Chapter 26

3204 Words
Sa dalawang araw na inilagi ni Mia sa hospital ay hindi naman siya gano'ng naburo, napapansin niya kasi na hindi madalas na ring umaalis si Alexus kaya't nilibang niya nalang ang sarili sa panonood ng lakorn drama. May subtitles naman kaya't naintindihan niya pero 'yung mata niya baba dito angat doon, buti hindi pa natutuliro ang mga mata niya at naaliw pa siya sa kakapanood ng romance na drama na pinaresan niya ng pag-kain ng grapes at sliced na mga prutas which is gawa ni Alexus bago umalis. Nakakapagtataka nga lang kasi simula kahapon ay hindi na bumabalik ang mga kaibigan nito sa hospital upang dalawin siya. Though, hindi naman siya nag-aalala dahil malabong masaktan ang mga 'yun. Isa pa, napag-alaman niya rin na naka-confine si Chance sa katabing silid, kaya nang matapos ang pinapanood niya ay bumaba siya sa bed niya at lumabas. Total ay wala na siyang dextrose at benda na dapat inda-in or akay-akayin. "Gago! Ang panget ng disenyo niyo, gumagawa ba kayo ng Disney house, ha?" Hindi pa siya nakakapasok at kakatok pa lang sana nang bumukas marinig niyang nag-reklamo ito. Napagdiskitahan niya na munang tumayo sa pintuan. "Palitan niyo! Mga gunggong, hindi ba kayo marunong mag search ng love design and portraits para sa taong surpresahin ang girlfriend niya?" Mukhang iritado ito at hindi niya naman alam kung sino ang kaaway nito. [Walanghiya ka, Chance! Ikaw kaya dito!] [Oo nga! Wala kang ibang alam kundi mag-reklamo, wala ka namang ambag!] Sumunod naman ang tawa mula sa bibig ni Chance na mukhang natawa talaga sa mga kaibigan nitong nag-reklamo din sa ka-reklamadoran niya. "Oh, kasalanan ko pa ngayon? Buti nga at naging honest ako! Baka nais niyong ma misinterpret kayo ni Mia diyan?" Nakahilig lang si Mia sa pintuan at naiiling sa mga ito. Dinig pa nga niya ang boses ni Iuhence at Xerxes na mukhang na-buwesit ng bongga. Hindi niya alam kung ano ang initial na pinag-uusapan ng mga ito, pero narinig niya ang pangalan niya at parang may ginagawa ang mga ito na hindi niya rin alam. Napapakamot nalang siya sa kaniyang batok. [Pota ka talaga, Chance! Umalis ka diyan sa hospital at ikaw na ang gumawa ng lahat ng 'to!] [Hangal, nilaglag mo ang mga sarili natin Z! Tayo kaya ang nag-suggest ng tulong kay King!] Pumaibabaw ang pilyong tawa ni Chance, lumakas pa nga iyon. "Kita niyo namang kaawa-awa ang tao, pagta-trabahoin niyo pa--hi! Mia!" hindi natuloy si Chance sa pagsasalita nang mapansin si Mia na pumasok. "Narinig kita mula sa labas, mga kaibigan mo ba ang kausap mo?" Maligalig at makulit na pagtatanong ni Mia habang itinuturo ang pintuan saka mabilis na nakisilip sa cellphone. [Ayy, yawa! Huwag niyo itutok ang camera diyan!] [The f**k! Ilipat mo ang camera Dion, makikita niya ang ginagawa natin!] Naging magulo ang camera at hindi maaninag ng maayos ni Mia ang nasa kabila. Naka-video call kasi ang mga ito. "Uy, anyare sa inyo?" Tiyaka siya nagtanong na may nangungunot na noo. Samantalang si Chance ay kinuha rin ang cellphone mula sa paningin niya. "Mukhang busy yata sila, Mia. Kita mo naman 'yun." Sabi ni Chance sa kaniya na pangiti-ngiti, pinipigilang matawa. Siya naman itong nagkasalubong ang kilay. "Gano'n?" Tipid niyang sagot tiyaka nagpunta sa lamesa ng silid ni Chance. "Oo, hayaan na mo na muna sila. Dadating rin naman 'yun dito bukas para sunduin tayo." Oo nga't makakalabas na sila bukas. Grabe nabuburo na siyang magkulong sa kuwarto ng hospital nang walang ginagawa na makakapagpa-pawis sa kaniya. Hindi kagaya no'ng nasa bahay siya nila Alexus na parati siyang abala sa kusina, sa loundry o hindi kaya sa paglilinis. Ang takaw pa naman niya at puro higa at upo lang ang ginagawa niya simula no'ng makarating sila dito sa Paris. Binuksan ni Mia ang chocolate cake na box ni Chance na hindi pa nagagalaw, "Gusto mo kumain? Ipag-slice kita." Alok niya sa kaibigang naka-upo lang sa kama. "Anong flavor ba 'yan?" Obviously, wala talagang plano si Chance na galawin ang cake na binili ni Adam dahil sa hindi rin nito alam ang flavor. "Tsokolate. Saglit ipag-slice kita." Hindi na niya hinintay ang sagot ni Chance at pinaghiwa na ito agad. Napapansin niya naman ang hindi nabubuksan na mga packs ng pagkain na paniguradong hindi pa nagagalaw. "Hindi ka ba kumakain dito? Bakit hindi man lang ito nagagalaw? May laman ba 'yang tiyan mo?" Sunod-sunod niyang tanong, at imbes na unahin ang cake ay kumuha siya ng isang pack ng McDonald. "Kumakain naman--" lumapit si Mia kay Chance at ipinuwesto ang portable na lamesa bago inilagay sa harapan nito ang pagkain na kinuha niya. Shutting Chance's mouth. "Kain ka muna diyan. Tiyaka nalang ang cake pagkatapos mo. Ano ba namang resistensya ng lakas mo kung hindi ka kumakain." Komento ni Mia at naiiling pa. Kumuha siya ng tubig at inilagay rin sa harap ni Chance. "Alam mo bang hindi dapat sayangan ang pagkain? Kaya nga 'yong nasa silid ko ay kinakain ko kahit busog ako. Hindi ko rin kasi alam do'n kay Alexus at kung bakit nagdadala ng maraming pagkain nang may marami pa namang natitira, eh ako lang naman mag-isa. May plano pa yatang gawin akong baboy." Pagbabagulbol ni Mia na ikinatawa ni Chance. Muntikan pa itong mabilaukan sa buto na nilunok. "I don't even know that you're also a foodie, Mia." Wika ni Chance at uminom ng tubig. "To be frank, that fucker is lazy, ngayon ko nga lang din napapansin na nag-effort 'yan na magdala ng pagkain. Kahit sino sa'min na ma-hospital ay dadating lang 'yun na walang dinadala, maliban sa sarili niya." Komento ni Chance na sumubo ng kanin na may sinahugang gravy matapos magpahayag ng tungkol kay Alexus. Napapaisip si Mia, kapagkuwa'y napakamot sa ulo. "Talaga? Eh, may alam ka ba kung paano 'yun mang-ligaw?" Kung kanina ay ka-muntikan lang mabilaukan si Chance, ngayon ay nabilaukan na talaga. Namumula ang mukha na matigas na napapa-ubo. Kinuha ni Mia ang pitcher at sinalinan ng tubig ang may kalahating laman na baso ni Chance. "Hala, may nasabi ba akong mali? Bakit ka naman nabilaukan?" Hindi niya naman maiwasan na mag-alala. Para kasing time bomb ang mukha ni Chance na malapit ng sumabog sa sobrang pula. Naalala niya tuloy 'yung angry bird na kulay itim, sasabog ng kaniya kapag nagulat o nagalit. Kalaunan ay kumalma naman si Chance at hinimas-himas nito ang sariling dibdib. Marahan pang pinukpok ang dibdib pagkatapos. Si Mia naman ay naghihintay lang at nakatingin