MIA
Huminto ang sinasakyan namin sa harap ng isang dambuhalang mall! Umawang ang labi ko dahil pati kulay ng ilaw ng gusali ay ginto! Namamangha na nilingon ko 'yung lalake na kasama ko na kumidnap sa'kin kanina.
"Ano ang lugar na 'to?" Nagtataka ko rin siyang tiningnan dahil sa hindi ko alam kung nasaan kami. Maganda ang lugar at maraming tao na nagsisi-pasok at nagsisi-labasan.
"We're here in the Mall." Matipid niyang sagot. Namilog ang mga mata ko sa sobrang excitement.
"Pero bakit tayo nandito?" Tanong ko na imbes sagotin niya ay tinalikuran ako. Ang suplado naman no'n. Deadmahin ba naman ako. Humalukipkip nalang ako sa upoan ko dito sa magara niyang kotse. Ilang sandali lang ay bumukas ang pintuan sa aking gilid.
"Let's go." Pang-aaya niya samantalang ako ay napamaang. Nang hindi ako kumilos agad ay kinuha niya ang kamay ko at hinatak palabas sa kotse. "Don't tell me, this is also your first time in the mall?" Kalmado ngunit nang-uuyam niyang tanong.
Abala ang mga mata ko sa pagtiti-tingin. Pansin ko rin na mga sosyal ang kasuotan ng mga taong nagsisi-punta sa mall. Wala sa sariling napatingin ako sa akinh suot. Hindi ko rin maiwasan na makaramdam ng hiya. Umiling nalang ako para hindi na pansinin ang sarili kong may baduy na suot. "I guess I shouldn't have asked you about that. You're too obvious."
Pumasok kami sa malaking entrance na gawa sa glass! At dahil bear months na ay marami akong nakikita na christmas decorations. Sa pagpasok pa lang namin ay nanginig ako agad sa lamig. "Ang lamig naman dito." reklamo ko at marahan na hinahaplos ang isa kong braso.
"It's natural. That can't be a question anymore." Nag-taas ako ng tingin sa kaniya at nakita na diretso lang ang tingin niya sa dinaraanan namin.
'Gosh, ang guwapo naman ng lalaki beh!'
'Nasaan? Hala! Oo nga! Ang guwapo, amp!'
'Mala Mr. Gray ang datingan, ang kisig pa!'
'Pero, te? May kasama eh.'
'Yaya niya ata 'yan, tara sundan natin!'
'Magka-hawak sila, may yaya ba na ka-hawal kamay ang amo?'
'Oo nga noh? Pero ang baduy naman kung girlfriend niya 'yan. Eww!'
'Pormahan pa lang ay nag-mukha ng tambay.'
'Sayang, ang guwapo talaga ni boy!'
'Kunan mo ng picture! Dali!'
Sa narinig ko ay agad akong bumitaw sa pagkakahawak sa kidnapper kong mayaman. Napatigil siya sa paglalakad ng mapansin na bumitaw ako at nilingon ako. "Bakit ka bumitaw?"
Hindi ako sumagot bagkus ay nilingon ang mga kababaehan na sinabihan ako ng baduy. 'Ay, hala! Tiningnan tayo ng babaeng baduy beh!'
'Tara na, alis na tayo!'
Nagngitngit ang paningin ko sa kanila at agad silang sinundan. "Hey, where are you going?" Hindi ko siya pinansin at sinundan ang mga babae.
"Hoy! Kayo!" sigaw ko at hindi ko ipagkaka-ila na nakaagaw nga 'yun ng atensyon. Bumibilis ang lakad nila kaya't tumakbo at hinarangan sila. "Sino ba kayo para laiitin ako? Kayo ba ang nagpa-kain sa'kin? Nagpa-laki sa'kin? Kung makapag-salita kayo ng baduy ay akala niyo napaka-ganda niyo rin ah!" turan ko sa kanila habang tinitingnan sila mula ulo hanggang paa.
"Wife, what are you doing?!" Asik ng guwapo kong kidnapper na patuloy pa rin akong tinatawag na asawa niya nang makalapit sa'kin at pinigilan ako. "Pasensiya na--" tangka pa nga sanang humingi ng pasensya. Tinabig ko siya.
"Nilait nila ako! Hindi maka-tarungan 'yun! Tapos hihingi ka ng pasensya sa mga mapang-lait na mga taong 'to?!" nanghihingalo na ang pag-hinga ko sa sobrang panggigil. "Alis ka nga, huwag kang makealan!" Tinulak ko siya paalis.
"Hoy, Miss. Baka nakalimutan mo na nasa Pilipinas ka, open ang lait dito!" bato pa ng isa.
"Oo nga! Huwag ka ngang umasta na para kang isang panget na may magandang mukha!" dagdag pa ng isa. Ayy aba! Sinusubokan talaga nila ako.
"Edi, kung gano'n inggit kayo sa suot ko. Ha?! Tiyaka, bukas ba ang pangla-lait dito kamo? Pasensya na, hindi kasi uso 'yan sa'min. Pero sige! Total bukas ang pangla-lait, sasabihin ko inyu ang panget niyo! Maganda nga ang damit niyo pero mukha niyo ay hindi naman nalalayo kay Pokwang at Vice Ganda!" Sorry po, wala na akong naisip na ibang maikukumpara sa mukha ng mga babaeng 'to. Patawarin niyo sana ako kung makarating man sa inyu. Hihi!
"Aba't?!" sabay-sabay nilang asik sa'kin na tinaasan ko lang ng kilay.
"Ano? Ano?! Sige laitin niyo ko!" panghahamon ko. "Yang mga damit niyo--Sandali nga lang Mister ko!" sigaw ko sa lalaking kanina pa makulit at hinahapit ang maliit kong bewang palayo.
"Stop it, already. They're not worthy of your saliva." aniya na hindi ko pinansin.
Nagpumiglas ako at kumalas sa kanila. "Yang damit niyo, piso lang 'yan sa'kin!"
Umawang ang labi at mga mata ng mga babae at dinuro ako. "Sobra ka na ah! Baduy lang naman ang sinasabi namin!"
"Tiyaka, hindi ito simpleng damit lang noh! This is the latest but limited edition dress made from Elysian!" Pagbubunganga pa no'ng isa na pinagmamalaki pa ang dress niya raw na mamahalin.
"W.A.L.A. A.K.O.N.G. P.A.K.E.A.L.A.M.!" sigaw ko rin at sa pagkakataong ito ay hinubad ko ang aking sombrero at agad naman na bumagsak ang mahaba kong buhok na tinago ko sa sombrero ko kanina. "Para sabihin ko rin sa inyo, hindi hamak na mas maganda ako kumapara sa inyo!" tapos ginaya ko pa ang pose ni Erich Gonsalez sa kalendaryo namin do'n sa bahay. Kahit na may unaawat ng guwardya sa dalawa at sa'kin naman ay ang keme mister ko raw.
"Damn it!" Rinig kong pag-mura ng lalaking kidnapper.
"Patahimikin niyo 'yang babaeng 'yan! Nanahimik kami, siya itong nang-aaway!" Pag-aakusa ng isa sa'kin at sumunod naman 'yung kasama niya. Ngayon ay naging limited lol kami ng madla dito sa lobby ng mall.
"Sinabihan lanh namin ng baduy, na highblood agad! May deperensya yata sa utak!"
"At para sabihin ko din sa'yo Miss Bad--" bigla ay naramdaman ko nalang na binuhat ako ng poginh kidnapper.
"Try calling her with that word again, and your entire clan will suffer." Naitikom ko ang aking bibig sa lamig ng boses niya. Pati ang lahat na nagti-tsismisan ay nagsitahimik.
Sa sobrang tahimik ay pati footsteps ng papalapit na chauffeur ni kidnapper ay naririnig. "Mr. Monteiro, napag-alaman ko na galing sa pamilyang Perez at Cruz ang mga babaeng umabuso kay Madam, should we bring sweep their enterprises from the industry?"
Napalingon ako sa Chauffer, but of course kumapit ako ng maayos sa leeg niya. Monteiro? Yun ang apelyedo niya? Ang astig naman!
"I-Ikaw si Mr. Monteiro?" napalingon ako sa babae na ngayon ay unti-unting namumutla. Mukha itong nagulat sa bagay na hindi ko mawari.
Lumuhod agad ang isa, "P-Pasensya na, Sir. S-Sorry, Miss! Pakiusap huwag niyong ipabagsak ang negosyo namin." Nagmamakaawa nitong pagmamakaawa. Ako naman ay nanigas sa bisig niya.
Ang lalaking 'to... Sino ba talaga siya? Bakit ganito nalang ang takot nila sa kaniya?
"What do you like us to do with them, wife?" Napakurap-kurap ako sa tanong niya.
"H-Ha?"
"Take them down, Jeff." Ma-awtoridad niyang utos sa alagad niya. At walang segundo na pinalipas at tinalikuran na ang dalawa.
"S-Sandali, Mr. Monteiro!"
"P-Please, huwag niyong gawin sa'min 'to." napalingon ako sa dalawa habang papalayo kami ng papalayo. Hawak sila ng dalawang guwardiya at pilit na pinapalabas ng mall.
Napatingin ako ulit sa kaniya. "Bakit takot sila sa'yo?" wala sa sarili kong naitanong.
Sumulyap siya sa'kin. "Sinabi ko na sa'yo na huwag mong sayangin ang laway mo para sa kanila. You're just too stubborn." Nagiba ang mukha ko sa turan niya. Napabusangot.
"Nilait nila ako! Hindi 'yun tama! Tiyaka hindi ko sila kaano-ano para laitin nalang ng gano'n, kahit nga Nanay ko na po pinapalamun ko ay siya lang ang pinayagan kong laitin ako." Naalala ko tuloy ang Nanay ko na bungangera. Kamusta na kaya siya? "Ako ang bumubuhay sa'min ng Nanay ko kaya wala silang karapatanan na batuhin ako ng hindi kaaya-ayang salita. Mga buang sila!" asik ko. Kahit 'yung mga kapit-bahay namin sa Cebu ay walang masasabi sa'kin dahil sinisita ko sila sa tuwing naririnig ko silang pinagsasalitaan ako ng masama. Nakakainis lang talaga ang mga tao na kagaya nila na walang ibang magawa sa buhay kundi makealam sa style ng ibang buhay. Tiyaka, ang ganda kaya ng fashion ko. Fashion namin 'to nila Romy na kabarkada ko.
Naramdaman ko siyang nagpaka-wala ng isang malalim na buntong-hininga, "I know. You can calm down now. Kung mauulit 'yun, I will terminate every person who are going to speak ill of you." Sa pagkakataong 'to ay nakaramdam ako ng proteksyon. Kahit hindi naman talaga kailangan. Umirap na lamang ako.
"Hindi na kailangan. Kaya ko ang sarili ko." Giit ko.
Tiningnan niya ulit ako pero naroon na naman ang titig niya na para kang binabalatan. "Di'ba't sinabi ko sa'yo na huwag mo akong titingnan ng ganiyan?" Tiyaka ko siya tiningnan at kahit nag-iwas siya ng tingin ay nakita ko ang paggalaw ng panga niya. Galit ba siya?
---
"Oi, ibaba mo na kaya ako?" basag ko sa katahimikan namin na ilang minuto ng namayani sa pagitan namin. Kanina pa niya ako hindi pinapansin. Malaki naman ang katawan tiyaka, may kabigatan ako. Hindi ba siya napapagod? Bingi ba siya? Tinapik ko ang dibdib niya, "May paa ako." sabi ko.
"Just wait until we arrive at the botique I booked. Baka kung ibaba kita ay makakahanap ka na naman ng gulo." Hindi naman ako gano'n ka-basagulera ano? Kasalanan ko pa talaga na na-bash ako dahil sa kaniya.
"Kung tutuusin nga ay kasalanan mo." bulong ko at ibinaling nalang ang paningin sa nadadaanan naming mga sosyal na tindahan. "Napaka-makasalanan ba naman ng pagka-guwapo mo. Pati tuloy ako ay na-lait na." Bulong ko ulit habang pinapanood ang mga paninda sa isang jewelry store na nadadaanan namin. Pero nawindang ako nang bigla siyang tumigil.
"So, it was my fault huh?" Ang boses niya ay biglang nagbago, para siyang galit. Inahon nito ang kaba ko na walang paalam at napakalunok ako ng mariin.
"Sa pangit at baduy ko ba naman, bakit mo pa ako isinama dito sa mall na may maraming tao!" Nag-iinit ang mukha ko habang dini-depensahan ko ang sarili ko.
"Hindi ka panget." Turan niya na ikina-iling ko. Hindi sumasang-ayon sa sinabi niya.
"Naririnig mo ba ang sinabi nila? Baduy ako, at pangit. Kaya nga ako na-lait dahil do'n. Hindi daw tayo bagay!" Tanga nalang ang maniniwala na maganda ako, sa ayus ko ba naman na 'to?
Bigla ay naramdaman ko ang pagbaba niya sa'kin. Ang daming dumadaan pero hindi ko alintana 'yun. Ang akala ko ay hahayaan na niya akong mag-lakad nang pinapaharap niya ako sa kaniya. He even lift my chin para lang magka-tinginan kami. Ang nakaka-tusok niyang paningin ay sinalubong ang hindi mapakali kong mata. "What it has to do with them? I chose you, so we're a good match!" Ang mga panga niya ay nagta-tagis. Ano ba ang ikina-galit niya? Dahil ba sa sinisisi ko siya?
"Oo na, pasensya na. Tara na nga lang! Pinagtitinginan na naman tayo." Tiyaka ko siya tinalikuran dahil sa pinagtitinginan na talaga kami ng mga taong dumadaan. Mas lalo lang bumaba-ba ang confidence ko lalo na't nila-lait pa.
Alam kong hindi dapat ako magpapa-apekto, pero hindi kasi ganito sa'min. Hindi ako sanay. Masama talaga ang desisyon ko na magpunta dito sa Manila. Nakaka-choke ang mga taonh mapang-husga dito.
Nauna akong nag-lakad pero buong akala ko ay hindi na niya ako gugulohin nang ninakaw na naman niya ang kamay ko at hinila papunta sa isang sosyalin na botique.
"Everyone, out!" Sa ikalawang pagkakataon ay na-windang ako nang sumigaw siya at pinapa-alis ang mga tao sa botique. May iilan pa na nag-aalangan at dahil dumating si Chauffer at may kinausap na tao sa botique ay kusa rin silang lumabas.
"Bakit mo naman 'yun gina--Ahh!" hindi ko natapos ang aking sinasabi nang hinila niya ako doon sa hilira ng mga damit at binigyan ng damit na kinuha niya.
"Try this on. And this. Also this." Umawang ang bibig ko sa ginawa niya, ano 'to ginagawa niya ba akong shopping cart? Model? Marami pa siyang kinuha at ibinigay sa'kin. "I'll wait here outside, sukatin mo lahat 'yan at ipakita sa'kin." Hindi ako naka-kilos agad nang may lumapit sa'kin na babae at tinulongan ako.
"I'll assist you, Mrs. Monteiro. Let's go this way."