Napakunot ako ng aking noo dahil hindi ko man lang namalayan na dumating na ang oras ng aming uwian. Natauhan na lamang ako sa nangyayari sa aking paligid nang marinig ang kanya kanya na pag-aayos ng mga katrabaho ko ng kanilang gamit. Nag-uunahan pa nga ang mga ito sa pagsukbit ng kanilang mga dalang bag dahil may mga pupuntahan na lakad pa sila. "Savannah, hindi ka pa ba aalis?" taas kilay na pagpansin naman sa akin ni Violet dahil pa rin ako tumatayo sa pagkakaupo, "Aba akala ko ba ay may lakad kayo ni Zeus? Hindi na ba kayo tuloy na dalawa?" Napaisip naman ako sa tinutukoy niya na lakad hanggang sa maalala ko na inaya ko kaninang umaga si Zeus na samahan ako sa pamimili ng gamit sa bago kong tirahan. Nawala sa isip ko ang gagawin ko na iyon kung hindi lang pinaalala sa akin ni Violet