Natameme ako sa madamdamin na inihayag na iyon ni Sir Apollo. Para kasi sinasabi niya na sinasadya ko na pag-alalahanin siya sa akin. Kahit hindi ko naman intesyon iyon. Wala naman akong balak na kuhanin sa ganoong paraan ang atensyon niya o ano. Sa totoo lang ay hindi ko naman gusto makita niya ako bilang mahina na tao. Pero sa tuwing magkakasama kami ay iyon ang nangyayari. Magmumukha ako na isang babae na nangangailangan palagi ng kanilang proteksyon. Ayoko naman na maging ganoon ang pagturing nila sa akin. "S-Sir..." utal na pagtawag ko sa kanya. Tila natauhan naman si Sir Apollo sa kanyang sinabi na iyon at agarang napaiwas agad ng tingin sa akin. Gayun pa man ay maingat na pinagpatuloy niya ang pagbabad ng kamay ko sa tubig na inilalabas ng bukas na gripo. Sinisigurado niya na hin