Matagal na napatitig ako sa napaka-gwapong mukha ng kaharap na estranghero. Iyon ay dahil sa hindi ko akalain na posible nga na magkaroon ng tao na kasing gwapo ni Apollo sa mundong ito. Na hindi sa panaganip lang nag-e-exist ang mga taong katulad niya.
Sa matagal ko naman na paninitig sa mukha ng estranghero ay malakas na napatikhim ito. Dahil doon ay agarang bumalik ang diwa ko sa aking katawan at naalala ang aming nakakahiyang posisyon na dalawa.
Kung isa itong nobela ay tila ito ang tagpo kung saan hindi inaasahang nagkita ng dalawang bida. Ngunit alam ko na hindi ako isang bidang babae sa nobela at ang lalaking kaharap ko ang aking male lead.
Kaya nagmamadali na itinulak ko ang lalaki para mabitawan niya ako. Ngunit katulad kanina ay nawalan ako ng balanse kaya agarang sinambot niya muli ako sa aking bewang.
Sa nangyari ay naramdaman ko ang matinding panginginit ng aking mukha. Marahil iniisip ngayon ng lalaki na sinasadya ko ang nangyari para masamantala ang pagyakap niyang iyon sa aking bewang.
"Calm down first, miss... Tutulungan kita na makatayo ng maayos," baritonong sambit ng lalaki bago dahan dahan inangat ako patayo.
Nang parehong nakapirmi na sa sahig ang paa ako ay doon dahan dahan na bumitaw sa akin ang lalaki. Nahihiya pa ito na napakamot ng kanyang batok at napaiwas ng tingin. Habang ako naman at halos magkulay kamatis ang buong mukha dahil sa nangyari.
"Sorry talaga, miss... Hindi kasi ako tumingin sa aking daan para mabangga kita," agarang paghingi ng paumanhin ng lalaki sa akin.
"Err hindi mo kailangan na humingi ng paumanhin dahil kasalanan ko rin naman," nahihiyang pag-ako ko sa nangyari, "Basta lang naman din ako lumiko ng daan na hindi muna inaalam kung may makakasalubong ako."
Doon ay parehong nagkatinginan kami ng lalaki bago sabay na nahihiyang napaiwas ng tingin sa bawat isa.
Pero grabe! Napaka-awkward nito.
Kailangan ko agad makaisip ng paraan para makatakas sa sitwasyon na ito.
"Uhmm... Then are we alright now?" umaasang tanong pa ng lalaki sa akin at tinuro niya kaming dalawa.
Mabilis na itinango ko naman ang ulo ko para kumpirmahin iyon. "Yes. Kung maaari pa nga kalimutan na lang natin ang nakakahiyang pangyayari na ito," nahihiyang paghiling ko pa sa kanya.
Bahagyang natawa ang lalaki dahil sa aking hinihiling. "Of course," pagsang-ayon naman niya, "Let's just forget what happened here."
Nakahinga naman ako ng maluwag. Ano na lang kasi mukha ang ihaharap ko sa mga tao kapag nalaman nila ang nangyari rito? Baka isipin pa nila na isa akong desperadang babae na nagpapansin sa gwapong ito.
Nagulat ako nang maglahad ng kamay sa harapan ko ang lalaki. "By the way, I'm Zeus Reynoso," pagpapakilala niya sa kanyang sarili, "And you are..."
Napaisip naman ako kung tatanggapin ko ang kamay niyang iyon o hindi. Lalo pa na wala naman dahilan para magkakilanlan kami na dalawa. Imposible naman kasi na magtagpo pa kaming dalawa. Masyadong malawak kaya ang mundo para mangyari iyon.
Ngunit alam ko na ginawa lamang iyon ng lalaki dahil na rin sa nakakahiyang nangyari kanina. Mas mabuti na pormal na lang kami na magkakilala kaysa habang buhay na tumanim iyon sa aming alaala.
Kaya sa huli ay ngumiti ako at nakipagkamay sa kanya. "Savannah Quintana," pormal na pagpapakilala ko naman sa kanya.
Nakahinga ng maluwag ang lalaki sa pagpapakilala ko na iyon. "Uhmm... Bisita ka rin ba rito?" paninimula ni Zeus ng aming usapan sa ibang paksa.
Itinango ko naman ang aking ulo. "Oo. Kaibigan ako ni Myca," pagbibigay alam ko, "She is the bride."
"Oh I see..." tumatangong komento ni Zeus, "Pinsan naman ako ni Percy. Well, he is her groom."
Doon ko lang mapansin na may pagkahawig nga siya kay Percy. Pero hamak na mas gwapo siya sa asawa ni Myca..Napailing ako ng ulo sa anumang tinatakbo ng isipan ko. Nakakita lang kasi ako ng gwapo ay tila kasi gusto ko na lumandi. Kailangan ko isipin na may Apollo pa ako na nag-aantay sa akin sa aking panaginip.
"Ah I see," sambit ko na lamang bago nahihiyang nag-ipit ng buhok sa aking tenga.
Doon ay namayani ang mahabang katahimikan sa aming pagitan. Kapwa pareho kami walang maisip na maaari na mapag-usapan pa.
"Err well then... Nice meeting you here, Miss Savannah," pormal na sambit na lamang muli ni Zeus bago tumingin sa loob.
Ngumiti naman ako. "Yes, nice meeting you too, Mr. Zeus," pormal ko naman na sambit.
Doon ay nagpaalam na si Zeus para pumasok sa loob habang ako naman ay nagpatuloy sa aking patungo sa restroom.
***
Sa dumaang mga araw ay wala masyadong nagbago sa nakasanayan kong gawin sa aking mga araw.
Pagkagising umaga ay agarang maghahanda ako sa pagpasok sa opisina. Sumunod ay maghapon ako magtra-trabaho at kung mamalasin ay makakatanggap ako ng talak at sermon mula sa aming accounting head. Pagdating naman ng hapon ay sasabak naman ako sa matinding traffic para lang makauwi. Sa oras na makauwi naman ay kakain muna ako ng hapunan na nabili ko pa sa daan. Pagkatapos ay matutulog ako para katagpuin si Apollo sa aking panaginip.
"Jusko Savannah," hindi natutuwang pagbaling sa akin ni Violet, "Hindi ka ba nasasawa sa ganyang pamumuhay mo? Wala ka ba man lang balak na magliwaliw? Come on!"
"Liwaliw? Pinamumukha mo naman ako na pakawalang babae," pagpuna ko sa kanya habang patuloy sa pagtipa sa kaharap na desktop.
Napahinto si Violet sa pagpindot naman niya sa calculator. "Really girl. Just date a man!" pagbigay payo niya, "Lubusin mo naman ang pagiging babae mo!"
Napairap na lang ako sa pinapayo niyang iyon. Ngunit natigilan kaming dalawa sa pag-uusap nang tumunog ang phone ko. Sa pagsilip ko ay nakita ko may hindi kilalang numero na nag-text sa akin.
"Tch! Scammer these days... Ang galing galing nila na manghula ng numero," iiling iling na komento ko bago napipilitan na binuksan ang text na iyon.
Ngunit agaran ako natigilan nang mapag-alaman na hindi pala scam ang message. Dahil si Glyden pala ang nag-text sa akin at inaalam niya kung kailan kami maaaring magkita na dalawa. Sa sobrang pagka-busy ko nitong nakaraan ay nakalimutan ko na may usapan kami. At marahil si Myca pa mismo ang nagbigay ng numero ko sa kanya para makontak ako.
Malakas na napabuga ako ng hininga bago napatapal ng kamay sa aking noo. Kailangan ko ituloy ang pagpapakita sa kanya kundi ay hindi ako titigilan ni Myca. Tsaka para na rin ito sa ikakabuti ni Glyden. Kailangan niya ng itigil ang walang kahahantungan na pag-ibig niya sa akin.
Kaya agarang nag-reply ako kay Glyden para magkita kami sa susunod na Sabado. Ngunit pagka-send ko ng message ay biglang may malakas na tumikhim sa harapan ko.
Sa pag-angat ko pa ng tingin ay halos lumuwa ang mga mata ko nang makita lang naman sa harapan ng cubicle ko si Mr. Mijares.
"B-Boss!" gulat kong sambit at dali dali na napatayo sa aking inuupuan, "M-May kailangan po ba kayo sa akin?"
Matamam na tinignan ako ni Mr. Mijares na para bang binabasa ang aking isipan."Sumunod ka sa akin, Miss Quintana," seryosong utos niya bago nagpatuloy sa pagtungo sa loob ng kanyang opisina.
Dahil doon ay namutla ako bago naiiyak na nilingon si Violet sa aking tabi. Kahit din si Violet ay hindi maipinta ang mukha sa nangyari. Sa tingin naming dalawa kaya ako ipinapatawag ng aming CEO ay dahil sa nahuli niya ako na gumagamit ng phone sa gitna ng aking trabaho. At nais niya ako pagalitan sa loob mismo ng kanyang opisina.
"V-Violet... M-Mukhang wala na akong trabaho pagkatapos ng araw na ito," kinakabahang sambit ko pa at nanlumo nang maisip kung paano ako maghahanap ng panibagong trabaho.
Mahigpit na hinawakan ni Violet ang mga kamay ko. "H-Hindi pa iyan... S-Siguro warning lang muna ang matatanggap mo..." umaasang komento naman niya, "H-Hindi naman ganoong kasama ang boss natin..."
Napatango ako ng ulo. Istrikto man si Mr. Mijares pero hindi niya pinababayaan ang bawat empleyado sa kompanya niya. Siguro nga ay pagagaliran niya lang ako. Sabagay, sanay na rin naman ako na matalakan pa lang ng aming accounting head.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago malakas na pinakawalan ito. Pagkatapos ay pilit na inihakbang ko ang mga paa ko patungo sa opisina ng aming CEO.
Dahil naman sa glass ang pinto ng opisina ay bahagyang sumilip muna ako sa loob bago kumatok. Sumenyas naman si Mr. Mijares na pumasok ako roon kaya dahan dahan na itinulak ko ang pintuan para mabuksan iyon at naglakad sa loob.
"B-Boss..." kinakabahang sambit ko at matuwid na tumindig pa sa harapan niya.
Bahagyang natawa naman si Mr. Mijares sa ginagawa ko na iyon. "Huwag ka matakot sa akin, Miss Quintana... May itatanong lamang ako sa iyo kung saan kailangan ko ng opinyon mo," pagpapakalma sa akin ni Mr. Mijares, "Maupo ka..."
Agarang umupo ako sa inaalok niyang upuan. Gayun pa man ay napakunot ako ng noo sa kung ano ang itatanong niya sa akin para hingin ang opinyon ko.
"Mabuti na lamang talaga nandito ka sa aming kompanya... Kaya magiging madali na lang ang pinoproblema ko," komento pa ni Mr. Mijares.
"A-Ako po?" nalilitong bulalas ko at itinuro ang sarili ko, "P-Pero sa anong problema ko naman po kayo na matutulungan? O-Ordinaryong e-empleyado lang po ako at wala po ako masyadong alam sa pagpapatakbo ng kompanya."
Bahagyang napahalakhak muli si Mr. Mijares. "Huwag ka mag-alala dahil wala kinalaman doon ang itatanong ko. Pero marahil naririnig mo na ang balita na malapit nang grumaduate sa kanyang PhD studies abroad ang anak ko," nakangiting sambit ni boss.
Itinango ko ang ulo ko dahil narinig ko na minsan sa kwento ni Violet ang tungkol sa anak niya. Na ito ang hahalili sa kanya bilang CEO ng kompanya.
Masayang pinagdaop ni Mr. Mijares ang kamay niya saka ipinatong ito sa ibabaw ng kanyang mesa.
"Nais ko siya bigyan ng regalo sa magandang achievement niyang ito..." pagpapatuloy ni Mr. Mijares sa sinasabi niya, "Kaya nais ko alamin ang opinyon mo sa bagat na ito. Ano sa tingin mo ang magandang iregalo sa kanya?"
"Eh?" gulat kong sambit sa hindi inaasahang takbo ng aming usapan.
Hindi ko maintindihan kung bakit hinihingi ni Mr. Mijares ang opinyon ko sa bagay na ito. Unang una ay hindi naman ako malapit sa aking boss para hingan niya ng opinyon. Pangalawa naman ay hindi ko personal na kilala ang anak niya para malaman ko kung ano ang magandang iregalo sa kanya.
Problemadong napakamot ako ng batok. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya sa oras na ito. Hindi ko alam kung isang pagsubok lang ba ni boss ito sa akin. Na kapag mali ang isinagot ko ay bigla na lang niya maiisipan na alisin ako sa trabaho.
"B-B-Boss... A-Ano kasi..." hindi ko malamang sasabihin.
Ngumiti si Mr. Mijares at umaasang tinignan ako sa mga mata. "Kahit ano sa tingin mo..." pagpupumilit pa niya, "I really need your opinion about this."
Lalo ako nanlumo at malalim na napaisip. Hindi ko talaga alam ang isasagot sa kanya.
Tila nahalata naman ni Mr. Mijares ang kahirapan ko sa tinatanong niya. "Let's see..." napaisip na komento muli ni boss, "Ano ba ang gusto mong iregalo sa boyfriend mo?"
"Sa b-boyfriend ko po?" gulat na pag-ulit ko.
Siyempre unang pumasok sa isipan ko ay si Apollo. Ngunit gawa lamang siya ng imahinasyon ko para mabigyan ko ng mga regalo. Kaya hindi ko pa kailanman siya naregaluhan mula sa tatlong taon na pagiging magkarelasyon namin sa aking panaginip.
Nahihiyang napayuko tuloy ako ng ulo. "A-Ang totoo po kasi niyan, boss... Hindi pa po ako nagkaka-boyfriend," pag-amin ko, "K-Kaya wala po akong ideya sa mga pwede iregalo sa mga lalaki. Sa tingin ko po ay mas maraming alam kaysa sa akin si Violet sa ganitong bagay."
Gulat na napatingin naman sa akin si Mr. Mijares. "Really?! You've never been in a relationship?" hindi pa makapaniwalang sambit ni boss, "Sa ganda mo na iyan, Miss Quintana?"
Nahihiyang itinango ko ang ulo ko. "Opo eh... K-Kaya sa tingin ko ay hindi ako makakatulong sa inyo," humihinging paumanhin na sambit ko.
Napatapik ng kanyang daliri sa mesa si Mr. Mijares. Halatang ayaw niya pa rin ako pakawalan sa oras na ito.
"Then tell me na lang kung ano ang gusto mong iregalo sa magiging boyfriend mo," pagpapatuloy ni Mr. Mijares na hindi ko inaasahan.
Natameme ako. Akala ko ay susuko na siya sa pagtanong ng opinyon ko pero heto pa rin siya ay pinahihirapan ako.
"Err... K-Kung sakali po na m-magkaka-boyfriend ako... S-Siguro reregaluhan ko po siya ng relo?" sambit ko na lamang dahil napatingin ako sa suot na relo ni Mr. Mijares.
"Oh I see!" masayang komento ni boss bago yumuko na tila ba may kinukuha sa ilalim ng kanyang drawer.
Napasinghap na lang ako nang maglabas siya ng mga brochure ng mga branded na relo at iniabot niya sa akin ang mga iyon.
"Hihingin ko na rin ang opinyon mo sa pagpili ng relo," nakangiting sambit muli ni Mr. Mijares, "Don't mind the price. Just choose for me, okay?"
"Eh?!?"