Chapter 27: Moments (1)

3958 Words
When Alexus noticed her shuddering shoulders, he didn't hesitate to approach her. Gather her in his arms as she lets her cry. "Shh... It's fine now, wife. You're safe, you made it back, okay?" He said in a daring voice. Mia wasn't cautious at that time and let herself hug him tightly, she didn't talk and let herself cry about her worries. Kahit siguro sinong tao ay matu-trauma kapag nasa kalagayan niya noon. Ang panginginig ng katawan niya ay hindi maampat as he tried his best to console her. "That will not happen again, you have me, I will protect you." Kahit nga si Alexus ay hindi mapigilan na makaramdam ng galit sa tuwing naaalala niya kung paano niloko ng babaeng si Irish ang asawa niya at talagang malakas din talaga ang loob nito na gamitin ang pangalan niya para madala ang asawa niya. Irish Collins might be in jail right now, but Zamora isn't. He's still under interrogation, but Alexus won't just sit back and watch him loiter around outside bars. He'll make sure that Zamora will get the proper sentence of his improper act. Though, he might be able to cage his woman and Alexus never thought of abusing her. She had proper meals and wasn't starving to death, unlike his wife who suffered a lot. He pulled her out from the hug and swept her tears away for her. Still, she looked cute with swollen eyes and a swollen nose from crying. His chest tightened at the sight, he never wished to see her cry but now that she does, he felt like he had to counter every person who made her cry and punish them with his own hands, strangling their neck until their breath left them. "Salamat, Mister ah?" She pouted and eventually pursed a smile to assure him that she's fine now. She held his jaw that was tightening since earlier. "Hindi ko alam kung ano ang mangyari sa'kin kung wala akong makapitan, sa kabila ng mga nangyari ay nariyan ka at ipinaramdam sa'kin na hindi ako nag-iisa." She caressed his jaw, lightly and looked up to his eyes that turned genuine when their eyes met. "Hindi ka naman siguro magagalit kung magiging dependent ako sa'yo minsan, di'ba?" If Alexus didn't drag her into his life, she wouldn't be facing such circumstances and that he blamed himself that he took her to his messed up world. Pero kung hindi niya naman 'yun ginawa ay hindi rin siya mabibigyan ng pagkakataon na makilala si Mia. He was selfish, right? Dinarag niya ito para sa taong inakala niyang tapat, pero ngayon na wala na si Denise na minsan ay naging dahilan niya para rentahan si Mia, ay nakikita niya rin ang sarili na may kailangan dito at 'yun ay para sa pan-sariling interes. He felt comfortable with her, like a home that gives him unconditional comfort. Yes, it is not okay to love Mia because she's just after work. But he couldn't help himself from liking her and asked for more from her. He wants her, he wants her to stay with him for as long as he lives. He doesn't want her gone, either being hurt by anyone. Subalit, sabi nga nila, hindi mo kontrolado ang mundo. Troubles will come forth at once, hindi ka naman si four arms or something para mapagsabay mo ang pag-resolba ng bagay-bagay. Kahit nga ang superhero na may kakaibang kakayahan at kapangyarihan ay hindi kayang iligtas ang lahat ng tao na nasa panganib. "I won't mind if you will depend your life on me, I will give everything on my accord in order to secure you." Ito ang isa sa mga nakapagpa-bihag ng good side ni Mia. Whenever she ask him anything ay sinusunod nito iyon. Iilan lang yata ang hindi masusunod. Though, Mia also thought that she should do something to protect herself. Hindi pa man niya kilala ang tunay na Alexus at ang tunay na pinagmulan ng mga pangyayari ay kinailangan niya ring kumilos. Na-realize niyang hindi sa lahat ng panahon ay makakasama niya ito. May mga gawain rin ito na dapat atupagin. --- They stayed at the open space sala that Alexus prepared for her. Also, they had their dinner together. "Anong pangalan ng recipe na 'to?" Tanong ni Mia habang nginunguya ang malambot at masarap na steak. "That is a Japanese grilled hibachi steak." Anito tiyaka siya binigyan ng hiniwa nitong steak. Tinuro pa nito ang isang recipe na may kanin sa isang mangkok. "And that is madras Beef curry with vegetables. I noticed that you like meat, so I asked Villegas to cook you a recipe that relates with meat. Moreover, it'll help you regenerate your strength." Pinagtuonan naman ng pansin ni Mia ang itinuro nito, nang-ningning ang mga mata niya roon at walang paalam na kumandos siya roon at tinikman 'yun. Halos mapapikit siya sa sarap. "Hmm... Chef ba 'yung si Axel?" Ang sarap kasi ng mga luto nito. May isa pang putahe na nakakapagpa-takam sa kaniya. Chicken cordon! Kinamay niya lang 'yung kinuha at agad na ipinasok sa bibig niya. Mahabaging langit, ang sarap talaga ng pagkaing 'to! Tahimik niyang komento. "He finished culinary, so I guessed he is." May airport si Villegas at hindi ito nagtatayo ng restaurant. Nagluluto lang talaga 'yun kapag na-boringan sa buhay niya at ikinain nalang ang pagka-buro. Nakaramdam ng pagka-uhaw si Mia, kaya kinuha niya ang wine glass at ininom ang juice. Ngunit, napangiwi siya agad nang malasahan ang mapait na lasa no'n. "Ano 'to? Bakit ang panget ng lasa?" He smirk an amusing smile, "That is wine." Nasira ang mukha ni Mia nang malaman na wine pala ang nainom niya at hindi juice. Mukha naman kasing juice na strawberry, nabudol tuloy siya. "Ayoko niyan, wala bang tubig?" Hindi kasi siya alcohol drinker kaya't gano'n nalang ang reaksyon niya. "I'll get you water." Saka ito tumayo at malalaki ang hakbang na pumasok sa bahay. Pero nag-salubong agad ang kilay ni Alexus nang mahuli ang mga kaibigan na sumisilip sa hamba ng pintuan. "We didn't see anything." "Yeah, we didn't." "Tara idiots, magsitulog na tayo." Agad nitong palusot kahit na halata namang nahuli na sumisilip. Nagsisitalikod ang mga ito at nagsipasok sa dalawang silid na pinahiram sa kanila ni Alexus. Alexus on the other hand just shook her head before heading himself to the kitchen. He came back with a lone glass of pitcher and a single glass for water. "Salamat!" She giggled before drinking the water. AFTER eating, they spent their time watching the video clips. He's hugging her from the side while she was leaning on his chest. "Papaano ka nakakuha ng mga litrato? Ang dami nila tiyaka hindi ka naman kasama no'ng outing namin ng mga kaibigan mo." Ang usapan ay walang yakapan o skinship na magaganap, pero hindi nila pansin na nagkakalapit na naman sila. Sinusunod na naman ang gusto ng puso bago panindigan sa kasunduan. Marahan na hinihimas ni Alexus ang braso ni Mia habang ang baba ay nakapahinga sa tuktok ng ulo nito. "I was there." Wika nito na ikinagulat ni Mia. "Nando'n ka? Bakit hindi kita nakita?" Well, that time ay naiirita si Alexus s***h dismayado dahil sa mga sinasabi ni Mia noon sa kaibigan niya, dahilan rin kung bakit siya nag-lasing no'ng gabing 'yun. "Hindi ba't ayaw mo naman akong makita? Tiyaka, mukhang galit ka rin no'n eh!" Pinu-pause at replay ni Alexus ang isang clip kung saan makikita siya sa hindi kalayuan na nakapamulsa habang matiim na nakatingin kay Mia na tuwang-tuwa. "Look, I was there. Not so far and just right behind you." Tiningnan naman ni Mia ang banda na tinuro nito, at namilog ang kaniyang mga mata na makita nga niya si Alexus doon. "Hala, tama ka nga. Naroon ka oh! Bakit ka nasa malayo?" Nakalimutan ni Mia na hindi pala sila okay ng araw na 'yun, so... "I might be very mad and disappointed at you, but for some reasons, I can't stand my words and always follow you, wherever and whenever you go." Tinampal niya ito sa dibdib. Hindi naman kasi siya manhid, kaya nga kinilig eh. Kulang nalang maggimme-gimme sa sobrang pagka-turn on sa simple nitong sinabi. "What did I do?" Marahil ay nagtaka ito kung bakit niya ito tinampal. "Wife, what did I do to you to spang me?" Now, he looked like a kid who wants explanation after getting bullied. She frowned at him, after that, she reached for his nose and pinched it. "Hindi lang 'tong sorpresa mo ang nakakapagpa-touch sa'kin, tapos 'yang dila mo naman, kay hilig magbitiw ng mga matatamis na salita. Papatayin mo ba ako sa kilig?" Hindi ba nito napapansin na ang rupok ng puso niya, tapos kino-corner pa nito at mas lalo pang binabaliw. Baka kung nagka-taon ay lalabas na ito sa ribcage niya. Dahil sa sinabi ni Mia ay wala sa sariling napapangiti si Alexus, unlike the other guys, he's not fond of sweet words but hearing such complimentary phase from his wife made him the best man among men. It was the slightest effort that makes him glad and happy. "I-I didn't mean it, sinasabi ko lang ang gusto kong sasabihin." Mukhang hindi naman ito nagsinungaling kaya niyakap nalang ni Mia ang asawa, "Para kasing hindi totoo--" Alexus sighed, "Totoo 'yun, swear." And by the way he swear, it felt like he offered his life to her. Inamoy-amoy ni Mia ang natura nitong bango saka pumikit, "Bakit ang bango mo?" Si Alexus naman ay napapa-amoy sa sarili, which is mabaho para sa kaniya. "Hindi pa ako naligo, I smell gross." Anong klase ng ilong ang meron ang asawa niya at sinabihan pa talaga siyang mabango. Umiling si Mia, "Mabango ka nga..." She mumbled before getting up from the embrace. Naalala niyang may dapat siyang ipakita. "Where are you going?" Tumayo din si Alexus at sinundan siya sa loob ng bahay. Pero hindi pa naman niya kabisado ang bahay kaya't nilingon niya ito. "Nasaan na ang mga gamit natin?" "In the master's bedroom." Saka patakbo na umakyat si Mia sa ikalawang palapag. Hindi naman kataasan ang hagdan at simple lang na gawa sa kahoy. May tatlong pintuan, kaya hindi niya alam kung saan. Si Alexus na ang nauna at nagbukas, sumunod naman siya. Malaki ang kuwarto, pati na rin 'yung kama ay malaki. Malawak din ang glass door na naghihiwalay sa maliit na teresa. Puti ang kurtina na tumatabing sa naturang glass door. May isang pasilyo pa na papunta sa banyo at sa wardrobe. Hinanap niya 'yung bag, at nang makita sa gilid ng kama ay agad niyang kinuha ang papel doon. "Chadaann!" Ipinakita niya kay Alexus ang listahan na gusto niyang gawin. Nasa harap siya ni Alexus, habang hawak ang one-half length twice sa magkabilang dulo, samantalang tiningnan at binasa ni Alexus ang mga gusto niyang gawin. "Are these the bucket list of activities that you want to do?" Masugid na tumango si Mia, halos lahat ng nakalista roon ay pawang aktibidad na delikado. Kasama na roon ang sky diving, race track, horse ride, skating etc. "You sure? This isn't simple as you think, do you know that?" He looked worried but she's not scared though. Nag-ngising aso lang siya dito, "Kasama naman kita, bakit naman ako matatakot?" Well, she thinks that it will help her lessen her fear. Besides, he wants to cope up with survival activities, nakalista pa nga roon ang shooting with the use of real gun. "Okay, let's do that then." --- The next day, nag shopping muna sila sa Hausman Galeries La Fayette para sa mga damit nila at ibang gagamitin. They went to a certain store or boutique, unlike before na puro demand si Alexus ngayon ay siya ang humihila dito at pumipili ng damit na bagay dito. At dahil isa lang naman siyang simpleng babae, she just took mostly jeans and shirts then some under amenities such as underwear and bra. "What do you think of this summer hat, wife?" Nilingon niya si Alexus na may hawak na summer hat na usually pina-paresan ng summer dress sa mga drama. May black ribbon ito sa likod. Nilapitan niya ito para masubokan ang sombrero. "Try mo sa'kin, if ba-bagay ba." "Well, you looked charming." He said and did not dare to get it back, dahil bagay nga iyon sa kaniya. --- Sumunod ay nagpunta si Mia sa hilera ng sapatos, umagaw sa pansin niya ang magka-pares at magka-pareho na sapatos. "Alexus, maganda ba?" Nasa hilera ng shorts si Alexus nang tawagin siya ni Mia. Nagtaas siya ng tingin dito at nakitang may hawak ito na sapatos. "Gusto ko nito, gusto mo rin ba? Tugma oh!" Lumapit si Alexus dito at hinawakan sa kamay si Mia pagkatapos ay pinaupo niya ito sa bench. "Let me help you to try it on." He offered and she didn't bother to decline. She just let him take her flat slipper off her feet and replaced it with the shoes of her choice. Perhaps, the sight of him kneeling in front of her was just like a dream fairy tale, which a million of women had dreamed to try with the man they like. She's lucky that she had experience it with Alexus. Lastly, her eyes sparkle for him. Kahit nakayuko ay guwapo pa rin. How could a man like Alexus possesses a demi-god beauty? Dinaig pa nito ang artista eh, tapos ang katawan pang model pa sa magazine. Kita niyo 'yung model ng brief sa Avon, MSE, o kaya model sa mga tuxedo at ibang clothing brands? Siyang-siya talaga ang katawan, matipuno at matigas pa! Sarao hiligan at gawing unan, mainit-init pa nga. Ang sapatos ay kulay itim na adidas na may trim line near and right over the ankle. Its look was simple but simply dashing and lovely. Bagay rin naman sa panlasa niya na hindi maka-pepay sa fashion. Hilig niya 'yung simple lang. Nahihiya nga siya nag dress kapag walang shorts sa ilalim, o kaya mag sando nang walang tube na panakip sa cleavage ng dibdib. "Not bad, wife. It suits you." Anito, habang nakatitig sa paa niyang naka-sapatos. Hinuli niya ang mga braso nito kapagkuwa'y pinatayo saka ito pina-upo sa kinauupoan niya kanina. "Maganda, teka upo ka. Ako na rin ang magsusuot ng paa mo sa sapatos." Like what he does to her, 'yun din ang ginawa niya. Not only did Alexus brought one pair, but five pairs! Magka-pareho sila at iba-iba naman ang mga disenyo. May puti, may pang jogging pa, etc. After no'n bumili din sila ng magkapareho na shirt mula sa Celine na kulay puti na kanila ring isinuot, then hat from Dior na kulay navy blue. 'Yung pants ni Alexus ay ripped jeans sa may tuhod, sa kaniya naman ay gano'n rin. Same kulay din dark blue. Hindi lang sa isa o dalawang damit ang binili ni Alexus kundi marami at halos lahat ng design ay pinu-purchase nito. Nagpunta pa naman sila sa accessories store ng Cartier, binilhan siya ng simpleng tiny chain na kwentas ni Alexus, pero bago 'yun... "This ring looked appealing, what do you think, wife?" Nagtitingin pa si Mia sa ibang accessories nang marinig niyang nagsalita si Alexus sa tabi niya. Sumilip siya sa sinabi nito, it's a pair of silverwand gold ring which suits for couple who wants to get wed. "That is leve wedding band with a lone diamond beneath and in the middle face of the ring. It modifies simplicity, Sir. It would definitely fit to you and your wife who likes simplicity." Pahayag ng sales lady sa kanila. Natipuhan naman ni Mia kaya nga lang, baka mahal. Lumapit siya kay Alexus, "Maganda sila, pero mukhang mahal." Tiyala bumulong bago sumulyap sa babae at nginitian ito. Ngumiti naman ito pa-balik. "How much is this?" Kapagkuwa'y tinanong ni Alexus ang presyo. Pero... "It cost $3,880 Sir." Pagkarinig ni Alexus sa presyo ay inilabas niya ang black card niya, ibibigay niya sana sa babae nang pinigilan siya ni Mia. "Mahal nga 'yan, Alexus." Giit ni Mia na may nangangasim na mukha. Nalula nga siya sa mahal eh. "Tiyaka, three-hundred thousand 'yan, sa tingin mo bumibili ka lang ng candy sa sari-sari store?" Nginitian lang siya ni Alexus at pina-pat sa ulo. "Silly, these are nothing of it is for you. Huwag ka mag-alala, hindi pa tayo mamumulubi." Umingos nalang si Mia at hinayaan si Alexus na bilhin ang singsing. Kapag isinangla niya ang singsing baka ma-bankrupt ang pawnshop sa mahal. Nakakahiya pero dahil si Alexus na ang nag-offer, hinayaan niya nalang ito. Baka mag-talo pa sila sa kalagitnaan ng matao na mall at ma-issue pa sila. Take note, hindi na siya 'yung baduy na babae na kino-kotya ng mga tao, sa totoo lang ay napapatingin pa ang mga tao sa kaniya, lalo na 'yung mga lalake na kahit may kasama ng nobya ay nahuhumaling pa sa ganda niya. Shempre, hindi naman siya others, kaya free-kaway ang free smile ala-colgate sa mga ito. May iilan pa na nag-wink sa kaniya. Kinakabig na nga lang siya ni Alexus para tigilan siya ng mga ito mula sa kaka-titig sa kaniya. Natatawa nalang siya. At habang naghihintay ay naglulumikot naman ang mga mata ni Alexus hanggang sa tumapat ang mga mata sa isang chain tiny necklace. "I would like to buy this one too. How much?" Muli ay namilog ang kaniyang mga mata sa sinabi nito. Langya naman 'tong asawa niya, grabe maka-shop! Baka sisingilin siya nito kapag nagka-taon na tata-kasan niya ito. Charring lang, aalagaan niya ang mga ibinigay nito sa kaniya. Pero sobra na kasi, "Alexus naman, alam kong mabait at understanding kang asawa, pero sobra na 'to." Mahina pa siyang nagpapadyak habang ruma-rason. "Baka sisingilin mo pa ako sa mga binili mo sa'kin ah, wala akong pambayad." Maktol niya kasabay ng pagkibit-balikat. Alexus unexpectedly gathered her in his arms, "Ingatan mo nalang para hindi kita sisingilin." Napabuntong hininga nalang siya sabay yakap dito pabalik, nagduyan-duyan pa sila, without knowing na naka-tingin na pala sa kanila ang lahat ng tao na nasa store. "They looked lovely." "Ah, I hope I could find someone like that man. He's so caring with his wife." "Me too." Wika ng iilan habang nabubusog ang mga mata na tumitingin sa kanila. Kinuha ni Alexus ang singsing at isinuot kay Mia ang para kay Mia saka hinalikan ang daliri nito na may singsing. Si Mia naman ay ang nagsuot ng singsing na para kay Alexus. Same as Alexus, she kissed his ring finger. They both let out a chuckle after. "Wala akong maiibibigay sa'yo katumbas ng mga binigay mo sa'kin, pero ipinapangako kong iingatan 'to, para sa'yo." She swear as he clasped the necklace from behind. Wala 'yung pendant dahil hindi niya naman gustong may pendant. Same kay Alexus na kuwentas ay wala ring pendant. Though, pansin niyang matagal na 'yung kay Alexus. Naroon na kasi 'yun simula no'ng unang kita niya dito. After nila sa accessories ay napagdesisyonan nilang kumain sa isang gourmet restaurant na nasa loob lang din ng mall. Like the usual, they talk about the upcoming activities pero totoo niyan ay si Mia 'yung talkative at attentive naman si Alexus sa mga sinasabi niya. Even the people inside the resto was mesmerized at how adorable she is when talking. Dini-demo niya kasi ang iilan, tapos 'yung tawa niya ay tunay at hindi pilit. "May arcade ba dito?" Natapos na silang kumain at kasalukoyang nag window shop. "Yeah, wanna play?" Alexus was fond with arcade way back in highschool, may iilang events pa na nag-skip siya ng klase para maka-puslit lang sa mall at mag-lagi sa arcade. Dahilan rin kung bakit nagagalit ang Mommy niya sa kaniya. But at the end of the day, hindi naman siya nito matiis at pinatawad kaagad. "Sige! Basketball tayo!" They went to arcade, when they arrived nadatnan nilang may maraming tao na naglalaro. Nauna pa si Mia na pumasok at hinatak si Alexus papunta sa token shop. "Patagisan tayo ng scores!" Suhestiyon ni Mia nang makarating sila sa shooting corner. "Will there be consequences?" Seryosong saad ni Alexus saka matiim na tiningnan ang asawa. Well, panget naman kung walang consequences. Thus... "Kapag natalo ako, pwede kang humingi ng favor sa'kin na kahit ano. Tapos kapag ako ang natalo, I will do the same as well. Ano sa tingin mo?" Magaling naman siya sa basketball kaya hindi siya na-worry. 'Yun nga lang ay baka mas magaling pa si Alexus sa kaniya. In terms of height, hindi maikakaila na matangkad ito sa kaniya. "Game!" Sooner, the game has began. Magkalapit ang scores nila at mainit ang labanan. Pareho silang walang sablay at pasok lahat ng pag-tapon nila ng bola sa ring. May iilan pa na napapatingin sa kanila dahil sa ka-seryosohan nilang maglaro. Then at a last drop second, the ball fall throughout the ring. Hinihingal sila pareho at naliligo sa pawis. Unang tumingin si Alexus sa score board at napangiti kaagad nang makita na lamang siya kay Mia ng tres. Nanunukso niya itong sinulyapan, "Who won the duel?" Nang lumingon ito sa kaniya ay kaagad niyang pina-seryoso ang mukha. "Ikaw ang panalo. Sa bahay mo nalang sabihin. Okay?" Naasar siya ng kaunti, pero dahil talo siya, she has to accept that he won. "Instead of tonight, can't it be ask whenever I want?" Sa isip ni Mia ay baka marahil wala pa itong naisip kaya umu-oo na rin siya. After ng duel nila, naglaro pa sila ng iba pang laro. Like racing car, baril-barilan sa mga zombie, fishing at kahit karaoke ay pinatulan nila. Kaya nga nang matapos nila ang buong araw sa mall, ay gabi na silang naka-uwi, nakatulog pa nga si Mia sa biyahe at humihilik pa, senyales na napagod ito ng husto. He carried her up to their bedroom and tucked her in bed, before leaving the room and occupy the next room. Hindi pa naman gano'n ka-abusado si Alexus kaya kino-konsidera niya muna ang mga kondisyones ng asawa niya. --- Kinabukasan, maagang nagising si Mia at nagluto sa kusina. Hindi naman siya nagulat na wala si Alexus sa tabi niya nang magising siya dahil nakita niya naman ito sa kabilang kuwarto at natutulog pa. Well, it was one of her condition after all. She's glad that he was being obedient towards it. Nagluto lang naman siya ng sinigang na isda, at dahil bumalik hindi na nila kasama ang mga kaibigan ni Alexus ay sila lang ang tao sa bahay. Sayang nga at hindi niya na naipag-luto ang mga ito. Siguro ay pag-uwi nalang din nila ng Pinas. Speaking of Pinas. Na-miss na niya ang bayang sinilangan. Saktong pagka-gising ni Alexus ay tapos na siyang mag-hain. "You wake up early?" Umupo siya sa kaharap na upoan kay Alexus. "Habit ko na ang magising ng maaga, lalo pa't maagang natulog. Kamusta naman nag tulog mo?" He took his spoon and scoop a spoonful of soup, he blows it 'til it lessen the heat before slurping it. "It felt lonely, but I understand. I'll just woo you for a couple of days to sleep beside you again." para bang natural lang sa asawa niya ang magsalita ng gano'n. Pero siya ay hindi nasasanay ay pinamulahan pa rin ng pisngi. Grabe na, tinaguriang marupok na talaga siya. "Okay, sabi mo eh." Ang totoo no'n is ina-atake si Alexus ng bangungot mula sa nakaraan. He usually experience that when he's alone in bed. It was a part of his life that caused pain and trauma of his childhood. It was a long story but he's fine now, hindi nga lang siya nito nagawang tantanan. "What will be our first activity?" Kakalabas lang ni Mia sa master's bedroom nang tanongin siya ni Alexus na nakahilig sa gilid ng pintuan, kagaya niya ay nakabihis na rin ito, bagong paligo din. "Hiking!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD