"Savan... nah." "Savannah, nandito... na tayo..." Natauhan ako mula sa pagkatulala sa kawalan nang marinig ang paulit ulit na patawag na iyon ni Zeus. Napakunot pa ako ng aking noo habang iniisip kung saan nga ba kami nagpunta na dalawa. Pagtingin ko naman sa labas ng kotse ay nakita ko ang isang pamilyar na mall. Doon ko lang naalala na may usapan nga pala kami na mamili ng gamit sa bago kong bahay. Kaya wala sa isip ko na dito kami ngayon dumiretso sa pinakamalapit na mall. "A-Ah n-nandito na pala tayo," sambit ko bago dali dali na tinanggal ang pagkakabit ng seatbelt sa akin. Nag-aalala na tinignan naman ako ni Zeus at kinapa ang aking noo. "Ayos ka lang ba, Savannah?" concern na tanong niya, "Hindi ka umimik magmula na sumakay tayo rito." Pilit na ngumiti naman ako sa kanya. "Pa