Katulad ng aking inaasahan ay dinala ako ni Glyden sa isang mamahaling restaurant. Ngunit sa pintuan pa lang ng restaurant na iyon ay nagsusumigaw na ang sosyalin na ambiance nito.
Kaya agarang napangiwi ako at napatingin sa mga sinuot kong damit. Masasabi ko na tugma naman ito sa restaurant pero gayun pa man ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng pagka-out of place. Masyadong mataas para sa akin na pumasok sa ganoong kainan.
"Uhmmm t-teka... Dito ba talaga tayo kakain?" kinakabahang pagtatanong ko kay Glyden at binigyan siya ng nagmamakaawang tingin para lumipat kami.
Malawak na ngumiti naman si Glyden. "Yes Savannah," buong pagmamalaki pa niyang sambit, "From what my friends said, masasarap ang mga food na sine-serve rito kaya alam ko na magugustuhan mo," hindi nakakaramdam na sambit naman niya.
"Err... P-Pero hindi afford ng budget ko rito, Glyden," pagrarason ko na lang, "Kung sa iba na lang kaya tayo kumain? Marami naman mga fastfood dito eh. Kahit sa mga budget friendly na restaurant na lang."
Humalakhak si Glyden bago iniling iling ang kanyang ulo. "Don't worry. Ako ang nag-aya sa iyo kaya sagot ko ang kakainin natin dito," hindi sumusukong sambit niya, "And I already reserved a table for us."
Sa ipinaalam na iyon ni Glyden ay hindi na ako nakaimik pa. Dahil sa nanghihinayang ako sa ibinayad niya para lang magpa-reserve roon. Baka nga kasing halaga iyon ng tatlong buwan na sweldo ko.
"So let's go?" nakangiting pagyaya pa sa akin ni Glyden.
Humugot na lang ako ng malalim na hininga bago malakas na pakawalan ito. Pagkatapos ay napipilitan na sumama ako sa kanya papasok sa restaurant na iyon.
Hindi ko naman kasi akalain na sa ganitong kamamahaling lugar pa niya naisipan dalhin ako para basted-in lamang siya. Nakakaramdam tuloy ako ng konsensiya sa binabalak kong gawin.
Kung sa susunod na lang kaya naming pagkikita ko gawin iyon?
Pero kapag hindi ko naman ginawa agad iyon ay parang binigyan ko lang din siya ng false hope. Kaya dapat ko na talaga tapusin sa araw na ito ang anumang kahibangan niya sa akin.
"Good afternoon, Ma'am, Sir," agarang pagbati sa amin ng isang waiter pagkapasok pa lang namin sa pintuan.
Iyon nga lang medyo nagulat ako kung gaano kagwapo ang mga waiter sa loob ng restaurant. Para bang lalo tuloy ako namukhang dugyot sa lugar na ito.
"Hello. We have a reservation," taas noong pagbibigay alam ni Glyden at bigla na lamang inakbayan ako.
Tinignan ko na lamang ang kamay na iyon ni Glyden at nagtimpi na huwag ito na alisin. Ayoko naman kasi ipahiya siya sa harapan ng waiter na iyon.
Ngunit pagtingin ko sa waiter at mariing nakatuon ang tingin nito sa kamay ni Glyden na nakapatong sa balikat ko. Hindi ko alam pero may rumehistrong kakaibang ngisi sa labi pa niya bago binalingan ng tingin muli si Glyden.
"Wait a minute, sir," magalang na sambit naman ng waiter saka kinuha ang listahan nila ng mga reservation, "Anong name po nila?"
"Glyden Soriano," pagbibigay alam ni Glyden sa waiter.
Mabilis na pinadaanan naman ng tingin ng waiter sa hawak niyang clipboard pero pagdaan ng ilang sandali ay napakunot ito ng noo. Nagpalipat lipat din siya ng papel para siguraduhin ang anuman na naroroon.
"Uhmmm sir...?" nag-aalangan na sambit pa ng waiter, "May copy po ba kayo ng proof of reservation niyo? Pwede ko po ba makita?"
"Why?" medyo nagtataka na sambit ni Glyden, "Is there a problem?"
Napatikhim ang waiter. "May reservation nga po kayo sa amin, Sir Glyden, but tomorrow pa po ang naka-schedule na date," problemadong komento ng waiter at pinakita ang hawak na listahan kay Glyden.
Pareho naman namin na sinilip iyon ni Glyden at katulad ng sabi ng waiter ay bukas pa nakalista ang reservation niya.
"What?!" hindi natutuwang bulalas ni Glyden na siyang nakakuha ng maraming atensyon mula sa mga kumakain sa loob, "I'm sure na ngayon ako nagpa-schedule sa inyo. Not tomorrow! Do something about this!"
Hinawakan ko naman si Glyden sa kanyang balikat para kumalma. Ngunit nagmamadali na nilabas pa ni Glyden ang phone niya para lang ipagduldulan sa waiter na ngayon siya na nagpa-reserve.
Tinignan naman iyon ng waiter at maya maya ay pumasok ito sa loob para may kausapin. Pagkatapos ng ilang sandali ay bumalik na rin ito.
"Sorry po, sir. Mukhang nagkamali po ang kasamahan namin sa paglalagay ng inyong reservation," paghingi ng paumanhin ng waiter, "Willing naman po ang manager namin for a refund."
Hindi maipinta ang mukha ni Glyden. Nasira kasi ang plano niya para magpakitang gilas sa akin.
"f**k! Just give us any available table now," asar na asar na sambit ni Glyden at matalim na tinignan ang kaharap namin na waiter.
Nagkatinginan pa muna ang mga waiter na naroroon sa bawat isa. "Then follow me, sir, ma'am," napipilitang sambit ng waiter bago tuluyan na kami pinapasok sa restaurant na iyon.
Iyon nga lang ang table na ibinigay sa amin ay nasa pinakasulok at pinakatagong na lugar. Dahil doon ay nagtataka na napatingin tuloy ako sa mga waiter pero agaran sila na mga nag-iwas ng tingin sa akin.
Hindi ko alam kung ginagawa ba nila ito dahil sa mukha kaming mga walang pambayad. Na hindi namin mga ka-level ang ibang mayayamang customer nila na kumakain doon. Isang paraan ng discrimination nila kumbaga.
Ngunit tila hindi nakaramdam sa pakikitungo na iyon si Glyden at nauna pa siya naupo roon. Ni hindi man lang nito naisipan na ipag-urong ako ng upuan.
Napailing na lang tuloy ako ng aking ulo bago umupo sa upuan na para sa akin. Mukhang ang kaninang pagdadalawang isip ko na basted-in siya ay nawala na.
He is really out now. Hindi ko nagustuhan ang anuman na inasta niya sa harapan ng waiter. Well, may pagkakamali naman talaga ang restaurant pero hindi naman dapat siya nag-eskandalo kanina kung dito pa rin naman pala kami kakain na dalawa.
"Here is the menu," pag-abot ng kaninang waiter na sumalubong sa amin sa pintuan.
Nagturo naman kung ano roon na putahe si Glyden at hindi man lang niya naisipan na tanungin ang opinyon ko sa gusto kong kainin. Mukhang ginagawa niya iyon dahil siya naman din ang magbabayad ng aming kakainin.
Dahil doon ay mas malakas na napabuga ako ng hininga. Hindi ko talaga makita na boyfriend material si Glyden. Sadyang gwapo at mabait lang siya pero sa ibang bagay ay bagsak na siya.
"Urrgh! Parang na-miss ko bigla si Apollo," bulong ko pa sa aking sarili, "Walang wala siya sa pagiging maginoo ni Apollo."
Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ang mga inorder ni Glyden. Nang maamoy ko pa lang iyon ay naramdaman ko ang pagkalam ng aking tiyan. Medyo hindi ako nakakain kaninang umaga kaya hindi na nakakapagtaka na nagugutom ako ngayon.
"Enjoy your meal, ma'am, sir," magalang na sambit pa ng waiter bago iniwanan kami sa table na iyon.
Nang kainin ko ang pagkain na inilapag sa harapan ko ay agarang napapikit ako sa sarap. Mukhang tama ang sinabi ni Glyden na masasarap ang pagkain sa restaurant na ito. Kaya pilit niya gusto na kumain kami na dalawa rito.
*cough cough cough!*
Ngunit kabaliktaran ng reaksyon ko ang naging reaksyon ni Glysen. Sunud sunod na napaubo siya at mabilis na nilagok ang tubig sa gilid ng kanyang pinggan. Kaya nagtataka naman ako napatingin sa ginawa niyang iyon. Para naman kasi kung umasta siya ay may mali sa pagkain namin.
Malakas na inihampas ni Glyden ang kamay sa ibabaw ng mesa para makasanhi ito ng malakas na ingay.
"What the hell?! Bakit ganito ang lasa ng pagkain ko?!" malakas na pagrereklamo pa niya.
Sa lakas ng boses niya ay muling napatingin sa aming gawi ang ilang customer na kumakain din doon. Galit na galit na tumayo pa si Glyden sa inuupuan niya at hindi niya napansin na may isang waiter na dadaan na may dalang tray. Dahil sa naurungan ni Glyden ang waiter na iyon ay bumuhos sa kanya ang lahat ng inumin na dala nito.
"What the f**k!" malakas na paghiyaw muli ni Glyden.
"Sorry po, Sir!" agarang paumanhin naman ng waiter na nakatapon ng inumin kay Glyden.
Hindi maipinta ang mukha ni Glyden sa nangyari. Nagmukha lang naman siya basang sisiw sa gitna ng mamamahaling restaurant na iyon.
Agarang tumayo naman ako para tulungan si Glyden na mapunasan ang kanyang sarili. Ngunit nagulat na lang ako ng malakas na tapikin niya ang kamay ko palayo. Sa nangyari ay napasimangot na ako at sinamaan ng tingin si Glyden. Ako na nga itong nagmamagandang loob na tumulong sa ginawa niya.
Pero ramdam ko ang pagkaroon ng matinding tensyon sa aming paligid. Na para bang may isang bomba na sasabog na lamang. Dahil doon ay kinakabahan na nagkatinginan ang mga waiter sa bawat isa.
"Is that you, Miss Quintana?" biglang pagtawag sa akin ng isang pamilyar na boses na siyang bumasag sa tensyon na iyon.
Paglingon ko naman ay malakas na napasinghap ako nang makilala kung sino ang nakakita sa akin sa nakakahiyang eksena sa restaurant na iyon. Walang iba lang naman kundi si Mr. Mijares.
"B-B-Boss..." hindi ko malamang sambit, "N-Nandito rin po pala kayo..."
Ngunit malamig na nakatuon ang tingin ni Mr. Mijares kay Glyden. Para bang gusto niya na hatulan ito sa isang kasalanan na ginawa nito.
"Mukhang kailangan ng umuwi ng kasama mo," pagpuna pa ni Mr. Mijares, "He looks very funny right now."
Doon ay lalong namula sa galit ang mukha ni Glyden. Pagkatapos ay bigla na lamang siya lumabas ng restaurant ng wala man lang pasabi. Hindi man lang din ito nagpaalam sa akin na aalis na siya.
Pero ang pinakamatindi ay iniwanan niya ako sa restaurant na iyon na hindi pa bayad ang aming kinain.
Urrrgh! Paano na ito?!
Hindi ko afford kahit juice nga lang dito!
Ano ang ibabayad ko ngayon dito?
Problemadong napahawak ako sa aking noo. Hindi ko alam kung ilang kahihiyan ang ibibigay sa akin ni Glyden sa araw na ito. Mukhang maghuhugas na lang ako ng mga pinggan para mabayaran ang mga iyon.
"Tapos ka na bang kumain, Miss Quintana?" pagtanong naman sa akin ni Mr. Mijares.
"Uhmmm... o-opo boss," pagsisinungaling ko pero biglang malakas na tumunog ang tiyan ko.
Nahihiyang napatakip tuloy ako ng kamay sa aking mukha. Sa lahat naman kasi na makakasaksi ng nangyari ay ang boss ko pa.
Anong mukha ang ipapakita ko ngayon sa opisina nito?
Napatikhim muna si Mr. Mijares para pigilan ang sarili na matawa. "Since wala ka naman din na kasama at mag-isa naman din ako, join me," nakangiting pagyaya sa akin ni Mr. Mijares.
Nahihiyang inilibot ko naman ang tingin. "P-Pero kasi b-boss..." hindi ko malamang sambit, "N-Nakakahiya po kung sasaluhan ko po kayo..."
"It's fine!" pagpupumilit ni Mr. Mijares, "Isipin mo na lang na ito ang pagpapasalamat ko sa pagtulong mo sa akin na makapili ng regalo sa anak ko."
"Eh?" hindi ko pa rin malaman na gagawin.
Ngunit muling tumunog ang tiyan ko para muling mapatakip ng kamay sa aking mukha. Wala na rin ako nagawa nang biglang igiya ako ng mga waiter patungo sa nireserbang table ni Mr. Mijares.