang isang kamay ay nasa bewang nito. "Wala ng iba." Agad na pinamulahan ng pisngi si Mia, pati yata singit niya ay namula sa pagpapakilig nito. Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi para pigilin ang ngiti na gustong umalpas sa kaniyang labi. "You're blushing. Did I make your heart thump again?" Alexus were not conscious with his words anymore, nagiging talkative na rin yata siya sa asawa niya. He admit, naging magaan ang loob niya matapos niyang buksan ang nakaraan niya na parte ng buhay niya sa asawa. Para bang naibsan ang mga alalahanin niya at naging mas kampante pa dito. "Abuso ka na, Alexus. Parati mo nalang akong pinapapa-kilig." Anggil ni Mia pero hindi naman siya gano'n ka-kitid para gawin 'yung issue upang mag walk-out. O.A lang kasi ang gano'n. "Pa-minoran mo naman ang habas ng dila mo, parang sasabog 'tong pusp kong napaka-ingay." Hindi na napigilan ni Alexus na mapatawa dahil sa katapatan ng asawa niya. Pakiramdam nga niya ay bata ang kaharap niya dahil sa hindi ito nahihiyang umamin. His laughter was like a music to her ear, that it made her happy as well. She looked at him with pure smile as he laughed. Seeing the progress of Alexus makes her want to venture more of him. Pero hindi naman siya gano'n ka-greedy para hingin lahat ng information dito. At least di'ba, sa mga trip nila ay unti-unti niya rin itong nakilala even without asking him. "Wife, ipagluto mo ako, please?" Bulong nito sa kaniya, mukhang nagutom yata kakatawa. So, ayon nga. Ipinagluto ni Mia si Alexus ng kaldereta. Nag-saing din siya, after niyang magluto sa ulam ay siyang pagkakaluto din ng kanin sa rice cooker. Kompleto ang amenities sa yate ni Race, may mga kuwarto din, kusina, banyo, lounge, at sala. Parang bahay lang. Sabay silang kumakain, at habang kumakain... "So, you learned cooking from that karenderya too? What was the name of the owner, again?" Kanina pa ito naku-kuryuso sa pagiging magaling niya sa kusina. He just claimed na fan ito sa mga luto niya. He even complimented not just the dish she cooks, but also the extraordinary skills she had. "Kay manang Karen. Si Milo 'yung kusinero niya, siya nagtuturo sa'kin. Ang galing kasi no'n magluto, kaya't naeengganyo ako. Ang dami ko ngang natutunan sa kaniya. Tiyaka, siya rin 'yung patunay na ang mga lalake ay hindi puro hitsura lang, at marunong din magluto." Kapagkuwa'y napatigil sa pag-nguya si Alexus. Nagtaka naman siya, "Bakit?" He grimaced and looked at her with a menacing look. Mukha itong na badtrip. "Lalaki ba ang Milo na 'yun?" Bakit naman bigla nagkaka-interesante si Alexus do'n? "Oo, kusinero nga di'ba?" Sa kompirmasyon ni Mia ay siya namang pag-sibat ni Alexus sa dining. Nangunot ang noo niya na sinundan ito ng tingin. "Mister, saan ka pupunta oi? Hindi mo pa nauubos ang pagkain mo!" Pahabol niya rito. Pero wala naman siyang nakuhang sagot. Anong meron sa kusinero? Ano naman kung lalake? Pero may nag notification bell ata sa ulo niya na nakakapagpa-tawa sa kaniya, Nagseselos ba siya? Hahaha! Talaga? Si, Mang Milo na may tatlo ng anak na asawa ni Manang Karen? Sige pa rin siya sa pag-tawa, hanggang sa sumakit ang tiyan niya kaka-tawa. Sino ba naman ang hindi matatawa? Grabe naman kasing mag selos ang asawa niya. Makaligpit na nga lang siya. Matapos niyang magligpit ay hinanap niya ito at nakita ito sa kuwarto, nakaupo sa kabilang dako, nakatalikod sa kaniya. "Sabihin mo nga sa'kin, Alexus. Nagseselos ka ba?" Pang-uusisa niya dito, habang nakatayo sa hamba ng pintuan. "Tsk. Why would I be jealous? The way you praise him, it's like you're not in front of your husband." Oo nga't hindi nga ito nagselos. Sabi nga nito. Pigil niya ang matawa. "Kung hindi ka nagseselos, ano ang tawag sa ginawa mo?" She caught him off guard. Ano nga ba ang ginagawa ni Alexus? Bakit siya nag walk out? Tiyaka bakit siya naiinis na naiirita at mukha oang galit? Umaangat ang kilay ni Alexus at kumikibo-kibo, papa-salamat nalang siya na hindi siya nakaharap sa asawa na nasa hamba ng pintuan pa rin nakatayo. "I just want to. I'm not hungry anymore." Napaka-kyut at kuripot pala ni Alexus kapag nagse-selos. Hindi naman siya gano'n ka-bobo para hindi malaman ang inakto nito. Hindi niya nalang din pipilitin baka manuklaw na talaga. "Okay, sabi mo 'yan ah. Sa kuwarto ko lang ako. Paki-gising nalang ako kapag nakarating na tayo." Aniya, saka pumanhik na sa kabilang kuwarto upang magpahinga. --- Pagkawala ni Mia ay tinawagan ni Alexus si Jeff at inutosan na alamin nito ang tungkol sa lalaking si Milo na kusinero ni Manang Karen doon sa Cebu. "Seryoso ka, Alexus? Off-duty ko ngayon, tiyaka kaka-uwi lang namin no'ng nakaraang araw dito sa Pinas." Reklamo nito na hindi naman gumana kay Alexus. "I'll cut your salary off, or you will work the favor I asked you to do?" Sa kabilang linya ay naiinis na ginulo ni Jeff ang buhok saka umahon sa kama. "Oo na, King! Aalamin ko na! Ang hirap mo pala talagang mag, buti hindi ka iniwan ni Mia diyan. Tsk!" Sabay end call sa tawag ni Alexus. Si Alexus naman ay napatameme nang pinatayan siya ng kaibigan mula sa kabila. Nagseselos? Sino? Me? Hindi siya makapaniwala na napahalakhak. That will not going to happen! Ilang oras pa ang lumipas ay nakarating na sila sa sa nasabing isla. Alas sais na ng gabi, nang ginising ni Alexus si Mia. Gaya no'ng una ay excited itong bumaba sa yate, nauna pa nga ito at sumunod nalang si Alexus sa pagbaba habang dala ang kanilang mga gamit. May sumalubong naman na staff at nag-offer ng tulong kaya ibinigay ni Alexus ang mga gamit na dala sa mga ito at malalaki ang hakbang na hinabol si Mia. "We're not going there, just yet." Moody pa rin si Alexus kaya't napapailing nalang si Mia at sumunod dito. No'n lang niya napagtanto na sa shooting range area sila ng resort na pupunta. Later on, she found herself being assisted by Alexus. "This is for your ears, wear it." Binigay nito sa kaniya ang ear protective device na walang alinlangan na sinuot niya. Alam niya namab kung para saan 'yun, upang hindi masaktan ang tenga niya sa tunog ng putok. "Use this shades also." Tahimik niya lang 'yung kinuha at isinuot. Saka pagkatapos no'n ay tinuruan siya sa pag di-assemble ng baril at pag-assemble. Sinubokan niya 'yun at luckily natutunan niya naman agad. Pumwesto na siya sa isang cubicle at katabi ng cubicle niya ay naroon naman si Alexus. Nagsisimula na itong bumaril. Ikinasa na niya nag pistol niya at maigi na tiningnan kung tama ba ang line of sight niya sa gitna saka maka-ilang sandali na lumipas ay ipinutok na niya 'yun. First try: arc three Second try: arc four Third try: arc six Sensuwal na pinasadahan niya ng dila ang kaniyang labi saka sumubok ng sumubok, pero hindi niya pa rin magawang matamaan ang gitna no'n. Ang layo ng mga tama niya at nagsisimula na siyang mainis. Magpapaputok ulit dapat siya nang may pumatong na mga kamay sa mga kamay niya, saka iyon seryoso na itinutok sa target, walang pasubiling na ipinutok 'yun. Napakurap-kurap siya nang matamaan ang gusto niyang patamaan, saka napatingin kay Alexus na nasa likuran niya. "Paano mo nagagawa 'yun?" Mangha niyang tanong. Nagmumukha itong maldito s***h strikto at mukhang wala sa mood makikipag-usap sa kaniya. Pero... "You don't have to hold the gun and stare the target for long. When you saw it and has the proper timing, don't hesitate and shoot it. Lastly, your hands held the gun so tight. Calm your grip and find the proper timing to shoot." With that he went back to the bench. Si Mia naman ay walang plano na sumunod dito. Hindi niya tatantanan ang ginagawa kapag hindi niya na perfect. Several shots are failure, umulit siya ng umulit. Ilanh beses ng nauubos ang bala niya at nagre-reload ng siyang-siya lang. Kahit si Alexus na nakamasid sa kaniya ay walang plano na manggulo at ino-obserbahan lang siya. Hanggang sa magawa na ngang matamaan ni Mia ang target niya malawak ang naging ngiti niya, saka walang pag-aalinlangan na sinubokan ang moving statues. Isa-isa niya 'yung pinatamaan, hanggang sa naging one hand nalang ang gamit niya sa baril at naging komportable na magpaputok. Four hours later, Alexus decided to approach her and took her earphones off her ear, including the gun and the goggles. Si Alexus na rin ang naghubad ng gloves ni Mia na mukhang ayaw pang magpa-awat. "That was enough, you're good at it already. We must go back and rest for tomorrow's activities." Malagong nitong sabi at inilagay ang mga equipment na ginamit sa lamesa. --- Sa pag-alis nilang dalawa ni Alexus ay saka lang lumitaw ang isang tao at napapangiti sa galak. This person has been tailing them since the day that Mia was born. "Too good to know that the Princess learned quickly." Sino kaya ito? Bakit nito sinusundan si Mia? Anong pakay nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD