Chapter 3: Worn out

2070 Words
MIA Lumabas ako sa sa fitting room na may suot na silver fitting dress, sando type ito pero halos ipakita naman ang laman ko. “Uy, hindi ko ‘to gusto.” Diretsyahan kong sambit sa kaniya na kaka-lingon lang sa’kin. Kanina kasi busy siya sa cellphone niya. “Umalis na tayo dito, hindi ko type ang mga damit dito. Magsasayang ka lang ng pera mo dito.” Giit ko habang tinatakpan ang na-exposed kong balat sa may dibdib ko. Tiningnan niya ako na tila ba kinikilatis ang damit na suot ko at hindi ako. Nagka-salubong ang kilay ko sa kaniya. “Looks good on you, but I prefer na may shawl kang suot.” Aniya at agad na nilingon ang babae na nag-assist sa’kin. “Go, get her a feather shawl.” “Yes, Mr. Monteiro.” Napamaang ako nang baliwalain niya ang hinaing ko. Nilapitan ko siya at niyugyog ang balikat niya. Kahit papaano ay matangkad naman siya kahit naka-upo lang at hindi ko na kailangan na yumuko. “Naririnig mo ba ang sinasabi ko? Hindi ko gusto ang ganitong uri ng damit!” Reklamo ko, pero ang mga mata niya ay sa iba nakatingin. Wala sa sarili na sinundan ko ang mga mata niya at agad na napa-singhap nang nakatingin siya sa dibdib ko. “Bastos!” Umatras ako at tinakpan ang dibdib ko. Lanya, bakit ba kasi ito ang ipina-suot niya sa’kin. Nakita ko ang pag-arko ng kilay niya sa’kin. “You’re the one who served the scenery to me, wife.” Prente niyang sagot at pinag-krus ang matitipuno niyang hita. Uminit ang mukha ko sa sinabi niya at nangangatal ang bibig ko na sagotin siya pero walang salita na lumalabas. “Aish! Nakakainis!” Nag-martsa ako pabalik sa fitting room, pero bago ako maka-pasok ay hinarangan ako ng babae, dala ang shawl na hiningi keme no’ng kidnapper ko. “Mrs. Monteiro, Mr. Monteiro asked you to wear this and showcase the outfit to him after.” Gusto ko magpa-padyak sa inis, dahil hindi lang ang kidnapper na ‘yun ang makulit kundi ito ring babae. “Pakisabi, ayoko at magbibihis na ako! Gusto ko ng umalis!” Asik ko at papasok na din sana nang… “I can hear you, Mrs. Monteiro.” Pumaibabaw ang kaniyang ma-awtoridad niyang boses, s***h baritone at malalim. Para bang pinaumukha niya sa’kin na wala akong kawala. Pina-ikot ko nalang ang mga mata ko at labag sa kalooban na hayaan ang babae na isuot sa’kin ang shawl. “Looks good on you.” Sabi niya habang may multong ngiti sa kaniyang labi. “I’ll buy this pair.” Tiyaka siya may kinuha na card sa wallet niya at ibinigay ‘yun sa babae. “I will be back for a few moments, Mr. Monteiro.” At nagpaalam na rin ang babae. Napatingin siya sa kaniyang relo tiyaka nag-angat ng tingin sa’kin. “We still have remaining two hours.” Sabi niya habang tinitingnan na naman ako. Umingos lang ako at tumalikod sa kaniya. Buang talaga ang lalaking ‘to may saltik sa utak. Ngayon kailangan ko pang ginawin sa paa dahil naka-tsinelas lang ako. “Let’s go.” Ilang sandali pa ay niyaya na naman niya akong umalis. Kinaladkad pa ako palabas at sa kasunod naman na boutique kami pumasok. Kagaya ng ginawa niya sa naunang boutique ay pinalabas niya ang lahat ng tao. “Sumusobra ka na!” Anggil ko na hindi niya pinansin at ipinaubaya ako sa babae. “Good evening, Mr. Monteiro. What can I do for you?” Pormal na tanong ng babae. Well, maganda siyang babae kahit na naka-corporate ng suot. “Find her a better foot wear that is suitable for her.” Maka-utos ba naman sa babae ay akala mo maid niya. Tapos ang babae naman ay yumukod sa kaniya na para bang naiintindihan ang gusto niyang nangyari. “As you wished, Mr. Monteiro. Let’s go this way…” Paanyaya ng babae at aalis na din sana kami nang… “She’s my wife, treat her better.” Ayy aba’t?! Nagtitimpi lang talaga ako sa kaniya, dahil sa mga pinanggagawa niya. “Let’s go, Mrs. Monteiro.” Ano ba talaga siyang nilalang? Tao ba siya? Bakit kung tratuhin siya ng mga taong ‘to ay daig pang hari? Tapos ako na ipinakilala niyang asawa ay bigla ring nag-iba ang hangin. Ano ba kasi ang pinanggagawa niya sa’kin? Hindi naman ako mannequin or barbie doll na pwede niyang pabihisan ng kung ano-ano lang! “Your feet, Mrs. Monteiro.” No’ng una ay nalilito ako, pero nang hindi ako kumilos ay ang babae na mismo ang umabot sa paa ko at sinuotan ng sandals na may ekis-ekis na strap. “All done!” Anito at nilingon ang lalaki. “What do you think, Mr. Monteiro?” Tiyaka naman ako napatingin sa kaniya na sinusuri ako bago ang paa ko. Malimit na umiwas ako ng tingin. “Great. I’ll take it.” Kagaya ng ginawa namin sa first at ikalawang store ay ‘yun din ang pinanggagawa niya sa’kin. Utos dito at utos doon. Pumasok pa kami sa isang salon. “Ayusan niyo ang asawa ko.” At ipinamumukha sa lahat na asawa niya ako. Parang gusto ko na nga lang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan na dulot ng pagpapakilala niya sa’kin. Tapos ang mga babae at bakla sa salon ay nakaka-ilang ang mga titig nila. “Ang ganda naman po ng asawa niyo, Sir Monteiro. Kailan ba kayo ikinasal?” Natutuwang tanong ng babae. Naku, hindi kami ikinasal. Kinidnap niya ako at ginagawa niyang asawa ng labag sa kalooban ko. Kapag makatakas talaga ako dito ay lalanguyin ko ang pagitan ng Cebu at Manila. Ayoko ng bumalik rito. Mga baliw sila. “The day before yesterday. Ayusan niyo na siya, may pupuntahan pa kami.” At ‘yun nan ga tinorture ako ng mga tao dito sa parlor. Hindi lang isa ang nag-ayus sa’kin kundi lima! Dalawa sa buhok ko, isa sa mukha ko, at tig-iisa sap aa at kamay ko. “Aray!” Napa-igik ako nang may kung anong sakit na naramdaman ako sa paa ko. “Ang sakit, ano ba ‘yun?” Dumilat ako agad at narinig na umungol ang beke na umayos ng mukha ko. “Mrs. Monteiro, your make up has been ruined. Huwag kang dumilat.” Sabi ng bakla sa masuyong paraan. Madilim na binalingan ko ng tingin ang lalaki na nagkibit-balikat lang nang nagtagpo ang paningin namin bago bumalik sa kaniyang binabasa. “Hindi na ‘to makatarungan, Mister!” Asik ko sa kaniya. “Hindi ko ‘to gusto ang mga pinanggagawa mo sa’kin! Iuwi mo na ako!” Para akong bat ana pumapalahaw ng mga hinaing sa ama niyang ayaw makinig. “Hindi naman kita sinabihan na gastusan ako! Iuwi mo nalang ako sa’min, ayoko nito! Anggulo at ang sagabal!” hindi kasi ako sanay na may humahawak sa’kin at parang nangangati ang mukha ko sa mga brush brush. Hindi ko alam ang ginagawa nila. “Bear with it, wife. Hindi ka makakasama sa’kin kung magsuot ka ng baduy.” Napasinghap ako sa kaniyang sinabi. Ano daw?! Tumayo ako pero agad na pinagtutulongan ng mga alipores ng parlor na paupo-in ako. “Sandali lang ito, Mrs. Monteiro. Basta sumunod ka nalang sa instructions namin at hindi magpapakatigas ng ulo.” Sabi naman ng isa sa mga nag-assist sa’kin. “Maganda ka naman po, kahit walang make up. Pero mas mabuti talaga na aayusan kayo para hindi maaagaw ang asawa niyo ng kahit sinong kirida.” Suhestiyon pa ng isa sabay hawak sa magkabilaan kong balikat. “Agree ako sa’yo beshywaps. Ang dami pa namang linta sa labas. Sige ka, Ginang Monteiro. Maaagaw ‘yang asawa mo kung hindi mo aalagaan ng mabuti ang sarili mo.” Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa kanilang mga sinabi. Pero ka-muntikan ng mapatalon sa aking kinauupoan nang tumili ang beke. “Oh my G! Bakit ka humawak sa mukha mo, Ginang?!” Nakatakip ang dalawang kamay niya sa bibig niya, ngumiwi ako at naiilang na ngumisi. “B-Bakit? A-Ano bang ginawa ko?” Naiilang kong tanong lalo na’t nakikita ko silang lahat na may pare-parehong emosyon sa mukha. Hindi sila nagsalita kaya lumingon ako kay Mister. Nahuli ko itong tahimik na tumatawa na ikina-salubong ng mukha ko. “Ano ba kasing ginawa ko?” Sa kaniya ko ‘yun tinanong pero tinuro niya lang ang salamin. Wala sa sariling napalingon ako sa salamin at halos lumuwa na ang kaluluwa ko nang makitang nagkalat ang makeup sa mukha ko. “Ahhh! Burahin niyo!” Malay ko ba kasi na mini-makeup-an pala nila ako. Tapos napasinghap pa ako nang makakita ako ng gunting mula sa isang babae, malapit ‘yun sa buhok ko kaya’t na-alerto akong tumayo. “Anong ginawa niyo sa buhok ko?!” Hindi ko maiwasan ang mapasigaw dahil sa mga buhok na nakikita ko sa sahig. “Anong… Ahh! Hindi!” Inabot ko ang buhok ko na nagupitan at nagpapadyak na umalis para pulotin ang mga buhok kong pinutol nila. “It’s just hair, wife.” Bigla ay narinig ko siyang nagsalita. Samantalang ako ay naiiyak na dahil sa haba ng naputol. Ang simple lang niyang sabihin na buhok lang ‘yun pero napakalaking deal ng buhok ko. Inaalagaan ko ‘to ng maayos tapos gaganitohin niya?! Pinulot ko ang mga buhok ko at walang pag-aalinlangan na tinapon sa mukha niya. “What the f**k?!” hindi ko na siya pinansin at tumakbo palabas ng salon. Sino ba siya para diktahan ako sa mga bagay na ayaw ko? Bakit ba niya ito ginagawa sa’kin? Inaalagaan ko ang buhok ko ng maayos at hindi na ‘yun muling pinutolan simula no’ng namatay si Tatang. Hindi ‘yun pwede dahil si Tatang lang ang maaaring pumutol sa buhok ko. Bakit ba nila pinutol nang hindi sinasabi sa’kin? Umiiyak ako habang tumatakbo papunta sa kung saan na hindi ko alam. Naka-paa lang din ako at giniginaw na dahil sa tindi ng lamig dito sa mall. Ang sakit ng ginawa nila, hindi pa sila nakuntento na sinaktan nila ang paa at kamay ko dahil lang sa letcheng pedicure na ‘yun! Tapos ang buhok ko… Humikbi ako ng humikbi hanggang sa may humuli sa braso ko. “Huwag mo kong hawakan!” singhal ko at nagpumiglas sa pagkakahawak niya sa’kin. “What do you think you’re doing? Bakit ka ba tumakbo, huh?” Nilingon ko siya at tinulak sa dibdib niya. “What did I do to anger you? That was just makeover!” Paano niya nasasabi na isa lang ‘yung makeover? Tapos siya pa itong galit sa’kin ngayon? Ano bang alam niya? “Are you crying?” Lalapit sana siya sa’kin nang lumayo ako. “Tell me, bakit ka umiiyak?” Nawala na ‘yung galit niya sa mukha at napalitan ng pag-aalala. “Darn it! Sabihin mo sa’kin para maintindihan kita.” Nauubosan niya ng pasensya na sambit. Napaiyak pa ako ng husto dahil sa inakto niya. “P-Pinutol niyo ‘yung buhok ko! Alam mo bang isang taon ko ‘yung inaalagaan?! Hindi ko naman sinabi at hindi rin kayo nagpaalam na puputolin niyo!” Makahulogan kong sambit. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao. “Jusko, buhok lang ‘yun Mia!” Anggil niya at humakbang papalapit sa’kin na agad naman akong umatras at tatakbo sana nang mahuli niya ako sa bewang at niyakap mula sa likuran. “Hindi ko alam na magagalit ka tungkol doon. I’m sorry.” Pabulong niyang sambit habang nasa aking leeg nakadantay ang kaniyang ulo. “Tell me, what should I do to make you feel at ease. I will do it.” Pinalis ko ang luha sa aking mukha nang gumaralgal naman ang tiyan ko sa gutom. “G-Gusto ko kumain.” “Iyon lang?” Nagtataka niyang tanong. Nilingon ko siya at paharap na yumakap sa kaniya para itago ang mukha kong nagmumukha ng clown. Marahil ay tungkol doon kung bakit ako pinagtitinginan. “Gusto ko magbihis, tapos umuwi na. Ayoko na dito.” Matigas kong sambit ngunit pabulong. Naramdaman ko ang pag-hinga niya ng malalim at pag-haplos sa buhok ko na hanggang siko ko nalang ang haba. Naamoy ko rin ang mabango niyang pabango tapos ang katawan niya ay parang teddy bear kung yayakapin dahil feeling ko komportable ako. Ang weird nga eh. “Alright, let’s do that.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD