Chapter 1: I'm your what?

2200 Words
MIA Nagising ako ng may mabigat na ulo. Napahawak ako sa aking ulo at marahan na minamsahe ito. "Argh! Ang sakit. Animal talaga!" pagmura ko, lalo na ng maalala ko ang ganap kanina. Napakunot pa ang bunbonan ko dahil sa lalake na sumako sa'kin. "Walahiya talaga ang lalakeng 'yun! Sino ba siya, huh? Bakit niya ako kinidnap?" bulalas ko na naman at tumagilid ng higa. Pero napatigil ako nang maramdaman ang malambot na higaan. Awtomatikong bumukas ang mga mata ko. "Hala?! Nasaan ako?" Gulantang kong sambit. Naka-awang pa ang bibig ko dahil sa ganda ng kuwarto! Hindi man siya naka-desinyo para sa babae, pero ang kombinasyon ng itim at grey ay nagawa nitong makuha ang taste ko! "It's good that you're awake." Naramdaman ko ang pagkatigas ng katawan ko nang may marinig akong nagsasalita. Umiling pa ako dahil wala naman akong nakita na ibang tao dito. Napalunok ako at nanlamig. "K-Kung may multo man dito, pakiusap lang... Lubayan mo ako! Hindi ako takot sa tao pero literal na takot ako sa hindi-makataong bagay!" hindi ko mapigilan ang sarili na hindi sumigaw. "Tsk. What are you saying there, my dear wife?" napatakip pa ako sa naka-awang kong bibig nang mapagtanto na ka-boses pa ng lalaki na nakita ko kanina ang nagsalita! Bigla akong kinilabutan. "Turn to your right. I'm here." unti-unti akong lumingon sa kanan at kamuntikan pa akong mapatalon dahil sa nandito nga siya! Wala man lang ka emo-emosyon ang mukha nito at mukhang bored pa. "N-Nasaan ako? Bakit kasama kita, ha? May masama kang balak sa'kin, ano? Umamin ka na!" sunod-sunod kong tanong habang humihigpit ang pagkakahawak ko sa makapal na kumot. "You are in our room." kasuwal niyang sagot at hindi man lang nawindang! Ngunit lumubo pa ang pagkakagulat ko sa sinabi niya, "Sinasabi m-mo ba na k-kuwarto... ano?! Sino ba ang niloloko mo, huh?" marahil ay nagsisinungaling lang ito at pina-prank lang ako para maniwala sa kaniya. Napabuntong hininga siya kasabay ng pag-sarado ng libro na kaniyang binabasa which is ngayon ko pa lang napansin. Naka-krus ang mga binti nito at emotionless na binalingan ako ng tingin. "You just called me, walanghiya. Now you're calling me, manloloko?" tiyaka siya tumayo at mahina na umuklo palapit sa'kin. Binalot ko ang sarili at nagtago sa ilalim ng kumot. Patay kang babae ka. Bakit hindi mo pinipigilan ang bibig mo na magsalita ng kung ano-ano?! Gusto kong tampalin ang bibig ko sa pagiging disgrasyado. "Huwag kang lumapit! Binabalaan kita, Sir! Don't you dare come near me!" Amp! napapa-english pa ako, jusko! Nanginginig na ako sa takot. Ngayon ko lang napagtanto na hindi lang pala ako sa multo takot, kundi sa tao rin na kagaya niyang walang kaemo-emosyon. Ang lakas pa kamo ng kabog nitong puso ko, at hindi ko alam kung papaano ko patatahimikin. "Why are you hiding in there? Mukha ba talaga akong manloloko sa paningin mo?" aniya, napakagat-labi ako nang marinig ulit ang malalalim niyang hininga malapit sa mukha ko. "For real, you do not know your job?" papaano ko malalaman? Ni hindi pa ako nakapunta sa nasabing kompanya na pinapapapunta sa'kin ni Nanay. "Are you just going to ignore me and stay all night just like that?" tunog man siyang kalmado pero nahihimigan ko ang pasensya niya na unti-unting nauupos sa'kin. "Look, I hired you at Wife Corporation a day ago. Since you didn't show up for a day, I went out just to search for you. Pero hindi ko inakala na isang ignorante ang mapipili ko." napabalikwas ako mula sa pagkakatago para harapin siya ngunit namilog ang mga mata ko nang lumapat ang labi niya sa tungki ng ilong ko! "Ahhh!" nakapikit na itinulak ko siya palayo. "Psh. You're weird." komento niya at lumayo din kalaunan. "A-Ang halay mo!" sumbat ko habang tinatakpan ang kalahati ng mukha ko. Naramdaman ko pa ang weirdong pag-iinit ng aking mukha! Which is hindi ko pa nararamdaman sa tanang buhay ko! Tiyaka 'yung puso ko, parang gusto ng takasan ang ribcage ko sa tindi ng pagtibok! "We both know that it was an accident." kalmado niyang sabi at umupong muli sa silya na kinauupoan niya kanina. "So, care to explain yourself?" bakit ako ang kailangan na mag-explain? Ni hindi ako alam kung ano ang ipapaliwanag ko! Makailing beses akong napabuntong hininga, bagsak pa ang mga balikat ko at mabigat pa ang ulo ko. "Baka naman hindi mo rin alam kung ano ang ipapaliwanag mo?" animo'y nahimigan niya ang naging problema ko. Parang isang takot na tuta ako na napapatango. Siguro ay pagtatawanan na ako ng taong ito. "Hindi ko naman talaga alam ang intensyon mo. Bago lang ako dito sa Manila at sabi ng Nanay ko ay kailangan ko daw siputin 'yung trabaho na inapplyan niya gamit ang personal information ko. Tapos, bigla kayong dumating! And worst, dinukot niyo pa ako! Hindi ko pa nga alam ang trabaho ko, then you're calling me as your wife na nakakapangilabot!" naghi-histerya ako habang sinasabi ko 'yun. Kasi naman ang paninitig niya ay napaka-tulis! Mas lalo pa akong hindi makampante! "Are you serious? Baka niloloko mo ako?" sa paraan ng pagsasalita niya ng tagalog ay may accent pa. Mukhang hindi sanay. "Mukha ba akong sinungaling?" naiirita kong usal sa tanong niya. "Bakit naman daw ako magsisinungaling, ha?" ibang klase din, magiging ganito ba kainitin ang ulo ko kung alam ko lang ang magiging trabaho ko? Tiyaka, ano 'yung wife corp na sinasabi niya? "If you're honest with your words, then look at me in the eyes and say it again." napanguso ako at napapikit. "Did you just pout your lips?" ano naman kung ngumuso ako? Ano naman ang pakealam niya? Labi ko naman 'to. "Hey, don't ignore me." makamandag ang boses niya at nakakatkot. Nagawa pa ulit akong windangin kahit na sa malumanay na pamamaraan. Dinuro ko siya without looking at him, "Pwede ba na pakihinaan ang intensity ng paninitig mo sa'kin? Ang talas eh!" reklamo ko. "Huh?" mukhang nagulat pa siya sa sinabi ko. "This is how the way I look." Mas lalo pa akong nanlumo. "Edi, hindi ako titingin sa'yo! Kung alam mo lang, Sir. Mas nakakatakot ka pa sa multo." pabulong ko na ring sinabi 'yung dinugtong kong multo. Tiyaka, mukha naman talaga na mayaman siya. Sa silid pa lang na may class ang desinyo at ang bango pa! Mas malaki pa nga itong silid daw namin, ano?! "Fine. I'll try. Now, look at me." pero ang pakikitungo pa rin sa'kin ay may katigasan. Bahala na, tingin lang naman. Unti-unti ko siyang nilingon at tiningnan. Nakalma lang ako ng nagmumukha na siyang