kay Chance, nagmumukha siyang bata tuloy na naghihintay ng bed time story sa nanay niya. "So, ano? May alam ka ba kung paano manligaw si Alexus?" Kuryuso kasi talaga siya dahil mukha kasing may mali. Imbes na ligawan siya ni Alexus ay iniiwanan naman siyang mag-isa sa hospital. Loko ang asawa niyang 'yun. "Uh... Medyo?" Looks like Chance isn't that sure with his own answer. Even his expression looked weird and awkward. Teka, nahihiya ba 'to sa kaniya? "Medyo? Anong medyo? You mean, hindu marunong?" At dahil hindi naman tinaguriang manhid si Chance, napatawa ito ng malakas. Hinampas niya si Chance sa braso, "Huwag ka nga muna kasing tumawa, saka ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko?" Puwersahang napapatigil si Chance sa makaluhang tawa, natatawa pa rin ito kahit pinikot na ang sarili na huwag matawa. "Alright, pero ipangako mong sekreto lang natin 'to ah?" Na-excite naman si Mia, at kung bakit siya na-excite? Hindi niya alam, feel niya kasing interesting ang sasabihin nito. Baka pati siya ay matawa na rin. "Pinky swear!" --- Kinagabihan ay dumating si Alexus at nadatnat na natutulog si Mia. Napagod siya buong araw dahil sa secret mission nila ng kaniyang mga kaibigan, kaya naupo siya upoan na nasa tabi lang ng kama ni Mia at nag-nap. Nakapatong ang ulo sa mga braso na magkahulagpong, at kaagad na natulog. Isa sa rules ng ligawan nila ay bawal magtabi sa pagtulog. Walang kiss at walang hug, pero dahil naaawa si Mia sa mukha ni Alexus nang sinabi niya ang kondisyon niya rito ay pinag-pwede niya nalang ang hawak-kamay. Kaya nang maramdaman ni Mia na dumating na ito ay nilingon niya ito at nakitang tulog na tulog na. Dahan-dahan siyang bumaba sa kama, hinay-hinay niya ring kinalas ang makapal na kumot sa kaniyang katawan at king-koy na naglalakad na naka-paa para lang hindi ito magiding. Umikot siya sa banda nito at nilapitan ito, para kunin ang cellphone nito. Well, hindi niya mahagilap ang cellphone niya, kaya kay Alexus nalang ang gagamitin niya. "What are you doing?" Kung kailan niya aabutin ang bulsa nito ay saka naman ito nagsalita. Halos mapatalon si Mia sa kaniyang kinatatayuan nang mahuli siya ni Alexus. Kumabog ang puso niya sa pagkakagulat. Napakurap-kurap siya at napapa-ubo ng peke, sabay iwas ng tingin dito at tuwid ng tayo. "Ahh..." Pinagkamot pa niya ang kaniyang hintuturo sa sintido niya. "What do you need, wife?" His voice isn't dominant like earlier. It turned out to be genuinely husky. Saklap lang dahil hindi pa nga niya nahahawakan ang bulsa nito ay natunogan siya kaagad. Naiilang siyang napa-sulyap kay Alexus pero agad na nag-iwas ng tingin dahil sa nahuli nito ang kaniyang mata. Tumikhim siya, tiyaka umatras ng isang hakbang, pinagtago ang mga kamay sa likuran niya at napalunok ng mariin. "What is it?" Tumayo si Alexus sa kinauupoan nito kaya... "A-Ano, hihiramin ko lang 'yung cellphone mo." Hindi siya makatingin dito, pero nagulat nalang siya nang may makita siyang cellphone na nakalahad sa kaniya. Napa-angat siya ng tingin kay Alexus, "O-Okay lang naman sa'yo, noh?" Alexus purse an assuring smile. A kind of smile that could make your knees wobble because Alexus barely smiles like that to her. Though, he smile a lot, pero ka-kaiba kasi dahil nagagawa lang naman nitong pasadahan ang kabuoan niya nang de-kurenteng sensasyon. Animo'y pinakilig ang lahat ng ugat na namumuhay sa katawan niya. "Yeah, take your time." Umupo ito ulit, pero hindi na natulog ulit. Tinuro niya ang kama, "Ikaw na muna ang matulog doon. Sa sala muna ako." Tiyaka turo niya sa sala. Nagtaka naman si Alexus sa kaniya, "Gabi na, hindi ka pa matutulog?" Kapag nagsalita talaga ito ng tagalog ay napakalalim, animo'y sinaunang tao sa kapanahonan pa ni Rizal. Napapangiti siya tapos umiling. "May gusto akong gawin na bucket lists. Need ko munang mag-research." Aniya at nagsimula ng magtungo sa sala. "Matulog ka na, nang sa gano'n ay makapagpahinga ka rin." Umupo siya sa couch, pero hindi talaga agad matinag si Alexus at sinundan siya. "What do you mean by making a bucket lists?" At mukhang may kuryuso pa sa kaniyang gagawin. Kanina kasi habang nag-uusap sila ni Chance, napag-alaman ni Mia na hindi pa nakaka-subok si Alexus. Umusog palayo si Mia mula kay Alexus sabay dampot ng papel at ballpen sa center table. "Malalaman mo rin 'yun bukas, pagka-uwi natin. Kaya do'n ka muna. Tulog ka na do'n." Sabay taboy niya rito. Na mukhang nagdadalawang-isip pa bago tumayo at nagtungo pabalik sa kama. No'ng malaman ni Mia na walang karanasan si Alexus ay kaagad siyang nagka-isip. Kung pareho din naman silang walang alam, bakit siya nalang ang gagawa ng paraan para mas mapatibay pa ang samahan nila? Isa pa sa nalaman niya ay hindi daw ito nagkaroon ng oras para sa sarili at puro trabaho nalang ang kinalampag. Pansin nga niya rin 'yun no'ng sa bahay pa sila nito at maagang aalis tapos gabi na umuwi. Except sa matulog at kumain kasabay niya ay wala na itong ginagawa pang iba. Marahil nga lang kung may trabahong dinala sa bahay at mag-kampo ito sa opisina nito. Magdamag na nakatutok si Mia sa kaniyang ginagawa hanggang sa mag-umaga at napuno na niya ang isang one-half length twice na papel sa mga gusto niyang gagawin nila. Binuksan pa niya ang camera at nag-selfie with piece sign, labas lahat ng ngipin niya at ginawa pa 'yung wallpaper ni Alexus. Naghikab siya nang mag-alas singko at nag-inat ng mga braso. Inaantok na siya kaya maigi niyang itinago ang papel sa ilalim ng bra niya bago sumampa sa kabilang dako ng kama. Ilang sandali bago siya sumampa ay nagising naman si Alexus, nakita niyang natutulog si Mia sa kabilang side ng kama. Nilapitan niya ito at niyakap ng ilang segundo bago pinatakan ng halik ang noo nito. Habang nasa ganoong posisyon, napansin niya ang cellphone na nakalapat sa ibabaw ng bedside table. Inabot niya iyon at tumihaya sa kama. Pagkabukas niya sa cellphone ay na-windang siya, kapagkuwa'y napapangiti, nang sumalubong sa kaniya ang mukha ng asawa na nag-cheesy selfie sa mismong wallpaper niya. That plump lips of hers distracted him to look there for a minute. His gaze went up to her eyes that appear tired and sleepy with light dark circles under her eyes, kahit mukhang inaantok ay maganda pa rin ito sa paningin niya. In his eyes, she's the most beautiful wife he had. The most adorable and jolly partner whichever scold him and prohibit him with his wants. --- Pagka-discharge ni Mia alas sais ng gabi ay nagulat nalang siya nang hindi siya nito ini-uwi sa hotel, kundi sa isang bahay! Nalaman niya nalang nang pumasok sila sa isang magara na gate tapos may bunggalo na bahay sa unahan at kapansin-pansin ang iilang romantic series lights. Take note, this house is intrusive yet classy and glassy. Kita ang looban ng bahay, may mga iilang decorative na mga pananim na siyang nagpapaganda sa nasabing bahay. Hindi gano'n kalaki ang bahay, sakto lang sa kanila. "Alexus, bakit tayo nandito?" Nagtataka ngunit namamangha niyang tanong, naka-kunyapit pa siya sa bintana ng back seat. "This will be our vacation house here in Paris." Kalmadong sambit ni Alexus habang tuwid na nakatingin sa harapan. Hinihintay na tumigil ang sasakyan. Umawang naman ang bibig ni Mia dahil sa sinabi nito, did she heard it right? Vacation house daw?! 'Naku, lord! Mabuti nga talaga at niligtas mo ko no'ng araw, dahil kung hindi, hindi ko rin masilayan nag bahay na 'to. Ang astig, parang nasa k-drama land lang ako ah!' bulalas niya sa kaniyang isipan. Napapangiti pa siya ng husto. Nang tumigil naman ang sasakyan ay nauna na siyang lumabas at tumakbo sa maliit na trailway papunta sa bahay nila habang ipina-park ni Jeff 'yung sasakyan sa garage. Bukas naman ang pintuan kaya't excited na pumasok si Mia, pero gano'n nalang ang pagkakatigil niya nang... "Tang'na ka talaga, Xerxes! Ang sakit ng balakang ko!" "Tumahimik ka nga diyan, Iuhence! Nandiyan na sila!" "Gagii! Huwag kang malikot Leon!" "Ano ba, Adam! Huwag mo ko sipain!" "Ang liit ng space hindi ako makakadapa ng tuwid!" "Animal! Bakit ang iingay niyo?! Tahimik nga kayo mga hangal!" "Pisti, 'yung braso ko Z!" May marinig siyang pagtatalo na mukhang nasa ilalim ng portable sofa, malaki 'yun at malapad. Imbes na magulat si Mia sa mga decoration na mukhang dumalo siya sa isang birthday party, ay naagaw ang kaniyang atensyon sa kinaroroonan ng sofa. "Aray naman, Race!" Dinig niyang daing ni Dion nang maglakad siya palapit roon. Pero napatigil nang umakbay sa kaniya si Alexus. "You heard them?" Bulong nito sa kaniya na ikina-bungisngis niya. "Sshh! Gulatin natin." Pakikipag-sundo pa niya sa kaniyang asawa na tiim lang na tumango. Alexus was supposed to showcase her the house but when he saw the glimmer of excitement from her eyes, he take things aside and followed her. Sinenyasan ni Mia si Jeff na kakapasok lang na tumahimik at patayin ang power circuit ng buong bahay which is sinunod nito at pagkapatay ng ilaw ay... "Narinig niyo ba ang narinig ko?" Si Raven "Bakit biglang uminit?" -Martinez "Baka brownout?" -Reden "Sandali nga, labas muna tayong lahat!" Anunsyo ni Phoenix at nagsitango-tango naman ang lahat. "Ako nauna! Damn, huwag kayong malikot!" Daing ni Ian. Si Von naman ay ipit na ipit na sa gitna ni Axel at Z na panay kamot sa kani-kanilang mga katawa dahil nangangati sila sa init at nangangamoy pawis na. Naiirita na itinulak niya ang sofa pabukas... "Ahhh!!!" Napasigaw siya nang may makita siyang tatlong multo na nakatayo sa mismong harapan ng sofa. Nataranta naman ang iba at napabagon mula sa pagkakadapa, "Ahhhhh!!!" Sabay-sabay nilang sigaw at nagsisitalon paalis. "May multo, yawa!" "Takbo!" Pero ang mga hangal ay napapatigil sa pagtakbo lalo na si Iuhence na lalabas na dapat ng bahay nang umalingawngaw ang malalakas na tawa mula sa tatlong puti na multo. "HAHAHAHA!" Pero ang tawa talaga ni Mia ang bumulabog. Pinatay ni Mia ang flashlight niya at inayos ang buhok habang tumatawa pa rin. Ang mga magkakaibigan na takot na takot ay napapa-poker face dahil sa pinaglalaruan sila ng mismong asawa ng kaibigan nila. "Gastog, hindi ko alam na matatakutin pala talaga kayo." Niyakap pa ni Mia ang tiyan at ang isang kamay ay pinunasan ang mga mata na naluluha sa kakatawa. "Mia naman!" Unang nag-reklamo si Axel sabay hilamos ng mukha. "Ginulat mo naman kami, eh!" Sabay-sabay nilang sambit, maliban kay Chance na kaka-pasok lang at agad na nagunot ang noo dahil sa nadatnan si Mia na tumatawa. "Anong meron?" Tanong ni Chance at inisa-isang tiningnan ang mga kaibigan niyang wala sa mood. "Surprise kasi 'yun. Haha!" Sambit ni Mia. "Darn, I didn't expect to see your horrible faces!" Jeff commented followed by a annoying laughter. "Takot pala kayo sa multo? Langya, ang sakit ng tiyan ko, hoooohhhh!" Saka ito hapong-hapo na umupo sa couch na may balloon pa at aksidenteng naupoan, pumutol ito nang hindi inaasahan na siyang ikina-windang rin ni Jeff. "Karma! Hahaha!" Napuno na naman ng tawanan ang maliit na sala. Dahil sa kalalakihan na kasama nila ay nagmukhang makitid at maliit ang naturang sala. Pero nabalot naman ng saya. "Ayan, tanga kasi!" Pagbato ni Leon na sinang-ayunan din ng lahat at magkasunod na binully so Jeff. In between their laughter and sweet bond with everyone, Alexus snaked his hand down to her waist and maneuver her to the garden pool. Pagkarating nila sa garden ay napatigil si Mia mula sa paglalakad nang may mapansin siyang punong kahoy na may naka-kabit na series lights at iilang papel na naka-sampay sa gitnang awang ng mga ilaw. Sa ibaba no'n ay may iilang throw pillow at center table habang kaharap ang isang puting projector. It's not a grande preparation but it made her feel surprised. Tahimik siyang lumapit roon, awtomatiko niyang naaninag ang iilang video niya sa projector, nakakaagaw pansin ang mga tawa niya na animo'y isang dambuhalang gorilla na may malakas na boses kung bumuhakhak. Napatawa siya sa mukha niya. Sumunod na umagaw sa kaniyang atensyon ay ang mga litrato na nakasabit. Isa-isa niya 'yung tiningnan at tila hinaplos ang kaniyang puso nang makita niya roon ang mga litrato niya na may kasamang mga mensahe sa likuran. Telling her that she deserves to be happy, to be loved and to be treasured. Alexus made her feel emotional with his little descriptive qoutes. Lalo na sa isang litrato kung saan siya mahimbing na natutulog sa hospital. Pakiwari niya'y ito 'yung unang gabi na nasa hospital siya. Naiiyak siya, lalo pa't naalala niya ang mga struggle niya sa apat na araw na pagkakawala niya. "You're the bravest girl I met. I'm grateful that you made it back to me, safe." Akala niya talaga ay hindi na siya makakabalik. Akala niya ay hindi niya kakayanin. Pero heto siya, at kasama itong muli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD