"That's it?" kunot noong tanong ni Violet habang kumakain kami ng aming lunch break, "Talaga na pinapunta ka lang ni boss doon para tulungan siya na pumili ng regalo?"
Mabilis na itinango ko agad ang ulo ko para kumpirmahin iyon. Ngunit hindi naman naniniwala na tinitigan ako sa mga mata ni Violet. Alam ko na sa kanyang paningin ay hindi talaga kapani-paniwala ang kwento ko. Pero iyon talaga ang dahilan ng pagtawag sa akin ng aming boss sa kanyang opisina. Dahil lamang nais niya malaman ang opinyon ko sa magandang ireregalo sa kanyang anak.
"Hmmm... That's weird..." pagbibigay opinyon muli ni Violet, "Kasi kung iisipin di ba... Bakit hihingin niya ang opinyon mo tungkol dito? Nandiyan naman kaya ang sekretarya niya para mas una na tanungin niya di ba?"
Napaisip din ako ng malalim sa maaaring rason ng aming boss. Kung bakit nanaisin ni Mr. Mijares na kausapin ako sa ganoong dahilan lamang.
"O.M.G!" biglang hiyaw ni Violet at malakas na hinampas ako sa braso, "Mukhang tama ang hinala ko noon! May pagtingin sa iyo ang ating boss! My goodness! Para-paraan pa itong si boss para lang makausap ka ng solo sa opisina niya!" natatawang hinala pa niya.
Agarang tinakpan ko naman ang bibig ni Violet at pinanlakihan siya ng mata. Sa lakas kasi ng boses niya ay may ilang nakikiusyoso na empleyado na napalingon sa aming gawi at nagsimulang magbulungan sa kanilang narinig. Ngayon ay hindi na ako magtataka kung biglang magkaroon ng chismis tungkol sa amin ni Mr. Mijares. Baka akalain pa ng lahat na nilalandi ko ang boss namin o kabit niya ako.
Diring diri na inalis naman ni Violet ang kamay ko mula sa pagkakatakip sa kanyang bibig. "Violet, ang bunganga mo!" naasar na suway ko sa kanya at hinataw siya sa balikat, "Baka mamaya niyan ay makarating kay Mrs. Mijares ito at mawalan pa ako ng trabaho! Saan na lang ako pupulutin kapag nangyari iyon?"
"Pero girl! Iyon lang kasi talaga ang posibleng dahilan na naiisip ko!" pagpupumilit ni Violet sa anumang tumatakbo sa isipan niya, "Kahit sino maghihinala sa ginawa na iyon ni boss. Tsaka siya na rin ang literal na nagsabi na maganda ka di ba? Mukhang pasimple pa siya na nagtatanong ng pang-regalo sa anak niya pero ang totoong motibo niya ay inaalam lang niya kung may jowa ka na. Dumada-moves si boss sa iyo."
Lalong nanlisik ang mata ko sa patuloy na paggigiit na iyon ni Violet. Na may posibilidad na may gusto sa akin ang boss ko para gumawa ng walang katuturang rason at ipatawag ako sa kanyang opisina.
"See? Kahit ikaw ay naiisip na may gusto nga siya sa iyo. Kaya ako sa iyo, Savannah... Hanap hanap ka na ng jojowain bago ka pa masangkot sa anong eskandalo riyan kay boss," pagbibigay payo niya, "Baka bigla na lang sumugod dito si Mrs. Mijares at sabunutan ka. Ikaw din."
Nanlulumo na napasandal naman ako sa upuan. Pakiramdam ko ay mapupunta sa isang telenobela na tagpo ang buhay ko kapag nangyari iyon. Kung saan nagharap ang legal wife at ang kabit nito sa opisina ng lalaki.
Urrrghhh!
Kung totoo man na may gusto sa akin si Mr. Mijares ay kailangan ko gumawa ng paraan para hindi humantong sa malaking gulo ito. Kailangan ko humanap mg taong ipapakilala bilang boyfriend ko nang sa ganoon ay sumuko ang aming boss sa akin.
"Pero sana ganoon lang kadali maghanap ng boyfriend..." problemadong komento ko pa, "Paano na ito?"
***
Katulad ng aking inaasahan may ilang empleyado ang biglang nagsimulang umiwas sa akin. Nangyari ito pagkatapos ng nangyaring pagpapatawag sa akin ni Mr. Mijares sa kanyang opisina. Alam ko na iniisip nila na may nabubuong 'something' sa amin ni Mr. Mijares. Na kabit ako ng aming bilyonaryong CEO.
"Wow! Ang dami talagang 'Marites' kahit dito sa opisina," iiling iling na komento ni Violet nang mapansin din ang pakikitungo na iyon ng iba naming kasamahan sa opisina.
Napairap naman ako sa sinabi na iyon ni Violet. "Maka-komento ka naman ay parang wala kang kinalaman sa nangyayari na ito," pagsisisi ko sa kanya.
"Sorry na nga kasi, Savannah," guilty na paghingi niya pa ng paumanhin aa akin, "Hindi ko naman akalain na seseryosohin nila ang hinala ko na may gusto sa iyo si boss"
"Urrgh! Inulit mo pa talaga," asar ko na pagpuna muli sa kanya dahil muling mapalingon sa aming gawi ang ilang empleyado, "Pakiramdam ko ay lalo mo lang pinalala ang sitwasyon ko."
Agarang napatakip ng kanyang bibig si Violet bago nag-'peace sign' sa akin. Kung hindi ko lang siya kaibigan at alam ko ang kanyang personalidad ay baka kinasuhan ko na siya ng oral defamation.
"Savananah, ano nga pala ang plano mo bukas? Rest day natin di ba?" biglang tanong ni Violet sa akin, "Gusto mo ba gumala tayong dalawa?"
Sa pagyaya niyang iyon ay napakamot ako ng aking ulo dahil naalala ko na may pupuntahan ako bukas. "Sorry, may kikitain ako bukas," pagtanggi ko, "Sa susunod na lang tayo gumala na dalawa."
Tila nakuha naman ng sinabi ko ang interes ni Violet. Kaya biglang halos idinikit niya ang kanyang mukha sa aking mukha.
"Lalaki ba ang kikitain mo?" nakangising pagtatanong niya, "May ka-date ka bukas? Seryoso ba ito? Ikaw mismo ang makikipag-date?"
Napangiwi ako sa lakas na makiramdam ni Violet sa ganitong mga bagay. "Parang ganun na nga..." pag-amin ko, "Pero hindi naman katulad ng iniisip mo..."
Biglang kinikilig na tumili si Violet at hinampas ako sa balikat. "Start na ba ito? Malapit na ba maging 'in relationship' ang status mo sa f*******:?" nag-iintriga pa niyang tanong, "My gawd! My gawd! Totoo na may himala!"
"Walang ganoon na mangyayari, Violet... Kikitain ko lang si Glyden dahil sa hiniling iyon ng kapatid niya na kaibigan ko," pagrarason ko naman.
"Oh hoh... So Glyden ang name ng future boyfriend mo?" nakangising komento pa ni Violet, "Savannah and Glyden... Not bad."
"Violet..." hindi na natutuwang komento ko.
Ngunit biglang nagtakip muli ng kanyang bibig si Violet. Namutla pa siya habang nakatingin sa likuran ko. Paglingon ko naman ay laking gulat ko nang makita roon si Mr. Mijares. Bahagyang kumunot pa ang noo ni boss mula sa narinig na usapan namin ni Violet.
"So you are going on a date tomorrow, Miss Quintana?" seryosong tanong ni Mr. Mijares at matamam na tinignan ako sa mga mata.
Napalunok naman ako ng ilang beses. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot sa hindi malaman na dahilan. Wala naman ako ginagawang masama para matakot di ba?
"Uhmmm... F-Friendly date lang po iyon, boss..." pagrarason ko na akala mo nahuli na nag-cheat sa aking nobyo.
"Friendly date huh..." napapaisip na pag-ulit pa ni Mr. Mijares bago malakas na napatikhim, "So then... Enjoy your weekend."
Doon ay mabilis na nagpatuloy si Mr. Mijares sa kanyang paglalakad palabas ng aming floor. Nang makaalis ito ay agarang nagkatinginan kami ni Violet sa isa't isa dahil na rin sa naging reaksyon na iyon ni Mr. Mijares.
"I told you..." may pahiwatig na sambit ni Violet, "May gusto nga sa iyo ang boss natin."
Doon ay lalong nanlumo ako sa kinalalagyan na sitwasyon. Mukhang totoo nga ang hinala ni Violet.
***
Kinabukasan...
Hindi maipinta ang aking mukha nang magising mula sa mahabang pagkakatulog. Sa loob kasi nang mahigit tatlong taon ay gabi gabi na binibisita ako ni Apollo sa aking panaginip. Ngunit kagabi ay nakakapagtaka na hindi siya nagpakita kahit sandali sa akin.
"Urrrgh! Bakit?" naguguluhan kong sambit, "Bakit walang Apollo kagabi? Ano ang nangyari?!"
Ginulo ko ang aking buhok sa labis na pag-iisip sa anumang maaaring dahilan. Gusto ko pa naman siya makita kagabi para sa ganoon ay gumaan ang pakiramdam ko sa kinakaharap na problema sa opisina. Pero kung kailan kailangan ko siya ay saka naman siya hindi nagpakita sa akin.
"Hindi kaya kaparusahan ko ito dahil sa nilihim ko sa kanya na kikitain ko si Glyden sa araw na ito," hinala ko pa, "Marahil ang konsensiya ko na mismo ang humarang para hindi kami magkita kagabi."
Sa pagkayamot ay muling bumalik ako sa paghiga sa kama. Gusto ko na lang matulog muli kung sakali sa pagkakataon na iyon ay magpakita si Apollo sa akin.
Iyon nga lang bago ko pa maipikit muli ang mga mata ko ay malakas na tumunog ang phone ko. Doon ay yamot na kinuha ko ito sa gilid ng aking kama at tinignan kung sino ang nilalang na tumatawag sa akin ng ganoong kaaga. Ngunit nang malaman ko kung sino ay sunud sunod na napamura ako. Napag-alaman ko lang naman na si Myca ang tumatawag sa akin. Talagang sinisiguro ng aking kaibigan na sisiputin ko ang kuya niya sa aming usapan.
"Urrrgh!" hindi ko natutuwang bulalas pa.
Muling tumunog ang phone ko kaya sa huli ay napipilitan na sinagot ko ito. "Oo na! Pupunta na nga ako!" pagbungad ko pa agad sa kanya dahil alam ko naman ang dahilan ng pagtawag niya.
(Weew! Akala ko kasi kinalimutan mo na naman, Savannah!) nakahingang komento ni Myca, (Mag-ayos ka ha! Para lalo mo mabihag ang puso ni Kuya Glyden.)
"Myca, really? Alam mo naman di ba?" nakasimangot na komento ko, "Hindi ganoon ang pagtingin ko sa kuya mo."
(Come on! Just give him a chance,) pakiusap ni Myca, (Malay mo naman di ba na siya na pala ang lalaki na para sa iyo.)
Napailing ako ng ulo sa sinasabi na iyon ni Myca. Masyado na kasi lumipas ang panahon para masabi na si Glyden ang nakatadhana sa akin. Dahil kung talaga siya ay dapat noon pa lang ay nagkaroon na ako kahit kaunting crush sa kanya.
Pero talagang waley eh. Zero kumbaga.
Malakas na humugot na lang ako ng malalim na hininga. "Sorry Myca," iyon na lang ang huling sinabi ko bago tapusin ang tawag niyang iyon.
Pagkatapos ay muling napahiga ako sa kama at napatitig sa kisame. Inisip ko ang kalalabasan ng araw na ito. Sana lang ay matanggap ni Glyden ang gagawin ko na pag-basted sa kanya. Sana lang din ay hindi masira ang pagkakaibigan namin ni Myca nang dahil lang dito.
Nang lumipas pa ang ilang sandali ay pinilit ko na ang sarili ko na ibangon mula sa kama. Kailangan ko na kasi maghanda para sa pagkikita namin ni Glyden.
***
Halos tumakbo na ako patungo sa lugar ng pagkakakitaan namin ni Glyden. Sakto lang naman ang pag-alis ko sa bahay kanina pero sa hindi ko inaasahan na pagkakataon ay naabutan ako ng matinding traffic sa daan.
"Nakakahiya kay Glyden," bulong ko pa sa aking sarili, "Ako pa naman ang nagsabi sa kanya ng oras at lugar ng aming pagkikita."
Pagkarating ko roon ay hindi naman ako nahirapan na hanapin si Glyden dahil na rin sa direksyon ng humahangang tingin ng mga kadalagahan sa paligid. Nakita ko na preskong nakapamulsa pa sa gitna ng mga naroroon si Gylden. Kung titignan ay tila isa siyang modelo na nag-aantay ng photographer na kukuha sa kanya ng mga litrato.
Kaya aaminin ko naman na gwapo at mabait siya. Siya tipo ng lalaki na papangarapin ng maka-date ng maraming kababaihan. Ngunit siyempre hindi ko naman maaaring diktahan ang puso ko na mahalin siya dahil lang sa gusto iyon nina Myca o dahil lamang sa gwapo siya.
Nang mapatingin sa gawi ko si Glyden ay umabot hanggang tenga ang ngiti niya sa labi. "Savannah, nandito ka na," masayang pagbati niya.
Nilapitan ko naman siya para maramdaman ang mga naiinggit na tingin ng mga kababaihan sa aming paligid. "Uhmmm... Pasensiya na kung na-late ako..." agarang paumanhin ko sa kanya, "May nagkabanggaan kasi sa daan kaya naabutan ako ng matinding traffic."
"It's fine. Basta ang mahalaga ay dumating ka sa araw na ito," walang pakialam na sambit pa ni Glyden bago masayang masaya na inilibot ang tingin, "Let's go?" pagyaya pa niya sa akin.
Pilit na ngumiti naman ako sa kanya bago itinango ang aking ulo. Siya na rin kasi ang hinayaan ko na manguna sa lakad namin na ito. Balak ko kasi na bigyan muna siya na ilang chance sa araw na ito at kung wala pa rin ako naramdaman para sa kanya ay agarang tatanggihan ko ang pag-ibig niya para sa akin.
Ngunit habang naglalakad ako kasama si Glyden ay nakaramdam ako ng kakaibang kilabot sa aking katawan. Nanginginig na napayakap ako sa aking sarili bago dali dali na inilibot ang tingin. Pakiramdam ko kasi kanina ay may matalim na mga mata na nanunuod sa akin.
"Savannah?" pagpansin naman sa akin ni Glyden, "May problema ba?"
Mabilis na iniling ko naman ang aking ulo at binalewala na lang ang naramdaman na iyon. Marahil masyado lang ako na-praning sa mga nangyari nitong nakaraan. Unang una ay ang isyu sa opisina tungkol kay Mr. Mijares. Sumunod naman ang hindi pagpapakita sa aking panaginip ni Apollo.