harmless. "Ayus na 'yan. Nagmumukha ka ng harmless, Sir." kita ko pa ang pagkaka-salubong ng kilay niya. "Did I scare you that much to fear me?" peke akong napapangisi at nagkamot ng ulo pero nagulat ako nang nawala ang sombrero ko! Bigla akong natataranta at bumaba sa kama upang hanapin ang sombrero ko. "What are you doing?" nagtataka niyang tanong. Naiiyak ako nang hindi 'yun makita, napakahalaga kasi no'n sa'kin. Hindi 'yun pwede mawala sa'kin. "Sabihin mo sa'kin, ano ang ginagawa mo at bakit ka naiiyak?" hindi ko siya bingyang pansin at tiningnan ang ilalim ng kama. "Hey!" hanggang sa hindi ko na siya napansin na nakalapit na pala siya sa'kin at hinawakan ako sa siko. "Tell me, what's wrong?" lumambot din ang boses niya, habang nanlalabo ang mga mata ko. "Damn it! Don't cry. Will you?" tila kinakapusan na siya ng pasensya dahil sa hindi rin ako makalma. Hindi naman sa O.A ako pero 'yung sombrerong 'yun ay parang buhay ko na rin 'yun. Tiyaka nag-iisa lang 'yun sa buong mundo! Walang makakapalit no'n. Hanggang sa nararamdaman ko nalang ang sarili ko na aumiiyak sa bisig niya. Hindi ko rin alam kung bakit niya ako niyayakap. "Hush, don't cry." Suminghot ako at tinulak siya, na nagawa ko namang napagtagumpayan na ilayo siya sa'kin. "Kasalanan mo kasi! Kung hindi mo ako kini-kidnap kanina ay kasama ko pa dapat si Tatay ngayon!" puma-palahaw ako sa pag-iyak at sigurado ako na nagmumukha akong baliw sa harapan niya. Pero sino ba ang may pake? Feel kong umiyak eh! "What are you saying? Ikaw lang naman ang tinangay ko." animo'y nagugulohan siya sa naging reaksyon ko. Muli kong hinanap ang sombrero ko. Nakalugay din ang napaka-haba kong buhok na hanggang puwetan. "Yung sombrero ko, Sir. N-Nawawala!" tinapon ko na pati kumot at unan sa ibabaw ng kama at napaka-kalat na. "Ha... you really are a total weirdo." napamaang ko siyang tiningnan. Pero bago pa man ako makapagsalita ay inunahan na niya ako. "It was in the car, I'll ask my men to deliver it here. So stop being hysteric and talk to me. We can't settle when you're being hysteric every time I open up a topic. Shall we?" mabuti nalang pala at nasa kotse lang niya. Hayy, nakakahiya pero at least hindi nawala. Kumalma na rin ako kagaya ng nais niya. "P-Pasensiya na, Sir." paghingi ko ng pasensiya sa kaniya. And he seems displeased with my mannerism. Kasi hindi ma-ipinta ang mukha niya kahit na humingi na ako ng pasensiya. Ano kaya ang dahilan? Umupo ako sa kama nang makaupo na rin siya sa upoan niya kanina. "Don't call me, Sir. Call me anything you want, but don't Sir me. I'm your husband for three consecutive months, so treat me like one and I will do the same to you." wow, anggaling niyang mag-english. Gusto kong mag palakpak ngayon dahil sa paghanga. Hindi naman talaga ako bobo talaga, kahit papaano ay naiintindihan ko pa naman ang kaniyang sinasabi. Tiyaka hindi din siya malimit sa mga sinasabi niya. Hindi kagaya kanina na masyado siyang rude. Pero anong ibig niyang sabihin na asawa ko siya for three months? Hindi ko siya maintindihan. "Asawa? Sigurado kayo? Baka nagkakamali lang po kayo. Tiyaka sa hitsura kong 'to? Naku, Sir--este Mister. Malabo po na magiging asawa mo ako." hindi naman kasi ako maganda, tiyaka nakakahiya sa pananamit ko pa lang ay nakaka-turn off na! Mayaman din siya at mahirap lang ako. Ano bang alam ko kung ikinasal ako sa nakalipas kong buhay? Napahilot siya sa kaniyang sintido, animo'y nahihirapan na mag-explain sa'kin. Ako naman ay nag-aalala sa naging akto niya kaya't sinabi kong... "Kung sakali man na nakilala kita sa nakalipas kong buhay at naging asawa kita, pasensya na talaga at hindi ko maalala." nagkamot ulit ako sa buhok ko na inayos ko rin pagkatapos. His face was like telling me na 'Are you for real?' keme. Hindi man niya ako sinagot ay nababasa ko naman sa mukha niya ang impression niya sa sinabi ko. Nag-iwas nalang ako ng tingin at tumahimik na rin. Tiyaka bakit ko ba naisip ang imposibleng bagay na 'yun? He may look like a honorable Greek God of the Universe pero hindi naman nag e-exist ang mga immortals talaga. Hayy, baliw na nga yata ako. "Come on. I don't think I can explain you the whole thing." tapos sa kabila pa ng pakikipag-usap ko sa sarili ko ay nararamdaman ko nalang ang magaspang at malaki niyang kamay sa na nakahawak sa kamay ko. My heart authomatically went on rampage. Binubulabog ang pandinig ko. Lumabas kami ng kuwarto at agad na sumalubong sa'kin ang napakagandang looban ng bahay! Nasa second floor kami at nagmumukha pang mamahalin ang mga gamit. Ang railings pa ng second floor ay glass! Pati ang theme ay gold and brown! Pakiwari'y sinasabi nito na mayamanin talaga siya! Tapos ang hagdanan pa ay gawa rin sa glass na may kahoy sa ilalim no'n na nakasuporta. Nakita ko rin ang malawak na sala, tiyaka 'yung ginintuang ilaw ng chandelier! Napa-awang nalang ang aking bibig, kulang nalang na pasokan ng langaw sa sobrang laki no'n habang hila-hila ako ng Mister ko raw. Erase, erase. Bakit ko ba siya tinatawag na Mister? Ibig sabihin ba nito ay tinanggap ko na siya? No way! Sabi ko nga hindi ako mag-aasawa kapag hindi pa ako nag bente-kuwatro! Lumabas kami ng bahay, at pati ang labasan ay napaka-bongga! Malawak ang space na nababalot ng bermuda at may naka-stationed pa na post lights. Then mga bulaklak sa na maayos na nakahanay sa likod lang ng matayog na gate. Tiyaka 'yung daanan namin ay may series na lights na kapag dadaan kami ay iilaw! "Wow..." bulalas ko at napapalingon pa mula sa pinanggalingan namin may iilang niyog din pala 'yung artistic tingnan na nakatanim. Medium lang ang tangkad no'n. Napansin ko rin 'yung ulohan ng swimming pool na nasa gilid ng bahay. Bago kami pumasok sa kotse. Nakatunghay lang ako sa binatana hanggang sa umandar, "Anggara ng kotse mo. May aircon!" "Ngayon ka lang nakasakay ng kotse?" tanong niya na ikinatango ko ng maraming beses. "Oo, pero nakasakay na ako ng jeep at bus na may aircon. Pero itong kotse mo? Naks! Anggara talaga!" hindi mapigti ang ang pagkakamangha ko at aliw na aliw din sa pagtitingin sa labas. "You can ride this car whenever you want." bigla ay napalingon ako sa kaniya na may nakangiti na mukha. "T-Talaga? Pwede?" He nodded at me, before pulling off his gaze from me. Diretso ang tingin nito sa unahan. "From this time on, what's mine is also yours. You can do whatever it makes you happy. I don't mind."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD