Chapter 4: Cook

3232 Words
Matapos ng naging lakad nila sa Mall ay agad na nakatulog si Mia dahil sa pagod. Kaya’t kinailangan siyang buhatin ni Alexus papunta sa bahay hanggang sa mailapag na sa kama nila. Hindi niya inaasahan na dahil lang sa buhok ay umiyak ang dalaga. Hindi ba naman niya kasi alam na mahal na mahal nito ang buhok nito making him feel a bit guilty. Tumunog ang cellphone niya kaya’t isiang sulyap pa kay Mia bago lumabas at sinagot ang tawag ng girlfriend niya. “What does it take you answer your phone so long, babe!” Tunog irritable ito na ikina-kamot niya sa kaniyang kilay. Nagalakad siya pababa sa sala. “I’m sorry, I was busy.” Kalmado niyang sagot tiyaka umupos sa pang-isahang sofa. “You do? Or may kasamang babae?” His girlfriend is possessive which reeks of countless guards and spectators, kaya’t hindi na siya magugulat kung malalaman nitong may iba siyang babae na kinakasama. “Tama ako, noh? Sino siya?” Ma-awtoridad ang boses nito pero tunog spoiled. She’s possessive and quietly obsessed with him. Kumuha ng sigarilyo si Alexus at inilagay sa pagitan ng kaniyang bibig bago sinindihan ang sigarilyo. “You don’t have to ask about her. She’s just a coy, Denise.” That’s right, hi-nire niya si Mia sa wife corporation para maging fake wife niya sa loob ng tatlong buwan. At para na rin protektahan ang girlfriend niya sa kapahamakan ng trabaho niya. “Bakit kinailangan mo pa siya? Nandito naman ako, Czar!” She hissed which makes him sigh and blow off the smoke out of his mouth. “It’s a no for you, Denise. We can’t risk your life in danger again. Tiyaka, we can make amends about our meet ups. Makakapag-kita pa naman tayo.” Dahil sa nangyaring assassination dito no’ng nakaraang buwan ay kinailangan nilang limitahan ang isa’t-isa na magkita. Ka-muntikan na itong mamatay and he was so worried down to earth. Kahit alam niyang delikado silang magkita publicly ay pinagbigyan niya pa rin ito dahil sa mahal niya ito masyado. “Dahil pa rin bas a nangyari, kaya ayaw mo na? Bakit mahal mo na ba siya?” Pagda-drama nito na hindi niya kayang balewalain. Hindi niya gusto na mag-isip ito ng masama dahil alam ni Alexus sa sarili niya na hindi siya mahuhumaling sa iba lalo pa’t mahal na mahal niya ito. “You can’t blame me I can’t afford to put you in danger again. I’m just hoping that you will understand, Denise. Tiyaka, hindi ko siya mahal. Like I said, she’s just a coy to cover our relationship.” Pagpapaliwanag niya dito na ikina-panatag naman ni Denise sa kabilang linya. “It’s good to know that we are clear about that, Czar. I can’t lose you. Ikaw lang ang meron ako ngayon.” Si Denise ay isang modelo. Naging pribado ang relasyon nila at dahil sa isang litrato na nakalusot sa media, napag-alaman na magkarelasyon sila. Alexus profile was hidden but because of the controversy, nalaman ng lahat na siya ang misteryosong Monteiro na isang mayaman na investors sa iba’t-ibang malalaking kompanya sa iba’t-ibang panig ng mundo. He’s one among the major investors of the sophomore companies worldwide. Wala siyang negosyo na nai-lathala sa media dahil lahat ng iyon ay pribado at naka-pangalan sa ibang pangalan. But that doesn’t mean na isa siyang misteryoso sa isang organisasyon. He’s actually known for being the great Alexus of Mafia institute. Lahat ng tao sa organisasyon na ‘yun ay maka-loko at walang awa, lalong-lalo na siya. They usually play with the lives of many, kaya’t pribado ang mga profile nila sa publiko. “I know.” “I love you, Czar.” She said, heartily. At nagbibigay ‘yun ng kakaibang haplos sa kaniyang puso na ikina-ngiti niya. “I know, darling.” He said in a low musk voice. Last month was supposed to be their wedding. Pero sa simbahan pa lang ay nagka-gulo na dahil sa pagsalakay ng kalaban niya sa chess. Frankly speaking, the pawn from Sixto Sandejas found out his secret lover which plays as his current queen. “You should go back to sleep. It’s late.” Sinsero niyang sambit. “I will. Goodnight, babe. See you sooner!” Pagkatapos ng tawag ay tamang-tama na naupos din ang kaniyang sigarilyo. Natatamad na itinapon niya ‘yun sa ashtray bago naglakad pabalik sa kuwarto nila. He should keep his distance from Mia at klarohin din ang lahat dito bago pa nito mamasamain ang approach niya dito. Pero papaano ba niya ‘yun ka-klaruhin when his beast mode couldn’t afford to harm this little ignorant lady? Nakikita niya pa lang ito na umiyak kanina dahil lang sa buhok nito ay nako-konsensya na siya agad. Siya rin ang paulit-ulit na nagsasabi na asawa niya ito when they’re actually not. Ano ba siya? Praning? Tapos ngayon ay hindi niya magawang maatim na aminin nito dito? Tiyaka, bakit ba niya kailangan na siya mismo ang kuma-klaro nito dito na ang mismong trabaho nito ay tungkol sa pagre-renta ng oras? Maybe he should let her realize it kaysa siya ang magsabi. Pagkapasok niya sa loob ay bumungad sa kaniya ang weirding posisyon nito sa ibabaw ng kama. She almost occupied the space above at ang kumot ay nahulog na sa sahig. She’s really weird. Sabi ng isang sulok ng kaniyang isip. Ang ginawa niya nalang ay inayos ito mula sa pagkakahiga bago lumabas sa kaniyang silid at binuksan ang guest room para dito siya matulog. MORNING CAME… Nagising si Mia na may maraming muta sa mata, at may natuyo pang laway sa gilid ng kaniyang bibig. Bumangon siya sa kama habang magkasabay na pinahiran iyon. Nagkamot pa siya sa kaniyang ulo at batok dahil ‘yun naman talaga ang gawain niya tuwing umaga. Alas kuwatro pa lang at gising na siya dahil kinailangan na niyang pumanhik sa karenderya ni Manang Karen. Ang inaakala niyang nasa bahay nila siya ay komportable siyang gumalaw pero nang papasok na sana siya sa banyo na naka-larawan sa kaniyang isipan ay napadilat siya dahil sa nabunggo lang niya naman ang sliding door papunta sa balkonahe ng kuwarto ni Alexus. “Aray…” Daing niya at hinihimas ang ulo na nauntog. Saka lang siya dumilat nang makaramdam siya ng ginaw. “Ayy, hala? Nasaan ako?” No’n lang pumasok sa isipan niya na nasa pamamahay siya ng pogi niyang kidnapper. Napanguso siya sabay pangungulangot. “Oo nga pala, na-kidnapped ako no’ng isang araw.” Bulalas niya at bumalik sa kama. Nakita niya ang kaniyang sombrero katabi ng lampshade. Pinakatitigan niya ‘yun at kapagkuwa’y nalungkot dahil sa buhok na pinutol ng babae sa salon. “Tang… pasensya na. Naging pabaya na naman ako sa buhok ko…” Paghingi niya ng tawad sa ama niyang namamahinga na sa kung saang Paraiso. Kahit lasenggo at sugarol ang kaniyang magulang tunay niya itong minahal. Kahit na iilang beses na siyang nag-maktol at nag-reklamo sa mga ito ay hindi niya naman ito kayang pabayaan. Naalala pa nga niya ‘yung panahon na walang-wala sila at wala siyang makain, siya pa ‘yung nakikilimos kina Manang Karen na paambitin sila ng pagkain dahil ‘yung tatay niya at nanay niya ay bawal malipasan ng gutom. Ayaw pa nga sana siyang bigyan, pero kalaunan sa pamimilit niya ay pinayagan siya. Kinabukasan pa ay kasama niya ang tatay niya sa pangangalakal para lang magka-pera sa hapon even though na lasing ito during the process ng pangangalakal nila. Ang ipinagtataka nga niya ay kung bakit may pambili ito ng alak, pero sa pagkain ay wala naman. Hayy… Bumaba ang kaniyang paningin sa backpack niya at wala sa sariling dinampot niya ‘yun. Sa gulat niya ay may nakita siyang smartphone. “Bakit may cellphone dito?” Nagtataka niyang tanong sa kaniyang sarili dahil sa naaalala niya ay wala naman siyang dala na smartphone. Hindi kaya… “Huwag mong sabihin sa’kin na bumili si nanay ng cellphone at isinilid sa bag ko nang hindi ko alam?!” Sa lakas ng boses niya ay tumagos ‘yun sa kabilang silid. Nakatingin pa lang siya sa cellphone nang bumukas ang pintuan. “Why were you so noisy?” “Shimatta!” Napahiyaw siya nang may makita siyang buhay na zombie sa pintuan. “Tch! Can you lower your voice? Hindi ako makatulog ng maayos dahil sa ka-ingayan mo.” Bakit bigla naman ata itong nag-sungit? Tiningnan niya lang ito na naglakad patungo sa kamay na kinauupoan niya. “Teka, saan ka natulog?” Sa pagkakaalala niya ay share sila ng kuwarto, pero bakit ngayon lang ito dumating at bakit mukhang galing sa tulog? Wala sa sarili na itinuro ng lalaki ang kabilang dingding. “From now on, you will sleep on the other bedroom. Hindi ako makakatulog ng maayos kapag hindi ko kama ang tinutulogan ko.” He’s mumbling while hugging the pillow beneath him. Dahil sa sinabi nito ay inusig naman siya ng kuryusidad. Hindi na siya nag-abala pang magtanong kung bakit siya nito pinalipat dahil mas mabuti naman na magka-hiwalay sila ng kuwarto. Dinampot niya ang bag palabas ng silid nito at pinuntahan ang katabing silid. Napa, woah! Siya sa simplicity no’n. Just a simple white sheet, white curtains, and a few things around. Kagaya ng bedside table, study table at isang relaxing so-called hammock. “Kung tutuosin ay mas maganda itong silid na ‘to kaysa gray scale na silid ng lalaking ‘yun.” Sa loob ng isang oras ay iginugol niya ang sarili s pag-aayos ng mga gamit niya sa maliit niyang closet. Naligo din siya pagkatapos. At dahil hindi naman na siya inaatok ay lumabas siya sa silid bago niligpit ang papel sa isang pribadong lagayan. Sa nakalipas na isang oras kasi ay napag-alaman din niya kung bakit siya nandito. Lumabas siya sa silid at bumaba, grabe, hindi pa rin mapunit ang bibig niya kaka-awang dahil sa ganda ng bahay. ‘Yung muwebles pa lang ay mawiwindang ka na. The tiles are black, pero kung masinagan ng chandelier o kung anong ilaw ay nag-spark ito. Ang couch at sofa din sa sala ay napaka-comfy kung upoan. Ang laki pa ng espasyo at maaari kang makikipag-habol habolan dito kung gusto mo. There’s also a flatscreen TV hanged just below the grand staircase. Then a double CD racker. The DVD is placed inside a glass cabinet below the television. Lastly, a mini lengthy glass table in the middle of the living area. Matapos magpatalbog-talbog sa couch at sofa ay napag-isipan ni Mia na hanapin ang kusina which is hindi siya nabigo at nahanap kaagad ito. Kalakip lang naman ng sala ang dining then kasunod no’n ay ang kusina. Wala ng room or something corridor para hanapin dahil kahit nasa taas ka ay makikita mo na ang kusina. The elegant and spacious kitchen welcomed her vision. Sa island counter pa lang ay malulula ka na. Pero bago ka makarating sa kusina, dadaan ka muna sa pang-apatan na dining. Yari din sa glass ang lamesa at ang upoan ay may foam pero ang pundasyon no’n ay isang kahoy na pininturahan ng itim para bumagay sa itim na table glass. May dalawang hanging lights sa tapat nito. Sa kitchen naman, may pang-apatan na island counter, may apat din na stole sa harapan no’n kalakip ang sink. May iilan pang prutas nan aka-display. Sa kabilang kabisira naman ay naroon ang stove, oven at mga kabinete na pinaglalagyan ng mga gamit ng kitchen at groceries. Pinaglandas niya ang kamay niya sa makinis na muwebles ng counter top bang nilalapitan ang dambuhalang silver door refrigerator. Wala ‘yung handle at bubukas ‘yun kung e-tap mo lang ang fingertip scanner. “Grabe! Ang daming pagkain!” Hindi niya mapigilang malula dahil sa dami ng pagkain. Pakiramdam niya ay pang-isang taon na nilang snack stocks ‘yun do’n sa probinsya. May dairy products, gulay, prutas, mga inumin like beer, etc. Shempre hindi mawawala ang tsokolate, ice cream, cakes, crackers at bisquits. Sa chiller ay sumalubong sa kaniya ang nagsisik-sikan na mga karne ng manok, baboy, at baka! Ngayon pa lang ay nangangati na ang mga kamay niya na magluto. Kaya’t hindi na siya nagpapigil pa at kumuha ng repolyo, baboy, at kalabasa bago isinarado ang ref. Binuksan niya ang iilang kabinete at bumungad sa kaniya ang can goods, cup noodles, mga tanghon, pancit canton at iba pang ready to eat na pagkain. “Alright, it’s time to cook!” Wika niya sa kaniyang sarili matapos talian ang buhok at mag-suot ng apron. Her hair is in a messy bun, some parts of her hair was placed behind her ear. Curly kasi ang buhok niya at dahil nagupitan may iilan na bumagsak at hindi na magkakapantay sa ibang mahahaba. May iilan pang baby hair na lumitaw sa ibabaw ng noo niya. May drawer sa ilalim ng sink at nakapalagay roon ang mga kagamitan sa pagluluto kagaya ng kutsilyo, tadtaran, kitchen spoon, ladles, spatulas, turners, tongs, whisks, at meat mallets. In uniform pa ang mga ‘yun at gawa sa stainless at nylon. Using the peeler ay eksperto niyang binalatan ang kalabasa, tapos gamit ang cutlery ay hiniwa niya iyon into cubic sizes. Nang matapos ay ginunting niya ang repolyo into several cuts na kakasya lang sa bibig. Nakalimutan niya kumuha ng gabi kaya nagkuha siya sa ref at gaya ng kalabasa ay binalatan niya ‘yun at hiniwa. Washing it all nang matapos. Saka pinagka-abalahan niya ang karne na hiwain at hinugasan rin. Napangiti siya nang maihanda lahat ng kinakailangan niya kaya’t binuksan na niya ang stove at isinalang ang soup pot na may medya tubig. Hinintay niya ‘yung kumulo bago nilagay ang baboy sa pinakuloan na tubig. Ngiting-ngiti siya dahil masaya siya sa ginagawa niya, kahit nga no’ng hindi pa niya natimplahan ay nabusog na siya sa amoy ng pinaghalong karne at gulay. “Hindi talaga masama ang mag-trabaho kina Manang Karen, ngayon ay nakakapag-luto pa ako sa napaka-eleganteng kusina na ‘to.” Naalala pa niya ang panahon na ayaw niyang magluto, pero napipilitan dahil ‘yun lang ang bakanteng trabaho sa karenderya. Somehow, she found it fun lalo na’t mga pagkain. Nakaka-hits pa siya sa tanghalian. While busy with her business in the kitchen, Alexus woke up and watch her from the second floor. He should be angry for letting other people touches his untouched kitchen, but when he saw how happy she was, he restrained himself from doing so. Especially that the aroma from her dish soothes his nose making his stomach crumble. She’s pretty when she smiles, tho. Isa pa, ito ang unang beses na may nakikita siyang nagluto sa kusina niya. No’ng bata siya ay minsan na siyang napaso sa kusina habang chini-check ang niluluto ng yaya niya, kaya’t may trauma na siya sa kusina at hindi na sinubokan pang magluto. In-short, ang kusina niya ay isang disenyo lang sa bahay niya. “Kanina ka pa ba diyan? Halika na. Tapos na akong magluto para sa’tin.” And also, the very first time na may mag-aya sa kaniya na kumain sa agahan. Ang kaklase niya sa bahay niya ay ang katahimikan, but now that Mia is here with him… There are a few changes. Bumaba siya at nagpunta sa dining. Dahil sa lalim ng iniisip niya ay hindi niya napansin na pati dining ay nakahanda na. Naghahain nalang ng kanin at ulam si Mia. “You wake up early. Hindi mo naman na kailangan na magluto.” Umupo siya sa kabisera habang pinagmamasdan si Mia na naghahain. “Nasanay na ang katawan ko na maagang magising.” She placed a bowl of soup in front of him, kumuha na din siya ng kaniya gamit ang ibang bowl bago hinubad ang apron. “Tikman mo.” Aniya dito nang mapansin niya na hindi ginagalaw ni Alexus ang hinain niya. Nag-aalangan pa ito na tikman kaya, “Walang lason ‘yan, tikman mo na.” sambit niya sa binata at kumandos ng sabaw gamit ang kutsara bago ‘yun hinipan at tinikman. “Tingnan mo, kinain ko. Kaya safe ‘yan.” Hindi pa rin kasi kumilos ang lalaki kaya inusig niya ito sa pamamagitan ng pag-kain. Baka kasi iniisip nito na may lason ang niluto niya. Dahil gutom na siya, hindi na niya binigyan pa ng pansin ang lalaki, she ate up to her heart’s content. In just a blink of an eyes, ubos na ang kanin niya at tumayo na naman para kumuha ng panibago for the second round. “Ganiyan ka ba talaga ka-gutom?” Tanong ng lalaki. Binalingan niya ito at tumango, “Pasensiya na, hindi kasi ako nabusog sa kinain natin kagabi. Tapos ang laki pa ng nabayaran mo. I bet mas maganda na mag-homemade nalang tayo, dahil mas makakatipid tayo.” Pag-open up niya sa lalaki na napapa-isip naman si Alexus. “I don’t cook.” Tipid nitong sagot na ikina-tigil ni Mia. “Hindi ka marunong?” Nag-iwas ng tingin si Alexus sa kaniya at sumimsim ng kabaw sa kutsara. “You cooked well. The soup is tasty.” Komplimento nito sa kaniya na ikina-ngiti niya. But obviously, iniwasan nito ang tanong niya which is hindi naman big deal sa kaniya. “Salamat!” Bumalik na siya sa pag-kain niya. Nang matikman ni Alexus ang luto ni Mia ay sa hindi malaman na kadahilanan ay gumagana siya sa pagkain. Lalo pa’t mainit ang sabaw at winawala ang maagang hilab niya sa tiyan. Kadalasan ay nagka-kape lang siya at nag-order sa mga sikat na restaurant para sa tanghalian at dinner niya. “I will leave early and will be back by the afternoon. You stay here at home. If you want to go outside, just tell Kent about it and he will assist you.” Pormal na sinabi ni Alexus kay Mia na napapangiti naman kaagad. What is it inside her mind? Bakit siya ngumingiti? “Okay!” Nakakapag-taka lang dahil hindi ito nag-sungit sa kaniya. “You looked happy.” Nangingiti na binalingan ulit ni Mia ang lalaki, “Bakit? Limitado na rin ba ang maging masaya?” “I was just asking. You seemed to act weird again, tho.” Nagkibit-balikat si Alexus at tinapos ang natitirang kanin sa plato niya at ang sabaw na may baboy sa bowl niya. Ang baboy sa bibig niya ay napaka-lambot at masarap nguyain. “Mag-swimming lang ako do’n sa swimming pool. Pwede naman, ano?” Hindi pa naman kasi siya naka-try na mag-swimming ng mag-isa. Kasi do’n sa Cebu, kapag nagkakayayaan ang Parokya nila na magpunta sa isang resort ay parating ma-tao ang swimming pool at kadalasan pa ay maraming umiihi. Literal na mga bastos kaya’t nawawalan siya ng gana na mag swimming. “Alright. But you have to cook for dinner, later.” Tumayo si Alexus matapos kumain at naglakad na paalis. “Sige, ba! Salamat ah!” She’s giggling when he gave her his consent to use his pool kaya’t hindi na siya makakapaghintay na maligo roon mamaya. Papalampasin na muna niya ang ginawa nitong pag-iwan sa pinag-kainan nito ngayon dahil tiyak na mag-enjoy siya mamaya. Sa kabilang banda, pasimple na sinulyapan ni Alexus si Mia na tuwang-tuwa sa pagpayag niya na gamitin ang pool. Pwede naman kasi nitong gamitin ‘yun kahit na hindi na ito magpapaalam. “Such a weird lady.” Naiiling niyang sambit bago tuloyan na bumalik sa kaniyang silid para maghanda sa pag-alis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD