Malakas na napabuntong hininga ako habang nakatingin sa aking mga unread chat sa phone. Kung nitong nakaraang buwan ay ako ang sumusubok na umiwas kay Myca ngunit sa isang iglap nabaliktad na lamang ang sitwasyon naming dalawa. Si Myca naman ngayon ang hindi sumasagot sa mga text at chat ko sa kanya. Marahil ginagawa niya ito dahil na rin sa ginawang eskandalo ng kapatid niya nang magsalo salo kami sa kanyang bahay. Alam ko na siya ang pinaka-apektado sa pangyayari na iyon. Wala siyang kaalam alam na may ganoong tinatagong pag-uugali ang kanyang kapatid. Na gagawa ito ng walang kabuluhan na eskandalo para lang ipilit ang kanyang nais. Isang gawain ng lalaki na masyadong mataas ang tingin sa sarili. "Hay...." muling napabuga na lang ako ng buntong hininga bago nanlulumo na inilapag sa iba