"N-No way... I-Is that you, A-Apollo?!" Tuwang tuwa na pinagmasdan ko siya at nagsimulang mangilid ang mga luha ko sa mata. Dahil ang taong aking mahal na mahal at pilit na kinakalimutan ay naririto na ngayon sa aking harapan. Hindi ko alam kung anong himala ang nangyari para mangyari ito. Pero gayun pa man ay hindi mapaglagyan ang aking saya. Sa kakaibang inakto ko na iyon ay nagsimula naman magbulungan ang mga chismosa kong mga ka-trabaho. Makikita ang mga pagtataka nila kung paano ko nga ba nakilala ng personal ang anak ni Mr. Mijares. Lalo pa na ngayon lang naman ipapakilala ni Mr. Mijares sa publiko ang kanyang nag-iisang anak. Ngunit kung nagtataka sila kung paano ko ba nakilala si Apollo ay labis na naguguluhan naman ako sa sitwasyon na ito. Dahil ang Apollo na siyang likha ng ak