Base na rin sa ibinigay na prediksyon ni Violet ay nagkatotoo na maraming kadalagahang empleyado ang biglang nabago ang mga itsura pagsapit na pagsapit ng Monday. May mga nagpa-rebound, nagpa-kulay, nagpa-brazilian, nagpa-cellophane at kung anu ano pang treatment na maaaring gawin sa buhok nila. Hindi na nga rin nakakapagtaka kung may mga nagpa-facial at nag-body scrub pa sa mga ito. Kaya malamang ang mga taga-salon ang tuwang tuwa mula sa laki ng kinita nila nitong weekend. Kaso nga lang dahil sa tindi ng amoy ng gamot sa kanilang mga buhok ay napangiwi at agarang napatakip ng kanyang ilong si Savannah. Dahil sa humahalo at nanunuot lang naman ang amoy ng anumang kemikal na pinahid sa mga buhok nila mula sa pag-ikot ng hangin ng aircon. Para tuloy siya nasa loob ng bagong linis na cr kun