"Miss Quintana, are you sure na hindi ka sasabay?" nag-aalalang pagtatanong ni Mr. Mijares sa akin, "On the way naman din ang bahay mo sa pupuntahan ko. Kaya it is really fine kung sumabay sa aking kotse. That way makakatipid ka na rin sa pamasahe." Mabilis na iniling ko ang ulo ko para tanggihan ang alok ng boss ko na ihatid pa ako sa aking bahay. Hindi ko na talaga alam kung bakit ganito kabait ang pakikitungo niya sa akin. Kulang na lang kasi ay isipin ko na totoong may gusto siya sa akin. Ngunit alam ko sa sitwasyon na ito na hindi makakabuti para sa akin na pumayag na sumakay sa sasakyan niya. Baka kasi may makakita sa amin na empleyado ng kompanya at magawan pa ng isyu ito. Ayoko naman na talagang pagkamalan na kabit ng aming boss. Marahil bilyonaryo si Mr. Mijares pero hindi ako